Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23

"Ang hirap ng buhay apo. Sana magsilbing leksyon ito sa inyo." Nang makarating sila sa airport ay hindi na bumaba ang kanyang lola at siya na lang ang sumundo kay Gab.

"Sandali ka lang Andrea. Kapag wala ka pa dito sa loob ng limang minuto ako mismo kakaladkad sa lalaking 'yan!"

"Opo." Inabot ni Lola Patricia ang payong sa dalaga.

Pinuntahan niya si Gab sa huling lugar kung saan siya umupo at nandoon pa rin siya. Basang-basa siya ng ulan at nakatulala lang.

Nilapitan niya si Gab at pinayungan ito.

"Kahit kalian talaga ang engot engot mo Gabrielo!" sigaw ni Andrea. Unti-unting inangat ng binata ang ulo niya at napangiti ito sa nakita.

"Hindi mo ako matiis no?" nakangiting sabi ni Gab.

Yayakapin na sana siya ng binata ngunit umilag ito.

"Hindi pa tayo bati." masungit na sabi ni Andrea.

"Please pakinggan mo naman ako. Hindi ko magagawang lokohin ka babe." seryosong sabi ni Gab.

"Bakit kasama mo si Troyan sa kwarto?"

"Nagbibihis ako noong nadatnan mo kami. Hindi ko alam na naghuhubad na pala siya sa likuran ko." Paliwanag ni Gab.

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Sorry kung pinagselos kita. Akala ko kasi hindi mo ako mahal." nahihiyang sabi ni Gab. Hindi niya alam kung bakit rin niya ginawa iyon. Gusto lang naman niyang mapatunayan ang pag-ibig ng kasintahan niya.

"Hindi mahal? Halos ibigay ko na sa'yo ang lahat Gab. Hindi pa ba sapat 'yun? Magkaka-anak na tayo Gab hindi ka pa rin naniniwalang mahal kita?!" sigaw ni Andrea. Nagtaka si Gab sa narinig niya at nabitawan rin ni Andrea ang payong na hawak niya.

"Magkaka-anak tayo?" tanong niya.

"Oo pero ang engot mo! Simpleng itlog lang hindi mo pa ako malutuan!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Andrea. Hindi malaman ni Gab kung ano ang gagawin niya. Agad niyang nilapitan si Andrea at binuhat ito. Halos maluha siya sa narinig at nagsisisi siya sa ginawa niya. At kung bakit hindi niya napansin na may nabago kay Andrea. Nawala na rin sa isip niya na posibleng buntis ang kasintahan dahil minsan lang nila ginawa iyon.

"Kung kinakailangang mag aral ako sa culinary school para ipagluto ko lahat ng gusto mo gagawin ko." agad na sabi ni Gab. Hindi rin mapigilan ni Andrea ang mapaiyak habang pinagmamasdan niya si Gab at kung gaano ito kasaya sa narinig niyang balita. Niyakap niyang mahigpit ang dalaga at halos hindi na ito makahinga sa sobrang higpit.

"Hindi mo na uulitin?" tanong ni Andrea.

"Tumalon man ang bato, hindi ko na sasaktan ang puso mo." pangako niya. Pakiramdam nila ay nawala ang lahat ng sakit na dinadala nila ilang araw na ang lumipas.

"Akalain mo yun. Naka 3 points ako." biro ni Gab.

"I love you.." sambit ni Gab. Hinawakan niya ang mukha ni Andrea at tinitigan ito.

"Always forever." sagot ng dalaga. Hahalikan na sana ni Gab si Andrea ngunit isang baston ang humarang sa mga mukha nila.

"Sumakay ka sa tricycle Andrea. Ikaw lalaki bumalik ka na ng Maynila." Hinila ni Lola Patricia ang kamay ni Andrea at inilayo ito sa kanya.

"Lola.." natatakot na sabi ni Andrea. Hindi naman binitawan ni Gab ang kamay ng kasintahan dahil ayaw niyang malayo dito.

"Bitawan mo yang apo ko kung ayaw mong ipakain ko sa'yo tong baston ko!" pananakot ni Lola Patricia.

Unti-unting binitawan ni Gab ang kamay ni Andrea upang sundin ang lola ng dalaga.

"Anong pangalan mo?" tanong ng kanyang lola.

"Gabrielo Jose po." sagot ni Gab.

"Sa tindig mo mukhang hindi mo mabubuhay ang mga apo ko." Lumapit si Gab upang mag-mano sa matanda ngunit hinarangan niya ito ng baston niya.

"Gagawin ko po lahat para kay Andrea at sa anak namin." Lakas-loob na sabi ng binata.

"Anong trabaho mo?"

"Nag-aaral palang po ako Lola. Pero handa akong magtrabaho ng kahit ano para sa kanila."

"Huwag mo akong tawaging Lola hindi kita apo."

"Sorry po." sambit ni Gab. .

"Bumalik ka dito kapag may trabaho ka na. Simula ngayon sa akin na titira si Andrea at ayoko ng makita ang pagmumukha mo."

"Pero Lola .." pagtutol ni Andrea.

"Walang pero-pero Andrea. Sumakay ka na sa tricycle. Tuturuan ko kayo ng leksyon. Masyado kayong mapusok. Ni hindi niyo nga alam kung paano maglaba ng panty at brief niyo."

"Babalik po ako ng Maynila kapag kasama ko si Andrea." sabi ni Gab. Lumapit siya kay Andrea at hinawakan ang kamat nito.

"Ako pa rin ang lola ni Andrea. Kung yan ang gusto mo sumama ka sa amin pero huwag mong aasahan na tatratuhin kita bilang apo. Matapos ang ginawa mo sa kanya kailangan mong ipakita sa akin na karapat-dapat ka." huling salita ni Lola bago ito sumakay sa tricycle.

"Bumalik ka na Gab. Susunod ako." sabi ni Andrea.

"Hindi Andrea. Hindi ko kayo papabayaan ng anak ko. Kaya ko magtiis para sa inyo. Sabay tayong babalik sa Maynila."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro