22
Sumakay na ng jeep si Andrea at hindi na ito lumingon pa dahil alam niyang masasaktan lang siya. Napatingin ito sa langit at nagbabadya ang malakas na ulan. Malayo na rin ang narating ng jeep at hindi niya alam kung paano bumalik.
Nang bumuhos ang malakas na ulan ay hindi mapakali si Andrea dahil alam niyang naghihintay si Gab sa kanya.
"Manong sa tabi lang po." sigaw ni Andrea.
"MANONG PARA PO!" pamimilit niya ngunit hindi siya pinapansin ng driver.
"Sorry Miss. Bawal po bumaba dito. Don pa po tayo sa mga terminal."
"Manong please." pagmamaka-awa ng dalaga.
"Sorry po Mam. Mahuhuli po kasi ako ng mga enforcer."
"Kuya kayo mahuhuli ng enforcer pero pwede niyong suhulan. Ako kapag hindi ako bumaba dito, habang buhay kong pagsisisihan 'to. Nasa airport yung taong mahal ko. Oo nagkamali ako pero na-realize ko na hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. " Natahimik ang lahat sa sinabi niya at biglang huminto ang jeep sa gitna ng kalsada. Nag-sorry si Andrea sa mga pasahero ngunit naintindhan nila ito at tinulungan pa siyang makatawid.
Nagsimulang naglakad si Andrea pabalik at hindi ininda ang malakas na ulan. Sumisilong na lang ito kapag may nadadaanan siyang waiting shed. Paalis na sana siya ngunit isang matanda ang humawak sa balikat niya.
"Andrea. Ikaw ba 'yan?" Tinitigan ni Andrea ang matanda sa harapan niya at hindi siya maaring magkamali, siya ang Lola Patricia niya.
"Lola?" Ilang taon na ang nakalipas ngunit natatandaan pa niya ito..
"Bakit hindi ka nagsabi na darating ka. Sana napasundo kita." Habang pinagmamasdan ni Andrea ang lola niya ay nakaramdam ito ng kaba.
"Paano niyo po ako nakita?" tanong ng dalaga.
"Nagpunta ako sa bayan para mamalengke. Hindi man kita nakikita palagi pero kilala pa rin kita."
Agad nagmano si Andrea sa lola niya at niyakap niya ito.
"Bakit ka ba pumunta dito?" Hindi makapagsalita si Andrea ngunit naramdaman niya ito ng Lola niya
"Ganyan din ang hitsura ng nanay mo noong may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya masabi." wika niya.
"Buntis po ako." Nakayukong sabi ni andrea. Hindi nakaligtas si Andrea sa baston ng lola niya at ipinbalo ito sap wet niya.
"Matapos kayong magpasarap tatakbo kayo." Napayakap na lang si Andrea sa kanya dahil naiintindihan niya ito.
"Mahal ko po siya."
"Mahal mo siya pero papanindigan ka ba?" tanong ng kanyang Lola. Hindi alam ni Andrea kung ano ang isasagot niya dahil hindi rin alam ni Gab ang tungkol dito.
"Mga kabataan ngayon konting tibok ng puso handang hamakin ang lahat."
"Ako na magdadala ng gamit mo baka mapano ka pa. Kailangan na natin umuwi baka abutan tayo ng baha." Alam ni Andrea na magagalit ang lola niya ngunit hindi niya kayang iwan si Gab gayong alam niya na may bagyong paparating.
"Nasa airport po siya lola. Hinihintay niya ako." mahina niyang sabi.
"Kikilalanin ko yang lalaking yan Andrea. Kung talagang mahal ka niya, papanindigan ka niya. Pareho kayo ng nanay mo. Matigas ang ulo. Magpapabuntis tapos tatakbo kayo. Sumakay ka na sa tricycle." itinuro ni Lola Patricia ang tricycle gamit ang baston niya.
"Sorry po." nahihiyang sabi ni Andrea. Sumunod siya sa lola niya dahil alam niya kung paano magalit ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro