20
"Tangina Dillan san mo dinala yung girlfriend ko. Minsan lang ako magpamiss sa kanya palpak pa yung plano ko."
Napuntahan na halos nila Cheska at Gab ang mga lugar na pwedeng puntahan ni Andrea pero wala siya. Hindi mapigilan ni Gab na sisihin ang sarili sa nangyari, Kung hindi niya inagselos si Andrea, hindi hahantong sa ganito ang lahat.
"Ano ka ngayon Gab? Lahat na napuntahan natin." sabi ni Cheska. Pagod na rin sila at hinihingal na dahil kung saan-saan na sila napadpad ngunit hindi nawawalan ng pag-asa ni Gab.
"Hindi ko kakayanin kapag nawala siya." Napasuntok ito sa pader at iniisip kung saan pa pwedeng pumunta si Andrea.
"Mapapatay ko 'yung lalaking 'yon!" galit na sabi ni Gab. SaaHindi niya alam kung saan dinala ni Dillan ang kasintahan niya.
"Hindi mo masisisi si Andrea. Kabahan ka kapag nainlove ulit 'yon kay Dillan." Lalong napuno ng galit si Gab kaya umalis muli ito at naglibot hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa isang unknown mumber.
"Sino to?"
"Gab.."
"Gago ka nasaan si Andrea?"
"Sinong mas gago sa atin. Pinabayaan mo siya."
"Nasaan siya?"
"Aalis na si Andrea at ayaw ka na niyang makita."
"Sagutin mo ko Dillan. Nasaan si Andrea!?" Inagaw ni Cheska ang cellphone kaya siya na ang nakipag-usap.
"Hoy Dillan alam ko gwapo ka pero hindi ka uubra sa akin. Nasaan ang bestfriend ko? Babalatan kita ng buhay." Natahimik lang si Cheska at tinignan si Gab. Hindi alam ni Gab kung bakit ganoon na lamang kaseryoso ang pinag-uusapan nila at hindi nila ito masabi sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro