2
GAB POV
Isang taon na ang lumipas at ang dami nang nabago. Napag-iwanan na nila ako pero wala akong pinagsisisihan.
Si Gabriela, umalis na ng bansa at sana hindi na bumalik pa.
Si Dillan bigla na lang nawala at huli kong nakita sa airport. Alam ko mahal niya si Troyan pero hindi siya kayang mahalin ng babaeng mahal niya.
Si Cheska naman ay naging si Francisco na. Pina-ibig niya si Troyan at iniwan ito bandang huli. Hindi ko masisisi si Cheska dahil buhay ng bestfriend niya ang nasira at kahit papano ay nakaganti siya. Ang ending, umalis ng bansa si Troyan. Hindi nakayanan ang sakit.
Maraming nagbago sa kanila pero ako ganito pa rin. Nangungulila sa sakit na nararamdaman.
Isang taon na ang lumipas nang iwan kami ni Eggnog. Masakit pa rin sa akin ang nangyari dahil matapos akong iwan ng anak ko ay si Andrea naman ang unti-unting nawala sa akin.
"Happy new year Andrea. Happy new year Eggnog." bati ko sa kanila.
Matapos ang isang taon ay ngayon palang ako papasok sa kwarto namin. Wala pa kaming isang araw ni Andrea sa kwartong to pero pakiramdam ko buong buhay namin ang nandito.
Tinanggal ko ang cake sa loob ng box at itinabi sa picture frame ni Eggnog. Iginuhit ko ito dahil sa pangungulila ko sa kanya.
Sana naglalakad na si Eggnog ngayon. Sana natatawag na niya kaming Mommy at Daddy. Sana nasaksihan ko ang paglaki niya. Sana hindi ako iniwan ni Andrea.
Walang araw na hindi ko sila nakakalimutan. Walang araw na hindi ako lumuluha.
"Tumalon man ang bato, hindi ako magkakagusto sa'yo!" paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko tuwing naaalala ko si Andrea. Yung mga halik niya, mga yakap at pang-aasar niya sa akin ang dumudurog sa puso ko. Paano ko makakalimutan ang lahat ng 'yon? Siya lang ang babaeng minahal ko at wala ng iba.
Tangina pati lasa ng cake ang pait na ngayon. Dito sa lugar na'to namatay ang anak ko. Kung pwede ko lang isaksak na lang sa puso ko ang tinidor na ito para matigil na lahat ng sakit.
Isang taon na ang nakalipas pero ang sakit sakit pa rin. Parang kahapon lang ang mga nangyari.
"Hindi gugustuhin ni Eggnog at ni Andrea na nagkakaganyan ka." Napasilip ako sa pintuan at kanina pa pala nakatayo doon ang Mommy ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit kainin ang cake na ito.
"You'll be fine anak."
"Paano Mom?"
"Minsan dumarating talaga sa buhay natin ang isang tao pero darating din sa punto na iiwan nila tayo." Bakit sa akin pa nangyari 'to? Ang labo naman.
"Mahal ko ang mag-ina ko."
"Mahal ka din nila. May pamilya ka pa anak. Nandito pa kami."
"Nagsisi na si Gabriela at nangako siyang hindi na siya babalik ng Pilipinas."
"Hindi niya maibabalik ang anak ko at si Andrea."
"Why don't you spend this day with her? Malay mo bumalik na siya."
Isang taon nang wala sa sarili si Andrea. Nabaliw siya sa sobrang kalungkutan at maging ako ay hindi niya makilala. Hindi ko kayang makita si Andrea na nagakakaganyan. Unti-unting nadudurog ang puso ko.
"Mamahalin pa rin niya kaya ako?"
"Minsan ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin nalilito. Hindi malaman kung ano ang susundin. Ang isip na nagsasabi ng dapat o ang pusong nagmamahal ng tapat. Hangga't hindi tinatanggal ni Andrea yung singsing sa kamay niya, hindi pa tapos ang lahat. Anak ngayon ka pa ba susuko kay Andrea? Nandiyan lang siya sa kabilang kwarto. Huwag mong sayangin ang pagkakataon." Pakiramdam ko ay natauhan ako sa sinabi ni Mommy. Huminga ako ng malalim at pinuntahan ko siya sa kwarto niya.
Simula nang mawala sa pag-iisip si Andrea ay iniuwi ko siya sa bahay. Gusto kong alagaan siya at ako ang makita niya pag bumalik na siya sa dati. Araw-araw ko siyang pinupuntahan at pinapaalala sa kanya ang lahat. Hindi ko pa kayang isuko siya sa mental dahil naniniwala ako, babalik siya. Ayokong isipin niya na ipinaubaya ko sa iba ang buhay niya. Kaya ko naman. Kahit masakit.
Tumayo ako at binuksan ko ang kwarto niya. Siya pa rin ang Andrea na minahal ko.
"Andrea." tawag ko sa kanya.
"Sino ka? Mamamatay tao ka!" Nakadungaw lang siya sa bintana na parang may hinihintay habang sinisigawan ako.
Kahit araw-araw niya ako kasama ay hindi pa rin niya matandaan ang pangalan ko. Napakasakit na hindi ka maalala ng taong mahal na mahal mo. Dati pangalan ko lang ang bukambibig mo, ngayon daig ko pa ang musmos na namamalimos ng atensyon mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro