Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

Masakit para kay Gab na makita si Andrea na may kasamang iba. Nang makita niya kung paano yakapin ni Dillan si Andrea ay napuno ito ng galit dahil siya sana ang kasama ng dalaga at hindi sana ito umiiyak ngayon.

Magkasama sila nila Troyan at Gabriela dahil ipapakilala sana ng kapatid niya ang boyfriend niya sa kanya. Sobrang iningatan niya si Andrea. Pakiramdam niya ay hindi siya mahal ng dalaga kaya ginawa niya ang isang bagay upang mapatunayan na mahal nga siya ng kasintahan. Nakipaghiwalay ito sa kanya dhail pakiramdam niya ay siya lang ang nag-eefort sa relasyon nila. Minsan iniisip din niya na sicguro nga, hindi niya makalimutan si Dillan na unang minahal niya. Ganoon nga siguro talaga, hindi yung taong nakapaligid sa kanya ang magiging kaagaw mo, kundi ang taong minahal niya ng sobra bago ka.

"Gab are you okay?" tanong ni Troyan. Hindi umimik si Gab at nagpasya itong lumabas muna upang magpahangin.

"Bakit tayo humantong sa ganito Andrea?"tanong sa sarili. Ayaw niyang nasasaktan si Andrea ngunit kailangan nilang mag grow dahil pareho silang baguhan sa isan relasyon. Dati ay puro flirt lang ang alam ni Gab at never pa itong pumasok sa isang relasyon na seryoso.

Naalala niya ang lahat ng kasungitan sa kanya ni andrea ngunit lahat ng ito ay may dahilan.

Maging ang lugar kung saan sila kakain ay pinag-aawayan nila. Kahit allergic siya sa seafoods, hindi niya ito inisip dahil iyon ang gustong kainin ng kasintahan niya. Minsan ay sinisigawan siya ni Andrea at hindi maikakalang takot ito sa dalaga.

Gusto lang naman niyang maramdaman ng dalaga kung ano ba talaga siya para sa dalaga. Hindi rin niya maintidihan kung bakit maging ang mga kaibigan niya ay madalas niyang inaaway.

At ang huling pinag-wayan nila, ay dahil sa simpleng itlog. Halos isumpa na ito ni gab dahil ditto nagsimula ang lahat kaya naghiwalay sila ngunit hindi niya ito ginusto.

"Beer?"Hindi nalamayan ni Gab na nakarating na pala siya sa Arndell at doon niya nakita si Cheska na may hawak na beer.

"Ilang araw na kitang hinahanap. Ano ba ang nangyari sa inyo?" tanong ni Cheska. Siya ang nagging takbuhan ng magkasintahan tuwing may problema silang dalawa.

"Kumusta na siya?"tanong ni Gab. Sobrang namimis niya na si Andrea ngunit kailangan niyang magtiis para sa kanilang dalawa.

"Nagkulong lang naman siya ng apat na araw sa kwarto niya. The best yung Christmas gift niyo sa isa't isa. Breakup talaga?" natatawang sabi ni Cheska.

"Nakakapagod na rin kasi minsan pero alam mo naming hindi ko ginusto iyon. Pinaghirapan ko si Andrea para lang pakawalan siya ng basta basta." paliwanag ni Gab habang umiinom ng beer.

"Ngayon pa ba kayo susuko?" tanong ni Cheska.

"Hindi ko alam. Alam mo namang mahal na mahal ko siya."

"Nagmamatigas lang 'yon." biro ni Cheska.

"Hindi ko nga alam kung mahal niya ba talaga ako"

"Trust me. Mahal ka ng bestfriend ko. Alam ko bawat kilos niya." patunay ni Cheska.

"Pero bakit hindi ko nararamdaman?"

"Hindi marunong mag express ng feelings si Andrea. Kinikimkim lang niya lahat ng sakit ng nararamdaman niya. Kung masaya siya, kuntento na siya na nakangiti siya. Pero deep in side, halos mapunta yung puso niya sa isip niya."

"Alam mo ba noong unang nagbreak kayo? Halos ipagsigawan niya sa lahat na hiwalay na kayo pero pagdating sa amin ni Madisson, umiiyak lang siya maghapon magdamag. Hindi mo ba napapansin na siya ang unang nagsosorry sa'yo? Kasi na guguilty siya." kwento niya.

"Jusko Gab sa dinami-dami ng breakup niyo hindi ko na mabilang kung ilang rolyo ng tissue ang nauubos niya. Hindi mo yun nakikita diba? Kasi natatapakan yung pride niya. Kinain niya lahat ng sinabi niya na hindi ka niya magugustuhan pero ang totoo niyan, hindi ka niya kayang mawala. Kaya ayaw niyang ipakita sa'yo na nasasaktan siya."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin. Nasaktan ko tuloy siya."malungkot na sabi ni Gab. Napahawak ito sa ulo niya at iniisip kung paano magpapaliwanag kay andrea.

"Aba ewan ko. Alam ko kasi magkaka-ayos din kayo."

"Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako." Napasabunot si Gab sa ulo niya at halos mayupi na niya ang beer na hawak niya.

"Itlog lang yang pinag-awayan niyo Gab. Batuhin ko kaya kayo ng itlog nang matauhan kayo"

"Naabutan niya kami ni Troyan sa kwarto kanina."

"What the fuck Gab. Maski ako hindi kita mapapatawad!" Hinampas hampas siya ni Cheska ng grocery na dala niya. Alam niyang wala siyang karapatang magreklamo dahil may kasalanan din siya kay Andrea.

"Teka lang di pa ko tapos." Halos ibato na ni Cheska ang mga lata ng beer na hawak niya ngunit nakakailag naman si Gab.

"Kaya umiiyak yung bestfriend ko sa'yo! Mapapatay kita!!!"

"Walang ibig sabihin lahat ng nakita niya." paliwanag ng binata.

"Ano kami tanga? Gab kwarto yun! Ano nagpapatentero kayo???? naglilinis ganon???'" Nakahanap ng patpat si Cheska at halos ipalo na niya ito kay Gab.

"Patapusin mo muna ako please." pagmamaka-awa ni Gab.

"Umayos ka Gabrielo Jose. Uubusin ko lahi mo!!"banta niya.

"Nagbibihis ako that time. Pumasok lang si Troyan sa kwarto ko. Pero walang nangyari. Hindi ko inaasahan na naghuhubad na siya sa likuran ko kaya lumabas ako ng kwarto. Doon kami naabutan ni Andrea". Alam naman ni Troyan na mali ang ginawa niya ngunit naintidihan ito ni Gab dahil sa sinabi ng kapatid niya na may problema sa pag-iisip si Troyan matapos ang aksidente noon sa pamilya niya.

"Pakshet naman Gab sana tinulak mo na sa hagdan yung bruhang 'yon. Paano mo ngayon sasabihin kay Andrea yan? Napaka-iyakin pa naman non." reklamo ni Cheska.

"Hindi ko sinasadya." paliwanag ni Bab.

"Tarantado ka pala. Naku mapapatay kita Gab pwede mo naman siyang pagselosin sa ibang paraan. Alam mo namang kumukulo dugo non kay Troyan!" galit na sabi ni Cheska.

"Tulungan mo naman ako. Hindi ko alam kung paano magexplain sa kanya."

"Naku Gabrielo Jose humanda ka sa akin! Yan ang hirap sa inyo ni Andrea. Para kayong mga bata. Perfect na sana kayo kaso nawawala yung "TIWALA" niyo sa isa't isa".

Hindi nakapagsalita si Gab dahil si Andrea lang ang nasa isip niya at kung saan siya dinala ni Dillan.

"Ano bang naisipan mo at ginawa mo 'yun ha?! Dahil sa inyong dalawa naglalabasan yung wrickles at pimples ko." reklamo ni Cheska. Malaki ang pasasalamat ni Gab sa kanya dahil marami na siyang naitulong sa kanila ni Andrea.

"Gusto ko sanang magpropose kaso baka tanggihan niya kaya gusto ko makasigurado." Napatigil si Cheska at binitawan ang patpat na hawak niya.

"SERYOSO?" sigaw nito.

"Isang taon na lang gagraduate na tayo. Kaya ko namang magtrabaho para sa amin. Ayoko na siyang mahirapan."

"Tagina Gabrielo inlove masyado? Ayaw na pakawalan si Andrea? You and Me against the world ganern?"

"Nainlove ako eh. Pero don't worry proposal palang naman. Kapag ready na si Andrea, papakasalan ko na siya." biro ni Gab sa kanya.

"Totoo ang nararamdaman ko at hindi ko maimagine ang future ko nang wala siya. Kahit na maging rebulto si "Andres si Gabrielo" wala akong pakialam basta kasama ko ang pinakamamahal ko." Nakangiting sabi ni Gab.

Lumapit sa kanya si Cheska at nakipagkamay ito.

Kevin calling...

Habang pinag-uusapan nila kung paano susuyuin si Andrea ay nakatanggap sila pareho ng tawag mula kay Madisson at Kevin.

"Bakit brad?" tanong ni Gab.

"Bakit sis?" tanong ni Cheska kay Madisson.

"Nawawala si Andrea. Wala rin yung ibang gamit niya dito." Nagkatinginan silang dalawa at nabitawan na lang ni Gab ang beer na hawak niya.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro