18
Kanina pa tulala si Andrea habang nakatingin sa labas. Nagpasya si Dillan na kumain muna sila upang magkaroon ng lakas ang dalaga at kailangan niyang kumain para sa baby niya.
Bumaba ng kotse si Dillan upang pagbuksan si Andrea ngunit hindi niya akalain na makikita niya sina Troyan,Gabriela at Gab sa parehong restaurant na kakainan sana nila.
Agad na niyakap ni Dillan si Andrea at isinubsob ang mukha nito sa dibdib niya. "Huwag kang lilingon" pakiusap ng binata dahil alam niyang masasaktan ito sa makikita niya.
Hindi na niya inisip kung ano ang sasabihin nila ngunit ayaw na niyang masaktan siAandrea lalo na sas pinagdadanan nito ngayon. Nakaramdam si Andrea na may kakaiba sa paligid at doon nagsimulang tumulo muli ang luha niya.
"Okay lang Dillan." bulong ni Andrea.
"Pwede tayong kumain sa iba." agad namang sabi ni Dillan.
Aalis na sana sila ngunit nagpumilit si Andrea na dito na lang kumain at gusto niyang harapin sina Troyan, Gabriela at Gab.
Halos magkatapat lang ng table silang lima at kahit hindi aminin ni Andrea ay nasasaktan siya.
Umalis si Gab at nagtungo sa CR kaya lumapit sa kanya si Gabriela na para bang nanalo sa isang laban.
"Hello Andrea. Paano ba yan? My bitch won." patungkol niya kay Troyan. Pumapalakpak ito at halatang walang alam sa nangyari,
Sinampal ni Andrea si Gabrila na ikinagulat ng lahat.
"How dare you!" sigaw ni Gabriela habang nakahawak sa pisngi niya.
"Merry Christmas Gabriela." matapang na sabi ni Andrea. Lalong ikinagulat ng lahat nang sampalin muli ni Andrea ito at this time ay sa kanang pisngi naman.
"Happy New Year na rin." dugtong nito. Sasampalin n asana ni gabriela si Andrea ngunit pinigilan ito ni Dillan kaya walang silang nagawa. Umalis na si Andrea ngunit napahinto ito nang tawagin siya ni Gab.
"Andrea."sambit ng binata. Wala siyang ka-alam alam na dinadala ni Andrea ang anak niya ngunit mas pinili niyang kampihan ang kapatid niya.
"Hindi mo kailangang idamay ang kapatid ko kung may galit ka sa akin."wika ni Gab. Dahil napikon si Dillan ay sinuntok niya ang binata at nagsimulang magkagulo sa restaurant.
"Dillan tama na!" awat ni Troyan.Wala ring nagawa si Dillan dahil mahal niya si Troyan at lahat ng gusto ng dalaga ay binibigay niya.
Agad pinuntahan ni Dillan siAandrea na kasalukuyang kausap si Gabriela.
"Walang pwedeng manakit kay Andrea. Makita pa kitang lumapit sa kanya, ako ang makakalaban mo." banta nito kina Gabriela at Troyan. Hinila niya ang dalaga hanggang sa makalayo sila.
"Hindi mo kailangang magpanggap na okay ka." sabi ni Dillan. NIyakap niya si Andrea at ramdam niya ang mga luha na tumatagos sa t shirt niya.
Napuno naman ng pagsisis si Dillan dahil sa ginawa niya sa dalaga at gusting gusto niyang bumawi ditto.
Pareho silang nasaktan ngunit alam niyang mas nahihirapan si Andrea ngayon.
"Iiyak mo lang Andrea dahil hindi ko na hahayaang makita kang nagkakaganyan. Hindi kita iiwan." bulong ni Dillan. Hinawakan niya ang ulo ni Andrea at hinayaan niyang umiyak lang ito upang mailabas ang kanyang nararamdaman,.
Balak puntahan ni Andrea ang lola niya sa Cagayan De Oro upang doon muna magpalipas ng oras habang hindi pa alam ni Gab ang sitwasyon niya at wala rin siyang balak sabihin ito. 'Tinanggal niya ang simcard ng phone niya at pinatay ito upang mawala ang communication nila.
Nagpumilit si Dillan na sumama kay Andrea dahil alam niyang ito lang ang tanging paraan para makapag-usap sila ni Gab at ayusin kung ano man ang problema nila.
"Kailangan mo ng kasama." ika niya.
"Hindi mo kailangang gawin 'to. Kaya ko sarili ko." pamimilit ni Andrea.
Hindi ito umimik at umupo siya sa tabi ng dalaga. Kung dati sobrang kilig ang nararamdaman niya tuwing lumalapit si Dillan sa kanya, ngayon ay para lang silang magkaibigan. Arami na ang nabago buhat nang makilala ni andrea si Gab na nagbigay kulay sa mundo niya.
"Gaano ka katagal 'don?" tanong ng binata.
"1 year, 2 years, 5 years pwede ring forever na." sagot ni Andrea.
"Kaya mo ba?"
"Kakayanin. Pipilitin. I never imagined myself to be a single mom. Ngayon nararamdaman ko na yung naramdaman ng Mommy ko. Ano na lang sasabihin ng lola ko sa akin?" malungkot niyang sabi.
"Hindi ko hahayaang mag-isa ka 'don." wika ni Dillan habang inaayos ang mga gamit ni Andrea.
"Dillan ayokong madamay ka pa sa problema ko."
"Sabihin na nating way of apologizing and thank you."
"Pero Dillan.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro