Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15

"Good morning Andrea. Kain na tayo." bati ni Gab. Hindi siya pinansin ng dalaga at padabog itong lumabas.

"I have to go. May dadaanan pa ako." dahilan nito.

Tinignan ni Andrea ang lunchbox na nakaprepare sa kusina at nakapagtatakang hindi niya ito ipinabaon sa kanya this time. Umaasa siya na iaabot ito ni Gab sa kanya ngunit walang nangyari.

"Andrea hindi muna kita papadalhan ng baon. Mas kailangan kasi ni Troyan 'to this time." Lalong nainis si Andrea dahil pakiramdam niya ay kinuha na ang lahat sa kanya.

Umalis na lang ito without any word. Sinubukan siyang habulin ni Gab ngunit pinigilan ito ni Troyan

Naglakad lang si Andrea patungo sa school. Tulala lang siya habang iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.

Para itong batang nagpupunas ng luha sa gitna ng kalsada. Nasasaktan siya sa mga taong biglang dumating sa buhay niya, si Troyan, si Gabriela at si Gab.

"Bakit ako nagkakaganito? Bakit nasasaktan ako?" paulit-ulit niyang tanong sa sarili.

Dalawang segundo na lang bago mag red ang stoplight ay nagpasya pa rin si Andrea na tumawid.

Paparating na ang bus at unti-unti nasilaw si Andrea habang papalapit ito sa kanya. Para bang wala itong marinig at tanging patak lang ng luha ang pumapasok sa isipan niya.

May kamay na humila sa kanya at napasandal ito sa dibdib niya.

"Psssss. Tahan na Andrea."

Ilang minuto rin silang nakatayo sa kalsada na para bang naghihintay sa isa't isa.

"Andrea. Don't ever do this again." pahayag niya.

"I'm sorry." yun na lamang ang nasabi niya.

Sumakay sila sa kotse niya at nagpasyang umuwi na lang muna. Pumayag na rin itong umuwi dahil pumasok na si Troyan at ang kapatid niya.

"How are you feelin'?" tanong niya. Buhat niya ang mga gamit ni Andrea at inilapag ito sa sala.

"I'm fine." sagot ng dalaga.

"Dahil ba kay Troyan kaya ka nagkakaganyan?" tanong niya.

"Stop it Gab." pakiusap ng dalaga. Umupo ito sa sofa at binuksan ang TV.

"Kahit sabihin ko ang totoo wala namang mangyayari." bulong nito. Tumayo siya upang pumasok sa kwarto ngunit hinawakan ni Gab ang kamay niya.

"Andrea tell me. Ayokong nagkakaganito ka." pamimilit niya.

"You can trust me."

"Anong gusto mong marinig Gab? Na nagseselos ako sa inyo ni Troyan? Na pinagtutulungan nila ako ng kapatid mo? Maniniwala ka ba? Hindi 'diba?" Hindi mapigilan ni Andrea ang umiyak sa harapan ng binata. Nagulat si Gab sa mga narinig niya dahil hindi niya alam na ganito na pala ang nangyayari kay Andrea.

"Pakshet diba? Ako ngayon ang nasasaktan? Masaya ka na ba? Na yung babaeng hinahabol mo iniiyakan ka dahil sa isang babae na biglang emeksena? "

Niyakap niya Gab si Andrea dahil hindi ito matigil sa pag-iyak.

Unti-unting naglapit ang mga mukha nila. Pinunasan niya ang mga luha sa mata ng dalaga at hinawakan ang mukha nito.

Naramdaman na lang ni Andrea ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ng binata. Hanggang sa magtungo sila sa kwarto ng binata. Dahil sa pagmamahal sa isa't isa ay hindi nila napigilan ang sarili.

"I love you." bulong ni Gab. Hinawi niya ang buhok ni Andrea at puno ng pagmamahal ang bawat halik niya.

"Mahal din kita.." sagot ng dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro