14
Nagising si Andrea sa katok ni Gab dahil gabi na at hindi pa ito kumakain sa maghapon.
"Andrea okay ka lang ba?"
"I'm fine!" sigaw ni Andrea. Hindi na nakatulog ang dalaga dahil sa kaiisip. Bakit ba siya naapektuhan kay Gabriela gayong wala naman siyang dapat patunayan sa kanya.
Mag alas-otso na nang lumabas si Andrea at hinarang siyang muli ni Gabriela.
"Alam mo Andrea, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka gusto ng kapatid ko. Lasenggera, walang alam sa bahay at lalong hindi man lang maipagluto ang kapatid ko." bungad nito.
"Hindi kita gusto para sa kanya."
"Don't worry. Hindi ko rin siya gusto." matapang na sabi ni Andrea. Hindi niya napansin na nakatayo pala sa gilid si Gab at rinig na rinig niya ang sinabi ng dalaga. Hindi naman dapat siya masasaktan ngunit may mabigat sa loob niya sa sinabi ni Andrea. Ayaw niyang isipin ngunit nahulog na nga siya dito.
"Nandiyan ka pala." agad na sabi ni Andrea. Hindi umimik si Gab at pasimple itong ngumiti sa dalaga.
Agad na bumaba si Gabriela nang marinig niya ang doorbell.
"There she is." masayang sabi nito.
Hindi alam ni Andrea kung anong balak ng kapatid ni Gab. Kasama niya si Troyan at may dala itong maleta.
"Troyan? What are you doing here?" tanong ni Gab. Umiiyak ito at agad siyang lumapit kay Gab upang yakapin ito.
"Gab, pwede bang dito muna siya. Nag-away sila ng Daddy niya at wala siyang matutuluyan." palusot ni Gabriela habang nakatingin kay Andrea.
"May hotel naman." bulong ni Andrea.
"She took care of you last night. Para man lang makabawi ka sa kanya. Pinutol ang credit card niya kaya hindi siya makapag-hotel." Lumapit si Gabriela kay Troyan at niyakap ito upang magmukhang kawawang-kawawa si Troyan.
"Okay." yun na lamang ang nasabi ni Gab. Kinuha niya ang maleta ni Troyan at inilagay ito sa gilid.
Nang maka-akyat si Gab ay ngumi-ngiti ang dalawa kay Andrea kaya lalong napikon ito.
Lalong gumulo ang buhay ni Andrea sa pagdating nina Gabriela at Troyan sa buhay niya. Pinakisamahan niyaa ang mga ito kahit pikon na pikon na siya at gusto na niyang lumayas. Alam niyang kakampihan ni Gab ang kapatid niya kaya hindi na ito nagsumbong kay Gab.
Ayaw man tanggapin ni Andrea, nararamdaman niya na nahuhulog na siya kay Gab. Nasasaktan ito sa tuwing nakikita niya ang dalawa na magkasama at sobrang sweet sa isa't isa.
Maagang gumising ang dalaga upang ipagluto si Gab ngunit naunahan siya ni Troyan. Ito ang unang beses na gumising siya ng alas kwatro para lang mapagsilbihan ang isang tao ngunit naunahan ito ng galit.
"Good morning Andrea.. Ang aga mo ata?" pang-aasar ni Troyan.
"Bahay ko 'to kaya wala kang pakialam. Ikaw? Bakit ang aga mo?" pambawi ni Andrea.
"Of course. Alam mo bang the way to a man's heart is through his stomach?"
Papasok na sana ito sa kwarto niya ngunit nagsalita si Troyan na ikinainis niya.
"Isa lang sa atin ang matitirang nakatira sa bahay na'to. It's either he'll fall for me, or makalimutan ka niya. Start praying."
"Too confident?" sagot ni Andrea.
"Kilala ko si Gab. Madali ko siyang mapapaikot sa kamay ko." nakangiting sabi nito.
"Wala akong pake." Bwelta ni Andrea.
"Gabriela Jane or Andrea? I bet mas papaniwalaan pa rin niya ang sister niya."
"Alam ko namang wala akong panama sa kapatid niya. Masaya ka na?" sarkastikong sabi ni Andrea.
Pareho silang natahimik nang buksan ni Gab ang kwarto niya. Agad namang nagdahilan si Troyan na natapunan siya ng mainit na tubig kaya agad-agad namang bumaba si Gab para tignan ito. Dinaanan lang niya si Andrea na parang halaman sa tabi kaya nasaktan ang dalaga sa inasal niya. Agad na pumasok si Andrea sa kwarto niya at sumandal ito sa pinto.
"Why am I feeling this? Ayokong isipin na nagseselos ako pero gusto kong ingudngud yung mukha ng babaeng 'yon sa kumukulong mantika." galit na sabi sa sarili. Sinilip niya ang dalawa na sobrang sweet sa isa't isa.
"Are you okay?" pag-aalala ni Gab sa kanya.
"Yeah. Medyo masakit lang yung paso pero I can handle." This is all part of her plan. Bakat na bakat ang hinaharap nito dahil nabasa ang kanyang sando. Naiilang si Gab ngunit hindi niya ito pinansin.
Nakita ni Andrea ang mga mata ni Troyan na tuwang-tuwa sa kanyang ginawa. Totoo nga siguro yung kasabihan na daig ng malandi ang maganda.
"Parang ako pa yung nagmumukhang kontrabida sa bahay na'to." Huminga ito ng malalim at nag-ayos na upang pumasok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro