Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12


Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang magsama sina Gab at Andrea. Dahil malapit na ang exams ay bihira nalang sila magkita dahil laging tulog sa hapon si Andrea dahil sa kaka-review at si Gab naman ay nagkaroon ng remedial class. Ngunit sa paglipas ng panahon ay lalo silang nagging close sa isa't isa at tila nakalimutan nila ang mga napagkasunduan pagkatapos ng kanilang pagsasama.

Habang nagrereview si Andrea ay may dalawang tao ang biglang pumasok sa kwarto niya, sina Cheska at Madisson. Hinila nila ang bestfriend nila at dinala ito sa kama.

"Okay. So wala kang balak sabihin sa amin na nagsasama kayo ni Gab? Kung hindi ko pa nakausap si Kevin kanina wala kaming ideya!" sigaw ni Cheska. Hindi nagsalita at hinayaan lang niya ang mga kaibigan na halungkatin ang mga gamit niya at kung ano ano ang ginagawa nila.

"It's just 50 days." bulong ng dalaga.

"Gaga! Kapag nalaman kong buntis ka ewan ko na lang Andrea!" sagot naman ni Madisson. Humiga sila sa tabi ng dalaga at niyakap ito. Wala sa mood si Andrea dahil pagod ito sa apgrereview at kailangan niya pang tapusin ang projects nila.

"Malabo yun sis." bulong niya sa dalawa. Bata pa lamang sila ay magkakasama na silang tatlo. Pitong taong gulang ng mamatay ang nanay ni Andrea kaya si Kevin at ang Daddy niya ang lagi niyang kasama.

"Gwapo naman siya sis." wika ni Cheska.

"Gwapo siya oo. Pero si Dillan yung gusto ko. Siguro kung siya yung kasama ko, matutuwa pa ako." bulong niya.

"Bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Malay mo siya pala yung susukli sa mga paghihirap mo kay Dillan." sabi naman ni Madisson. Nakadungaw silang tatlo sa dingding ni Andrea na puno ng pictures ni Dillan.

"Teka nga. Anong ginagawa niyo dito?" Tumayo si Andrea at pinaghahampas niya ng unan ang mga kaibigan.

"Hala siya. Nakalimutan mo na ata yung concert nila Dillan sa open grounds." pang-aasar ni Cheska. Agad na tinignan ni Andrea ang kalendaryo at tama ang kanyang kaibigan, front act ngayon ang banda nila Dillan sa isang concert.

Napatingin siya sa orasan at malapit ng mag 7pm ngunit wala pa si Gab.

"Ang Andrea na kakilala ko, 5pm pa lang siguradong nasa venue na. Iba talaga ang in love sis." bulong niya kay Cheska na rinig naman ni Andrea.

"Mukhang may hinihintay." sagot naman ni Cheska.

"Hindi puwedeng nagrereview lang!?" sigaw ni Andrea. Agad itong nagpunta ng banyo upang magbihis ngunit parang may pumipigil sa kanya. Naghilamos ito at nagbihis na. Kailangan niyang puntahan ang launching ng album nila Dillan dahil matagal nila itong hinintay.

Paglabas pa lang nila ng bahay ay nakita nila si Gab na nakahiga sa sofa at tila namumutla ito.

Agad na bumaba si Andrea upang lapitan si Gab ngunit nag-alarm ang cellhphone niya at malapit nang magsimula ang concert.

"Sis, mukhang may sakit si Gab." bulong ni Madisson. Lalapitan na sana ni Andrea ang binata ngunit nagdadalawang-isip ito.

"Sis.. Kung aalis tayo ngayon, maabutan pa natin yung concert." sabi naman ni Cheska. Nagpanggap si Andrea na hindi niya nakita si Gab at nagmadali silang lumabas ng bahay.    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro