11
Mabilis natapos ang araw ni Andrea at dahil sa kakaisip ay hindi na niya naisip na hanapin ang mga kaibigan at nagpasya na lang itong umuwi upang magpahinga.
Naka-upo siya sa sala habang nanonoood nang dumating si Gab na may dalang pizza. Naamoy ito ni Andrea ngunit pinipigilan niya ang sarili.
"You want?" pang-aasar ni Gab.
Hindi sumagot si Andrea pero deep inside ay gusto niyang kumain.
Kinuha niya ang cellphone niya upang magpadeliver ngunit naubusan siya ng load. May kausap naman si Gab sa telepono na para bang sinasadya niya ito.
Umakyat si Gab sa kwarto niya na dala-dala ang wireless na telepono. Nang marinig ni Andrea na nagsara ng pinto si Gab ay nagtungo ito sa kusina upang maghanap ng makakain ngunit puro drinks ang nasa refrigerator. Rinig na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya.
Palihim itong kumuha ng isang slice ng pizza at binilisan niya ang pagkain. Dahil sa kakamadali ay nabulunan siya ngunit agad naman siyang inabutan nu Gab ng tubig.
"Hindi mo kailangang magtago para kumain. Binili ko yan para sa atin." wika ni Gab.
"Sorry gutom lang." bulong ni Andrea. Kumuha ng softdrinks si Gab at itinabi ito sa pizza.
"Let's eat."
"Hindi ko rin ginusto na magsama tayo agad Andrea. Pero wala na tayong choice." paliwanag ni Gab.
"Wala ba talagang nangyari sa atin?" tanong ni Andrea.
Napangiti lang si Gab habang kumakain.
"Sa tingin mo gagawin ko 'yon sa'yo? I respect you Andrea. At yung mga ganung bagay, para lang sa taong mahal mo." paliwanag ni Gab. Nakahinga ng malalim si Andrea dahil matagal na niyang gustong linawin ito kay Gab ngunit nauunahan sila ng bangayan.
"Salamat. Sorry rin kung naging masungit ako sa'yo. Naging independent kasi ako kaya hindi ako sanay na may kasama sa bahay. Mag-isa lang ako sa condo kahit may bahay kami."
Kahit mamantika ang mga kamay nila dahil sa pizza, hindi ito naisip ni Gab at nagpakilala siya ng maayos sa dalaga.
"Hindi maganda yung unang pagkikita natin Miss." Inilahad niya ang kamay niya at nagpakilala ito.
"Gab Villa Cruz, 18, gwapo, matalino, macho at hindi babaero." natatawang sabi ni Gab. May hawak pang pizza si Andrea kaya binitawan niya ito at nakipag-kamay siya sa binata kahit may mga ketchup pa ito.
"Andrea Ruiz, 17, maganda, matalino, sexy at ayaw sa manloloko" pakilala ng dalaga.
Nagtawanan lang ang dalawa habang kumakain ng pizza at pinag-usapan din nila si Dillan na idol ng dalaga. Umorder din si Gab ng pasta at ice cream upang ipagdiwang ang pagkakasundo nila ni Andrea.
Halos hindi na makatayo dahil sa kabusugan ngunit kailangan nilang ligpitin ang mga pinagkaininan nila.
Kaya nagpasya si Andrea na daanin sa laro kung sino ang magliligpit ng mga ito.
Kinuha niya ang dice at malaking cardboard sa kwarto niya at inilatag ito sa kusina.
"Snake and Ladder tayo." sabi niya sa binata. Natawa na lang si Gab at para makapagpahinga na sila ay siya na lang ang nagpresinta na maglinis.
"Ako na Andrea. Matulog ka na."
"Hindi. Ayoko namang isumbat mo sa akin 'yan. Maglaro tayo at kung sinong matatalo, siya ang maghuhugas." wika ng dalaga.
Pumayag na lang si Gab upang makapagpahingan a sila.
"Kapag natalo ka, ikaw ang maglilinis ng pinagkainan natin. Deal?"
"Yun lang ba? Pwede bang magbigay ng kundisyon?"
"Ano 'yun?"
"Pag natalo kita, pwede bang ligawan kita?" Halos manlamig ang mga kamay ng dalaga sa narinig niya.
"Ewan ko sa'yo Gab." natatawang sabi ng dalaga.
Pinaikot niya ang dice at itinuloy nila ang laro. Hindi nila namamalayan na hating-gabi na dahil pareho silang nag-eenjoy sa nilalaro nila.
Dahil hindi matapos-tapos ang laro nila ay nagpasya na lang si Gab na ayusin ang mg kalat. Nakaupo lang si Andrea habang pinapanood siya. Nakalumbaba ang dalaga sa lamesa at unti-unti itong pumipikit dahil sa kabusugan.
Lumapit sa kanya si Gab at winasikan ito ng tubig.
"Inaantok ka na Andrea. Sige na. Malapit na akong matapos." sabi ni Gab.
"Sigurado ka?"
"I can handle this. Goodnight." paalam ng binata.
Habang paakyat siya ng hagdan ay huminto ito at tinignan muli ang binata.
"Goodnight Gab." bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro