KABANATA XXXIV: SAW HIM, FINALLY.
I appreciate your effort in reading and being the first to vote in this story; thank you! I dedicate this chapter to you! LeomerUgpal5
...
BRIELLE'S POINT OF VIEW
Halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa sigaw at galit na nararamdaman ko ngayon kay Weiner. Nakakapikon kase dahil hindi siya nag-isip ng mabuti bago niya isuko ang mga Næm fegurð flowers namin.
"Ayaw ko kasing masaktan kayo kuya, hindi ko kayang makita iyon. Isa pa..." Pigil hulang sabi ni Weiner. Nag-inhale at exhale naman ako para kumalma dahil ayaw ko namang imiyak ang kapatid ko dahil sakin.
"Sorry, Weiner. Nadala ako ng damdamin ko," Kalmadong sabi ko. Bigla namang bumagsak ang mga luha ni Weiner sabay yakap sakin
"A-Ayaw ko lang kasing masaktan ang sino man sainyo at ayaw din naman kitang mag-outburst. Nasasaktan ako kapag nakikita kong ganon ang state mo. Isa pa..." Nauutal na sabi ni Weiner habang pinupunas-punasan ang luha niya.
"Isa pa ano?" Tanong ko. Tinaas naman niya ang kamay niya at bigla mula sa labas ng kweba ay pumasok ang bubble ng tubig at may isang bulaklak sa loob nito. Nagulat naman kaming lahat nang makita iyon.
"Isa pa meron pa tayong isa, kaya hindi pa tayo eliminated!" Masayang sigaw ni Weiner. Napatayo naman ako at si Lor at niyakap siya, nakiyakap narin si Kiya Tieo.
"Tama lang talaga na naging captain ka namin, Weiner," Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lor. Hinimas naman ni Weiner ang ulo niya habang nakatingin na nakangiti sakin.
"Sorry ulit kung napagtaasan kita ng boses, bunso," Sabi ko. Napangiwi naman ito at nag-eye roll.
"Hayup na yan, nakaka-cringe! May pangalan ako, tawagin mo ako sa pangalan ko. It's gorgeous, beautiful, and hot WEINER, KUYA, WEINER!" Inis na sabi niya na nagpatawa samin.
"Anyhow, any plan for revenge?" Tanong ko. Kaya kumawala kaming lahat sa pagyakap at gumuhit ang ngisi sa aming labi.
"The time when you called us using Mind Communication was the time where I made our revenge plan..." Sagot ni Weiner sabay tawa...
...
WEINER'S POINT OF VIEW
Tumatakbo na kami ngayon ni Kuya Brielle at Lor para hagilapin ang base nila Prescious, habang naiwan naman para magbantay si Kuya Tieo ng kaisa-isang bulaklak namin.
"By the way, paanong may isang bulaklak ka pa. Akala ko naibigay mo na ang lahat?" Tanong ni Lor habang tumatalon sa mga puno.
"After kong ma-eliminate yung isang group, tumakbo agad ako para hagilapin pa ang ibang groups at i-steal ang flowers nila. Swerte naman nakakita ako ng liwanag sa may taas ng isang malaking puno, which means may group na naglalagi roon. Kaya lumapit ako at nakita ang group nila Margo doon. Nanakawin ko na sana ang bulaklak nila nang biglang mag-notif sakin na napabagsak na pala ni Kuya Tieo ang isa pang group, at nang lalabanan ko na sana sila eh bigla namang tumawag si Kuya Brielle gamit ang Mind Communication. Umalis ako agad pero bago ako umalis, kinuha ko ang isang Næm fegurð flower nila, and it saved us," Mahabang paliwanag ko. Nag-nod lang si Lor.
"Paano naman kayo nahuli nila Prescious?" Tanong ko kay Lor.
"The guy with a pink hair, he seemed so skillful in terms of using Utility Hexes. Ginamitan niya kami ng advance utility hex na sleppy bomb," Sabi ni Lor. Kita ko naman ang inis sa mukha niya habang kinukwento iyon. Kaya gumuhit sa mukha ko ang ngisi dahil sa may naisip akong baguhin sa plano. Advance Utility Hex pala uh? Patikim ko nga ang talagang advance na Utility Hex. Bigla mamang tumigil si Lor na pinagtakhan namin
"Bakit ka tumigil?" Tanong ni kuya kay Lor.
"May liwanag sa may kweba dun, siguradong may group dun na bimabantayan ang kanilang flowers," Sabi ni Lor.
Kaya naman daglian kaming tumakbo para lumapit sa kweba. Nang makalapit na kami ay tumngin-tinhin kami sa paligid. Nakitamdam namam kami kung may tao sa loob, pero walang ingay, kaya naman dahan-dahan kaming pumasok at nakitang walang tao at tanging bonfire at Næm fegurð flowers lang ang makikita.
"Naku, bakit kayo lumabas lahat at walang nagbantay s amga bulaklak. You took this game so easily, uh?" Sabi ko. Kaya naman dagli kaming pumunta sa kinaroroonan ng mga bulaklak at gamit ang water bubbles ko ay kinuha namin ang mga bulaklak at dagling patakbong lumabas ng kweba.
"Success!" Sabi ko at nag-apiran kaming tatlo.
"Let's continue, need nating ipatikim ang ganti ng Weiner's group!" Sigaw ni kuya. Kaya nag-umpisa na kami ulit tumakbo.
"Team George has been eliminated by Weiner's group and stole their Næm fegurð flowers. Dome II still has seven groups." Sabi ng system sa bracelet ko.
"Team Krashen has been eliminated by Prescious' group and destroyed their Næm fegurð flowers. Dome II still has six groups." Sabi ulit ng system na nagpa-igting ng panga ko.
"Kayo na ang last group na matatanggal," Sabi ko. At saka na namim mas binilisan pa ang pag-takbo. Ilang saglit pa ay timigil si kuya.
"Anong prob—"
"Shhh, found them." Sabi ni kuya na nagpatigil sa itatanong sana ni Lor. Kita naman namin na nagtatawanan ang grupo ni Prescious habang naka-upo sa lilim ng isang malaking puno. Nagtinginan namna kami at nginisian ang bawat isa.
"Let the revenge begins," Bulong ko. Dahan-dahan naman kaming lumalapit sa kanila na nagtatawanan ngayon.
"Siguro magpahinga na muna tayo at saka na natin balikan sila Weiner, Precious. Nakakapagod na kasing gumamit ng Utility Hex: Teleportation," Sabi nung lalaking may kulay pink ang buhok. Hinimas-himas naman ni Precious ang ulo nito at saka niya ito sinapok.
"Bobo ka ba?! Wala ka na ba talagang utak?! Hindi simpleng Elvis ang mga iyon, tandaan mong ginagawang President and Vice President ang mga malalakas at may malaking potensyal na student, at silang dalawang magkapatid ang President at Vice President namin!" Sigaw nito.
"Let's go," Bulong ko naman. Kaya sumulong na kami, " Utility Hex: Dreamy Missile!" Sigaw ko. Nakuha naman nito ang atensyon nila Prescious. Bigla namang may lumabas na magic circle na kulay yellow at mula doon ay lumabas ang hugis bala ng baril na sobrang laki
"Ito na nga ba ang sinasabi ko," Sigaw ni Prescious, "Use the Utility Hex: Teleportation now, Sandrick!" Sigaw niya sa may kulay pink na buhok. Sinibukan naman ng may kulay pink na buhok pero mukhang hindi na niya kaya dahil sa pagod.
"I can't anymore." Sabi niya na nagpasigaw sa galit kay Precious. Tinaas ni Prescious ang kamay niya at lumabas ang kulay violet na magic circle at mula doon ay lumabas ang kulay violet na pana at palaso na may korteng diamond sa dulo nito. Kinargan niya na nga ng palaso ang kanyang pana at itinutok ito sakin. Pinihit na niya ang string ng pana. Kaya naman ibinato ko na sakanila ang dreamy missile at pinakawalan niya na nga ang palaso. Tumama ito sa dreamy missiles na nagpalihis sa direksyon nito kaya gumuhit ang ngisi sa mukha ni Prescious dahil sa akala niya ay napalihis niya ng tuluyan ang missle sakanila. Ngunit kahit hindi ito tumama ng direkta sakanila ay may impact parin ito. Tumama ang dreamy missile sa malking puno na nag-cause ng explosion at lumabas ang kulay pink na usok na nagpahimatay sakanilang grupo.
"Let's harvest the flowers!" Sigaw ni kuya. Kaya naman lumapit kami sa mga Næm fegurð flowers nila at hindi naming inaasahang namatay ang anim sa flowers nila dahil sa impact ng explosion na nagpa-vibrate ng kaunti sa lupa.
"Napaka sensitive talaga ng mga Næm fegurð flowers, kaunting yanig lang sa lupa namatay na. Bagay talaga ang pangalan nila na ang kahulugan ay Sensitive Beauty," Sabi ni Lor. Kaya wala na akong sinayang na oras at gumawa na ako ng apat na bubbles at kinuha na sila.
"Team Prescious has been eliminated by Weiner's group, which destroyed some and stole some of their Næm fegurð flowers. Dome II still has five groups left. The Dome II already served its purpose for Day two's activity; in any minute now, the five groups left will be automatically teleported in front of the Dome's arc. Please standby, Group of Weiner, Group of Morgan, Group of Aries, Group of Meldy, and Group of Brend." Sabi ng system sa bracelet ko. Ilang saglit pa nga ay bigla na lang nagiging blurred ang paningin namin at bigla na lang ay lumitaw kami nila Kuya Brielle at Lor sa arko kung saan kami dumaan kanina papasok ng Dome II.
"Aba at ang aga naman nating lumabas," Sabi ni Lor. Dahil siguro sa nakikita naming may araw pa. Bigla namang lumitaw si Kuya Tieo at isa-isa nang naglabasan ang iba pang groups. Nang lumabas ang group ni Margo ay tinaasan ako ng kilay at suminyal ng thumbs-down sakin. Pikon siguro sa ginawa ko sakanila.
"So, kayo ang top five ah. Pagod na ba kayo?" Tanong ni Prof. Eddie. Nag-nod naman kaming lahat na nagpangisi sakanya, "Aba'y dapat lang. Twenty-four hours ba naman kayong nasa loob ng Dome, ang bagal niyo ah!" Sabi niya na nagpahulog sa panga naming lahat sa gulat.
"Grabe, so inumaga na pala tayo kaya pala mukhang maaga pa kase literal na maaga na pala," Sabi ni Lor. Tinawanan naman kami ni Prof. Eddie na nagpataas ng kilay ko.
"Aba't parang hindi na-iintindihan ng nilalang na ito ang pagod natin ah, nagawa pa tayong pagtawanan," Bulong ni Kuya Brielle samin. Nag-nod naman kami ni Lor bilang pagsang-ayon
"Ayahan niyo na lang, insensitive talaga iyan," Sabi ni Kuya Tieo.
"Kung pagod na kayo, mas papagurin pa namin kayo. Wala nang pahi-pahinga, dumiretso kayo ngayon sa Venue Hall para malaman niyo na ang announcement para sa mga gagawin sa day three activity, dali!" Sigaw naman nito. Napabuga naman kaming lahat ng hangin at nanlalatang lumakad papunta ng Venue Hall...
"Kainis naman, pagod na nga tayo tapos di man tayo aayahang magpahinga ng kaunti," Reklamo ko. Napahinga na lang ng malalim sila kuya at hindi na sumagot, dahil sa pinili na lang nilang gamitin ang natitirang enerhiya para maglakad...
Ilang saglit pa nga ay nakarating na kami sa Venue Hall at nasa stage narin si Prof. Stella habang may kinakausap na isang Elvis na napaka-gwapong lalake. May suot itong na gintong korona na may hugis ng laurel wreath, yung parang sinusuot na korona na gawa sa parang dahon ng mga Greek God and Goddesses. May simbulo ito ng Elvis Race sa gitna. Wala itong damit sa itaas na nagbabalandra sa napakatipunong pangangatawan nito, at tanging telang puti, ngunit napakaraming kumikinang na diamond ang nakabalot sa ibabang parte ng katawan niya. May suot din itong kulay red na cape na puno rin ng white diamonds. Kausap din naman ng guro ang isang napakagandang Elvis na babae na may suot naman ng koronang gaya doon sa lalake. Croptop naman na kulay puti at may mga details na bulaklak na nagkalat sa damit na gawa sa ginto. Ang damit niya naman sa ilalim na part ng katawan niya ay mahabang puting palda na nakasayad sa lupa at puno rin ito ng diamonds, ganon din naman at may suot din siyang cape na kamukha sa lalake. Napansin naman ni Prof. Stella na nasa harap na niya ang top ten na naka-survive sa day two activity. Kaya napangiti ito at nagpaalam muna sa mga kausap niya.
"Good morning, students of Akadima Evlogas Tou Theo! So, the top ten groups are already here. Let me elaborate on what you are going to do for day three's activity. For day three's activity, all the remaining ten groups will be tasked with performing an artistic Healing Hex show, where they can showcase the healing capabilities of their hexes and at the same time heal the Lokal Fripry of Elfos Domain who were suffering from different types of diseases. King Grendon Hayes of the Elvis Race and Queen Aliyerty Hayes of the Elvis Race, please give your respect to our King and Queen!" Sigaw ni Prof. Stella. Kaya sabay-sabay kaming nag-bow at pumalakpak katapos.
"So, sila pala ang ama at ina ni Prince Elvin," Sabi ko habang nakatingin kay Kuya Brielle. Tinaasan niya naman ako ng kilay na nagpahagikgik sakin.
"And now, for our special guest, let's give King Ilumin Vermin of the Demonoid Race a round of applause," Sabi ni Prof. Stella. Bigla namang may lalaking moreno at malaki ang katawan ang unti-unti ay pumapanhik sa stage. Doon nga ay kita rin ang pares ng itim na sungay sa ulo nito at sa gitn ng mga iyon ay kornang kukay itim na gawa s atinik at may bungo ang nakakabit sa gitna nito. May pares rin siya ng itim na pakpak na parang sa mga paniki. Wala itong suot na pang-itaas kaya kita ang matipunong eight pack abs nito. Ang tumatakip naman sa ibaba niya ay leather pants na kulay black. Sa paa naman nito ay wala siyang suot dahil parang paa ng kalabaw ang paa niya. Pansin ko namang inilibot nito ang mga mata niya hanggang sa magkasalubong ang mga titig namin. Nginisian ako nito na nagpakilabot sa buong systema ko.
"They will be our judges for today. Please stand up, bow, and give them a round of applause," Sabi pa ni Prof. Stella...
...
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro