Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XXXII: THE BEGINNING OF DAY TWO

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Alas dose na ng hating gabi at kasalukuyan akong kumakatok sa pinto ng bahay ni Kuya Tieo kung saan namin iniwan si Darsy. Binuksan naman ito no Darsy na papungay-pungay pa ang mga mata.

"Oh, ang late mo namang dumalaw, Brielle at sino yang karga-karga mong bata?"  Tanong niya.

"Siya ai Roi, pinaalaga muna siya ng nanay niya sakin dahil sa may mental problem ito. Don't worry, as soon as gumaling ang nanay niya ay ibabalik ko rin siya. Sa ngayon, dito muna si Roi, iiwanan ko muna siya sa pangangalaga mo hanggang nag-aaral kami sa Academy," Paliwanag ko. Nag-nod naman si Darsy.

"Naiintindihan ko, saan ako na ang bubuhat sa bata para malipat na siya sa higahan na mas komportable siyang matulog," Sabi ni Darsy. Kaya inabot ko na siya sakanya. Bigla namang nagising si Roi at kinusot-kusot ang mata nito.

"Kuya, sino po siya?" Tanong niya. Kaya inakap ko muna ulit si Roi.

"Siya si Darsy, siya muna ang titingin sayo habang may pasok pa ako sa Academy. Ayos lang ba sa iyo iyon?" Tanong ko. Binigyan niya naman aki na malapad na ngiti at nag-nod.

"Okay lang kuya, maraming salamat pala ulit sa pagkupkop sakin," Sabi niya. Hinimas ko maman ang ulo niya at saka nginitian siya. Katapos ay pinasa ko na siya kay Darsy.

"Sige ipapasok ko na siya para makapagpahinga na," Sabi ni Darsy. Pero hinawakan ko ang balikat niya na nagpatigil sa paglalakad niya.

"Siya nga pala, may ipapakita ako sainyo sa linggo. Babalik kaming tatlo dito," Sabi ko.

"Sige, sige. Oh siya bumalik kana sa Academy at baka may gagawin pa kayo doon at lara makapagpahinga kana rin," Sabi ni Darsy. Sabay sara ng pinto. Hindi ko pala napaalam na nasa Elfos Palace kami ngayon.

"Ayahan mo na nga." Nasabi ko na lang at nag-teleport na pabalik ng room namin sa Guest Building.

...

WEINER'S POINT OF VIEW

Narito na kami ngayon sa Venue Hall at inihintay nang pumanhik si Prof. Stella na kausap ngayon si Dr. Morgan dahil hindi na raw i-aannounce sa buong batch ang naging desisyon ng Mistress ukol sa request ni Dr. Morgan at baka mag-cause daw ito ng jealousy at gulo sa mga other participants. Ilang saglit pa ay kita naming nagtanguan na ang dalawa at lumakad na papunta samin si Dr. Morgan habang lumakad naman na papanhik ng stage si Prof. Stella.

"Prof. Stella said that your extra points will be credited to your grades as extra recitations. So, you will have a perfect mark in all of your subjects for sure," Sabi ni Dr. Morgan. Napa-yes naman kaming lahat at gumuhit ang ngiti sa aming mga labi.

"Good morning, students of Akadima Evlogas Tou Theo. I am here today to explain what you are going to do for day two's activity. All twenty teams have their own five Næm fegurð flowers. These flowers are so delicate and sensitive that if you touch them, they will die instantly. So, you need to make sure that they are still alive until there are only ten groups left. We also have a bracket system where there's Domain A and Domain B, where we deploy ten groups per domain, and if you have no more flowers to protect, you will be automatically eliminated. Furthermore, you need to protect your flowers from other teams, as they can steal or kill them. Fighting with a weapon is allowed. But killing your co-student is forbidden and can lead to expulsion from the academy. Also, you will be monitored by these devices that will be worn by your team captains that we have already chosen. The instructors are no longer needed for this game, but they can give advice and strategy for the game before you are all deployed. The first ten groups that protected their flowers, made the flowers survive, and brought them back here to the venue hall will be the ones to be qualified for day three's activity. Please go outside, go to the Guards outside, and get a card and the bracelet for the group leader. Leaders already chosen by us as your group name will be their names. If the Guards gave you a blue card, please proceed to Dome I on the left side of the Venue Hall, near the Palace's kitchen and stock room building. And if they give you a red card, please proceed to Dome II on the right side of the Venue Hall and near the Guest's Building. So, let day two's activity begin!" Sigaw ni Prof. Stella.

Kaya naglakad na kami palabas, sinundan naman kami ni Dr. Morgan na nakasuot ng color white cocktail dress, with diamonds all over it. Pinartneran niya ito ng white high heels at kwintas na silver na may diamonds na naka-attach dito at may pendant ng simbolo ng Elfos Domain na buno rin ng kumikinang na diamond. May sing-sing din siya sa right hand niya na may simbolo rin ng Elfos Domain. Nag-shade na nga ito at sinuot ang white beret hat niya

"I have one advice to say, and that is give your very best with caution. That's all, goodluck you're not allowed to lose!" Sigaw niya. Nag-nod namna kami at tumakbo na sa mga Guards para malaman ang kung sino ang team leader at kung saan kaming Dome kami dapat pumasok...

"Kuya Guard, pwede na po ba naming makuha ang card at bracelet namin?" Tanong ko. Nag-nod naman ito at pinakita ang red card at isang bracelet na may picture ko.

"Ikaw po ba ito, hindi ba ma'am?" Tanong nang guard kaya napatango ako at kinuha na ang mga gamit at sinuot narin ang bracelet.

"Okay lang na ako ang Capatain?" Tanong ko. Nag-nod at nag-thumbs up with matching malapad na ngiti pa sila. Kaya ginantihan ko rin sila ng malapad na ngiti. "So, sa Dome II tayo kaya tumakbo na tayo agad!" Sigaw ko kaya dagli na kaming tumakbo paroon sa kinaroroonan ng Dome II. Sa bilis namin ay ilang saglit lang ay napunta na kami sa harap ng isang arko na may naka-ukit na "DOMÊ ELFIFOS DOS" ngunit arko lang ito at mikhang wala nang ano man sa loob dahil nakadikit na ito sa pader na hangganan ng Palace.

"Umayos ang lahat ng bata!" Sigaw naman ng hindi pamilyar na boses na nagpalingon sa amin sa aming likuran. Doon nga ay nakita namin ang isang lalaking Elfos na nakasuot ng white cloak at may burda ng simbulo ng academy sa may bandang leeg ng hood ng cloak.

"Sino siya?" Tanong ko.

"Siya si Prof. Eddie, siya ang adviser namin sa Tres Lebel," Sagot nqman ni Kuya Tieo.

"My apologies for being late. Ako nga pala si Prof. Eddie, assistant ni Prof. Stella sa Camp O'Willow, na-late ako sa kadahilanang may ipinagawa pa sakin ang Mistress. Pero at least nakahabol ako at nakita niyo ang aking kakisigan," Preskong sabi nito na nagpangiwi sakin. "Anyway, ang gagawin niyo lang sa ngayon ay mag-ayos, tumahimik, at pakinggan ako. So, Alphabetical arrangement ang susundin natin sa pagpasok at magiging basehan natin ang mga pangalan ng mga captains, bale mauunang makakapasok ang grupong may Capatain na ang pangalan ay nag-uumpisa sa A. Umpisahan na!" Sigaw nito. Nailang naman ako bigla sa mga kasama ko.

"Pano ba yan, mukhang magtatagal tayo, captain!" Sabi ni Kuya Brielle sabay tawa ng malakas kaya napatawa narin sila Kuya Tieo at Lor.

"Anong nagaganap dyan bakit ang ingay niyo?!" Sigaw naman ni Prof. Eddie. Kaya nag-sign ako ng 'shh' para tumahimik ang mga ka-group ko.

"Wala po," Sagot ko naman. Kaya bumalik ang focus ng guro sa pagpapasok ng mga mauuna samin.

"Uy nandito pala ang mga hampas lupa," Sabi ng pamilyar na boses. Kaya napalingon kami sa kanan namin at nakita namin ang itsura nung may deformity ang mukha. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero nguminga ako ng malalim para makapagtimpi na sagutin siya.

"Ayahan mo na sila, Margo. Mag-focus na lang tauo sa laro," Sabi ng isang babae na ka-group niya na may maiksi na hanggang shoulder na blonde na buhok.

"Kill joy ka talaga, Xien!" Sabi naman nung may pangalan na Margo sabay sampal sa babaeng nagngangalang Xien. Aambahan ko rin sana ito ng sampal ng hawakan ni Kuya Brielle ang balikat ko.

"Please, we don't want trouble here," Sabi ni Kuya Brielle. Nag-eye roll naman si Margo na nagpataas ng blood pressure ko.

"Let's go na lang, wala namang mga kwenta mga 'to," Sabi pa niya at nnag-umpisa ng maglakad.

"You did very well, Margo!" Sabi nung isang babawng may mahaba at kulay violet na buhok.

"I know, lagi naman sanay na ako Grida," Sagot naman nito.

"But hindi ayos ang ginawa mo kay Xien, Margo!" Galit na sigaw naman nung lalaking may bob cut at kulay red na buhok.

"Magtigil ka, Joshua. Kaya kong gawin ang gusto ko dahil ako ang leader niyo! Kung ayaw niyo ang pamamalakad ko, free to leave!" Sigaw naman ni Margo sa lalaki. Nakita ko namang nag-igting ang panga ni Joshua. Umiling-iling na lang ako dahil sa attitude na nasaksihan ko kay Margo.

"Pangit na nga, pangit pa ugali," Sabi naman ni Lor. Napabuntong-hininga na lang ako at umiling.

"We can't judge someone by what they are showing to us. Many people tend to be villains to protect their sensitive inner child. Maybe Margo has lots of reasons why she acts like this," Sabi ko kay Lor. Bumuga rin ito ng hangin at nag-nod.

"I see... Sorry if I discriminated against her," Sabi ni Lor. Kaya tinapik ko na lang ang balikat nito at nag-smile.

"Weiner's Group! Pumunta na kayo dito para makapasok na sa Dome," Sabi ni Prof. Eddie. Dagli naman kami pumunta doon at may inabot na naka-rolyong papel sa akin si Prof. Eddie.

"Ano po yan?" Tanong ko. Nagtaas naman ito ng kilay.

"Hindi niyo ba naririnig kanina na nagsasalita ako? Iyan ang napapala ng pag-chichismisan niyo. Iyan ang mapa sa loob ng Dome at ang naka-red na cross diyan ay ang alloted space and hideout for your group. Sige na pasok na!" Sigaw naman nito. Kaya kinuha ko na ito at bigla namang may lumabas na kukay puting magic circle sa gitna ng arko. Kaya naman pumasok na kami doon at pag-pasok namin ay nabigla kaming lahat nang mapansing nasa taas kami ng bundok dahil mula rito ay kita ang napakalawak na gubat sa baba nito.

"Wow, what a beautiful scenery!" Sigaw ni Kuya Tieo at saka nito ibinuka ang dalawa niyang braso at dinama ang hangin.

"Weiner, buksan mo na ang map," Sabi naman ni Kuya Brielle. Kaya naman dagli kong i-unroll ang mapa at biglang lumutang ang image ng mapa at naging hologram ito. Kita ko maman ang red na cross mark dito kaya pinindot ko ito at bigla ay nag-zoom ito. Doon nga ay lumitaw na ang mga information sa kinalalagyan namin at nakitang napunta na pala kami sa mismong hideout at space na binigay samin.

"Guys, nandito na pala tayo sa space slash hideout na binigay satin. Need na lang natin hanapin ang cave na sinasabi ng map dito," Sabi ko. Kaya dagli naming ginala ang mga mata namin at sabay-sabay na tumuro sa maliit na cave. "Let's go!" Sigaw ko at saka na kami tumakbo paroon sa cave...

...

The symbol and the appearance of business card of the Akadimía Evlogías Tou Theoú is in the multi-media above.

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro