Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XXVI: EYES MELTED AWAY

BRIELLE'S POINT OF VIEW

"Please, Brielle. Don't meddle with this," Sabi ni Prince Elvin. Kita ko namang pumapatak na ang luha nito. Kaya hinawakan ko ang braso ng lalake at tinignan siya ng masama. Binigyan niya naman ako ng ngisi na nagpa-inis sakin.

"Ano? Sasaktan mo ako? Sige subukan mo lang ng malaman ng buong Sphere of Avalon ang lihim ng perpektong prinsepe ng mga Elvis! Sige! Ano?!" Pang-pprovoke niya. Nag-igting naman ang panga ko dahil sa sinabi niya, kita ko namang umiiling-iling ang prinsepe habang nakatingin sakin.

"Please, Brielle. Leave us alone," Pakiusap ng prinsepe. Katapos ay tumingin siya sa lalake at kita kong lumunok muna siya bago magsalita, "Gerald, I'll do whatever you want, just please don't tell anyone about my secret." Dagdag pa ng prinsepe.

"Hindi, baka anong gawin niyang masama sayo!" Galit na sigaw ko. Binigyan na naman ako ng ngisi ng lalaking nagngangalang Gerald na nagpakulo sa sugo ko.

"Hindi naman masama ang gagawin ko, sa totoo niyan eh masasarapan pa nga siya," Sabi niya. Bigla ko namang naramdaman ang sobrang init na dumadaloy sa buong katawan ko, at nabigla na lang ako sa pagtingin ko sa mga mata ni Gerald ay bigla na lang nag-mmelt ang mga eyeball nito na nahing dahilan para sumigaw siya sa sakit at mabitawan niya ang prinsepe.

"Anong nangyayari dyan!" Dinig ko naman ang sigaw ni Prof. Stella. Kaya, dagli kong hinawakan ang kamay ng prinsepe para mag-teleport.

"Say what happened here at hindi lang mata mo ang malalasaw,"at Pagbabanta ko. Katapos ay nag-teleport papunta sa room namin ni ng kapatid sa academy.

"N-Nasan tayo? A-Anong nangyare?" Humihikbing tanong ng prinsepe nang makarating na mami sa loob ng room. Hindi ko muna siya sinagot at pumunta sa kusina para kumuha ng yelo at isang basong tubig.

"Maupo muna kayo, mahal na prinsepe at uminom ka muna, at ayahan mo akong tapalan ng yelo yang pasa mo sa may braso at leeg," Sabi ko. Kaya inalalayan ko siyang umupo at sinumulan ng tapalan ang mga pasang nakikita ko sa katawan niya. Uminom naman siya ng tubig at tumingin siya sakin ng seryoso.

"Paano mo napag-aralan kaagad ang Utility Hex: Teleportation at anong nangyare kanina kay Gerald?" Tanong niya, hindi ko naman siya kinibo at pinagpatuloy lang ang pagdampi ng yelo. Shit, kamukha talaga siya ni Kio, halos hindi aki makatingin sakanya, "Ano ba Brielle, answer me! I command you to answer my questions!" Sigaw niya, kaya napahinga ako ng malalim.

"Huwag mong ipagsabi ang isisiwalat ko sayo kahit anong mangayari mahal na prinsepe," Seryosong sabi ko. Kita ko namang naging mukhang interesado ito at itinaas ang kanang kamay.

"I, Elvin Hayes, Prince of Elfos Domain, vowing that I will never tell anyone about your secret, if I did, my power will automatically kill me," Sabi niya. Bigla namang umilaw ng kulang puti ang buo niyang katawan. "Now, tell me." Dagdag niya pa. Kaya tinanggal ko ang lahat ng magical item na pang-camouflage ko, kita ko namang napanganga ito, sunod kong tinanggal ay ang contact lenses ko na nagpakita ng mga kulay bahaghari kong mga mata.

"This is the real appearance of mine, I am not Elvis, I am a Amalgam - Forbidden Race, the one with Draco and Fae Blood," Sabi ko. Napatakip naman ito ng bibig dahil dito. "Are you afraid of me?" Tanong ko, kaya tinanggal niya ang pagkakatakip ng bibig niya at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.

"Why should I? You're the one who save me from that pervert, also, I am shocked not because of your race, but because of your colorful, vivid, dazzling eyes," Sagot naman niya. Bigla namang tumibok ang puso ko ng napakalas at may kung anong init ang naramdaman ko sa aking pisngi.

"T-Thank you," Nasabi ki na lang. Tsaka ko naman sinuot ulit ang contact lenses ko at ang mga mahical item pang-camouflage.

"Now it's my turn to tell you my deepest dark secret," Sabi niya. Kaya itinaas ko rin ang kaliwang kamay ko para mag-vow.

"I, Brielle Charlotte, Prince of Draco and Fae Races, vowing to never spread your secret, and if I did, my power may kill me," Sabi ko. Umilaw naman ng kulang bahaghari ang buong katawan ko.

"Okay, so I am not a full blood Elvis, I have a Draco blood. Umibig si ama sa isa sa mga tagapaglingkod ni Haring Riyu, doon nga ay nabuo ako. Maraming galit sa mga Draco at Fae, at may banta sa mga may dugo nila. Kaya, para mapagtakpan ni ama ang dugong nalalaytay sakin ay gumawa siya ng bagong branch ng Healing Hex, ang Elemental Healing Hexes. Kaya ako pa lang, bukod sainyo ang nakakagamit ng Elemental Healing Hexes dahil sa may dugo tayong Draco," Kwento niya. Nabigla naman ako dahil doon, pero binigyan ko siya ng ngiti.

"Nakakatuwa namang isipin na hindi lang pala kaming dalawa ng kapatid ko ang natitirang may dugo ng Draco," Nasabi ko na lang. Katapos ay niligpit ko muna ang mga yelo at baso, at bumalik ulit sa kanya.

"Bumalik na kaya tayo sa Elfos Domain?" Tanong niya, tinanguan ko naman siya  at inabot ang kanyang kamay.

"Tara?" Tanong ko, inabot niya naman at bigla siyang napatitig sakin.

"Napakagandang nilalang mo, Brielle," Wala sa sariling sabi niya. Kumabig na naman ng malakas ang dibdib ko dahil doon.

"U-Uh? B-Bumalik na nga lang kaya tayo?" Nauutal na tanong ko na nagpahagikgik sakanya.

"Sige na nga tara na." Sabi niya habang umahagikgik pa, inabot niya na qng kamay ko. Kaya dagli akong pumikit ang nag-teleport sa loob ng banyo, dahil iyon pa lang namna ang alam kong lugar sa Elfos Domain.

"Narito na tayo," Sabi ko. Kaya binuksan na biya ang kanyang mga mata. Kita namna naming wala na si Gerald kung saan namin siya iniwan.

"Wala na siya, salamat naman," Sabi niya pagtukoy niya kay Gerald. Kita ko sa mga mata niya ang kaginhawaan. Kaya, hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas, "Teka, isusuot ko muna ang hood ko." Dagdag niya, kaya tumigil kami ng kaunti at isnuot niya ang hood ng cloak niya. Kalabas ko ay kita ko namang wala na ang mga co-student ko at sila Weiner.

"Alam mo ba kung saan ang destinasyon ng mga bibistang students dito, Mahal Prinsipe?" Tanong ko. Suminyal naman siya na tumahimik ako.

"Tawagin mo na lang akong Vin kapag tauong dalawa lang, lalo na sa public places, baka may makakilala sakin at magkagulo dahil sa mga taong sabik na makita ako," Sabi niya. Napakamot naman ako sa batok at tumawa na halatang nailang.

"So, Vin. Alam mo ba?" Tanong ki ulit.

"Oo, tara sundan mo ako," Sabi niya kaya pinauna at sinundan ko na lang siya.  Nag-try na man akong i-comnect ang mimd communication ko kay Weiner.

"Weiner, nasan kayo?" Tanong ko pamamagitan ng Mind Communication.

"Uy! Buti ang nagparamdam ka, kanina ka pa namin hinahanap, kaso hindi raw kami pwede humiwalay sa pila lalo na may nagtangkang Draco Race daw sa buhay ng isa sa mga mag-aaral kaya pina-deretso na kami dito sa Guest's Building ng palasyo, wait! Wait! Wait! Don't tell me ikaw gumawa no'n?!" Galit na tanong ni Weiner. Narindi naman ako kaya cinut-off ko ang communication.

"Nandito na tayo," Sabi ni Vin. Kaya naman natagil ako at kita ko ngayon ang palasyo na may Nang mapatingin ako sa palasyo ay nakita ko ang isang maringal na kastilyo sabi nila ito daw nakapatong sa ibabaw ng burol na  napapalibutan ng malalagong berdeng puno at halaman. Ang kastilyo ay gawa sa bato at may ilang mga tore na may matulis na bubong, pati na rin ang mga bintana na nakikita mula sa labas. Sa harap ng gusali ay may lumalagong bulaklak na lila sa damuhan. Sa magkabilang gilid ng kastilyo ay may mga matataas na puno na may maliliwanag na berdeng dahon, na nagbibigay ng lilim sa lugar sa ibaba ng mga ito. Mas nagpaganda naman dito ang asul na kalangitan at ang mga puting ulap. Grabe parang sa mga fantasy story book ko lang nakikita ang mga ganutong plasyo.

"Ang ganda," Iyan lang nasabi ko. Bigla naman akong kinalabit ng prinsipe na nagpabalik sa wisyo ko.

"Mauna na ako pumasok sa iyo, kailangan ko pang lusutan ang mga guards. Magtanong ka na lang sakanila at i-guguide ka nila papunta sa Guest's Building," Sabi ni Vin. Nag-nod naman ako nilang sagot at kita kong nawala siya bigla pero ramdam ko parin ang presensya niya. Kaya lunapit na agad ako sa tarangkahan para magtanong.

"Guard, pwede bang magtanong?" Tanong ko, binigyan naman ako ng tango ng isa sa dalawang guard ng tarangkahan, "Itatanong ko lang san akung saan ang Guest's Building? Naiwan kase ako kanina, student ako sa Akadimía evlogías tou theoú." Sabi ko.

"Aproti, itanong mo nga kay Prof. Stella kung talaga bang isa s amga student ito," Utos ng kausap ko sa kasama niya. Kaya nag-salute muna ito bago tumakbo. Ilang saglit pa ay bumalik ito at nag-salute ulit.

"Confirmed, sir!" Sigaw ni kuya guard na may ngalang Aproti. Kaya binuksan na ang tarangkahan at dagli na akong pumasok, "Nasa bandang timog ang Guest's Building, agad mong makikita yun kase makikita mo naman ang ilan sa mga student na nakapila parin at hindi parin nakakapasok." Sabi ni Guard Aproti. Binigyan ko naman siya ng ngiti at nag-bow narin, sabay takbo papuntang Guest's Building...

"Kuya! Bakit mo cinut-off pag-uusap natin, apaka bastos!" Sigaw ni Weiner gamit ang Mind Communication.

"Maya na tayo mag-usap, papunta na ako ngayon dyan. Salubungin mo nga ako!" Iritang utos ko sakanya. Cinut-off naman niya ang communication. Kaya mas binilisan kio pa ang takbo. Ilang minuto la nga ay kita ko pa ang kaunting student na nakapila s alabas ng isang building na kitang naraming binta, which means maraming room dito.

"Kuya!" Dinig kong sigaw ni Weiner. Kita kong winawagayway niya ang kamay niya banda na sa may pinto ng building kasama sila Kuya Tieo at Lor. Kaya naman dagli akong lumapit sakanila.

"Uh! Nakakapagod!" Sigaw ko. Hinila naman ni Weiner ang kamay ko at pumasok sna sa Building, "Hindi ba magagalit yung mga nakapila sa labas?" Taning ko.

"Hindi yan, by group naman ang pagpasok kahit na isa-isa. Ka-group ka namin at nakapasok na kami kanina pa kaya dapat ka nang pumasok," Sagot ni Weiner. Na-confuse naman ako bigla.

"Anong by group?" Takang tanong ko.

"Sabi ni Prof. Stella, for three days need nating bumuo ng group consist of four members. Kaya ayan, tayong apat na lang, maghiwa-hiwalay pa ba tayo di ba?" Sabi ni Weiner. Kaya naman naliwanagan ako sahil doon.

"Room 03 second floor daw tayo, here's your duplicate key, Brielle." Pag-abot ni Kuya Tieo sakin ng susi. Agad ki naman kinuha ito at nilagay na sa bulsa ko.

"By the way, bakit wala pala kayong dalang kahit anong bag para sa mga clothes niyo for three days?" Tanong ni Lor. Binigyan na lang namin siya ng awkward na ngiti.

"Kapag na lang nakarating na tayo sa room natin kami magpapaliwanag," Sagot ko naman. Nag-nod lang si Lor at nag-umpisa na kami maglakad papunta sa room namin...

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Pinairal na naman ni Brielle ang ang init ng ulo niya, paano natin niyan i-mamanage ang case ng batang nalusaw ang mata?" Tanong ng isang nilalang na may pares ng sungay at pakpak at nakatakip ng cloak.

"Bayaran mo ang mga magulang, tapos ay utasan mo silang i-kick ang anak nila sa academy, as simple as that. Kesa lumaki pa ang rumors na may Draco Race ang nabubuhay at naghahasik ng paghihiganti," Sagot naman ng babaeng nakasuot ng white cloak. Natawa naman ang kausap niya.

"Masusunod..." Sagot ng kausap niya sabay lumabas sa room kung saan sila nag-uusap...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro