Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XVII - GET MORE CLOSER

WEINER'S POINT OF VIEW

Nararamdaman kong may nakatingin sakin, kaya naman binuksan ko ng dahan-dahan ang aking mga mata at unti-unti kong naaninag ang isang kaakit-akit na pamilyar na mukha. Nakita ko namang biglang nanlaki ang mga mata niya at umiwas ito ng tingin sakin.

"Gising kana pala, tatawagin ko lang ang kuya mo at healer," Sabi nito. Tumayo namna ako ng dahan-dahan, nagulat naman ako ng imbes na lumabas siya ay inalalayan niya ako sa pagtayo.

"Oh, akala ko ba tatawagin mo sila?" Nanghihinang tanong ko. Nag-ayos naman siya ng tayo at nag-umpisa nang maglakad.

"Y-Yeah, I-I'm going to call them." Sabi niya sabay sara ng pinto..

Minutes passed...

Narinig ko namang bumukas ang pinto at nakita ko ang gulat na itsura ni kuya. Agad naman niyang itinulak ang healer na kasama niya bago pa siya makatingin sakin at ini-locked ang pinto.

"Anong ginagawa mo kuya?" Naguguluhang tanong ko. Bigla naman itong tumakbo papunta sakin at kinuha at inilabas niya ang lalagyanan ng contact lens. Doon ko na na-realized kung bakit siya nagkakaganto.

"Isuot mo na," Bulong niya. Kaya agad kong kinuha, binuksan, at sinuot na ang contact lens. "Shit, pinapakaba mo ako." Sabi ni kuya sabay hinga ng malalim at pumunta sa may pinto at binuksan ito.

"What are you doing, Brielle? Are you crazy?" Inis na tanong sakanya ng healer. Kinamot lang ni kuya ang kanyang batok.

"Sorry po, m-may inayos lang po ako," Sagot ni kuya. Nagbuntong-hininga lang ang healer at iiling-iling na lumapit sakin. Kita ko namang pumasok din sa pinto si Prince Devon. Tumingin naman ito ng masama sakin at dagiling lumapit.

"Your eyes, what happened?" Naguguluhang tanong nito. Doon ko nga naalalang baka kaya siya nagulat kanina ay dahil nakita niya ang tunay na kulay ng aking mga mata. Kaya umiwas ako ng tingin sakanya.

"What happened to his eyes, Prince Devon?" Tanong ng healer. Umiling naman si Prince Devon.

"Oh, nothing don't mind me." Sagot naman ng prinsepe. Kaya naman itinapat na ng healer ang kanyang kamay sa aking noo, sunod no'n ay may kulay green na enerhiya ang bumalot sakin. Ilang saglit lang ay nawala narin agad ito.

"Okay, pwede ka ng ma-discharge ngayon din. Wala naman akong injuries na nakita sa katawan mo, maaaring over fatigue lang ang nangyari sayo kaya ka nahimatay, sige alis na ako." Sabi ng healer. Tumago na lang ako bilang sagot.

"I'll go ahead too, Grazilda is still unconscious." Sabi naman ni Prince Devon. Tinanguan ko naman siya at nginitian.

"Thank you for being here, My Prince." Sabi ko. Bigla namang naging uncomfortable ang mag mata niya at tumalikod at naglakad n alang ng mabilis.

"So, magbihis ka na para maka-alis na tayo." Sabi ni Kuya Brielle sabay abot ng damit at cloak ko. Naka-patient gown kase ako. Kaya tumayo ako at kinuha sakanya ang mga ito...

...

PRINCE DEVON'S POINT OF VIEW

Fuck it! Why does my heart always pounded so fast and pounding so hard whenever Weiner compliments me. I really don't like it, I can't bare but to show some of my feelings because of him!

"But, I am sure that the color of his eyes were stunning rainbow color. I know, I saw them in very near view." Naguguluhang pagka-usap ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni Grazilda...

Minutes passed...

Nakarating narin ako sa harapan ng pinto ng kwarto niya dito sa hospital sa loob ng Akadimía Evlogías tou Theoú. Kumatok naman ako bago pumasok. Nang makapasok na ako ay kita ko naman ang mga kapwa ko Royalties na nag-kkwentuhan, habang wala paring malay si Grazilda. Napansin naman ni Sirenity ang presensya ko. Kaya tumingin ito sakin.

"Oh, Kuya Devon. Saan ka ba nanggaling at kanina ka pa namin hinahanap?" Tanong niya. Umupo muna ako sa couch at bumuntong-hininga.

"May pinuntahan lang ako," Sagot ko. Tumingin naman ng seryoso sakin si Claire.

"Si Weiner ba?" Tanong niya sabay ngisi na nagpabigla sakin.

"Who's Weiner, Ate Claire?" Tanong naman ni Elvin. Tinaasan naman ako ng kilay ni Claire.

"Yung nakalaban ni Grazilda kanina. Grabe naman talaga ang pagkasabog mo, Elvin. Lagi na nga namin binabanggit 'di mo parin pala kilala." Sagot naman ni Xander sabay tawa ng malakas. Sinapok naman siya ni Claire.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong eh. Sorry for that Baby Elvin. 'Yon nga, gaya ng sabi ni Xander, siya yung nakalaban kanina ni Grazilda," Sagot ni Claire, "At merong isa satin dito ang mukhang may pagtingin sakanya."

Napatingin naman ako sakanya dahil sa hiling sinabi niya.

"Stop that gross thoughts of you. Hinding-hindi ako papatol sa mababang nilalang na gaya niya!" Galit na sigaw ko na nagpatahimik sakanila. Kaya naman huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at umpo. "We should stop talking nonsense." Sabi ko. Kaya bumuntong-hininga sila at nag-usap sila na hindi na ako sinali pa sa usapan.

"Claire." Pagtawag pansin ko kay Claire na kausap si Serinity. Humarap naman ito agad sakin.

"Ano yun, Devon?" Tanong niya. Napabuga naman ako ng hangin at napaseryosong tumingin sakanya.

"May nakita kana bang kulay bahaghari ang mata?" Tanong ko. Napataas naman ito ng kilay.

"Hoy, Devon. Tanging ang mga Fae lang ang may gano'ng kulay ng mata, at sa pagkakaalam ko ay wala ni isang Fae pa ang nabubuhay sa Sphere na ito." Sagot naman niya. Mas lalo naman akong binagabag ng curiosity ko dahil sa sagot ni Claire. "Bakit, may nakita ka bang gano'n ang kulay ng mata? Kung may makita, kailangan na nating mapatay agad iyon." Sabi niya pa. Kaya umiling na lang ako at sumandal sa couch, at pumikit.

"I think, I need to come more closer to you, so that I could examine your whole self and background." Pagka-usap ko sa sarili ko...

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Nasa loob na kami ng room namin ni Weiner ngayon, kasalukuyan siyang nakahiga sa kama at ako naman ay chinecheck ang mga gamit  namin na inayos ng mga staff kanina. Maayos naman lahat, at gusto ko ang ibinigay na pwesto ng kabinet ko na malapit kang sa banyo.

"Kuya, nagugutom na ako!" Sigaw naman ni Weiner na kumuha sa atensyon ko. Kaya nilapitan ko siya.

"Tara, tumayo ka riyan at hanapin natin ang Cafeteria ng Academy na ito para makakain," Utos ko. Kaya dagli siyang tumayo. Naglakad naman kami palabas ng room...

Minutes passed...

Nasa labas na kami ng Elvis Building at nagsimula ng nagtanong-tanong kung  nasan ba ang cafeteria. Itinuro naman kami ng isang estudyanteng Vampire sa may bandang north side ng Academy. Kaya naglakad na kami roon. Pero makalipas ang ilang oras ay wala kaming makitang cafeteria, bagkus ay isang kweba ang aming nakita.

"Kuya nagugutom na ako? Saan ba ang cafeteria? Mali naman ata ang sinabi ng Vampire na iyon, imbes na cafeteria, kweba ang nakita natin." Reklamo naman ni Weiner.

"Haist, baka niligaw lang tayo ng Vampire na iyon talaga!" Inis na sigaw ko naman. Pero bigla ko namang naalala ang isa sa mga pinaka-importanteng rules ng Academy na ito.

"Fifth and the most important, don't ever set a foot on Cursed Prison, or else you will either die or expel."

Bigla namang nag-pop-out sa utak ko ang sinabi ng Head Mistress noong orientation.

"Weiner, hindi kaya ito ang Cursed Prison na ayaw ipapasok ng Head Mistress?" Tanong ko naman. Ngumiwi naman ito.

"Ah? Anong sinabi ng Head Mistress?" Tanong niya. Kaya pinitik ko ang kanyang noo.

"Tanga ka talaga, alalahanin mo ang fifth rule ng Academy na ito!" Inis na sigaw ko sakanya. Bigla namang lumaki ang mga mata nito, indikasyon na naalala na niya.

"Luh! Kuya iyon ang most important rule, wait don't tell me..." Sabi niya habang nakaturo pa ang hintuturo niya sakin. Tinanguan ko naman siya at nginisian. "No, I won't tolerate that risky wild act of you!" Galit na sigaw niya sakin.

"Eh baka may itinatago silang imporatanteng bagay o nilalang diyan. Malay mo, may makuha pa tayong impormasyon tungkol sa mga magulang at iba pang impormasyon ng lugar na ito na binura lang ng mga nakatataas." Pangungumbinsi ko na nagpa-kaba ata kay Weiner.

"Pero kapag nahuli tayo, baka patayin o i-expel tayo ng Academy na ito." Kinakabahang sabi niya. Yinakap at hinagod ko naman ang kanyang likod.

"Weiner, we need to take a risk in gathering information, we mustn't allow the sacrifice of Papa Alex or Quino go in vain." Sabi ko. Kaya bumitaw ito sa yakap ko at tinanguan ako.

"Okay okay, let's go and find out what really inside of that cave," Sabi ni Weiner. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at tumakbo papunta doon. Malapit na kami sa bunganga ng kweba, pero napatigil kami ng may ahas na may walong ulo ang bigla na lang lumitaw mula sa loob ng kweba.

"Umalis kayo saaking tahanan!" Sabay-sabay na sigaw ng walong ulo nito...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

You are all beautiful today, kyubies!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro