Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XLV: DECLARATION OF WAR

WEINER'S POINT OF VIEW

"Kuya, kalma lang. Ginagawa nila ito para ma-trigger tayo. Huwag muna tayo magpadala sa sitwasyon," Sabi ko. Nag-inhale at exhale naman si Kuya Brielle para ikalma ang sarili niya.

"Ikaw pala ang anak ng taksil, buti at hindi mo pa siya tinapos noon, Jier?" Tanong ni Haring Ilumin kay Jier habang nakatingin kay Kuya Tieo.

"A-Ah, hindi ko kase siya nahanap noon, baka tinago rin ni Quino," Sagot naman ni Jier. Napatingin naman sakin si kuya.

"Do you also think what I am thinking right now?" Tanong ni Kuya Brielle. Nag-nod ako tinignan si Kuya Tieo na alalang nakatingin sa ama.

"Jier is not really a bad person," Simpleng sagot ko. Tumayo naman si Princess Serenity na nagpabigla samin.

"Where are you going, princess?" Tanong ko. Naglakad lang naman siya palabas ng stadium.

"Thank you for your words, but I think I need to leave. I don't want that fraud king to see me like this," Sabi ni Princess Serenity. Naging palaisipan naman ang sinabing niyang iyon.

"Ngayon, umpisahan na natin ang pagbitay sa mag-ama!" Sigaw ni Haring Ilumin, nag-teleport naman ito nang mabilisan sa harapan ni Kuya Tieo at sinuntok ito sa sikmura. Sinakal niya rin ito at saka kinaladkad hanggang sa makapunta sila sa kinatatayuan ni Papa Alex.

"P-Papa," Nanghihinang sabi ni Kuya Tieo. Iniatsya naman siya ni King Ilumin at gumapang naman papunta sa kanyang ama si kuya. Kita ko namang tumingin sa gawi namin si papa.

"Brielle, Weiner, whatever happens, do not show yourself," Sabi niya gamit ang Mind Communication.

"But papa, ayaw ka na namimg mawala ulit!" Madmadaming sabi ko at may namuo nang luha sa mata ko. Nabigla naman ako ng hagurin ni Kuya Brielle ang likuran ko para pakalmahin.

"Papa, we can't lose you again," Sabi ni kuya.

"Let me show you the weapon that can chop their heads off!" Sigaw ni King Ilumin. Itinaas niya naman ang kaliwang kamay niya at lumitaw bigla ang isang napakalaking axe na purong itim anag kulay, "So, I'm going to test it now to his son!" Sigaw ng hari at biglang tinaga ang batok ni Kuya Tieo na nag-resulta ng paghiwalay ng ulo niya sa leeg niya. Napatulala na lang kami ni kuya dahil sa nasaksihan. Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng katawan ni kuya at pag-init ng paligid.

"K-Kuya, you need to calm down," Humahagulgol na sabi ko. Pero nakayuko lang ito habang may pumapatak na luha sakanya.

"Brielle, calm your self d-" Hindi na natuloy pa ni papa ang pagsasalita nang makita na lang namin na nasa sahig na nagbulo niya...

"I'M GOING TO KILL YOU, F*CKING DEMON!" Sigaw ni Kuya Brielle. Bigla namang nasira ang bracelet niya na pumipigil sa kapangyarihan namin. At bigla na lang nagkaroon ng malakas na explosion na nagpatilapon sakin...

...

ALEX/QUINO'S POINT OF VIEW

"Brielle, calm yourself d-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang katawan kong walang ulo habang tumatalbog naman ang uluhan ko ngayon. Iyon na ang huli kong nakita at napapikit naman ako at para bang bumalik ako sa nakaraan kung saan itinakas ko sa mundong ito ang kambal para iligtas sila...

"Magpahinga ka na, Darsy..." Sabi ni ko sabay kuha ng maliit na punyal na nasa bulsa ko at ginilitan sa leeg ang nanghihinang tagapag-lingkod. Napatingin naman ako sa dalawang sanggol dahil sa hindi tumitigil sa pag-iyak ang isa at kita ko naman ang isa na nakangiting nakatingin sakin. Naalala ko naman ang anak ko sakanila, at may kung ano sa puso ko ang kumirot. Ngunit napa-iling ako ng maalala ko ang tungkulin na iniatas sakin ng aking matalik na kaibigan na si Haring Ilumin. Huminga namna ako ng malalim.

"Ang tungkulin na inatas sakin ang dapat kong sundin," Sabi ko sabay taas ng punyal. Ngunit nagulat ako nang tumigil sa pag-iyak ang kaning humahagulgol na sanggol at tumingin ito ng diretso saaking mga mata at tumawa na para bang nakikita niya ang kanyang ama sakin. Nakitawa narin naman ang isa pa. Kaya nabitawan ko ang punyal at yinakap sila, bigla namang may tumulong luha sa mga mata ko.

"B-Bakit hindi mo ako tinuluyan?" Dinig kong tanong ni Darsy.

"Magkunwari kang patay hanggang sa matapos ang digmaang ito. Babalikan kita pagkatapos kong ilayo ang mga sanggol na ito sa kapahamakan," Sabi ko kay Darsy. Narinig ko namang humihikbi ito.

"Maraming salamat," Sabi niya. Tumayo naman na ako at nakitang ipinikit na ni Darsy ang kanyang mga mata para magkunwaring patay na.

"Saan ko kaya kayo dadalhin?" Tanong ko habang nilalaro silang dalawa.

"Dalhin mo sila sa mundo ng mga mortal, mayroong bahay doon sila Princess Aida at Haring Riyu na plano nilang tirhan kapag napaalam na sa buong Sphere ang kapanganakan ng kambal, at plano rin sana nilang bumaba na sa trono para mamuhay doon," Sabi ni Darsy habang may binibigay na susi. Kinuha ko naman ito at nag-teleport na sa lagusan papuntang mundo ng mga mortal. Ilang saglit pa nga ay nasa harapan na ako ngayon ni Tandang Tano. Maglalakad na sana ako para puntahan ang matandang puno nang may mahulog sa nakangiting sanggol. Kaya pinulot ko at nakitang orb pala ito na naglalaman ng impormasyon nila. Bigla naman ay may hologram na lumitaw kaya binasa ko ang nilalaman nito.

"Brielle Charlotte Luxembourg-Nassau, first born," Pagbasa ko. Kinapa ko naman ang tunatalukbong na tela sa isang umiiyak kanina, at may nakapa naman ako sa may bandang likuran niya kaya kinuha ko. Nakita ko rin na orb ito na naglalaman ng impormasyon ng sanggol at binasa ko rin ito, "Weiner Charlotte Luxembourg-Nassau, second born."

"Anong ginagawa mo rito, Elvis?" Tanong ni Tandang Tano. Kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"Nais kong pumunta sa mundo ng mga tao kasama ang mga sanggol na ito," Sabi ko. Tumango naman ito at binuka na ang kanyang bibig.

"Sige pumasok kana," Sabi niya. Kaya naglakad na ako papasok ng lagusan...

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Katapos ng pagsabog na nagpatilapon sa halos nilalang dito ngyaon pwera kay Ilumin na nakatayo at tumatawa pa ng malakas ay makikita na ang nagliliyab na si Brielle.

"Finally, you showed yourselves!" Sigaw nito. Pero nagulat naman siya nang makita niya na lang na nasa harapan niya si Brielle na nababalutan ng itim na apoy ngayon at pabulusok na sa mukha niya ang nag-aapoy na kamao ni Brielle. Tumalon naman siya para mabawasan ang impact ng suntok, pero nag-resulta parin ito ng pagtilapon niya at pagsunog ng kaliwang pisngi niya na natamaan ng suntok. Bumngga naman siya sa harang na pader para sa mga bleachers na nagreslulta ng pagkawasak ng pader.

"F*ck! Tumulong kayo o mamatay din kayo!" Sigaw ni Haring Ilumin sa mga kapwa niya hari at reyna.

"I will kill you, I will kill you, I will kill you!" Sigaw ni Brielle at susugod na sana ulit nang matamaan siya nang iba't ibang klase ng Hexes at weapons na galing sa mga Hari at Reyna ng iba't ibang lahi. Tumilapon naman si Brielle dahil doon.

"Kuya!" Sigaw ni Weiner. Kaya binasag niya ang kanyang bracelet at sumabog ang ng malakas ang pinigilang hexes ng bracelet na nagpatilapon ulit sa mga nilalang sa stadium. Habang wala namang nangyari sa mga Hari at Reyna.

"Water Armor!" Sigaw ni Weiner. Kaya nabalutan siya ng tubig sa buong katawan. Katapos ay nag-teleport siya at napunta kung saang pader babangga si Brielle at yinakap niya ang kapatid nang makalapit na sakanya para hindi ito makatanggap ng malalang injuries.

"A-Ah!" Sigaw ni Weiner nang mag-tuloy-tuloy parin sila sa pagbangga sa mga pader, "Water Barrier!" Sigaw ni Weiner at saka gumawa ng shield sa likuran niya na nagpa-stop sa pagbulusok nila.

"Gotcha!" Sigaw naman ni Haring Ilumin na na may ngisi sa labi na bigla na lang lumitaw sa harapan nila. Itinaas niya naman ang kanyang palakol para makakuha ng bwelo at nang akma na niyang tatabakin ang magkapatid ay bigla naman naglaho ang hari. Sunod-sunod din namang naglaho ang iba pang hari at reyna at napunta lahat sila sa labas ng Academy.

"No one can hurt my precious princes!" Sigaw ni Priest. Nuerbo Vista na lumitaw sa harapan nila Weiner. Napangiti naman si Weiner at dahil sa natamong injuries ay napapikit naman ito. Linapitan namam sila agad ni Nuerbo Vista para kumustahin ang lagay ng magkapatid na walang malay ngayon.

"Kumusta sila, Nuerbo? Ayos lang ba sila?" Tanong nang nakasuot ng black cloak na lalake.

"Ayos naman sila, ngunit kailangan paring i-treat sila dahil medyo malala ang natanggap nilang injuries, Geor." Sagot ni Nuerbo Vista habang sinusubukang itayo ang magkapatid.

"P-Pasensya na, Priest. Nuerbo Vista. N-Napuruhan ako ni Ilumin kaya hindi kita agad natawagan," Nanghihinang sabi ng iika-ikang Mistress. Nang makita siya ni Geor ay agad naman siya nitong inalalayan at nawalan naman ng malay si Mistress Eva. Kaya kinarga nalang siya ni Prof. Geor.

"We already declared war on the Royalties of every race by shunning them here; we need to plan and make strategies to make this academy and the twins safe," Sabi ni Priest. Nuerbo Vista...

...

Sa mga nagtatanong anong pangyayari katapos ng Preface. Ayan na po, sana naliwanagan ma kayo. Also, maganda ba yung apelyido ng magkapid? HAHAHHA. Baka namam, pa-follow ako. Thank you and enjoy reading!

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro