KABANATA XLIX: THE DESPAIR OF BRIELLE
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Katapos mapunta sa Draconic form niya si Brielle ay binugahan niya agad ng apoy ang direksyon ni Devon para mapaalis ito. Nang umiwas si Devon ay pinulot niya naman ang kapatid niyang wala naghihingalo at dinala kung nasan sila Singleton. Katapos ay lumipad naman ito sa itaas. Binitbit naman siya agad ni Singleton.
"Mistress, ilalayo ko muna si Weiner dito at dadalhin ko muna ang katawan niya sa secret place ni Kuya Tieo," Sabi ni Singleton. Halatang pinipigilan ang luha habang nakatitig sa naghihingalong kaibigan. Katapos ay tumakbo na.
"Battalion, attack!" Sigaw naman ni King Ilumin. Kaya sumugod naman ang mga batalyon ng iba't ibang klaseng Race papasok ng Acdemy. Pinasabog na nga nila ang mga pader sa Academy para mas maaliwalas ang kanilang papasukan.
"Students, attack! And please, be careful!" Sigaw din ni Mistress Eva habang nakahiga pa si Priest Nuerbo Vista sa kanyang hita at ginagamot naman siya nila Prince Elvin at Lor. Sumugod naman na ang mga students at sinalubong ang mga batalyon. Binugahan naman ni Brielle ng apoy ang batalyon ni Ilumin, ngunit may kasama silang Fishmen, kaya nag-chant lang sila ng spell na kayang mag-summon ng shield. Bigla namang may tumamang malakas na palo sa baba ng dragon na muntikang magpabagsak dito. Nang tignan ni Brielle sino ang may gawa ay nakita niya ang nakangising si Ilumin.
"Finally, I see this thing once again. Tayo ang maglaban!" Sigaw ni Ilumin habang tumatawa. Tumalon naman ito at itinaas ang kamay, lumitaw naman ang Death Axe niya. Inunat niya ang kanyang kamay para magkaroon ng bwelo. At saka siya mabilisang bumulusok sa Black Dragon ngayon. Iwinasiwas naman ni Brielle ang buntot niya at natamaan si Ilumin. Tumilapon ito sa malayo.
"Edgordium amesrtyumsiom!" Sigaw na kararating lang na si Haring Atlantis na napigilan ang pagtalsik ni Ilumin. Nasa likod niya rin naman ngayon ang kapwa niya Hari at Reyna na kararating lang din.
"Pasensya na at nahuli kami, nakakabigla namang makita muli ang isang buhay na Draco sa kanyang Draconic form," Sabi ni Haring Atlantis. Sinapal naman siya ni Ilumin.
"Saan kayo pumunta?! Inayahan niyong humarap ako ng mag-isa dito!" Galit na sigaw ni Ilumin. Nanginig naman silang lahat.
"Inayos muna namin ang dapat ayusin sa kaharihan namin," Sagot naman ni Queen Saint. Sinuntok naman ni Ilumin ang lupa.
"Ano pang tinatayo niyo, patayin na natin yan gaya ng pagpatay natin kay Riyu!" Sigaw ni Ilumin. Nag-nod naman silang lahat at itinaas ng iba ang kamay nila, lumitaw naman ang kanya-kanya nilang weapons at ang iba naman ay inihanda ang hexes nila. Golden bow and arrows kay King Grendon na kaya tumagos sa dalawangpung kalasag. Kinopya naman ni Queen Avery ang Hex ni King Atlantis kaya nagkaroon siya ng access sa King's Holy Scripture. Hinawakan naman ni Alpha Lovelace ang palakol ni Ilumin at ginaya ito dahil ito ang pinakamalakas na weapon sa kanilang lahat. Lumitaw naman ang isang maliit na shield ni Queen Saint.
"Sugod!" Siga mw ni Ilumin. Kaya tumakbo sila at sabay-sabay na tumalon at umatake kay Brielle. Binugahan naman sila ng apoy ng dragon na sinalo naman ni Queen Saint at na-block niya naman ito ng maayos.
"Page five-hundred-three, Avery!" Sigaw ni King Atlantis. Nag-nod naman si Queen Avery at hinanap ang pahinang sinabi ng Hari.
"Evrogrokulus, espetomus, agragusko, prident!" Sigaw nilang dalawa. Lumitaw naman ang napakalaking kulay yellow na magic circle sa taas ni Brielle at ilang saglit pa ay may golden net na nahulog sakanya na nagsanhi para hindi siya makagalaw.
"It's our turn, King Ilumin!" Sigaw naman ni Alpha Lovelace. Kaya bumwelo silang dalawa ni Ilumin at sabay pinatama nila ang dalawa nilang palakol sa may leeg ng dragon na nagsanhi ng pagkatumba ng dragon, ngunit hindi nila ito nasugatan.
"Ako nang bahala, paalam!" Sigaw ni King Grendon at pinihit ang string ng kanyang bow at may limang goldeng arrows na ang bawat isa ay may kakayahang tumagos sa dalawangpung kalasag. Pinakawalan na nga niya ang mga ito at tumama naman ito sa iba't ibang parte ng katawan ni Brielle na tumagos sa laman niya. Kaya napasigaw si Brielle sa sakit.
"BRI!" Sigaw naman ni Elvin nang makita niya ang lagay ng kanyang kasintahan. Tumingin naman si Ilumin sakanila. Bigla namang lumitaw si Ilumin sa harapan nila at bumwelo para sana tagain si Prince Elvin na gulat ngayon s abilis ng mga mangyayari.
"Mahal na prinsipe!" Sigaw naman ni Lor na naging dahilan para tumagos ang palakol ni Ilumin sa tyan ni Lor, "T-Tumakas na kayo!" Sigaw ni Lor. Ngunit nakatulala parin siya. Lumitaw naman bigla si Singleton sa likuran ng Prinsipe, hinawakan ni Singleton and Prinsipe at ang Mistress.
"Humawak na sakin ang iba!" Sigaw pa ni Singleton. Kaya humawak na ang Vice Mistress at si Prof. Geor. Nag-teleport naman na sila.
"Matapang kang Elvis ka!" Sabi ni Ilumin sabay hugot ng kanyang palakol. Papalakulin pa sana niya si Lor nang bigla namang lumitaw si Jier sa likuran ni Ilumin at sinasak ang hari.
"Mamatay ka ng walang hiya ka!" Sigaw ni Jier na halata sa boses ang sobrang galit. Napaluhod naman si Ilumin dahil doon. Napaluhod din naman ang ibang mga hari at reyna sa hindi malamang dahilan, "Brielle! Bumalik ka sa sarili mo!" Sigaw ni Jier sabay bato ng isang bomba na may lamang calming smoke kay Brielle. Napakalma naman ito si Brielle. Kaya biglang nabalutan si Brielle ng kulay asul na apoy at unti-unti ay bumalik siya sa kanyang original form at dahil sa healing fire iyon ay napawala nito ang pinsalang natamo niya.
"F-F*cking traitor!" Sigaw ni Ilumin at bumwelo para sana putulin ang ulo ni Jier. Ngunit mabilis si Jier, nakaiwas ngabito at sinaksak siya ulit sa likuran
"A-Argggg!" Sigaw ni Ilumin at ng mga hari at reyna. Tumayo naman si Brielle at nag-focus. May lumabas naman na napakalaking bola ng apoy sa puso ni Brielle at ibinato sa mga batalyon ni Ilumin.
"Lahat ng gustong mabuhay, mag-hawak-hawak ng kamay!" Sigaw ni Brielle. Kaya, lahat ng students ay naghawak-hawak ng kamay, nang makita ni Brielle na nakawak na lahat sa kamay ng bawat isa at ang huling hinawakan ng nasa dulo ay ang katawan ni Lor ay nag-teleport si Brielle sa harapan ni Lor, at sinipa ng malakas si Ilumin.
"Tara, sumama kana, Jier!" Sigaw ni Brielle.
"Hindi Brielle, kayo na ang tumakas at ako na ang lalaban sa walang hiyang haring ito na pumatay kay Tieo. Alis na!" Sigaw ni Jier. Kaya nag-teleport na si Brielle kasama ang mga studyante sa Secret Training Room ni Tieo...
"Tayo naman ang magharap ngayon, Ilumin!" Sigaw ni Jier, agad itong tumakbo kung saan tumilapon si Ilumin. Nang makapunta na siya sa harapan ni Ilumin ay sasaksakin na sana niya ito nang mabigla siya nang may palakol na lang na tumagos sa tyan niya mula sa likuran niya.
"You can't kill him, as you will also kill my sister," Malamig na sabi ni Prince Devon. Hinugot niya naman ang kanyang palakol at tinaga sa leeg si Jier na nag-resulta ng pagkahiwalay ng ulo nito sa katawan. Inalalayan naman nitong tumayo ang ama katapos.
"Buti naman at binalikan mo ako, Devon. Maasahan ka talaga," Sabi ng Ilumin.
"If it is not for my sister's life, I'll let them kill you," Malamig na sabi ni Devon. Tumawala lang naman si Ilumin at naglakad naman sila patungon sa ibang hari at reyna. Sinipa naman ni Ilumin si King Grendon.
"Pagalingin mo kami," Sabi niya. Kaya tumayo si King Grendon at pinagaling sila. Ngunit ang sarili niya ay hindi niya kayang pagalingin. Kaya, kinopya ni Queen Avery ang hex niya at pinagaling si King Grendon.
"Let's retreat at gumawa ng plano kung paano natin mahahanap ang mga taksil," Sabi ni Queen Saint Mary. Tumango-tango naman si Ilumin.
"Sige, tara at umalis na tayo dito. May naisip na akong plano," Sabi niya na may ngiti sa labi...
...
BRIELLE'S POINT OF VIEW
"Nakikiramay kami, Brielle. Hindi ko na kayang pagalingin ang kapatid mo. Masyado ng maraming dugo ang nawala sakanya at masyadong maraming organs ang nasira sa loob niya," Sabi ni Vice Mistress. Stella. Umiling-iling naman ako at kinuha ang kapatid ko. Katapos ay ginamit ko ang Phoenix Arizona. Kita ko namang gumaling ang lahat ng mga may injuries dahil sa palakpakan. Nag-sara naman ang sugat ng kapatid ko na magpangiti sakin.
"Kaya ko siyang i-revive, tiwala lang kayo!" Sigaw ko. Kaya naman inulit-ulit ki ang Phoenix Arizona ng tatlong beses at tumigil muna ako dahil bigla akong nanlambot.
"Papatayin mo lang ang sarili mo, Brielle. Alam mong maraming lakas ang nawawala sayo kapag pinagpatuloy mo pa yan!" Sigaw ni Mistress Eva. Hindi ko naman na siya pinansin at uulitin pa sana ang Phoenix Arizona nang may naramdaman akong sumapal sakin at pagtingin ko ay si Vin na umiiyak.
"Brielle! Sa tingin mo kung maliligtas mo man si Weiner ay matutuwa siya kung ikaw naman ang mamatay, uh? Brielle, alam kong malakas ang Phoenix Arizona ngunit kahit ito ay hindi na nito kaya mag-repair ng mga sira-sira nang organs," Sabi niya. Pero hindi ko siya pinakinggan at inulit pa ang Phoenix Arizona. Katapos non ay bigla naman akong napangiwi sa sobrang sakit na naramdaman ko sa buong katawan.
"Kuya, makinig ka naman kay Prince Elvin," Sabi ni Singleton. Hindi ko rin siya pinansin at uulitin pa sana nang yakapin ako ni Elvin sa likod.
"P-Please, hon. T-Tigil na, ako a-ang nasasaktan kapag nakikita kang ganyan. P-Please, isipin mo naman amg sarili mo at isipin mo kung paano ako kung wala ka?" Humahagulgol na sabi iya. Itinulak ko naman siya at tumingin ng malamig sakanya.
"Kung hindi namin kayo nakilalang dalawa ni Devon sana buhay pa ang kapatid ko," Malamig na sabi ko. Kita ko namang napatulala si Elvin at kalaunan ay yumuko. Medyo nasaktan ako pero dahil sa sakit ng nangyari sa kapatid ko ay parang manhid akong humarap lang sa kapatid ko sinubukan ulit ang Phoenix Arizona. Umalis naman ng tahimik si Elvin na walang imik.
"Kuya, bakit mo naman si—"
"Shut up! All of you shut the f*ck up!" Sigaw ko naman na nagpaputol sa sasabihin sana ni Singleton. Uulitin ko pa sana ang Phoenix Arizona nang magdilim ang paningin ko at ilang saglit lang ay kita ko na lang ang sahig na nakalapat sa mukha ko...
...
PRINCE ELVIN POINT OF VIEW
Lumakad ako palayo kay kung nasaan si Brielle at pununta sa banyo ng lugar na ito. Nang kapasok ko sa banyo ay pumasok agad ako sa cubicle kung saan ko binuhos lahat ng luha ko. Pero kahit na ganon ang mga sinabi sakin ni Bri ay iniintindi ko na lang siya dahil sa alam kong sobrang sakit tanggapin ang nangyari sa kapatid niya.
"Bri!" Sigaw ko naman nang may marinig akong sumisigaw at sinasabing nahimatay si Bri. Aalis na sana ako nang biglang narinig ko ang boses ni Kuya Devon sa utak ko — Mind Communication..
"Ituro mo samin ang kinalalagyan niyo o papatayin ng aking ama ang kapatid, ina, at ang iyong ama?" Tanong ni Kuya Devon na nagpakaba sakin...
...
BRIELLE'S POINT OF VIEW
Nang magkamalay ako ay wala akong inaksayang oras at pinuntahan agad ang katawan ng kapatid ko at binitbit ito at nagpaalam na ako na ang maglilibing sakanya at wala nang sasama pang iba. Nirespeto naman nila ang pakiusap ko. Kaya narito ako ngayon kung saan kami unang napunta ng kapatid ko, dito sa may lagusan ni Tandang Tano. Dala-dala ko ngayon si Weiner sa bisig ko at humahagulgol.
"I-In this last moment before we part ways, I just want to tell you that I am so thankful that you are my brother. I-I will miss your nags, your facial expression when I teased y-you, your laughs when you teased me. I'm glad that you are my brother. Weiner, if we meet again in the next life, I pray that you still be my twin brother. I love you." Humahagulgol na sabi ko sa walang buhay niyang katawan. At saka ko siya hinalikan sa noo. Sinuntok ko naman ang kinatatayuan namin ngayon na nag-resulta ng pagguho nito. Tumalon naman ako para umalis at nang makagawa na ako ng hukay ay inihulog ko naman lahat ng bulaklak na kinuha ko kania at maingat na inihiga si Weiner.
"I will miss you forever, Wei. Finally I can call you Wei." Sabi ko habang tumatawa, ngunit may luhang tumutulo sa mata. Katapos ay unti-unti ko ngang binalik ang mga guho ng lupa na nag-libing sa kapatid ko.
"Are you done? It's time for you to face the consequences," Dinig ko naman ang pamilyar na boses nanggagaling sa likuran ko. Kaya tumingin ako sakanya at nakumpirama ito.
"Devon," Sabi ko. Kita ko rin na kasama niya pala lahat ng hari at reyna at ang kanyang ama na nasa likuran niya ngayon...
...
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro