Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XIII - THE ROYALTIES

HEAD MISTRESS EVALYN'S POINT OF VIEW

Katatapos ko lang i-announce ang mga dapat gawin bago mag-stay in sa Akadimía Evlogías tou Theoú nang makatanggap ako ng signal na gustong makipag-usap sakin gamit ang Mind Communication mula kay Geor.

"Ms. Eva, Brielle Charlotte has been eliminated. I think your gut feeling is not too accurate as they say." Sarakastikong sabi ni Geor gamit ang Mind Communication. Umisnab naman ako sa hangin dahil doon.

"If you are done talking, please come to my office and contact other staffs." Sabi ko sabay putol ng connection sakanya.

"It's not possible that a gut feels of an Angeles is not accurate!" Inis na sigaw ko.

"Here's your coffee to calm your mind and body," Dinig ko namang sabi ni Sec. Licio sabay lapag ng kape sa aking table.

"Let's go to the meeting room, sec." Utos ko sabay higop ng kape.

"Okay, just touch my shoulder," Utos niya. Kaya pumunta ako palapit sakanya at hinawakan ang kanyang balikat. Pumikit na kaming dalawa...

"You can now open your eyes," Sabi ni Sec. Lucio. Kaya naman binuksan ko na ang aking mga mata at kita ko ngang nasa harap na ako ng long table ng meeting room, narito narin ang mga staffs ng Academy at kasalukuyang nakatitig sakin.

"So, why did you summon us here, Ms. Eva?" Mapanghamong tanong ni Geor. Huminga naman ako ng malalim at bumuga ng hangin.

"So, I summon you all here to ask for a consideration with one of the examinees that had been failed in Phase Three of the exam test," Paliwanag ko. Nag-umpisa naman silang magbulong-bulungan.

"Woah! It's my first time to hear that, Ms. Eva. But why did you want to give that examinee an exclusive opportunity like that?" Naka-ismid na tanong ni Geor sakin. Tumango-tango naman ang iba. Kaya itinaas ko ang isang orb at nag-project ng mga kaganapan sa Phase One at Phase Two ng exam test.

"As you can see with this clips, he is a bright child, which I don't want to waste. It just that, he need to learn more to master his in-born hex. Please raise your hands if you were against with my request," Sabi ko. Nagtaas naman ng kamay si Geor at limang iba pang professor, pero nasa sampo naman ang hindi nagtaas ng kamay. Huminga naman ako ng malalim at umismid na tumingin kay Geor.

"As the majority decided, please fetch the Charlotte brothers, Prof. Geor." Mapang-asar na utos ko. Tumayo naman ito at hinampas ang mesa ng napakalakas.

"You won this time, Ms. Eva." May diing sabi niya sabay labas ng meeting room.

"Okay, meeting adjourn," Sabi ko. Kaya lumabas na silang lahat sa meeting room.

"You really are an ambitious woman, Ms. Eva. You broke your own rule not to consider any students even a royalty if it's failed in any Phase of exam test in return for the pride of the Angeles," Papuri ni Sec. Lucio. Umalik-ik naman ako at tinapik-tapik ang kanyang balikat...

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Nakatulala parin kami ni Weiner dito sa sinasakyan naming carriage, dahil sa gulat na dinulot samin ng balita ni Prof. Geor.

"Grabe, I didn't expect na bibinigyan ka ng chance, Kuya Brielle." Sabi ni Weiner na bumasag sa katahimikan namin.

"Ako rin, pero sa tingin mo worth it ba ako sa privilege na ito?" Nag-aalangang tanong ko. Sinapok naman ako nito at nagtaas-kilay.

"Oo naman! Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!" Galit na sagot nito. Bumuga naman ako ng hangin at umiling na lang. Katapos ay tumingin na lang ako sa labas ng carriage...

Minutes passed...

Tumigil na ang carriage at sunod naman no'n ay pinagbuksan kami ng pinto ni Prof. Geor na siyang nagmamaneho ng mga pegasus.

"Bumaba na kayo at pumunta muna kayo sa may students ' lounge para kunin ang susi ng kwarto niyo. After niyong malagay ang mga maleta sa loob ng kwarto niyo ay 'wag na kayong mag-abalang mag-ayos dahil may pupuntang mga helper para sila na ang mag-ayos ng mga gamit niyo, pumunta muna kayo sa gymnasium for orientation." Instructions samin ni Prof. Geor. Tumango naman kami bilang sagot at bumaba na sa carriage. Kita ko naman ang marami pang ibang estudyante na ang ilan ay bumababa pa lang sa mga carriage, ang iba naman ay lumalakad na papasok ng Akadimía Evlogías tou Theoú.

"Weiner, sis!" Dinig ko g pagtawag ng isang 'di pamilyar babae sa aking kapatid.

"Singleton!" Sigaw ni Weiner habang kumakaway. Tinignan ko naman kung sinong kinakawayan niya, doon ko nga nakita ang isang magandang morenong babaeng werewolf na tunatakbong palapit samin. Nang makalapit na ito ay yumakap ito sa aking kapatid.

"Singleton, siya nga pala ang kuya ko, si Brielle Charlotte. Kuya siya naman si Singleton, friend ko at isang werewolf," Pakilala ni Weiner. Inabot ko naman ang kamay niya at nag-hand shake kami.

"Hala, akala ko ba 'di nakapasa ang kuya mo?" Tanong ni Singleton. Ngumiti naman ng proud si Weiner.

"Binigyan siya ng privilege ng paaralan sa 'di naman malaman na dahilan," Sagot ni Weiner. Napanga-nga naman si Singleton.

"Wow, baka dahil matalino at advance din siya tulad mo, buti na lang talaga friends ko kayo!" Maligalig na sabi niya. Napaalik-ik naman ako.

"Aba, friend pala tayo?" Sabi ko sabay tawa. Nag-pout naman ito at kinutusan ako sa noo.

"Oo, friends na tayo ngayon Kuya Brielle!" Sabi nito. Imbes na mainis ako ay natawa na lang ako dahil sa ang gaan ng personality niya.

"Sige na sige na, Brielle na lang ang itawag mo sakin, 'wag mo ng lagyan ng honorific." Sabi ko. Nag-thumbs-up naman ito.

"Tumabi muna sa daanan ang lahat ng estudyante! Daraan ang mga Royalties!" Sigaw ng isang Bantay Bayan. Nakita ko namang parang karagatang hinati ni Moises noong unang panahon ang naging lagay ng mga estudyante. Nag-umpisa din silang nagbulong-bulungan ng dumaan na ang tatlong lalake at tatlong babaeng may iba't ibang race at may suot silang sari-sariling korona.

"Gosh, ang fabulous talaga ni Princess Claire Saint ng Angeles Race!" Sigaw naman ng isang babaeng vampire sa tabi ko habang nakaturo sa isa sa mga babaeng royalties.

Napatingin naman ako kung saan sila nakaturo at doon ko nakita ang isang babae na may kulay gintong buhok, winged crown, may matangos na ilong, fox eyes, kissable lips, white fair skin, may anim na pakpak, at nakasuot ng white long dress, at golden boots, pero natatakpan ang mga ito ng kaunti ng white cloak.

"Beh! Ang gwapo ni Prince Devon Vermin ng Demonoid Race, sayang lang nasa lower class kami ng pamilya ko sa Werewolf Race." Sabi bigla ni Singleton habang nakaturo sa isa sa mga prinsepe.

Tinignan ko naman kung saan siya nakaturo at doon ko nga nakita ang isang lalaking may hating kulay white and black na buhok, sa may parteng black na buhok niya ay may isang kulay itim na sungay ito, may suot din itong gold na korona na may bungo sa gitna. Gwapo nga ito, pero parang wala siyang emosyon at naka-folker face lang, sayang ang cold niyang mga mata, matangos na ilong, at kulay red na labi. May maganda rin itong katawan na sakto lang, matangkad din ito na mga nasa eight feet sa tansya ko. Nakasuot ito ng formal attire na medyo natatakpan ng white cloak.

"Parang ang sarap halikan ng labi niya," Sabi ni Weiner out of nowhere. Napatingin naman kami ni Singleton sakanya. Naramdaman niya naman ata ang mga mata namin kaya yumuko na lang ito. "Gosh, 'wag niyo na lang akomg titigan!" Nahihiyang sabi niya. Tumingin naman ako ulit para titigan ang mga naglalakad na royalties.

"Yun naman si Princess Sirenity Azult na tinaguriang may pinakamagandang mukha sa buong Sphere of Avalon at ang prinsesa ng Fishman Race," Turo ni Singleton sa katabi ni Princess Claire.

Makikita ngang isa siyang mermaid dahil sa tainga niyang parang palikpik ng isda, pero 'di maitatangging napakaganda nga ng kanyang mukha dahil sa maamo nitong mga mata, saktong tangos ng ilong, nakangiting pink na labi, at maliit na baba. Kulay sky blue naman ang kanyang mahabang buhok at may suot siyang korona na napakaraming pearl. 'Di ito naka-dress tulad ng ibang prinsesa, dahil naka crop top lang ito ng kulay sky blue at parang may nakakabit na mga kaliskis dito, dahil sa crop top niya ay makikita ang napaka-puting skin niya at ang malinis niyang pusod. Sa pang-ilalim niya naman ay isang napakahabang palda na kukay sky blue at may naka-attached ding kulay blue na kaliskis dito. Pero medyo natatakpan ito ng suot niyang white cloak.

"Sino naman iyon?" Tanong ni Weiner habang nakaturo sa isa sa mga prinsepe.

"Prince Xander Corvus iyan, at siya ang aming susunod na Alpha ng mga Werewolves," Sagot naman ni Singleton.

Tinignan ko naman ito at kita ko ang matipunong nasa seven feet na lalake. May kulay puting buhok ito at sa taas ng kanyang ulo ay may pares ng puting tainga ng wolf at gintong korona na may wolf sa gitna. May puting dalawang mahabang buntot din ito na nag-wawag pa ngayon. Nakasuot naman siya ng all white formal attire at black ma sandals. Medyo natatakpan din ang suot niya ng white cloak.

"Pero ang ganda rin nung babaeng may suot na black na korana ano," Puri ni Weiner.

"Ah oo, siya si Princess Grazilda Constantino, prinsesa ng Vampire Race. Mag-iingat kayo sakanya, sa likod ng maamo niyang mukha ay ang sama naman ng ugali niya," Bulong ni Singleton.

Pinakatignan ko naman ang prinsesa at kita kong may light red itong buhok , at may suot na itin na plain na korona. May maamo itong mukha, ang iris ng kanyang mata naman ay color red at may pares ng pangil sa kanyang ngipin na hal ngayong nakangiti ito ng malawak. May mahabang dress naman ito na kulay black at kulay black na high heels, na medyo natatakpan dahil sa suot niyang white cloak.

"Pero ang itinuturing na Saint talaga ng lahat ay si Prince Elvin Hayes, ang prinsepe ng Elvis Race o ang prinsepe niyo," Sabi ni Singleton sabay turo sa isa sa mga prinsepe na nakasuot pa ang hood ng kanyang cloak. Bigla naman niya itong tinanggal na para bang alam niyang gusto kong makita ang kanyang itsura. Natulala naman ako dahil sa nakita ko ang itusura niya.

"K-Kuya, i-is that K-Kio?" Nabibiglang tanong ni Weiner...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

Next time ko na lang upload ang itsura ng mga Royalties, naghahanap pa ako.

You are all beautiful today, kyubies!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro