WEINER'S POINT OF VIEW
Naka-upo ako dito sa bench kasama si Singleton, nag-kkwento ito ng kung ano-ano, pero 'di ko ito pinapansin dahil nag-aalala parin ako kay Kuya Brielle.
"Hoy, Weiner! Kanina pa nasasayang laway ko kakukwento rito, para lang akong nakikipag-usap sa hangin." Medyo pikon na sabi ni Singleton na nagpabalik ng wisyo ko. Huminga naman ako ng malalim at tumingin sakanya.
"Pasensya na ah, nag-aalala kase ako sa kuya ko. Sabi niya kase eh he failed the Phase Three of the exam test," Sabi ko. Nakita ko namang napangiwi ito.
"Ah? Paano mo nalaman? Wala naman akong nakitang kausap mo kanina, so paano mong nalamang bagsak ang kuya mo?" Takang tanong nito. Napataas naman ako ng kilay dahil doon.
"Tanga ka, siyempre may Mind Communication na utility hex noh." Sagot ko na nagpalaki ng mata niya.
"Eh?! Sa pagkakaalam ko ay sa Dos Lebel pa lang itinuturo ang Utility Hexes, grabe napaka-adavance mo naman, pati rin pala ang Mortal Uni Language kanina, napaka-bihasa mo kahit na sa Kwatro Lebel pa lang iyon itinuturo. Grabe, buti talaga naging friend kita." Papuri nito. Medyo nahiya naman ako dahil doon. Pero, mapabuntong-hininga ako nang maalala ko ulit si kuya. Bigla namang tumunog ang mga speakers na narito sa loob ng gymnasium na para bang may humawak ng mic.
"Congratulations to all total of one hundred three examinees who passed the Three Phases of the exam test. We will give you one day to go to your homes, pack the necessary things that you will be needed inside the Academy, and bonding with your families before you go here again to stay for one Academic Year, thank you." Maligalig na sabi ng pamilyar na boses ni Ma'am Eva. Pumalakpak naman ang lahat at kita ngayon sa bawat examinees na halatang sobrang saya nilang lahat. Ako lang ata ang hindi masaya dahil hindi ko makakasama si kuya sa pagpasok ko sa Academy.
"Uy, ngumiti ka naman. Alam mo pwede pa namang sumubok next year ang kuya mo, kaya huwag ka ng malungkot," Pag-comfort ni Singleton. Kaya bumuga ako ng hangin at pinilit kong ngumiti. Ilang saglit pa ay biniksan na nga ang door ng gymnasium at nagsilabasan na ang mga pumasa sa exam test.
"Tara na?" Tanong sakin ni Singleton. Tumango naman ako bilang tugon at sabay na kamimg naglakad palabas ng gymnasium. Bago pala lumabas ay may mga staff ng Academy ang magbibigay sayo ng iron plated card na may naka-ukit na congratulations. Sana may ganito rin si kuya.
"Magiging proud sakin nito si mama," Proud na sigaw ni Singleton. Kaya bumaling ako sakanya at nagbigay ng isang ngiti.
"Siyempre naman at gusto ko ring sabihin na proud din ako sayo, sis!" Masayangsabi ko. Ginatihan niya naman ako ng ngiti.
"Thanks sis! Tara na sa tarangkahan, baka hinihintay na ako ni mama roon," Sabi niya. Kaya tumango ako at naglakad na kamimg pareho papunta sa tarangkahan ng Academy...
Ilang saglit pa ng paglalakad ay kita ko namang kumakaway si Kuya Tieo at Yuri sa gawi ko, may katabi naman silang isang nasa mid-thirty na magandang babae na may kulay puting tainga ng wolf sa kanyang uluhan at napakahabang magandang buntot na kulay puti rin na kasalukuyang wumawagayway. Tumigil naman si Singleton at kumaway.
"Mama!" Sigaw ni Singleton sabay takbo. Kaya naman napatakbo rin ako para habulin siya. Nang makalapit na kami ay tumalon siya sa babaeng werewolf, sinalo naman siya nito at niyakap.
"Ma, pasado ako!" Sabi ni Singleton na mangiyak-ngiyak pang naka-akap sakanyang ina. Tumingin naman sakin si Singleton.
"Ma, siya nga pala ang first friend ko dito sa Academy, ang pangalan niya ay Weiner," Sabi ni Singleton. Ngumiti naman ang mama niya, kaya nginitian ko rin ito.
"Hello po, tita," Sabi ko.
"Hello, Weiner. Tawagin mo na lang akong Mama Ana. Congratulations sayo." Sabi ni Mama Ana na nagpangiti sakin.
"Salamat po," Tugon ko naman.
"Congratulations, Weiner." Dinig ko namang sabi ni Kuya Tieo. Kaya napaharap ako sakanila ni Yuri na nakangiti sakin ngayon.
"Congratulations, Weiner." Sabi rin ni Yuri.
"Salamat, Kuya Tieo at Yuri," Sagot ko naman. Bigla namang kumunot ang noo ni Kuya Tieo.
"Nasaan si Brielle?" Tanong niya. Bigla naman akong Malungkot ng maalala ko muli ang pagkabigo ni kuya.
"He failed the Phase Three of the exam," Malamlam na sagot ko. Kita ko namang naging malungkot din ang itsura ni Kuya Tieo at Yuri...
...
BRIELLE'S POINT OF VIEW
"Ah! Bakit kase walang healing content ang Fire Element!" Inis na sigaw ko. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga lang habang tinatakpan ko ang mata ko gamit ang aking dalawang kamay. Tinanggal ko naman saglit ang pagkakatakip saking mga mata nang may maliwanag na bagay ang biglang lumitaw saking harapan.
"Hoy! Huwag ka ngang umiyak, 'di mo bagay!" Sigaw ng pamilyar na maliit na nilalang.
"Huwag mo akong pakialaman, Kula." Masungit na sabi ko sakanya. Halos mag-iisang buwan narin simula ng pinirmahan namin ang kontrata para sa Xiendo-Guardian agreement, at masasabi kong naging maganda naman ang naging pagsasama namin dahil sa parang naging kapatid ko narin siya, medyo maldita nga lang at may pagka-direct to the point.
"Haist, Xiendo Brielle. Alam mo namang kung anong nararamdaman mo ay mararamdaman ko rin, kaya dama ko ang disappointment sa sarili mo, kaya tuloy na-didisappoint din ako sa sarili ko haist!" Inis na turan niya. Huminga naman ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakahiga.
"Okay, sorry na Kula. Try ko na lang munang huwag isipin ang nangyari, pasensya na ulit," Sabi ko. Tumango naman ito.
"Alam mo, kung 'di niyo lang tinatago ang identity niyo, pwede mo sana akong i-summon, may healing content ang Hex ko, pero 'di kasing lakas ng sa Water Element at Elvis' Healing Hex," Paliwanag ni Kula. Humiga naman ako ulit at tumingin lang sa kisame at naalala ko na naman ang naging kaganapan kanina...
Flash back...
"Come here, do the task now," Utos ni Professor Geor. Huminga naman ako ng malalim at tumingin ng seryoso sakanya.
"Sorry Prof. Geor, but I don't now how to use healing hex," Sabi ko. Huminga naman ito ng malalim at bumuga ng hangin na halatang disappointed sakin.
"You are a shame to the Elvis Race; how is it possible that an Elvis can't use healing hex? Terribly disappointed! Get out of my sight; you failed the exam! Go to that black door; that's the exit for failures like you!" Sigaw niya. Pinigilan ko namang pumatak ang luha ko kaya yumuko na langa ko at nagmadaling lumabas sa room para sa Phase Three...
End of flash back...
"Hoy nakikinig ka pa ba?" Tanong sakin ni Kula na nagpabalik ng aking wisyo. Tumango na langa ko kahit wala akong narinig sa mga sinabi niya. "Haist, bahala ka nga diyan. Aalis na ako dahil nandiyan na sa baba ang mga kapatid mo, paalam." Dagdag niya pa, tumango lang ako. Huminga naman siya ng maluwag at pumikit, nabalutan naman siya ng yelo at bigla na lang naglaho.
"Kuya!" Sigaw ni Weiner nang biglang buksan niya ang pinto. Kaya tumayo naman ako at sinuot ang pekeng ngiti para hindi na siya mag-alala.
"Oh, kumusta naman ang pasado kong kapatid?" Biro ko. Tumakbo at yumakap naman sakin ito at umiyak. "Hoy, bakit ka umiiyak? 'Di ba pasado ka? Dapat maging masaya ka!" Maligalig na sabi ko. Tumingin naman ito sakin habang basang-basa pa ang kanyang mga mata, kaya naman pinunasan ko ang mga ito.
"K-Kase hindi na kita makakasama k-kung mag-stay ako sa l-loob ng Academy." Nauutal na sabi niya dahil sa umiiyak parin siya.
"Alam mo, baka talagang gusto na ng kapalaran na malayo ako sayo ng isang taon lang naman, para matuto kang mag-isa." Pag-comfort ko sakanya habang hinahagod-hagod pa ang kanyang likuran. "Tara mag-impake na tayo ng gamit para makapasyal pa tayo." Dagdag ko pa. Kaya tumango ito at tumayo...
Katapos naming mag-impake ng mga gamit ni Weiner at gamit ni Tieo ay agad na kaming pumunta sa sentro at sa buong araw na iyon ay kinalimutan muna namin ang mga nangyari at nag-enjoy na lang sa paggala. Kauwi naman sa bahay ay dumiretso naman kami sa kwarto at agaran ng nakatulog dahil sa sobrang pagod...
...
Nagising ako dahil sa kumakatok sa may front door ng bahay. Tinignan ko naman si Weiner sa tabi ko at nakita kong mahimbing pa ang tulog nito. Baka sundo niya na iyon, kaya ginisng ko na siya.
"Hoy, Weiner! Gising na nandiyan na ata ang sundo mo! Hoy!" Sigaw ko habang yinuyugyog siya. Kaya napatayo naman ito agad. Nang tanggalin niya ang kumot ay kita ko namang nakabihis na ito. "Aba, nakabihis ka na agad ah." Sabi ko.
"Oo, naligo na ako kanina pang crack of dawn, pero nag-take lang ako ng nap. Tara baba na tayo," Sabi niya sakin.
"Sige, tara. Ako na magdadala sa mga maleta mo," Sabi ko. Ngumiti naman ito at lumakad na palabas ng kwarto namin, kaya sinundan ko na siya...
Pagbaba namin ay nakita ko si Tieo at Yuri na may kausap sa pinto. Hindi ko ito maaninag dahil pababa pa lang ako ng hagdan. Kaya minadali ko ang pagbaba at doon ko nga nakita ang pamilyar na mukha ni Prof. Geor, bigla naman akong nalungkot dahil sa naalala ko ang mga sinabi niya sakin. Nabigla naman ako ng tignan ako nito ng masama, kaya yumuko ako para maiwasan ang mata niya.
"Oh, iyan na ba lahat ng maletang dadalhin mo?" Tanong niya ata kay Weiner.
"Op-"
"Hoy! Tinatanong kita, Brielle Charlotte! Tumingin ka ng diretso, huwag kang bastos!" Galit na sigaw nito na pumutol sa sagot sana ni Weiner at nagpagulat sakin. Kaya tumingin ako sakanya na gulat na gulat, kita ko rin naman ang mukha nila Weiner, Tioe, at Yuri na gulat din.
"Eh? A-Ano pong g-gusto niyong sabihin, Prof. Geor?" Tanong ko.
"Majority decided to give you another chance to be one of the students in Akadimía Evlogías tou Theoú." Sabi niya na nagpabigla samin...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️
Check the Multi-Media above for more clear idea about the appearance of Singleton.
You are all beautiful today, kyubies!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro