KABANATA VII - ORBS
BRIELLE'S POINT OF VIEW
Kasalukuyan parin kaming naglalakbay papunta sa sentro at sobra na ang curiosity ko kung ano ang itsura ng sentro ng lupain na ito.
"Matanong ko lang, ano pala ang tawag sa lugar na ito? At anong klaseng nilalang kayo, Kuya Tieo?" Tanong naman bigla ni Weiner na bumasag sa katahimikan. Napa-isip naman ako bigla dahil doon, wala nga kaming ka-ide-idea kung nasan kami at anong nilalang ang tulad ni papa at Tieo.
"Hindi pa ba na-ituro ni papa sainyo ang lugar at ibang races dito sa Sphere of Avalon?" Tanong ni Tieo.
"Ang itunuro lang samin ni papa ay ang iba't ibang uri ng Utility Hex at wala ng iba. Ngayon nga lang naming nalaman ang Sphere of Avalon, at ang mga nilalang na gaya niyo na kung kung matatandaan ko ay Elvis ang tawag sainyo 'di ba? Na-recall ko lang kase ang sabi ni papa na hanapin daw namin ang Elvis na nagngangalang Tieo." Mahabang sagot ko. Huminga naman ng malalim si Tieo.
"Ang dami ko pa lang dapat ituro sainyo at uumpisahan ko na ang ilan na pumapatungkol sa history ng Sphere of Avalon, malalaman niyo naman ang iba sa Academy kung papasa kayo sa entrance test." Sabi ni Tieo. Napalunok naman ako dahil doon.
"Umpisahan mo na, kuya." Sabi ni Weiner, tumango naman si Tieo.
"Ang Sphere of Avalon ay binuo ni Avalon gamit ang sarili niyang katawan, sabi sa alamat, noong unang panahon ay mapayapang magkasama pa ang walong lahi ng Sphere of Avalon at ang mga mortal, ngunit na-inggit ang mga mortal sa kapangyarihang taglay ng walong lahi, kaya bumuo ang mga ito ng plano para ubusin ang walong lahi. Dahil sa angking tuso at mapanlinglang ng mga tao ay muntik na silang magtagumpay, muntik na kase nilang mabura ang walong lahi." Mahabang kwento ni Tieo, tumigil naman ito saglit dahil sa tumalon sa isang malaking bato si Griho.
"Isn't, the eighth races have Hexes? Why they didn't use it against the mortals?" Interesting na tanong ni Weiner.
"Mahal na mahal kase ni Avalon ang mga mortal, dahil sa ang kanyang ina ay isang mortal at dahil nga doon ay hindi magawang utusan ni Avalon ang walong races na lumaban at patayin ang mga mortal," Sagot ni Tieo.
"Who's Avalon?" Tanong ko.
"Ito na nga itutuloy ko na ang kwento - ngunit ang namumuno noon sa walong lahi na si Avalon, ang nilalang na taglay ang lahat ng Hex ay piniling isakripisyo na lang ang sarili kaysa saktan ang mga tao. Pinaniniwalaang ang araw, ang buwan, at ang mga bituwin dito sa Sphere of Avalon ay ang kanyang mukha, habang ang katawan naman niya ang buong lupain ng Sphere of Avalon, ang buhok naman niya ang pinaniniwalaang tubig na dunadaloy sa buong Sphere of Avalon. Sinumpa ni rin ni Avalon ang mga tao na hinding-hindi sila makakapasok sa Sphere of Avalon, dahil sa magiging abo sila sa pagtapak sa mundong ito." Pagpapatuloy ni Tieo sa kwento.
"Gosh, Avalon is super down-to-earth guy. I, myself can't do what he did for this world." Sabi ni Weiner. Huminga naman ako ng malalim at tumingin sa napakagandang kalangitan.
"Ang nakakalungkot lang ay nawala bigla sa existence ang dalawa," Sabi bigla ni Tieo. Tinapik ko naman ang kanyang balikat dahil sa biglang kyuryosidad na bumalot saking katawan.
"Sino-sino ba ang walong lahi at anong nangyari sa dalawa, Tieo?" Tanong ko.
"Ang walong lahi ay ang mga Angeles, Elvis, Draco, Fae, Siren, Werewolves, Vampire, at Demoniods. Ngnunit anim na lang ngayon ang mga ito, dahil sa nagka-isa ang anim na natira para tanggalin sa existence ang dalawang lahi, at iyon ay ang mga Fae race at Draco race nang dahil sa isang propesiya na nailahad na kung di ako nagkakamali ay labing pitong taon na ang nakakalipas. At kayo na lang ang natitirang may Fae at Draco race blood na nabubuhay sa panahong ito. Iyon na lang ang mababahagi ko dahil sa ang mga sumusunod na pangayayari o mga kaganapan ay ang mga Professors at Head Mistress na lang ang makakasagot dahil sa sila lang ang may lisensya galing sa hari upang pag-usapan pa ang ibang bagay." Paliwanag ni Tieo. Natahimik naman ako dahil doon, ang brutal naman pala ng nangyari sa nakaraan, kaya kailangan naming mag-ingat.
"Kuya, I created a goals for us just now. First, we need to gather more information about this world's history. Second, we need to find out where our true parents are and we also need to know who they are. And lastly, we need to know more about that prophecy that leads us in this state of life." Seryosong lintaya ni Weiner gamit ang Mind Communication. Tumango-tango naman ako at tumingin sa kalangitan.
"You hit the nail on the head, Weiner. Ngunit kailangan nating pangalagaan ang pagkakakilanlan natin, umiwas muna tayo sa ibang nilalang hangga't maari." Paalala ko gamit din ang Mind Communication.
"Hanggang dito na lang tayo," Sabi ni Tieo. Tinaas naman niya ang kaliwa niyang kamay na nagpatigil kay Griho. Kaya napatingin naman ako sa harapan at nakita ko ang isang malaking tarangkahan na may nakapalibot na malalaking pader na tila bang walang hanggan ang haba, may nakasabit na dalawang mint green na flag sa gilid ng tarangkahan na may golden lining sa gilid ng mga flags, at may naka-print na malaking golden leaf sa bawat isa sa mga flags. May nakabantay ding mga naka-armor na mga gwapo at magagandang Elvis doon.
"Bakit 'di pa tayo pumasok habang sakay si Griho at bakit sila naka-armor? Akala ko ba yung sinabi mo lang ang pwedeng isuot ng mga mamayan?" Tanong ni Weiner, sabay turo sa may tarangkahan. Napangiti naman si Tieo at napakamot sa batok.
"Bawal na kasing ipasok ang mga guardians sa loob ng sentro, sa kadahilanang baka maging sagabal pa sila sa mga nilalang na namimili at nagtitinda sa loob. Nakalimutan ko rin pa lang i-mention sainyo na may sarili ring batas para sa kasuotan ang mga Bantay Bayan at ang Army ng lugar na ito." Paliwanag ni Tieo. Tumango naman kami. Bumaba na nga si Tieo at inilahad niya ang kanyang dalawang kamay para alalayan kami sa pagbaba. Inabot naman namin ito at bumababa na.
"Griho, magpahinga ka na," Utos ni Tieo sa kanyang guardian. Bigla naman itong naging parang abo at unti-unting nawala.
"Tara at pumasok na tayo." Pag-anyaya ni Tieo, sabay lakad na papunta sa tarangkahan...
Nasa harapan na kami ng tarangkahan nang bigla namang humarang ang isang babaeng Elvis samin na may same features lang nang kagaya sa ibang Elvis, ang pinagka-iba lang ay mas sharp pala ang mukha ng mga babae.
"Nasan ang Viero de Lisiencio niyong tatlo?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo ko dahil saliatang iyon. Dumukot naman ng isang orb si Tieo sa bulsa niya at inabot ito sa babae. Kumuha naman ng isang gintong mangkok ang babae at inilapag ang orb sa gintong mangkok at bigla namang naglabas ng projection ang orb at makikita ngayon dito ang mukha ni Tieo at ang ibang impormasyon tungkol sakanya.
"Amazing!" Impit na tili naman ni Weiner. Kaya napabaling samin ang babae nang may masamang tingin.
"Sige maaari ka ng pumasok, kayo namang dalawa, saan ang Viero de Lisiencio niyo?" Tanong ng babae. Napakamot naman ako ng batok at ngumiti ng pilit.
"Ah, narito po ang sakanila." Sabi naman ni Tieo na nagpagulat samin ni Weiner.
"Bakit nasayo ang sakanila?" Tanong ng babae. Ngumiti naman ng confident si Tieo.
"Ipinahawak ito ng aming papa sakin, Captain Amor. Medyo burara po kase ang dalawang ito," Paliwanag ni Tieo. Huminga naman ng malalim ang babae na nagngangalang Captain Amor at kinuha na lang ang dalawang orbs. Doon ko nga nakitang nando'n na ang mukha at pangalan ko, at ang ibang impormasyon na hindi naman sakin, gano'n din naman ang lumitaw kay Weiner. Kaya napatingin ako kay Weiner na sakto rin namang nakatingin sakin, katapos ay sabay namin tinigna si Tieo. Umismid naman ito at kumindat samin.
"Bakit dalawa ang pangalan nila? Bakit may karugtong na Charlotte?" Tanong ng babae, napangiwi naman ako dahil doon.
"Iyan kase ang apelyido namin, hello..." Maarteng sabi ni Weiner. Sumama naman ang tingin ni Captain Amor sakanya.
"Sa pagkakaalam ko ay ang mga mortal at mga royalties lang ang may apelyido, mortal o royalties ba kayo?" Tanong ni Captian Amor. Kaya bumaling ako sa aking kapatid at sinamaan siya ng tingin. Nag-peace sign naman ito at ngumiti ng pilit.
"Nagbibiro lang siya, actually gusto ng papa namin na may ikalawang pangalan sila bilang pag-alala sa aming namayapang ina na nagngangalang Charlotte." Pag-butt in ni Tieo. Umiling naman si Captain Amor.
"Sige na sige na, pumasok na kayo." Sabi naman ng kapitan. Kaya naman napangiti kaming lahat at nag-umpisa nang maglakad...
Inakbayan ko naman si Weiener nang makalayo na kami at kinutusan siya sa ulo.
"Gaga ka, muntik na tayong mapahamak!" Galit na sabi ko.
"Sorry na nga kuya, nag=peace sign na ako kanian eh," Sabi niya. Kaya naman pinakawalan ko na siya at tumingin na lang sa paligid. Kita ko naman ang napakaraming stall na may iba't ibang mukha ang mga nagtitinda.
"Mag-iingat kayo rito, mga kapatid ko. Narito halos ang mga races ng mundong ito. Tignan niyo ang angtitinda ng poison berry na iyon, kung makikita niyo ay may pulang mata siya at may matilos na pangil, iyan ay isang Vampire, ang isa namang may bundot ng lobo na iyon at may asul na mata ay Werrewolves, habang isang iyon naman na may gil ng isda imbes na tainga ay isang fishmen." Mahabang linntaya ni Tieo na nagpamangha saming dalawa ni Weiner.
"Wow! Nakakablib naman ang mga nilalang dito." Sabi ko, habang nakalaglag pa ang panga ko at kumikislap-kislap pa sa tuwa ang aking mata.
"Pero mag-iingat kayo, dahil kadalasan ay nagmamasid ang mga espiya ng ibang races sa nagaganap sa lugar na ito. Kahit kase nagkasundo-sundo na ang mga ito ay wala parin silang tiwala sa isa't isa. Hali na nga kayo at puntahan na natin ang una nating pakay - ang puntahan ang Academy." Paalala at pa-anyaya ni Tieo. Kaya naman naglakad na kami. Kami naman ni Weiner ay tumitingin-tingin at talagang halata sa mata namin ngayon ang pgakamangha sa aming nasisilayan...
Minutes passed...
Tumigil naman ni Tieo sa paglalakad, kaya nabunggo ko siya dahil sa hidi ako nakatingin sa harapan, dahil sa napapansin kong pakaunti na ng pakaunti ang mga stall, ganun din naman si Weiner kaya nabunggo noiya rin ako.
"Aray!" Daing ko. Kita ko namang nakatulala lang si Weiner habang nakatingin sa harapan. Kaya tumangin na ako sa aking harapan at nakita ko ang isang tarangkahan na may nagtataasang pader at may naka-ukit na "AKADIMÍA EVLOGÍAS TOU THEOÚ" dito. Sa loob nang tarangkahan ay makikita ang isang matayog na lumang palasyo...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️
Check the Multi-Media above for more clear idea about the appearance of Captain Amor.
You are all beautiful today, kyubies!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro