Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA L: BETRAYAL AND EXECUTION

PRINCE DEVON'S POINT OF VIEW

"Estemporustus evegarus wnterosus!" Sigaw ni Haring Atlantis para gamitin ang Paralyzing spell si Brielle. May lumitaw naman na kulay puting magic circle sa uluhan ni Brielle, nang dahil doon ay hindi na niya ngayon magalaw ang katawan niya.

"You said you will never hurt my brother, yet you're the one who killed him? You truly are a hypocrite!" Galit na sigaw ni Brielle. Wala naman na akong sinabi dahil totoo naman lahat ng sinabi niya sakin. Lumapit naman ang aking ama at sinuntok si Brielle sa sikmura na nagpawala ng malay niya. Binitbit niya na nga si Brielle at tumawa ng napakalakas.

"Ngayon, mamatay na rin ang huling pag-asang matupad ang tunay na propesiya!" Sigaw ni ama. Tumingin naman ito ng seryoso sakin.

"Maraming salamat sa tulong mo, kung hindi dahil sayo hindi ako magtatagumpay," Nakangising sabi niya. Nanginig naman ako sa sobrang galit, pero dapat kong pigilan dahil kung papatayin ko siya ay mamatay din ang kapatid ko.

"Kung hindi dahil kay Bea, hinding-hindi kita tutulungan," Sagot ko naman. Tinawanan niya lang ako at tinapik-tapik ang aking balikat.

"Wala na akong pakialam sa sasabihin mo, aalis na kami para ipakita sa lahat paano bitayin ang isang forbidden race. Gusto mo bang sumabay o gusto mo pang maiwan dito para makapiling mo pa si Weiner?" Sarkastikong tanong niya habang humahagakgak. Hindi naman na ako sumagot, kaya naglakad na siya papunta sa mga kasa niyang hari at reyna. Katapos ay nag-teleport na sila pabalik ng Endless Void. Nang makaalis na sila ay agad naman akong tumakbo kung saan nilibing ni Brielle si Weiner at lumuhod.

"Patawad, Wei. Hindi ko lang talaga kayang ipagpalit ang buhay ng kapatid ko, patawad. Wei, gustong gusto kitang hagkan, nagsisisi akong noong mga panahong kasama kita ay hindi ko pa ibinigay ang lahat sayo. Patawad, sana hindi mo na lang ako nakilala para walang hayop at duwag ang pumatay sayo," Sabi ko. Gustong-gusto kong umiyak, pero dahil sa sumpa ng mga Demonoids ay wala ni isang patak ng luha ang pumapatak.

"You don't need to apologize, I understand," Dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses na nagpabigla sakin...

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

"We are gathered here to witness the last forbidden race, the misfortune, the personification of bad luck to die!" Sigaw ni Ilumin na nagpa-ingay naman sa mga nilalang na nandito ngayon.

Dinala nila ako ngayon dito sa dating kinatatayuan ng academy na ngayon ay gumuho na. Bitbit ako ni Ilumin habang lumilipad siya dahil gusto niya ay makita lahat ng mga nilalang kung paano ako pugutan ng ulo.

"I will kill you, Ilumin. So, tighten your grasp on me, or else you will be the one who loses his head." Gigil na sabi ko sakanya habang nagngingit-ngit ang akong mga ngipin.

"Oh no, that's why I need to do this," Bulong niya sakin. At saka niya naman ako sinakal ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.

"Kill him! Kill the pest! Kill him!" Sigaw ng mga nilalang na nanonood ngayon. Kaya binwelo na ni Ilumin ang kanyang axe at mabilisan niya na itong pinabulusok sakin, ngunit bigla siyang napatigil nang may tumamang pana sakanyang likuran. Tumingin naman ako sa ibaba at kita ko ang galit na galit na itsura ni Elvin.

"Hands off to my lover!" Sigaw ni Elvin na halos pumutol sa ugat niya sa leeg...

...

PRINCE ELVIN'S POINT OF VIEW

(Thirty minutes ago...)

"Patatakasin namin kayo kung ituturo niyo sakin kung nasaan si Brielle?" Tanong ni Kuya Devon na nandito ngayon sa loob ng hideout ni Tieo.

"Kahit patayin mo kami ay hindi namin sasabihin!" Sigaw ko naman. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"So, you're still here. You're not scared to lose your family for Brielle uh? Buti na lang talaga at nandito pa si Alexander kung hindi ay hindi namin makikita ang hideout niyo. Kaya mo pala isakripisyo ang pamilya mo para kay Brielle, hindi mo ba mahal ang pamilya mo? You're truly a fool, Vin," Sabi ni Kuya Devon. Napa-ngisi naman ako at umiling-iling.

"Of course, I love my family. But I can't turn my back and betray the one that I know I will share the rest of my life with. My family, especially my mother, will understand why I will choose Brielle more than them, as she always tells me that when there is a danger between them and my lover and there's only one between them that can be saved by me, I need to always choose my lover because he will give me my own family. When Brielle kissed my lips, that's the time I decided to make a vow to myself that I would never betray him and my loyalty and faith would only be bestowed on him. That's the thing I could do for love; what's yours? Killing your lover?" Sabi ko sakanya. Bigla niya naman akong sinakal at kita ko ang sakit at galit sa mga mata niya ngayon.

"You don't have the right to judge my actions, I killed him for the sake of my sister! I killed him because I am a coward and a useless lover!" Emesyonal na sigaw niya. Kung makakaiyak lang ang mga Demonoids ay baka nag-breakdown na ngayon si kuya. Pahigpit mg pahigpit ang pagsakal niya sakin na nagpapahirap na ng paghinga ko.

"Von! Von! Von! Sinabi na ni Singleton sakin kung saan makikita si Brielle!" Sigaw naman ng tumatakbong si Alexander habang nakayakap pa sakanya si Singleton na pinagtakhan ko.

"Sige, ikaw ng bahala dito. Pupunthan ko na siya at ipapaalam narin kay ama," Sabi ni Kuya Brielle. Sabay hagis sakin na nagpa-bagsak sakin sa sahig at doon nga ay hinabol ko naman ang paghinga ko. Nag-teleport naman si kuya at pinilit ko namang tumayo. Inalalayan naman ako ni Singleton para makatayo.

"Mahal na prinsepe, ayos lang ba kayo?" Tanong niya. Nang makatayo na ako ay hinawi ko naman siya.

"Taksil!" Sigaw ko. Bigla naman siyang yinakap ni Xander at dinilaan sa leeg si Singleton na nagpagulat sakin.

"Don't you ever raise your voice when you are speaking to the Luna of the Werewolves Race!" Galit na sigaw ni Xander na nagpagulat sakin...

"It means, siya ang Luna na hinahanap mo?" Tanong ko. Naalala ko kase ang sinabi sakin noon ni Xander na tinatakasan daw siya ng kanyang Luna at nag-aral sa Academy para magtago sakanya. Kaya niya naisipang mag-aral din ulit kahit na dalawang taon na siyang tapos sa pag-aaral.

"Yup, and she will do everything I say and I will do everything she says. That's why I will let you all leave this place and go to the Doughty Land and go to my own place as my Luna requested me a while ago to save you all in return of saying the location of Brielle," Sabi naman ni Xander. Kinalma ko naman ang sarili ko at seryosong tumingin kay Singleton.

"Patawad mahal na prinsepe, inisip ko lang talaga ang kapakanan ng nakararami," Sabi niya. At some point valid naman ang mga dahilan niya. Nag-nod naman ako.

"It's okay, dalhin niyo na ngayon ang lahat ng nandito sa Doughty Land, maiiwan ako para tignan si Brielle," Sabi ko.

"Masyadong dilikado, Vin!" Sigaw ni Xander kaya sertosong tumingin ako sakanya.

"I don't care, sige na umalis na kayo," Sabi ko. Nag-nod na lang si Xander at naghawak-hawak naman na lahat ng kamay ang mga students at si ang mga officials ng Academy na puro sugatan at nanghihina dahil sa laban nila kay Kuya Devon kanina.

Nang makapag-teleport na sila ay agad naman akong tumakbo palabas ng hideout. Nakalimutan ko nga palang itanong kay Singleton kung saan makikita si Brielle. Sigurado akong malayo na sila at hindi na ako makakagamit ng Mind Communication nito.

"Sh*t ang tanga ko!" Inis na sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Dahil nga sa hindi ko nga alam saan hahanapin si Brielle ay naging balisa ako pero bigla ay pumasok namam sa isip ko na hanapin muna siya sa academy. Kaya tumakbo na ako agad. Nang malapit na ako ay dinig ko naman ang mga taong sumisigaw ng Kill him. Kaya nagmadali akong pumaroon, ngunit di pa man ako nakakalapit ay nakita ko na sa itaas si King Ilumin habang sinasakal si Brielle. Nag-init naman bigla ang ulo ko dahil don, nang makita kong tatabakin niya na si Brielle ay agad kong sinumon ang palaso at gumawa ng limang pana gamit ang limang strand ng buhok ko at mabilisna ko itong pinatama sa hari na nag-resulta ng pagtigil nito sa balak gawin.

"Hands off to my lover!" Sigaw ko na halos pumatid na sa mga ugat ko sa leeg. Nagulat naman ako ng biglang nawala sa panihingin ko si Haring Ilumin at bigla na lang ay naramdaman ko ang isang bagay na tumusok sa likuran ko at tumagos sa tiyan ko.

"You little brat, you really know how to piss me off!" Dinig kong sigaw ni Haring Ilumin na nasa likuran ko at nakatasak ang kanyang palakol sakin ngayon. Bigla namang nanlambot ang tuhod ko kaya napaluhod ako.

"ELVIN! ELVIN! ELVIN!" Sigaw ni Brielle na sa tingin ko ay hawak parin ni Ilumin na nasa likod ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya dahil nagdidilim na ang paningin ko. Kaya sasabihin ko na ang lihim ko kay Brielle.

"B-Bri, hon, b-before I die, I-I need to tell you that I-I am the reincarnation of Kio, I am K-Kio, and I will f-forever love you even in my next life, g-good bye hon. I-I am happy to meet you a-again." Sabi ko at tuluyan na ngang bumigat ang talukap ng mata ko kaya isinara ko na ang mga ito...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro