Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA IX - PHASE ONE

Thank you for voting and reading this story kennmasal I appreciated your efforts and time. This chapter is dedicated to you!

...

WEINER'S POINT OF VIEW

Kasalukuyan ko ngayong tinututok ang espada na hawak ko sa leeg ni kuya, at gano'n din naman siya - nakatutok saking leeg ang espada na hawak niya.

"Sabihin mo na kasing suko kana," Sabi ko. Umismid naman ito at hinampas ang hawak kong espada gamit ang kanya. Nabitawan ko naman ang sakin dahil doon. Pupulutin ko pa sana nang itunutok niya saking leeg ang espada niya.

"Ikaw ang dapat nang sumuko, Weiner." Confident na sabi niya. Kaya tinaas ko na lang ang dalawa kong kamay at ngumiti.

"Sige na sige, sumusuko na ako," Sabi ko. Kaya naman inalis niya sa pagkakatutok saking leeg ang kanyang espada at ipinasok ito sa lalagyanan. Dinig ko naman ang palakpak ni Kuya Tieo. Kaya tunayo ako at ipinasok ko narin ang aking espada sa lalagyan nito.

"Napakagaling niyong dalawa, handang-handa na kayo sa exam test ng Akadimía Evlogías tou Theoú." Papuri ni Kuya Tieo samin. Nag-fist bump naman sila ni Kuya Brielle.

"Siyempre, sobrang galing kaya ng Coach namain." Balik na papuri ni Kuya Brielle.

"Yuh, I agree with what Kuya Brielle's said. You're such a great teacher if you just pursue teaching career in the future," Suhesyon ko. Ngumiti naman siya at kinamot ang kanyang batok na halatang hiyang-hiya na ngayon.

"Actually 'yon talaga ang kukunin kong trabaho after kong mag-graduate sa Akadimía Evlogías tou Theoú. Nasa Tres Lebel naman na ako at isang taon na lang matatapos na ako." Sagot naman nito. Bigla namang tumama ang curiosity sa buong katawan ko.

"Oh, so parang may grading system din pala rito?" Seryosong tanong ko.

"Oo, kung makapasa kayo sa exam test ay mapapasok kayo sa Uno Lebel, katapos naman ng isang Academic Year ay haharap kayo ulit sa exam test para naman masubok kung pwede na ba kayong pumasa para sa Dos Lebel, gano'n din para mag-Tres Lebel kayo at gano'n din para maging Kwatro Lebel, which is the last Academic Year." Paliwanag niya samin. Namangha naman ako dahil sa mga sinabi niya. Jezzz, nakaka-excite na talaga!

"Gosh! I'm super duper excited!" Impit na tili ko.

"Huwag lang masyadong excited baka kabahan ka mamaya, Paalala ni Kuya Tieo. Naalala ko namang mamayang hapon na pala ang umpisa ng exam test.

"Halos dalawang buwan din tayong pababalik-balik dito para mag-training noh, at dunating na ang araw para naman maipakita nating worth it ang pagod natin." Sabi ni Kuya Brielle. Tumango naman kaming dalawa ni Kuya Tieo.

"Hindi pa ba tayo lalabas para makapag-libot-libot pa? Ang alam ko kase stay in ang mga students sa Akadimía Evlogías tou Theoú, hindi ba?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo ni Kuya Brielle.

"At saan mo anman nakuha iyan?" Tanong niya. Ngumiti naman ako at itinaas ko ang aking kilay.

"Matalas ata pandinig nito sa mga chismis! Blesss!" Sabi ko habang para bang pinagmamano ko siya.

"Tama ka naman diyan, Weiner. Pero may hinihintay pa tayong isang kasama," Sabi ni Kuya Tieo. Napakunot naman ang noo namang dalawa ni kuya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Who's the one we need to wait? Do we know him or her?" Tanong ko.

"Hindi niyo siya kilala pero kailangan ulit natin ang tulong niya para makapasok kayo sa exam test." Sagot ni Kuya Tieo. Napataas naman ang kilay ko dahil doon.

"Ulit ng tulong? What do you mean, kuya?" Tanong ko ulit. Bigla namang sumindi ang mga torches na naka-hooked nga king focus. Kaya napatingin ako sa may entrance-exit ng training room na ito. Nakita ko naman doon ang isang napakagandang babae na may kulay asul na buhok, may kulay blue na iris sa kanyang mata, matangos na ilong, pulang labi, medyo matitilos na ngipin na parang sa mga sharks. May maputing balat din, pero may parang kaliskis siya ng isda sa may badang shoulders niya. Nakasuot lang ito ng kulay buting bra, at kulay buting palda na above the knees, at ng puting boots. Nakuha naman ng interest ko ang kulay puting pares ng pakpak sa kanyang likod.

"S-Sino siya at a-anong nilalang siya?" Tanong ko naman habang nakaturo pa sa babae.

"Siya nga pala si Yuri Azult. Isa siyang Amalgam o offspring ng dalawang magka-ibang race. Ang kanyang ama ay isang merman at ang kanyang ina ay isang Angeles." Pakilala ni Kuya Tieo habang naglalakad palapit samin si Yuri. Nang makalapit na ito ay inoffer naman niya ang kamay niya na inabot ko naman.

"Ako nga pala si Weiner Charlotte, isang Elvis." Pakilala ko na may ngiti pa sa labi.

"Huwag mo ng itago ang iyong tunay na race, Weiner. Matagal ko ng alam na kayong dalawa ang natirang Amalgam na pinagbabawal. Huwag kayong mag-alala, your secrets are safe with me." Sabi ni Yuri sabay kumindat. Napatingin naman ako kay Kuya Tieo na nagkakamot na naman ng batok ngayon.

"Siya nga pala yung sinasabi kong kaibigan kong nag-asikaso sa items and identity niyo." Sabi naman ni Kuya Tieo.

"So, siya rin ba ang gumawa ng Viero de Lisiencio namin?" Tanong bigla ni Kuya Brielle. Tumango naman si Kuya Tieoe.

"Hi there, Brielle Charlotte. Okay naman ba ang ginawa kong information sainyo ng kapatid mo?" Tanong niya kay kuya. Ngumiti at tumango naman si kuya.

"Sobrang perfect, paano mo nagawa yun?" Pag-compliment ni Kuya Brielle. Tumawa naman si Yuri.

"Secret..." Sabi naman ni Yuri sabay kindat.

"Oy, siya nga pala. Ilang oras na lang at magpapasok na ang mga Bantay Akademya ng mga susubok ngayong Academic Year, tara na at lumabas na tayo para makapaglibot pa tayo." Sabi naman ni Kuya Tieo. Kaya naman nagsitango kami at lumakad palabas na ng hideout...

Nang makalabas na kami ay namili naman kami ng necessary things na ipapasok namin sa Academy in case na makapasa kami...

...

Five hours passed...

Nasa harap na kami ng tarangkahan ng Akadimía Evlogías tou Theoú ngayon. Si Yuri naman at si Kuya Tieo ay hindi na sumama samin, dahil sila naman daw ay haharap sa isa ring exam test para naman sa pagpasok sa Tres Lebel na nasa ibang lugar daw gaganapin. Napakarami kong nakikitang iba't ibang races ngayon na susubok na makapasok sa Academy. Kasalukuyan rin pa lang nagsasalita si Captain Amor na in-charge pala ngayon sa event na ito tungkol sa tatlong rule na di pwedeng gawin sa loob ng Academy...

"Una, bawal mag-cheat sa kahit paanong paraan. Ikalawa, bawal pumatay ng kapwa estudyante o propesor. Ikatlo, bawal lapitan ang mga Royalties nang walang pahintulot nila. Iyan lang ang dapat niyong tandaan kung makapasa kayo sa exam test, kung hindi naman kayo palarin ay hindi niyo naman na kailangan sundin ang mga sinabi ko dahil papa-uwiin naman din kayo." Lintaya ng kapitan. Tumango naman kaming lahat bilang tugon. "Ngayon, maaari nankayong pumasok at dumiretso sa labas ng Mistress' Office. Pumila kayo ng maayos mamaya roon. Kapag may nagloko sainyo mamaya roon ay i-eexpel agad, nagkaka-intindihan ba tayo?" Tanong ulit niya. Tumango ulit kaming lahat.

"Kapitan, ihahatid ko na po ba sila?" Tanong naman ng isa sa mga Bantay Bayan. Tumango naman ang kapitan. Kaya hunarap saamin ito. "Tara, sundan niyo ako." Utos niya, sabay lakad. Kaya sinundan na namin siya. Hindi naman napakali ang mata ko sa pagtingin-tingin sa kapaligiran at sa mga matatayog na building na parang mga palasyo ang design na katulad sa mga fairy tales na nababasa ko...

Ilang saglit pa ay tumigil ang guise namin sa harapan ng isang malaking kulay gold na magic circle na may mga napaka-weird na symbols.

"Narito na tayo sa harap ng Mistress' Office. Pumila muna kayo ng maayos at tumapak sa magic circle na ito para mapunta kayo sa mismong loob ng Mistress'Office. Makikita niyo roon ang Mistress, ang Kanang Kamay, at ang Head Professor ng Academy na ito para umpisan ang unang Phase ng Exam Test na kung tawagin ay Profiling." Paliwanag ng guide namin. Nagpila na nga kaming lahat, at lahat ay walang gusto ang magharap at mauna sa pila. Nagtutulakan na at nagkakagulo. Ayaw ko rin namang mauna, kaya nakisama rin ako sa tulakan.

"Tigil!" Sigaw naman ng guide namin. Kaya, patigil kami sa pagtutulakan at tumingin sakanya, nakita naman namin ang pissed-off niyang mukha. "Isa pang maging magulo kayo at isusumbong ko kayong lahat kay Captain Amor pqra ma-expel kayong lahat!" Galit na sigaw nito. Tsaka ito tumingin sakin at tinuro ako. "Ikaw!" Sigaw nito sa gawi ko. Kata tungin-tingi. Ako sa likuran ko para makasigurado kung ako nga ang tinuturo niya, at tumingin ulit sakanya.

"Ako po ba?" Tanong ko. Tumango naman ito.

"Oo ikaw, pumunta ka na rito at mauna para sa Profiling," Utos ng Guide namin. Kaya naman kinakabahang naglakad ako papunta sakanyan. Nang makalapit na ako ay tinuro niya naman ang magic circle at sabay sabing, "Tunapak ka na ngayon diyan at pumikit. Kapag nandon ka na ay sasabihan ka namang dumilat na ng Mistress."

Kaya naman daglian akong tumapak at pumikit.

"Kaya mo yan, Weiner!" Dinig kong pag-checheer-up sakin ni Kuya Brielle. Huminga na lang ako ng malalim at sinusubukan ko na lang pakalmahin ang sarili ko...

"Maaari ka ng dumilat." Utos ng isang malamig na pambabaeng boses. Kaya naman agad kong dinilat ang aking mata at nakita ko ang isang nasa mid-fifty na lalake na nakasuot ng black cloak at may pares ito ng itim at mahabang sungay sakanyang noo, isang nasa mid-thirty na babae na nakasuot naman ng golden cloak at may pares naman ito ng pakpak sa likod, at isang nasa mid-fifty na babae na nakasuot din ng black cloak at may matalas na tainga na nakalabas sa hood ng kanyang cloak. Silang lahat ay nakatingin ng seryoso sakin ngayon.

"I am Mistress. Evalyn Saint, the Mistress of this Academy. You can call me Ma'am Eva. What is your name?" Tanong ng babaeng may pakpak sakin. Linunok ko naman ang laway ko at huminga ng malalim.

"My name is Weiner Charlotte, Ma'am Eva," Sagot ko naman. Bigla namang may lumitaw na orb sa uluhan ko at nag-project ito ng iba't ibang impormasyon na ginawa ni Yuri para sakin. Tumango-tango naman ang tatlo habang binabasa ang impormasyon ko. Ilang saglit pa ay pumalakpak ang Mistress at nawala naman ang orb na nasa uluhan ko.

"Impressive!" Sigaw ng Mistress na nagpangiti sakin. Buti na lang talaga ang galing gumawa ng fake identity ni Yuri. "Now it's your turn, My Secretary." Sabi naman ni Ma'am Eva sa lalaking may sungay ma katabi niya.

"Allow me to introduce myself, My name is Secretary. Lucio Vermin, the secretary of the Mistress. So, let's ho back to our business here. I just want to ask about your reason why did you choose to take an exam test than seek a job?" Tanong nito. Ngumiti naman ako at tumindig ng maayos para maipakitang confident ako sa isasagot ko.

"I choose to take an exam test, because I believe that learning can lead you to much better path where the assurance of success is very bright. Also, I admire the teaching and leadership skills of the professor, and especially the higher -ups of this Academy, who I expected to teach me a new things and help me gain more knowledge about this world and about other things. That's all." Mahabang lintaya ko habang nakangiting nakatingin sakanila. Kita ko namang nagsilaglagan ang kanilang panga at tahimik parin sila kahit na tapos na ako. Ilang saglit pa ay timikhim silang lahat at pumalakpak.

"What a brilliant head! It's my first time to see such a youngster that can speak a fluent Earth's Uni Language!" Papuri ni Secretary Lucio sakin. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil doon. Tumingin naman ang secretary sa babaeng Elvis. "Ikaw na ang last na magtatanong, Head Professor." Sabi ni Secretary Lucio. Tumango naman ang babae at tinanggal ang kanyang hood.

"My name is Head Professor. Clarita, the head professor of this Academy. I just want to ask your answer about the question - Why should we pass you to the Phase Two of this exam test?" Malamig na tanong naman nito sakin. Gosh, so siya pala ang nagsabing idilat ko na ang mata ko kanina. Ngumiti naman ako ulit at tumindig.

"You should give me that opportunity, because I want to prove myself to all of you that I am qualified to be an official student in this Academy, which I could make it if you just allow me to go more further." Sagot ko na nagpapalakpak na naman sakanila.

"Exquisite answer! You pass, congratulations! You can now go to the Phase Two of the exam test, which is the entrance is to that door." Papuri ni Ma'am Eva, sabay turo sa Magic Circle na kulay Silver na maraming naka-ukit na weird na symbols. Yumuko naman ako at ngumiti katapos.

"Thank you," Sabi ko. Katapos no'n ay pumunta na ako sa magic circle.

"Ipikit mo na ang iyong mata, ididilat mo lang ito kung may magsabi saiyo," Utos naman ni Secretary Lucio. Tumango naman ako bilang sagot at pumikit na...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

Check the Multi-Media above for more clear idea about the appearances of Ma'am Eva, Secretary Lucio, and Head Professor Clarita.

You are all beautiful today, kyubies!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro