BRIELLE'S POINT OF VIEW
Nang makita kong kinain ni Ilumin ang prinsesa ay agad naman akong bumalik sa Draco - Angel Dragon Form ko.
"Ilumin, sumusobra ka na!" Sigaw ko. Nag-roar lang si Ilumin at sumugod papunta sakin. Kaya binugahan ko siya ng apoy para hindi maka-lapit, ngunit napabagal ko lang ang pagtakbo niya, pero hindi ko siya napigilan. Iwinasiwas na niya ang napakalaki niyang palakol at pinatama sakin, buti na lang at biglang lumitaw ang napakalaking kalasag na gawa sa tubig na sumalag sa ma-pwersang pagsibak ng palakol ni Ilumin.
"I will avenge my daughter!" Sigaw naman ni Queen Avery at ginaya ang Hex ni King Atlantis. Nang magkaroon na siya ng spell book ay binuklat niya ito sa pinakahuling pahina.
"Huwag, delikadong spells ang mga nandiyan!" Sigaw ni King Atlantis. Pero hindi siya pinakinggan ng Reyna.
"Brielle, Weiner, protektahan mo muna ako, mahaba-haba ito at kailangan ko ng focus!" Sigaw ni Queen Avery. Tinanguan naman namin siya si Weiner. Kaya lumipad ako at si Weiner. Kaya lumipad din si Ilumin.
"Weiner, bumaba kana at protektahan ang reyna. Ako na lang ang lalaban kay Ilumin," Sabi ko. Nag-thumbs up naman si Weiner at lumipad na pabalik sa mga hari at reyna.
"Tayo ang maghaharap ngayon, Ilumin!" Sigaw ko at saka nag-growl. Nag-growl din naman siya at sumugod na. Lumipad naman ako palayo at bumuga ng apoy para hindi siya tuluyang makalapit sakin.
"Xiendo, palabasin mo kami!" Sigaw ni Kula. Kaya naman bumuga ako ng napakalakas na apoy na naging dahilan para mapalayo ng maayos sakin si Ilumin at nagbalik sa original form ko. Tinaas ko naman ang kamay ko habang bumubulusok pababa.
"I summon thee, Guardian of Amethyst, Guardian of Ruby, Guardian of Catseye, Guardian of Alexandrite, and Guardian of Diamond!" Sigaw ko. Nagsilitawan naman ang mga magic circles na may mga kulay lavander, red, orange, dark violet, at white. Mula doon ay lumabas sila Kula, Amy, Grimalkin, Alexander, at si Houlong. Sumakay sila kay Houlong, and mabilisang lumipad si Houlong sakin para saluhin ako.
"Tutulungan ka namin, Xiendo!" Sigaw ni Kula. Bigla namang nagliwanag si Kula at ilang saglit pa ay naging kasing laki ko na siya. Tinutok niya ang wand niya sa kalangitan at pumikit.
"I am the personification of ice, froze, and cold. I am the Mistress of Winter, enemy of the Sun, I commnd the weather to bring the winter here! KULA'S WORLD!" Sigaw niya. Bigla namang may maliit na yelo ang lumabas sa wand niya at bumulusok ito sa kalangitan, ilang saglit pa ay nakita naming nabasag ito at bigla namang mas pinadilim ang kalangitan at ilang saglit pa ay umulan na ng snow. Pero imbis na lamigin ako ay nakaramdam ako ng kakaibang lakas.
"Kula already shows her full capability, Xiendo. Ang mga snow na yan ay nagpapalakas satin ngunit nagpapahina sa kalaban, kaya tara na!" Sigaw ni Amy. Tinanguan ko naman siya. Bigla naman itong nagliwanag at naging latigo na gawa sa amethyst. Nag-growl naman si Ilumin at kita namin ngayon pasugod na siya samin. Nagbago naman ng anyo si Grimalkin at naging isang Chimera — napakalaking Leon na may pakpak ng parang sa mga Demonoids at napakalaking ahas na buntot.
"Patawad sa nasabi ko kanina, Xiendo!" Sigaw niya at saka sumugod kay Ilumin. Kita ko namang patama sakanya ang palakol, ngunit nagulat ako ng biglang nag-teleport si Grimalkin sa likod ni Ilumin at kinagat ito and bumuga ng poison breath na nagpa-sigaw sa sakit kay Ilumin. Binugahan naman siya ng lava breath ni Houlong, habang ginamitan naman siya ng Ice Meteor ni Kula.
"Xiendo, use my third eye!" Sigaw ni Alexander. Tinanguan ko naman siya at pinikit na lahat ng mata niya, nagulat na lang ako ng may naramdaman akong gumalaw sa noo ko at nang kinapa ko ay isang mata ito.
"Maraming salamat, mga Guardians. Tara Amy, Houlong, sumugod na tayo! Ilapit mo ako Hulong!" Sigaw ko. Kaya lumipad papunta kay Ilumin si Houlong.
"Sama din ako!" Sigaw ni Weiner na palipad ngayon papunta samin.
"Sino nagbabantay sa Reyna?" Tanong ko. Tumuro naman siya sa baba at pagtingin ko ay nakita ko si Darsy kasama ang dalawa niyang Guardians. Napangiti ako at napatango.
"Sugod na kuya, habang distracted pa siya!" Sigaw ni Weiner. Kaya mabilisan kaming pumunta sa direksyon ni Ilumin para sugurin siya...
...
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Habang pasugod sila Brielle at Weiner kay Ilumin, kasalukuyan namang bumibigkas ng enkantasyon ni Queen Avery habang binabantayan siya ni Darsy na kararating lang.
"Buti nakarating ka Darsy?" Tanong ni Alpha Lovelace sakanya.
"Dinala ni Prince Devon ang naghihingalong katawan ni Prince Elvin at ang dalawang prinsesa sakin, inuutos daw sakanya ni Weiner. Kinwento niya ang nangyayari rito at hindi ko alam na sinakripisyo na pala ni Ilumin ang buhay niya para lamunin siya ng Hex niya," Sagot ni Darsy. Lumakad naman paharap si King Atlantis at balak pigilan si Queen Avery. Hinarangan naman siya ng Guardian of Opal na si Pasterti.
"Paraanin mo ako Darsy, ikamamatay ni Avery ang spell na binabanggit niya ngayon kung hindi natin siya pipigilan," Sabi ng hari. Umiling-iling naman si Darsy.
"Paumanhin, King Atlantis. Ngunit sa bilin ng reyna sa aking mga prinsepe ay hindi ko maipapahintulutan ang gusto mo," Sabi ni Darsy. Nag-tiim bagang naman ang hari at huminga ng malalim na para bang sumuko na.
"Mukhang wala na talaga akong magagawa kung hindi samahan narin si Avery," Sabi niya. At saka niya naman binuksan ang King's Scripture niya sa huling pahina at nagsimula narin sa enkantasyon.
"Estersdus krotus esmesi krementus..." Pagbanggit niya sa spell.
Tumuro naman si Darsy sa taas at sinabing, "Guardian of Sapphire, Wilshour, tulungan mo sila doon,"
Lumipad naman ang napakalaking Phoenix na may kulay pink na apoy papunta kari Brielle.
"Please, be careful my princes." Bulong ni Darsy habang naktitig sa mga prinsepe na pasugod ngayon kay Ilumin...
...
WEINER'S POINT OF VIEW
Palipad na kami ngayon patungo sa sumusigaw sa sakit na si Ilumin.
"Kuya!" Sigaw ko para bigyan ng signal si kuya na sabay-sabay na kaming magpapatama ng atake kay Ilumin.
"Water Missiles, Wind Lance, Lightning Rod!" Sigaw ko. Kaya mula sa palad ko ay lumitaw ang nasa isang daang Water Missiles, Wind Lance, at Lightning na may korteng spear. Pinatama ko naman yun kay Ilumin na nagpapaluhod dito.
Hinagupit naman siya ng Whip ni kuya, maliit lang ang whip na gawa s amethyst, pero ng tumama ay nahiwa ang laman ni Ilumin kaya lalo itong napasigaw. Binugahan rin siya ng purong lava ng dragon na sinasakyan ni Kuya Brielle, kinagat siya ni Grimalkin, pinaulanan siya ng ice meteor ni Kula, at nabigla naman ako nang may kulay pink na apoy ang tumama kay Ilumin at nang tumingin ako kung saan nanggaling iyon ay nakita ko ang Pink Phoenix na lumilipad papunta samin. Kita ko naman ngayon na tumahimik si Ilumin dahil sa nabura ang isang braso at ang kalahati ng mukha niya.
"Did we win?" Tanong ko. Ngunit nabigla kami nang biglang gumalaw ng mabilis ang kamay ni Ilumin at nakuha nito si Kuya Brielle. Bigla naman ay nag-regenerate ang lahat ng parteng nawala sakanya.
"You fools, you can't kill me with those attacks when I'm in this state!" Sigaw ni Ilumin. At saka naman pinaghahampas ang mga Guardians ni kuya gamit ang palakol niya na nagpabalik sa mga Guardians sa Dimensions nila.
"F*ck!" Sigaw ni Kuya Brielle habang sinusubukang makawala sa mga palad ni Ilumin.
"Kuya!" Natatakot na sigaw ko naman. At saka naman nilapit ni Ilumin si Kuya Brielle sa bibig niya. Isusubo na sana ni Ilumin si Kuya Brielle nang biglang may dalawang golden huge and big magical circle ang lumitaw sa uluhan ni Ilumin. Kaya napatingin ako sa ibaba at kitang naglalabas ngayon ng golden energy si Haring Atlantis at Queen Avery na masamang nakatingin at nakaturo kay Ilumin.
"Eskentro palorus, este jerenus!" Sigaw ni Queen Avery at King Atlantis na halos pumatid sa mga ugat nila sa leeg. Napasigaw naman sa sakit si Ilumin at tumigil sa paggalaw.
"W-We did our part," Sabi ni Queen Avery. At saka napapikit ang dalawa at bumagsak. Buti na lang at nadon si Darsy at Alpha Lovelace at nasalo sila bago bumagsak sa lupa.
"Tsunami, Tornado, Thunderstorm!" Sigaw ko naman. Ginamit ko na lahat ng natitirang lakas ko para makapag-produce ng sobrang lakas na move. Tinaas ko naman ang kanang kamay ko at nabuo mula doon ang rumaragasang tubig hanggang makabuo ako ng napakalaking tsunami, medyo nanghina ako dahil ginamit ako ang natitira kong dugo. Sunod naman ay ang napakalakas na hangin na nagpapahirap ngayon sa paghinga ko, dahil gamit ko ang sarili kong hangin. Sunod ko namang binuo ang bagyo ng kidlat, nang mabuo ko na ito ay bigla namang parang na-paralyze ako. Kaya ginamit ko ang buong lakas ko para itaas ang kamay ko at ituro si Ilumin para pumunta sakanya ang mga sakunang ginawa ko.
"Kill him!" Sigaw ko at bumulusok na pababa dahil sa parang paralisado na ako. Nabigla naman ako nang may sumalo sakin at nakita ko si Devon na dala-dala ako habang nakatingin sa kanyang ama.
"You just gave him lots of energy," Sabi niya. Kaya napatingin ako kay Ilumin at kita kong hinihigop na niya ang mga sakunang ginawa ko na nagpabigla sakin. Katapos non ay nabasag ang mga magic circles sa uluhan niya at inihulog si Kuya Brielle sa mismong bibig niya.
"K-Kuya! Kuya, walang hiya ka!" Sigaw ko habang humahagulgol. Kaya niyakap na lang ako ni Devon ng mahigpit.
"I won! I won! I won! Now, all I need is to end the last one. Devon, give him to me!" Dinig kong sigaw ni Ilumin. Humigpit naman ang pagyakap sakin ni Dei.
"No! If you want to kill him, you will go through me first!" Sigaw ni Dei. Tumawa naman ng malakas si Ilumin at lumipad papunta samin. Pero, bigla naman itong napatigil at bigla itong bumulusok pababa habang sumsisigaw sa sakit. Nagtinginan naman kami ni Dei at sinundan siya pababa. Malakas na impact ang nangyari na nagpayanig sa paligid dahil sa pagbagsak ni Ilumin sa lupa.
"What is happening?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman si Dei bilang sagot. Bigla namang bumaligdat si Ilumin at nagsuka ng kulay itim na likido habang umaapoy-apoy pa ito.
"What's that?" Tanong ko.
"That's his blood, but why's it burning?" Tanong ni Dei. Bigla namang nabutas ang tyan ni Ilumin at lumabas mula ron si Houlong — isa sa mga guardian ni kuya. Sunod naman ay si Kula, sunod naman ay ang lumilipad na si Kuya Brielle na nababalutan ng kulay silver na apoy. Para bang sinusunog ni kuya ang ang hangin na nakapaligid sakanya ngayon, kaya kahit wala siyang pakpak ay nakakalipad ito...
...
BRIELLE'S POINT OF VIEW
Nang lunukin ako ni Ilumin ay dama ko ang likidong kumakapit sa katawan ko at sumusunog sa balat ko habang dumadausdos pababa. Sinusubukan ko namang bumalik sa Draco Form ko, pero ayaw dahil siguro masyadong masikip ang lugar.
"F*ck, need kong makagawa ng paraan bago pa ako mapunta sa stomach acid niya at tuluyang malusaw," Sabi ko. Sobrang desperado na ako dahil patuloy parin ako sa pag-dausdos.
"Bakit di mo kaya kami i-summon ulit?" Tanong ni Kula. Napangiti naman ako dahil doon.
"I summon thee, Guardian of Diamond, Kula!" Sigaw ko. Bigla namang lumitaw ang magic circle ni Kula at lumabas siya mula doon.
"Yuck! Laway!" Sigaw ni Kula nang mapatakan siya ng likido. Kita ang pagkapikon sa mata niya kaya tinutok niya sa ilalim ang wand niya.
"Ice spikes!" Sigaw ni Kula. Bigla namang nabuo ang tinik-tinik at matutulis na yelo sa ibaba namin, na dahilan para magkaroon ako ng tuntungan. Kaya hindi na ako dumausdos, nagulat naman ako nang biglang gumalaw ng matindi ang kinalalgyan ko ngayon at ilang saglit pa ay dama kong parang bumagsak si Ilumin.
"Pwede ko rin ba i-summon dito si Houlong?" Tanong ko sa nagpapagpag na si Kula.
"Yup, kaming lahat, actually," Sabi niya. Kaya naman tinaas ko na ang kamay ko.
"I summon thee Guardian of Ruby, Houlong!" Sigaw ko. Lumitaw naman ang ulo ni Houlong na hindi makalabas-labas.
"Hindi kaya ng katawan kong magkasya sa lugar na ito, Xiendo. Maari mo bang paluwagin?" Tanong niya. Tinanguan ko naman siya at nag-focus. Pinikit ko ang aking mata, doon ay parang napunta ako sa isang napakatahimik na gubat.
"Bri!" Tawag sakin ng pamilyar na boses. Kaya tumingin ako saan nanggagaling iyon. Kita ko namam si Kio na nakangiti sakin ngayon. Biglang tumulo ang luha ko at tumakbo para yakapin siya. Pero tumagos lang ako.
"W-Why? Tanong ko. Umiling lang ito at hinalikan ako sa labi. Kaya bigla bumukas ang mata ko at napansin ko na lang na nababalutan na ako ng silver na apoy.
"Xiendo, that's the holy fire. Congratulations, you just conquered the fire!" Masayang sabi ni Houlong. Sinubukan ko namang gumawa ng fire ball at pinatama ito sa taas. Bigla namang ulit gumalaw si Ilumin.
"Okay, let's go out here!" Sigaw ko at nilakasan ang apoy at itinira ito sa may harapan ko na gumawa ng butas, "Labas na Houlong!" Sigaw ko. Kaya lumabas si Houlo, sumunod si Kula at ako ang sumunod. Na-surpresa naman ako na nakakalipad na ako ngayon na hindi kailangan ng pakpak o spells. Kita ko nama si Weiner na akap-akap ni Dei. Kaya nag-thumbs ako sakanya na nagpangiti sakanya. Katapos ay tumingin ako ng masama kay Ilumin.
"Use your earth and lightning Hex, Brielle," Dinig kong sabi sakin ni Priest Nuerbo Vista. Hinanap naman siya ng mga mata ko at kita kong nandon siya sa tabi ni Darsy kasama ang Head at Vice Head Mistress at ang mga students na piniling lumaban para sa academy. Nginitian ko naman sila at nag-focus.
"Earth Shaker, Hell fire, Thunder Hammer," Bulong ko. Bigla namang umuga ang lupa at bigla na lang ay nabiyak ito na lumulan kay Ilumin. Ngunit na kakapit pa siya. Kaya sunod na ginawa ko ay pinatama sakanya ang napakalaking bilog na hell fire. Ngunit wala paring nangyari. Kaya gamit naman ang thunder na humulmang higanting martilyo ay tumakbo ako papunta kay Ilumin para sana pukpukin ito para malulan na sa pinaka-ilalim ng lupa, ngunit napatigil ako sa sigae ni Prince Devon.
"Stop!" Sigaw niya. Kaya tumingin ako sakanya. Binitawan niya si Weiner at inihiga sa lupa. At saka naman siya lumapit sakin at hinawakan ang balikat ko.
"Let me do the honor of killing my father," Sabi niya. Kita ko naman ang kaseryosohan sa mga mata niya. Kaya napatango na lang ako.
"You really want to kill your own father, uh? Kill me! Kill the person who gave life to you!" Sigaw ni Ilumin. Tulala lang naman si Prince Devon at parang walang naririnig.
"Solemn Hammer," Sabi ni Prince Devon. Bigla namang may nabuong napakalaking maso na gawa sa liwanag na nagpataka sakin.
"Hindi ba Demonoids to?" Tanong ko sa sarili ko.
"I'm not pure Demonoid, I am son of an Angeles. So, I also have Solemn Hex. Goodbye, father." Sabi ni Prince Devon at saka tumalon. Bumwelo pa ito at ipinukpok sa ama ang maso na nagpasigaw kay Ilumin. Nasilaw naman kami sa liwanag na dala ng collision ng maso sa pagtama nito kay Ilumin...
Nang mawala ang liwanag ay kita na lang namin ang nahuhulog na braso ni Ilumin sa butas habang lumilipad naman ang abo ng katawan niya...
"We won!" Sigaw ko namam habang nakataas pa ang kaliwang kamay na nakasara. Nagsigawan naman sa galak ang lahat. Tumakbo naman ako papunta kay Weiner na naghihina parin ngayon at saka siya pinagaling gamit ang holy fire.
"Salamat kuya," Sabi niya nang mapagaling ko siya. At saka ko naman inabot ang kamay niya at tinulungan siyang tumayo. Yinakap ko siya at naiyak ng kaunti.
"Akala ko mawawala kana sakin, paano kang nabuhay ulit?" Tanong ko.
"He attained the Highest of Highest form of Necromancy called Metamorphosis. Although you can see him breathing, having blood, and having movements, he is still considered dead. Though he controls his own dead body using Necromancy ," Paliwanag naman ni Darsy na naglalakad ngayon papunta samin.
"Wow! That's spectacular, and I'm happy for you to have that ability," Sabi ko kay Weiner. Humiwalay naman ito sakin at ngumiti ng mapait.
"I think you must go to Vin now, he needs you," Sabi niya. At saka ko naalala si Vin at ang mga huling sinabi niya.
"Nasan siya?" Tanong ko.
"Pinadala ko siya kay Dei sa bahay ni Kuya Tieo. Nandon siya ngayon at sinusubukang pagalingin nila Princess Serenity at Princess Claire," Sagot ni Weiner. Mag-teteleport na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko, "Kuya, control yourself." Paalala niya. Tumango naman ako at pinikit na ang mata para mag-teleport...
Napadpad naman ako agad sa may pintuan ng bahay na nakabukas ngayon. Kita ko si Roi na naka-upo sa may hagdan papuntang second floor at nginitian ako.
"Saan ka pupunta, kuya?" Tanong niya. Binigyan ko namna siya ng malawak na ngiti at ginulo ang buhok niya.
"Kay Kuya Elvin mo," Sabi ko. Bigla namang lumungkot ang itsura niya.
"Sige kuya, pumanhik kana at kailangan ka niya ngayon. Maya na lang tayo mag-usap," Sabi niya. Kaya tumango ako at tumakbo na paakyat. Dinig ko ang mga iyak. Kaya tumakbo ako paroon at kita si Princess Serenity na umiiyak habang hawak ang kamay ni Elvin, habang nagpipigil naman ng luha si Princess Claire habang hinihimas-himas ang ulo ni Elvin. Napatingin silang dalawa sakin at umiling-iling. At saka kinalabit ni Princess Claire si Serenity at inayang lumabas. Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan ko hanggang sa makalabas sila.
"Vin, gumising ka na, nandito na ako." Sabi ko habang lumalapit sakanya. Pero wala itong imik. Kaya naman hindi ko na napigilan ang luha ko at pumatak na ito ng pumatak. Tumakbo na nga ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit. "Vin, please wag mo akong iwan. Hindi ko alam ang gagawin kong pati ikaw mawala." Dagdag ko pa. Bigla namang may humawak sa buhok ko.
"Kaya dapat hindi talaga ako mamatay," Sagot niya. Napa-angat naman ako ng ulo at kita kong nakapikit parin siya.
"Vin?" Tanong ko ulit.
"Buhay pa ako, hon. Masyado pang mahina ang katawan ko kaya hindi ko pa kayang dumilat," Sabi niya. Kaya niyakap ko siya at umiyak lang ako ng umiyak.
"F*ck it hon, akala ko pa naman patay kana kase iniiyakan ka ng mga prinsesa!" Inis na sigaw ko habang humahagulgol pa. Natawa naman siya.
"Iniiyakan namin ay ang kinwento nilang pagkamatay ni Grazilda. Hindi pa akong ready na iwan ka ulit, Bri," Sabi niya. At saka ko naalala ang sinabi niyang siya ang reincarnation ni Kio. Kaya naman hinalikan ko siya ng punong-puno ng pagmamahal...
...
WEINER'S POINT OF VIEW
Kaalis ni kuya ay lumakad papalapit naman sakin si Dei na may mapait na ngiti sa labi. Kaya tumakbo ako sakanya para yakapin siya.
"I know it's so hard for you to accept what you've done to your father. But I just want to tell you that you just salvaged the whole Sphere. Thank you," Sabi ko. Bumitaw naman ito sa yakapan namin at tumingin sakin ng seryoso.
"I love you, Wei," Sabi niya at saka niya nilapit ang labi niya sakin. Pinigalan ko naman siya sa balak niyang gawin, "Why?" Tanong niya.
"Remember, you are already married to Princess Serenity, and I don't want to be a mistress. Please live without me and be happy with your wife," Sabi ko. Napatulala naman ito at naglakad na ako palayo para sana sundan si kuya ng hawakan niya ang kamay ko.
"B-But I love you, Wei. I don't love Serenity," Sabi niya. Hinawakan ko naman ang pisngi niya at tumingin sakanya na may mapait na ngiti saking labi.
"Whether you love her or not and whether you love me or not, she's the girl you presented in front of the altar and vowed to be with until death. It's not me you vowed with, it's her. So, make sure not to hurt her or else I will punch you in the face." Sabi ko habang tumatawa-tawa pa. Tumalikod na nga ako at pumikit para mag-teleport papunta kung nasan si Kuya.
Nang kabukas ng mata ko ay napunta ako sa harapan ng bahay ni Kuya Tieo. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at napaluhod ako at umiyak lang ng umiyak...
...
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Isang linggo matapos ang labanan sa pagitan ng kambal at ni Ilumin at unti-unti nang inaayos ng kambal ang balanse sa Sphere of Avalon. Una ay nalaman nilang maraming itinago at iniligtas ang mga Hari at Reyna ng iba't ibang kingdoms and queendoms na mga Fae at Draco. Kaya nag-desiayon silang itayo muli ang Dragon Realm at ang Promised Land. Si Brielle ang tumayong hari ng Dragon Realm, habang si Weiner naman ang tumayong Reyna ng Promised Land. Inasikaso narin nila ang ekonomiya ng bawat isang bagong tatag na bansa at inumpisanahan nang buhayin ang kalakalan at mga negosyo. Bumuo din ng Unification Treaty na kung saan ay itinayo nila ang bagong academy na may ngalan na "Acadame na Seacht Réaltaí" na may kahulugang The Seven Nation Academy na nag-rerepresenta sa pitong lugar sa Sphere of Avalon...
At ngayong araw ang espesyal na araw nila Brielle at Elvin. Ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.
"I now pronounce you, husband and husband. You may kiss the groom," Sabi ni Priest Nuerbo Vista. Kaya hinalikan na ni Brielle si Elvin. Nagpalakpakan naman ang lahat ng manonood.
"Kuya tama na baka dito pa maganap honeymoon niyo!" Pabirong sigaw naman ni Weiner na naging dahilan para magtawanan ang mga kapwa niya manonood.
Katapos ng halikang iyon ay pumunta naman silang lahat sa reception — sa Grand Ball Hall ng Draco Palace ang reception, isang napakaliking gusali na may dalawang palapag at mga magagarang mga palamuti sa loob. Masayang nanonood ang dalawan mag-asawa sa mga nagsasayawang mga bisita sa harapan nila ngayon.
"I'm happy to be with you, hon. I love you." Sabi ni Brielle sabay halik sa asawa.
"I'm happy to be with you too, hon. I love you. I can't wait to see you naked later." Pabirong sabi ni Prince Elvin na nagpatawa sakanilang dalawa. Habang tumatawa ang dalawa ay stress na stress naman ang itsura ni Darsy ngayon na napansin namam ni Weiner.
"Oh, bakit mukhang stress ka, Darsy? Hindi ba dapat masaya kang nagkaroon ng mga happy ending ang mga alaga mo?" Tanong ni Weiner. Kinamot naman ni Darsy ang ulo at huminga ng malalim.
"Kanina ko pa kase hinahanap itong si Roi eh, saan ba nag-susuot ang batang yun," Sagot ni Darsy.
Habang abalang naghahanap si Darsy kay Roi, hindi alam mg lahat na sa isang linggong nakalipas ay nagpapabalik-balik si Roi sa kagubatan at may kaibigang dinadalaw doon. Isang kawawang nilalang na puno ng sugat, putol ang idang kamay, injured na isang mata at puno ng bugbog ang katawan.
"Pinagdala kita ng pagkain, kumain ka na." Sabi ni Roi sabay abot ng platong puno ng prutas. Kinuha naman ito nang nanghihinang lalaki.
"Maraming salamat, Roi. Utang ko ang buhay ko sayo." Sabi ng lalaki sabay kain sa mga prutas.
"Walang ano man, Ilumin. Syempre kaibigan kita kaya tutulungan kita," Sabi ni Roi na may malapad na ngiting nakatitig kay Ilumin...
THE END
...
ABANGAN ANG BOOK 02 NA MAY TITLE NA "THE VILLAIN'S FORBIDDEN DESIRES ."
BUT PLEASE SUPPORT MY NEWEST ADVENTURE/FANTASY/BXB BOOK TITLED, "THE ADVENTURE OF HERETICAL SANE SUMMONER" FIRST.
...
I just want to say thank you to all of the people who supported this book from beginning to end. Special mention to RhomzPecz — you are the one who encourage me to go back to my writing era. Thank you sa always pag-remind sakin na mag-update. Also to SonnyEspinase9. — ang makulit na voter slash makulit na commentator. Thank you, I appreciate your effort kaya pinag-bigyan na kita sa request mo! HAHAHAHA. Also to christrealz. — my co-writer/reader. Thank you sa support, please support him/her also. I will read gour books kapag kumuwag schedules ko promise! And to jinglantajo.kennmasal 01clumsy80 LeomerUgpal8 THANK YOU TO ALL OF YOU, BECAUSE HINDI AKO TINAMAD DAHIL ALAM KONG MAY SUMUSUPORTA SAKIN. SUPER DAMI NIYO, SALAMAT NG MARAMI! ❤️
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro