
06 - Alpha and Omega
.·:*¨ ✘♚✘ ¨*:·.
ASHA REI
Iminulat ko ang mata. Una kong nakita ang patatsulok na bubong ng tent na pinagtutulugan ko. Mas malawak ito kaysa sa karaniwang tent na ginagamit ko noong highschool pag may camping kami. Pagkalabas ko ay napapikit ako sa sinag ng araw na tumama sa 'king mata. Nasundan ito ng malamig na simoy ng hangin na siyang nagpapasayaw sa matataas na damong nasa piligid.
"May nagre-recruit sa 'kin no'ng nakaraan, para raw sa nalalapit na Crown's Arena," sabi ng isang pamilyar na boses.
"Same," sagot ni Atlas.
"Same? Masyado ka nang nasasanay sa paraan ng pananalita ng mga mortal," sabi naman ng isa pa.
"Grabe, Nyx. Hindi ka pa nasanay kay boss," sagot naman ng bagong boses.
Dahan-dahan akong sumilip. Nakita ko agad si Atlas na may kausap na apat na tao— at tatlo sa kanila ay mga mukhang nakita ko na dati. Naroon 'yung kawal na siyang nag-imbita sa 'king sumali sa underground battle. 'Yung isa naman ay 'yung batang babae na todo ang papuri kay Atlas noon. Habang 'yung pangatlo... hindi ako puwedeng magkamali. Those red eyes... siya 'yung lalaking mula sa kabilang grupo. Narinig ko noon 'yung boses niya sa utak ko.
Siya 'yung tinawag na Nyx ng isa pang babae na hindi ko kilala.
I was about to take a step but reconsidered. Nang dalhin ako rito ni Atlas ay kakaming dalawa lang. Hindi ko akalaing may mga kasama siya. Napagdesisyonan ko munang makinig.
"Does it mean the plot to take the King's life will surely succeed?" Sabi ng batang babae. "Did you gave them your word?" Dagdag niya.
Umiling si Atlas. Sumeryoso ang mukha. "From what I've heard, someone else was also plotting the King's assassination. Kung iisa lang ba siya? 'Yon ang hindi ko sigurado."
"No wonder," the knight snorted.
"That means we need to hurry. Afterall, the dungeon's blade must be the one doing the deed." Nyx gave Atlas a side eye.
Nanlamig ako. I know, the King is a terrible person. Pero nakakatakot lang na nagagawa nilang pag-usapan ang pagpatay ng isang tao nang ganon-ganon lang. Muli kong naalala ang apat na taong pinugutan ng ulo ni Atlas. Gusto kong tumakbo, pero dahil sa mukhang ito ay mapapanganib lang ako kahit saan ako magtungo.
"Anong pinapakinggan mo d'yan?" Someone whispered directly in my ear.
"AAHHH!" Agad akong umatras.
Napasandal ako sa tent pero dahil gawa lang ito sa makapal na tela ay napaupo ako. Hinila ng bigat ko ang pundasyon ng tent kaya tuluyan itong nasira.
"Ang tent ko!" Dramatic na sabi ni Atlas.
"Kailan ka pa nakikinig?" Nyx voice turned incredibly low as he took intimidating steps towards me.
"Nyx, don't touch her. She's our guest," may pagbabantang sabi ni Atlas.
Habang ang iba naman ay nanatiling nakatitig sa 'kin. Shock were written in their faces. Right, kamukha ko nga pala 'yung boss nila.
Natigilan lang si Nyx nang makalapit na siya sa 'kin. Agad din siyang sumeryoso. He looked at me with threatening glare. Umatras ako.
"Atlas, what's the meaning of this?" Sabi ng lalaking siyang bumulong sa 'kin kanina.
"Ahehe..." Atlas laughed awkwardly. "It was meant to be a surprise. Inunahan niyo naman kasi ako 'e. She's Asha Rei, our seventh member."
Member what?
"Remember the Crown's Arena I've been telling you? They are my members. Kulang pa kami ng isa— at ikaw ang kukumpleto niyon," Atlas said.
Member what?!
Nasa loob uli ako ng tent ng ibang miyembro. Bale may anim na tent at iba't iba ang kulay nila. Their tents were in the shape of triangular nipa hut. Ngayon, nasa isa akong kulay pink na tent. Katabi ko iyong batang babae na nagngangalang Rosalind. Her eyes resembles a pink diamond. Her eyes were actually freaking me out. Parang Coraline but sparkly edition.
She's studying me like I'm some kind of an unknown specimen. All of them, actually.
Katapat ko ang lima pang miyembro. Lahat kami ay nakaupo sa sahig. Napapagitnaan kami ng isang kulay pink na mababang lamesa.
"So... ano ba itong Crown's Arena na 'to?" Sinimulan ko ang diskusyon dahil sa katahimikang namumuno sa 'min.
"The Crown's Arena is a tournament held to determine who will be the next ruler of Geronia, our kingdom." Nyx emphasized the word 'our'.
Naalala ko ang pinag-usapan nila. An assassination plot to kill the King... so that will trigger this event.
Tumango si Nyx. He read my mind. "Exactly."
"Wala bang heir ang Hari? Or line of successors na susunod sa kaniya?" Tanong ko.
They looked at me, puzzled.
"Our world isn't like yours, Asha. With or without an heir, the Crown's Arena will commence once the person in the throne dies. This arena will determine the next line of royalties," sagot ni Atlas.
"But... you know I'm not capable." Ibinulsa ko ang kamay na nanginginig.
I'm aware of tournaments, napapanood ko ito sa anime. They will form groups and battle with other groups. Matira, matibay. Literal na itataya ko ang buhay at hindi ako handang gawin 'yon.
I just wanted to go home.
"I know, this a lot to ask from you. Pero parang pangkumpleto ka lang sa 'min. Hindi ka lalaban kasi ako ang papalit tuwing laban mo. Mananatili ka lang miyembro hangga't wala pa kaming nahahanap."
"Teka, kailan ba magsisimula 'yan?" Tanong ko kay Atlas.
"We don't have an exact date but there's rumors that it will be next week. Hindi namin kayang makahanap ng qualified na miyembro nang gano'n kabilis."
Napalunok ako. The King's death was treated like a prophecy that's already set in stone.
"'E sino 'yung isa?" Tanong ko.
There were five of them tapos kung dadagdag ako ay anim lang kami. Sabi nila, kailangan daw ng pitong miyembro para maging qualified.
"Lahat ng nandito, tayo na ang magkakagrupo."
Napatingin ako kay Rosalind dahil sa sinabi ni Atlas. She smiled at me innocently.
"Pati siya? But she's literally a kid!" Hindi ko makapaniwalang saad.
Rosalind flipped her hair, like what I've said was a compliment.
"'Wag kang papaloko d'yan. Mukha lang yang bata pero gurang na 'yan," sabi ni Atlas na nagsimula nang mangulangot.
'E-Eh?!
"Anong ibig mong sabihin sa gurang?!" Napatayo si Rosalind at malakas na pinalo ang lamesa.
Bigla siyang tumangkad na parang isang NBA player. She suddenly looked like a 40 years old woman.
"Matanda, hukluban, expired na," simpleng sagot ni Atlas.
Agad din itong kumaripas nang takbo matapos siyang habulin ni Rosalind. Tanging narinig ko na lang ay paghingi ng tulong ni Atlas sa labas.
"Parang mga bata, tsk," bulong ni Nyx.
"W-Will she be okay?" Tanong ko.
"Rosalind may look like a young child but she's the oldest." Cithara, one of the members, shrugged.
"No, I mean Atlas."
"Oh, uh... I don't know."
Kendrix suddenly poked my cheeks. "You're... real."
Kahit na si Alaric ay hindi pa rin makapaniwala. Siya 'yung kawal na nag-imbita sa 'kin noon sa underground battle. I think, he has the power of sound. "Kaya nga noong may nagsabi sa 'king nahuli uli si Atlas ay hindi ako makapaniwala kasi narito naman siya sa kampo. Kung hindi pa ako inutusan ni Atlas na imbitahan siya sa underground battle ay hindi pa rin ako maniniwala."
"At last, the girl from Atlas's dream has arrived," bulong ni Kendrix na siyang hindi nakatakas sa pandinig ko.
Tatanungin ko na sana siya nang humihingal na bumalik si Rosalind sa tent. "The Alphas... they're here!"
Agad na kumilos ang lahat. Cithara grabbed me as they all started to run away. May kung anong pinindot si Rosalind at biglang naging maliit na bola ang buong tent.
"Cover your face!" Cithara gave me a piece of clothing which I used as a mask.
Akala ko ay mga kawal uli ang naghihintay sa 'min. Nang makita ko kung sino ay nagsalubong ang kilay ko. They wore citizen-like clothing, katulad din ng suot namin nila Atlas ngayon. 'Yung mga babae ay nakasuot din ng hanggang talampakan na long sleeved dress. Habang sa lalaki ay long sleeve din at slacks. Ang kaibahan lang, 'di hamak na gawa sa maganda at matibay na tela ang kanila. Theirs were made out of silk and velvet while ours from coarse fabric.
"Sino sila?" Bulong ko kay Cithara habang habol ang hininga sa pagtakbo.
"The Alphas," she answered through gritted teeth.
Nagtago kami sa shrubs at matataas na halamanan. Inilibot ng mga Alpha ang tingin sa malawak na field. Sa isang kisap mata ay parang hindi nag-exist ang mga tent kanina. Ang bilis kumilos ng mga kasama ko na parang sanay na sila.
"I told you, I saw them here!" Sabi ng babaeng kasama nila.
"If they were here, then where are they?" Naiinis na sabi ng lalaki.
"Nakaramdam yata kaya nakatakas. Imbyerna naman 'o! Akala ko may mapaglalaruan na naman tayo," sabi ng pangatlo.
Ano kami, laruan? Nakarinig ako ng malalalim na paghinga galing kay Atlas. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, siguradong patay na ang mga Alpha.
"Atlas... don't," sabi ni Cithara.
Napapikit si Atlas hanggang sa bumalik na uli sa normal ang paghinga niya.
"Right, it's better to avoid trouble than to deal with it."
Hindi rin nagtagal ay umalis na sila. Lalabas na sana kami nang iharang ni Alaric ang braso.
"Wait, I can still hear their breathing. They're still in the area... hiding," sabi ni Alaric.
"Wow," I muttered, amazed at his magic.
Hindi ako nakakita ng kahit na anong mahika sa bayan. Kaya namamangha pa rin ako kapag makakita man ng isa. With Geronia's medieval-like setting, para lang akong nagbalik sa nakaraan.
Nang senyasan kami ni Alaric ay saka lang kami lumabas. Atlas stretched her hands.
"A'ight, time to move again," sabi niya.
Napasimangot si Rosalind habang si Kendrix naman ay panay ang reklamo.
"What a time to be an Omega! Treated as a toy, never as a human," sabi ni Kendrix.
Isang tingin lang ang nakuha niya mula kay Nyx at bigla siyang natahimik.
We started walking... and walking.... and walking.
Sumapit na ang dilim at naglalakad pa rin kami. Grabe, pangarap ko lang noon, nightmare ko na ngayon. I never thought that people in fantasy world walked for hours! Hanggang ngayon, wala pa rin kaming nahahanap na paglilipatang ligtas. Kahit na nanghihina na ang tuhod ko ay hindi ako nagreklamo. Takot ko na lang kay Nyx, kanina pa nakakasample si Kendrix sa kaniya.
May suminghal. Napatingin ako kay Nyx na siyang nakangisi. Binawi niya rin agad nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Nalilimot kong mind reader din pala siya! A little privacy please.
"Kaya pa?" Sabi ni Atlas sa 'kin. She never broke a sweat! Ang cool niya talaga.
Tumango ako at pinilit ang isang ngiti.
We walked again for a minute before Atlas dramatically sat on the ground. "Pagod na ako guys, bukas uli."
"What—" Magrereklamo na sana si Nyx nang magsalita uli si Atlas.
"Then, go. Basta dito ako magpapalipas ng gabi. Who's with me?"
Agad na nagtaas ng kamay si Kendrix. Nahihiya namang sumunod si Rosalind. Alanganin akong sumunod. 'Di ko na talaga kaya, anim na oras ba naman tapos tuloy-tuloy?
"Yey, majority! Pa'no ba 'yan?" Parang batang sabi ni Atlas.
"Tch." Nyx threw a little ball on the ground and it immediately unfolded into a tent. Lumuob siya roon at hindi na kami nakarinig pa sa kaniya.
"Asar, talo." Atlas sticked out her tongue.
Soon, everyone has settled on their own tents.
"Sorry, nasira ko 'yung tent mo," nahihiya kong sabi kay Atlas.
"No worries, kusa iyong nagrerepair dito sa loob ng bola," sabi niya at pinakita sa 'kin ang pamilyar na maliit na bola. Hindi tulad sa mga nauna pero ay transparent ito. Isang imahe ng miniature sized na tent ang makikita sa loob.
"Ang cool naman niyan. Una portal, then outfit change... tapos ngayon container ng tent?" Namamanghang sabi ko.
"Right?!" Sang-ayon niya. "The people here were so used to it that they're not amazed anymore. But these Mavo balls will always be a staple to long journeys like this. Bilhan kita pag nakahanap na tayo ng pagtitirhan."
She sat at a big stone near the river. Tumabi ako. Napapaligiran kami ng mga punong kahoy kasi nasa puso kami ng kagubatan. The air is cool and we were surrounded by colorful orbs of light. Nang lumapit sa 'kin ang isang liwanag ay hinayaan ko itong dumapo sa palad ko. Hindi sila liwanag kung 'di ay mga fairies na kasing laki ng daliri ko. Ang liwanag ay galing sa maliliit na lamparang hawak nila.
"He-ro!" The fairy waved at me.
I waved back. Umalis din agad ito dala ang lampara. Lumipad ito nang lumipad pataas hanggang sa nagmistula na lamang itong bituin sa langit.
"They're called the light bearer. Sila 'yung supplier ng liwanag ng mga ilaw dito sa 'min," sabi niya.
We kept quiet for the next minutes. I closed my eyes and breathed the fresh air. Narinig ko ang agos ng tubig sa ilog, ang malakas na hangin, huni ng insekto, at pagkaluskos ng mga dahon sa puno. I smiled— ngayon lang uli ako nakaramdam ng kapayapaan.
"Asha?" Sabi ni Atlas.
"Hmm?"
"For the next few weeks that you'll be staying here, your life will be like this— always in danger, always on the move. And I'm sorry for that."
"Baliw, wala ka namang kasalanan doon 'e." Napatingin ako sa kaniya. I already consider her as my twin sister.
"No... mas- mas higit pa roon ang pinaghihingian ko ng tawad. I'm sorry for having your face, I never thought that you—"
Her words were cut short because I playfully punched her in the shoulders. "Don't mention it."
Nanatili siyang nakatingin sa malayo, malalim ang iniisip.
Tinantiya ko muna ang susunod na sasabihin. Pinigilan ko rin ito sabihin noon pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili. "Atlas, can I ask you a question?"
"Shoot."
"Don't be compelled to answer if this is uncomfortable for you, okay? I just can't help but be curious. Why did you chose this kind of life? I mean, it's noble but I believe you have other reasons as well."
Natahimik siya. Kinabahan ako. Shet, masyado akong naging insensitive! Hihingi na sana ako ng patawag nang magsalita uli siya.
"Marami. Pero ang kaya ko lang sabihin ay 'yung makatulong sa mga kapwa ko Omega. You saw the King and those Alphas earlier, right?"
Tumango ako.
"They view us as an object. They force us into servitude, makes us their play things, and a lot more. Kaya mang sikmurain ng iba pero hindi ko kaya." May galit sa kaniyang boses.
"Alpha? Omega?" Pag-iiba ko ng topic.
"Alphas are the magical folk. Obviously, they have powers. Samantalang ang mga Omega ay walang kapangyarihan gaya ng mga mortal. Nakita mo naman siguro sa bayan, hindi ba? Wala kang nakitang mahika dahil wala silang mahika."
Didn't she just said she's an Omega?
"Me and my friends are Omegas. Nagtataka ka siguro bakit may mahika kami? Well, it's because we have an Alpha and Omega as our parents— which is actually forbidden."
"Because their magic will be spread, right?"
Umiling siya. "It's forbidden... for a good reason."
'Yon lang ang sinabi niya bago umalis. What was that?
---
Author's note: Ilang araw na no update kaya long chapter ito! (👉゚ヮ゚)👉 I hope you enjoyed it! Feel free to comment your thoughts and don't forget to vote, please! HAHAHAHAH!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro