Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01 - You're Under Arrest!

.·:*¨ ✘♚✘ ¨*:·.

ASHA REI

"Miss Rei," tawag sa 'kin ni Mister Chan.


Nanghihina ang mga tuhod ko nang tumayo ako. Kinailangan ko pang sumandal sa table namin bilang suporta. Habang papalapit sa teacher's table, mas lumalakas ang tambol ng puso ko. Inilibot ko ang tingin sa mga kaklase kong nakuha na ang test papers nila. 


'Yung iba, parang pinagsakluban ng langit at lupa. 'Yung iba, pabulong ang pagtanong sa katabi kung anong scores nila. Mayroon naman 'yung mga kahit anong tago ay halata namang nakangiti. 


Shet na malagkit. Iiyak ba ako o magdidiwang?


In-analyze ko ang itsura ni Sir, walang kaemo-emosyon. He folded my paper before giving it back to me. Finold niya 'yung paper para maitago 'yung score... ibig sabihin mababa. I bit my tongue as despair started to hug my heart.


Hindi ko na sinubukan pang tignan ang paper ko. I plastered an emotionless expression on my face kasi ang daming nakatitig sa 'kin— kapwa sinusukat din ang scores ko base sa reaksyon ko sa mukha. Neknek niyo kung ipapahalata ko 'no!


"Anong score mo?" Bulong sa 'kin ni Shaye, friend ko. 


I shrugged. "Ayaw ko munang tignan, sa apartment na lang. Ikaw ba?"


"30 lang 'e, hindi kasi ako nagreview."


Thirty out of fifty items. For an Accounting subject exam, ang taas nga niyon 'e. Pasado siya. At anong hindi nagreview? Magdamag ko nga siyang nakikitang nagrereview sa library 'e. 


"Kung nagreview lang sana ako, mas mataas pa ang nakuha ko," dagdag niya.


Huminga na lamang ako nang malalim. She diverted her attention to the others, saying the exact same words na hindi siya nagreview. Napatingin ako sa kulay dilaw na worksheet sa kamay ko kung saan nakaipit ang test paper ko.


Katulad ni Shaye, nagreview rin naman ako. Mas intense pa nga kasi bagsak ang quizzes ko. Siguro naman, pasado ako? I looked at them and when no one's looking my way, pahapyaw kong binuksan ang worksheet ko.


A large 'X' mark was written in my answers. Wala akong nakuha ni isa sa problem solving. Tinignan ko naman ang test paper ko, panigurado mas mataas ako rito  kasi theories naman. But out of 30, I only got 15  correct. 


"15 out of 50, huh?" Bulong ko sa sarili.


Bumigat ang puso ko. My eyes watered so I tried to calm myself. I can't afford to let everyone see that I'm crying. 'Yung mga kaklase kong kasama kong nagretake ng subjects? Nakangiti na sila ngayon kasi paniguradong nakabawi na sila. I can feel myself shrinking.


"Class... I hope you do understand that subjects like these requires more effort. Please take this as a challenge to put more effort and discipline in your studies. Hindi na kayo nasa highschool," panawagan sa 'min ni Sir.


I gave my best efforts... but I guess it wasn't enough.


"Those scores will never reflect you as a person—" dagdag pa ni Sir pero hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod niyang sinabi.


He can say all of the motivational words that he wants pero hindi pa rin n'yon mapapalitan ang isang bagay. Bagsak na naman ako, kailangan ko uling ulitin ang subject na ito. Matagal na akong tanggal sa Accountancy course kasi nga hindi ko na-reach ang quota. Napunta ako sa Managerial Accountancy course kung nasaan ang mga kasama kong bagsak. 


Hindi na lingid sa kaalaman kong mababa ang tingin nila sa 'min. We were the very people whom the Accountancy students doesn't want to be. Wala akong pakialam noon. I thought, maybe being here would lessen the pressure tapos marami rin namang magagaling dito. However, bagsak pa rin ako.


What would my parents think?


Dumating na ang class dismissal. Agad na tumayo si Shaye at sumama sa other friend niya. Hindi ko naman close 'yung friend niya kaya hindi na lang ako sumama. I was the last one to get out of the classroom. Agad akong nagtungo sa terrace.


Our school is located in the mountains kaya sumalubong sa 'kin ang malamig na simoy ng hangin at mga pine trees. Napatingin ako sa mga pangmayamang mga bahay na nakatayo sa mga bundok, sa highway na dinadaanan ng mga sasakyan... with these kind of grades, will I actually have a bright future?


Something vibrated in my pocket. I pulled my phone and unconsciously answered the call.


"Anak, tapos na ba 'yung exams niyo? Kumusta?" Tanong ni Mama mula sa kabilang linya.


Napatingin ako sa caller ID. Shit, ba't ko pa sinagot agad?


"A-Ah... okay naman po." 


"Okay? Nabawi mo?" Her voice was filled with hope.


Tinimbang ko ang susunod sa sasabihin. Gusto kong magsinungaling... just to make her proud for once. But I realized that she will learn the truth soon enough. 


"S-Sorry... 'Ma. Bagsak ko na naman. I swear, nag-aral naman akong mabuti. 3 am na nga ako natulog 'e. Pero wala pa rin, 'Ma. Ang hirap..." Pumiyok ang boses ko. Buti walang ibang tao sa terrace ng floor na ito.


There was silence in the other line. 


"M-Ma?" I called.


"...Bagsak ka na naman? 'E 'yung ibang subjects mo, pasado ba?" Halos pabulong niyang sabi. She doesn't sound angry... just disappointed.


"N-Nanganganib din 'yung isa, Ma."


There was silence again.


"Ilang taon pa?" Sabi niya.


"M-Madadagdagan lang ako ng one semester, 'Ma. 'Yung iba ko ngang kasama ngayon dapat graduate na pero ni-retake rin nila 'yung subject. Ang hirap kasi talaga, 'Ma."


My Mother sighed. "Hindi ka naman ganito dati. Anong nangyari sa 'yo?"


Parang may pumalaso sa puso ko nang marinig ang mga katagang iyon. I've been an honor student since Elementary. But college made me feel like I'm worthless. Ano nga bang nangyari sa 'kin? Hindi ko rin alam.



The call made me a walking void. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari matapos iyon. A nudge woke me up. Pagmulat ko, una kong nakita si Shaye na siya pa lang nanggigising sa 'kin.


"Your phone alarm's ringing," sabi niya.


Time to study again. May exam na naman kasi ako bukas.


Pagkagising ko, bumalik na naman ang feeling of disappointment sa sistema ko. I looked at Shaye and she's currently watching K-Drama. Parehas kaming irregular pero nagawa pa rin niyang manatili sa Accountancy course. She puts less effort in her studies, at least in comparison to me. And yet, she still has higher scores. 


She's also friendly and is literally a ball of sunshine— everything that I'm not. Hindi ko maiwasang mainggit. May mga gano'n pala talagang tao 'no? Mga pinagpala.


I opened my accounting books and began reading. Ganito talaga ang college, you fail then you move on. Nakapuwesto ang dining table namin sa tapat ng bintana. After a minute of reading, my attention has focused on the night sky outside. Ang daming stars... tapos bilog na bilog din ang buwan ngayon. 


My imagination ran wild. Imagine, camping on the mountains with this kind of night sky? Exactly, the escape that I need. Tapos, gaya ng nababasa kong fantasy books imbes na gigising ako para magsagot ng exams ay isang adventure ang naghihintay sa 'kin. Maglalakad ako patungo sa iba't ibang lugar para mag-accomplish ng quests. Even for the simplest quest, I will be appreciated for my efforts.


P'wede rin, isa akong underdog hero na minamaliit ng iba. But I will be able to work my way to the top— and that's when they'll realize my worth.


I leaned on my chair as a sense of relief enveloped me. Ngunit napalitan din agad 'yon ng longing at loneliness. I need to accept the truth— those were only works of fiction.


"Lumilipad na naman 'yang utak mo!" Tinawanan ako ni Shaye. "Mabuti pa, magpahinga ka na muna. You're too tensed nowadays," dagdag pa niya.


"Thanks."


Hindi rin nagtagal, nagpaalam na siya sa 'kin para magpahinga. Mga minor subjects na lang kasi 'yung exams niya, basic na raw. Napatitig na lang ako sa buwan. I feel lost and alone. 


Suddenly, a dragon-shaped cloud... or shadow appeared in the moon. Napangiti ako. Ang cool! Lumapit ako sa bintana at mas tinitigan pa ito. Now, it has become bigger. Habang lumiliit ang ngiti ko ay siya namang mas paglaki ng mata ko. Mas papalapit ito sa direksyon ko!


I stepped back when I realized what it is. It wasn't a shadow or a cloud—IT WAS AN ACTUAL DRAGON! 


The dragon's form reminded me of an oriental dragon— serpent body, bearded head, scaly, and horns like that of a reindeer. It was colored silver, almost matching the clouds in the night sky. 


"S-Shaye!" Hiyaw ko.


But I only got her snore as a response.


May balcony sa labas ng bintana namin, doon unang naglanding ang dragon. It slithered its scaly body inside our window until half of its body was already inside our apartment.


"Eyes up here, lady," a cold voice said.


Napatingin ako sa balcony kung nasaan ang natitirang katawan ng dragon. A man who was around my age was standing there. He has a tanned skin and a muscular built. His thick eyebrows met each other, intense gaze lingering in me. 


I unconsciously looked at the mirror. Nakaka-conscious talaga maging malapit sa pogi! Kaya ayaw kong lumapit 'e. 


The dragon was still baring its fangs on me, as if I'm a threat. Meanwhile, the man who looked like he came out of a fantasy novel climbed the window and entered our apartment. Wait... this must be a dream, right?


The lump in my throat vanished with the realization. Of course, it is! Malamang natulugan ko na naman ang accounting book ko. I need to review, but I think it will be okay if I stay in this dream for a while... see how it plays out.


"Y-Yes?" Tanong ko.


He looked at me from head to toe. I hugged my body. 


"The famed dungeon's blade is really a girl." His voice was colored with surprise. "Don't expect me to be gentle with you, just because you're a girl. Your house is surrounded by the other dragons, wala ka nang kawala pa."


Shet, ang hot niya mag-Tagalog!


My reverie was immediately cut off when a cold piece of metal clasped my wrist. Napatingin ako sa handcuffs na kumadena sa dalawa kong kamay. Doon pa lamang nagregister sa utak ko ang sinabi niya. 


"Anong n-nangyayari?" Fear entered my system.


Kinurot ko ang kamay at kinagat ang labi— pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako magising. Sisigaw na sana ako nang biglang may pumasok na sinulid sa labi ko. It stitched my mouth shut. The process was painless, however disabling me to speak.


"Mmm!" Sigaw ko na lamang.


The guy placed his index finger in front of his lips. "Sshh..."


Binuhat niya ako na parang isang sako saka nilagay sa likod ng dragon. Humiyaw ako nang biglang umangat ang dragon at mabilis na lumipad palayo sa apartment namin. Now, we're flying together with dozens of dragons in the night sky. Nasa likod ko ang lalaki, he was hugging me so as to prevent me from falling.


What in the actual fuck is happening?! Ano bang tinawag niya sa 'kin kanina... dungeon's blade? Sino ba 'yon? Because he clearly got the wrong person!


As if reading my mind, he spoke with the same coldness in his voice. "You're under arrest for the attempted murder of the King. Now, don't move unless you want to fall. You can't use any magic because of the handcuffs anyway."


A-Attempted murder?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro