Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Innocence and Pure

Warning:

Some words are not suitable for young readers!

================================
Daisy

Halos isang linggo na silang hindi nagkikita ni Deo. Hindi ito pumupunta ng mansion, siya nama'y palagi ring kasama ng Senyora sa mga lakad nito.

Miss na miss na niya ang binata!

Ngunit nananaig naman ang pride niyang puntahan ito sa pinag ta-trabahuhan nito. Lalo na't wala siyang magandang idadahilan.

At sa tingin niya ay parang iniiwasan din siya ng binata. Dahil hindi na ito muling bumalik ng mansion.Matapos ang nangyari sa kanila.

Akala siguro nito ay pinagtatawanan niya ito. Dahil sa ginawa nitong pagtatapat sa kanya.

Siya nama'y nahihiya ring humarap dito.

Papaano parang siya ang eager na eager na may mangyari sa kanila.

Nakakahiya mang aminin eh talagang sinunod niya ang utos ng bff niya.

Simula ng nanggaling sila kina Melanie ay inumpasahan na niyang manood ng iba't-ibang sex video's. Gaya ng utos ng kaibigan.

Para kahit papaano ay may alam na siya, kung sakaling matuloy ang naumpisahan nila ni Deo.

Nakakahiya!

Assumera na tuloy ang peg niya!

Nakakahiyang aminin pero hinihintay niya itong bumalik para ituloy ang naumpisahan nila.

My God naman!

Pero mas nakakahiyang malaman ng iba na Virgin pa siya at the age of thirty-five!

May pagkakataon na sana pero, naudlot pa!

Ipinangako niya sa sariling susunod lang siya sa gusto nito at hindi ito mamanipulahin, para hindi ito mapahiya sa kanya.

Nasa ganoon siyang pag iisip ng lumapit sa kanya si Danica at tinapik siya sa braso.

"Lunod na lunod na ang halaman ,tita oh...! "

Wika nito sa kanya.

Ay oo nga pala, nag didilig nga pala siya ng mga bulaklak ng Senyora.

Nahihiyang lumapit siya sa gripo at pinatay ito.

"Ano bang pinag iisip mo ha, Tita?! "
Kunot ang noong tanong ng dalaga sa kanya."Iniisip mo si Tito Deo, nuh... Kasi ay matagal ng hindi pumupunta dito, ano?! "

Malungkot siyang tumango sa itinuturing na pamangkin.

Pamangkin naman talaga niya ang mga ito dahil kapatid ang turing niya sa ina ng mga ito.

"Oh, eh bakit ayaw mong puntahan sa flower shop? "Takang tanong nito sa kanya.

"Naku ayaw ko nga, sabihin pa nun ay miss na miss ko na siya! "

Nakangusong sagot niya.

Natawa naman ang dalaga sa ginawi niya.

"Oh hindi ba at totoo naman! "

"Kahit na, babae tayo kaya dapat ay lumugar tayo sa dapat kalagyan. "
Sagot niya.

"Naku, Tita... Panahon pa ni kopong-kopong iyang sinasabi mo! Ako kapag hindi pa ako niligawan ng crush ko hanggang sa graduation namin, Ako na ang manliligaw dun! "

"Anooo?! "Bulalas niya.

"Hahaha... Joke lang Tita, maka react ka naman. Palibhasa ay old maid ka na! "Natatawang sagot nito sa kanya.

"Anooo...!!! "At hinabol niya ito ng kurot. Taranta naman itong tumakbo sa loob ng bahay sa takot na makurot niya.

"Kapag inabutan kitang bata ka,,, tatadtarin ko ng kurot iyang singit mo! "Sigaw niya dito, paano ay pandalas itong tumakbo pataas at pumasok na sa kwarto nito.

Nahahapo siyang napaupo sa sofa sa salas.

Ka hirap naman talaga ng lagay ng mga babae eh.

Hindi puwedeng maunang manligaw!

Nakakahiyang maunang gumawa ng hakbang!

Hump!
--------------

Deo

Naiinip na siya sa kakaupo sa loob ng opisina niya. Kung tutuusin naman ay kahit hindi siya pumunta, dahil bawat branch ng flower shop niya ay may nakatalaga namang tagapamahala.

Kaya lang ay wala siyang ibang magawa.Hindi naman kasi siya mahilig lumabas ng bahay para maglibang. Talaga kasing lumaki siyang matino as in matino sa salitang matino. Lumaki siyang business minded katulad ng kanyang mga magulang.

Wala rin siyang gasinong kaibigan, kundi si Zach at ang iba pa nilang pinsan sa probinsiya nila.

Gusto niyang puntahan at yayaing lumabas ang nobya.Isang linggo na niya itong hindi dinadalaw o tinitext man lamang.

Nahihiya siya!

Ang gusto niya ay marami na siyang alam bago niya harapin ang dalaga. Nang sa gayon ay kaya na niyang pangatawanan kahit hamunin pa siya ulit nito.

Sinunod niya ang Payo ni Zach. Lahat ng pwedeng panooring porno ay pinanood niya, pati libro ng kamasutra ay pasikreto siyang nagpabili sa tauhan niya sa shop.

Kaya lang ay hindi niya malaman kung paanong approach ang gagawin niya kay Daisy.

Masyado siyang napahiya ng huli nilang pagkikita.

Tinitigan niya ang kanyang cellular phone. Kating-kati na siyang tawagan ito at yayaing kumain sa labas.

Ano namang sasabihin niya?

Parang hindi pa niya kayang humarap sa nobya.

Pero may naisip siyang paraan para makausap at mayakag ito, nang hindi siya ang unang tumatawag dito.

Afterwards...

"Senyorita Daisy, may nagpadala po ng bungkos ng bulaklak sa inyo! "

Bungad ng lumalapit na katulong.

Napatingin naman ang dalaga sa bouquet na bitbit nito.

Alam niyang kay Deo galing iyon base sa pagkakabalot niyon.

But my goodness!

White Lilie's talaga?

It symbolized innocence and chastity!

Innocence and pure!

Ang gung-gong!

Ipinamukha pa talaga sa kanyang virgin siya.

Hump!

Bakit hindi na lang Red Roses?

O kaya ay Gerberas?

O kahit sampaguita!

Talagang nananadya ang gung-gong na iyon ah!

Makikita niya!

Dali-dali  siyang nagdial ng numero sa kanyang cellular phone.

Inis pa ring hinintay niyang sumagot ang tinatawagan.

[Hello, 'hon! "]masiglang bati ng nasa kabilang linya.

"Heh! "Singhal niya.

[Do you like the flowers?]
Tanong pa nito.

"Heh! Bakit sa dinami-rami ng mga bulaklak diyan sa shop ninyo ay White Lilie's ang ipinadala mo sa akin, aber?"Butaktak niya sa kausap.

[Hon, naman... Ano namang problema sa white lilies? ]Malambing na tanong ng nobyo.

Kaagad din naman siyang natigilan.

Wala nga palang aral ang isang ito. Anong malay nito sa meaning ng mga bulaklak, eh delivery boy lamang ito sa flower shop!

Napa buntong hininga siya ng malalim.

[Hey, 'hon! Bati na tayo, please!] Samo ni Deo sa kabilang linya. [Ano bang bulaklak ang gusto mo?]

"Kahit ano, sige okay na 'to, sorry sa inasal ko! "Hingging paumanhin niya sa boyfriend, paano kahit sa bulaklak, demanding siya.

[It's okay, 'hon! Pwede ba kitang sunduin diyan!]

"Saan naman tayo pupunta, aber? "

[Ahm... Dinner date tayo! ]Masiglang sabi nito.

Nakunsensiya naman siya sa inasal sa lalaki. Kahit sinisigawan na niya ay malambing pa rin ang ginagamit nitong tono sa kanya.

"Okay! "

Malambing ding sagot niya. Dahil sa inis niya kanina, nalimutan na tuloy niyang kiligin sa idea-ng first time siyang pinadalhan ng bulaklak ng nobyo.

Paano inuna muna niya ang pag iinarte!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro