Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Asar-talo

Maka ilang beses siyang nag inhale-exhale bago nagpasyang bumaba ng sasakyan ng makarating sila sa tapat ng flower shop nina Deo.

Nakita pa niyang nakangiti siyang pinapanood ng driver na si Allan.

"Heh!Isa ka pa!" Kunwaring singhal niya ,kaya lalo itong napatawa."Eto na na oh bababa na,hump!"At nakairap na bumaba siya ng sasakyan.

Bahagya pa niyang inayos ang nalukot na damit niya sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan.

Taas noo siyang lumapit sa babaing nasa front desk ng flower shop.

Malaki ang flower shop.Maluwang ang receiving area nito o nagsisilbing waiting area nito para sa mga costumer.

"Hi Miss,I'm looking for Deo...Deo Henson!" Diretsa niyang tanong sa babaeng inabutan doon.

"And you are?" Kunot ang noong tanong sa kanya ng babae.Mukhang imbyerna ito sa presensiya niya.

Tiningnan pa siya nito mula ulo hangang paa.

Nainis siguro sa kanya dahil ang angas ng dating niya sa paghahanap kay Deo.

"I'm daisy.Is Deo here or not?" Naiinis niyang tanong sa babae.

"Ay,Ma'am nasa loob po ng opisina si Sir Deo." Sabat sa kanila ng isang lalaking staff ng flower shop."Hindi mo ba kilala si Ma'm Daisy? "Tanong nito sa babaeng kausap niya.
"Girlfriend siya ni Sir Deo!"Narinig pa niyang asik nito sa babae.

Para namang bigla siyang naging proud na sabihing kasintahan siya ni Deo.

Taas ang noong sumama siya sa lalaki patungo sa opisina ni Deo.

Matalim ang tingin sa kanya ng babae ng lingunin niya ito.Marahil ay may gusto kay Deo.Kaya imbyerna sa kanya.

Sorry ka na lang!

Ako ang type ni Deo at hindi ikaw!

Ano daw?

Saan nangaling 'yun?

"This way,Ma'am." At iginiya siya ng lalaking staff sa isang pinto.

"Thanks!" Sabi niya rito,bago pumasok sa pintong itinuro nito.

Nakalimutan tuloy niyang kumatok.

Huli na ng maalala niyang kumatok,nabuksan na niya ang pinto.At nakita na niyang tumunghay si Deo,mula sa kung anong binabasa nito sa mesa.

"Ahm...I'm sorry,nalimutan kong kumatok muna!"

Bakit ba siya biglang kinabahan.

Paano,pagkaka gwapo ba naman ng delivery boy na nasa kanyang harapan.Nabistahan niya ito ng tumayo ito.

Naka simpleng t-shirt ito na humahapit sa katawan nito.Bakat ang lahat ng mga muscles nito sa katawan.Naka pantalong maong ito na may wak wak sa bandang hita at tuhod.

Bakit parang biglang naging maganda ang tingin niya ngayon sa mga Rip Jean's.Dati-rati naman ay basahan ang tawag niya sa ganoong pantalon.

Pero ngayon ay bakit parang bagay na bagay kay Deo.

He looks so hot!

"Hey...Hon!" At kaagad siya nitong nasaklit sa baywang at nahalikan sa kanyang mga labi.Akala mo talaga'y may relasyon sila kung titingnan dahil sa paraan ng paghalik nito sa kanya.

Ni hindi siya nakahuma sa gulat.Ni hindi niya ito nagawang itulak.

Napakapit pa nga siya sa braso nito ng maghiwalay ang mga labi nila dahil pakiramdam niya ay nanlambot ang kanyang mga tuhod.

"Ummm...mukhang tinatangap mo na akong kasintahan ah,hindi ka na nag pupumiglas kapag hinahalikan kita." Buska sa kanya ni Deo.

"Kapal mo!" Nakairap na hampas niya sa braso nito."Eh ano namang laban ko sa iyo kung gusto mo talagang manghalik,eh ang laki mong tao!"Katuwiran niya."Tsaka ano pa bang bago? Palagi ka naman talagang nakahalik!"

Kunway inis na sabi niya dito.At naupo sa sofa.

"Sus...kunwari ka pa eh alam ko namang nag e-enjoy ka sa mga halik ko!" Pang aasar pa nito sa kanya bago naupo sa tabi niya at hinapit siya palapit dito.

Sasagot pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng tao sa front desk.

"Ano yun,Myrah?"
Nakakunot ang noong tanong dito ng binata.

"Eh sir,tumawag nga po pala ang Tita Guada ninyo kanina,iyon daw pong mga bulaklak na order niya!" Sagot niyon habang ang mga mata ay kanya nakatingin at sa kamay ng binata na nakapatong sa kanyang kandungan.

"Okay na Myrah,heto na nga ang honey ko,Siya ang pi- pick up ng  bulaklak for Tita Guada."Sagot ni Deo,sabay akbay sa kanya.

" O-okay po,Sir!"
At tiningnan pa siya nito ng matalim bago lumabas ng opisina.

"Sino ba iyon?,Bakit parang ang sama ng tingin sa akin.Siguro ay girlfriend mo iyon ano?" Singhal niya sa binata.

"Uyyy...nag seselos ang honey ko!"Tudyo nito sa kanya." Diba sabi ko sayo ay ikaw ang gusto kong gawing girlfriend at iuwe sa probinsiya namin!"

"Hump!Hindi noh!" Nakairap na sabi niya dito.At bakit naman niya naamin dito na naiinis siya sa babaing iyon!

"Oh eh,bakit nga ba nandito ka sa opisina ng may ari nitong flower shop?Diba delivery boy ka lang dito?"Pag iiba niya ng usapan.

" Ah...ano kasi..kuwan...
umalis...umalis ang amo namin.Ako ang acting boss ngayon dito!"
Pagyayabang pa nito sa kanya."Oh tara na sa labas at baka nailagay na sa truck ang mga bulaklak,ihahatid na kita pauwe sa Mansion!"

Sabi pa nito na nakapag pa-kilig sa kanya.

Sabay naman silang lumabas ng opisina.

----------------

"Deo,Hijo!" Bati ng Senyora sa binata ng makapasok sila ng mansion.

"Tita!" Masigla namang bati ng pamangkin sa tiyahin nito.

"Akala ko ba ay sira ang delivery truck ninyo?" Nakangiting tanong ng Senyora.

"Naayos din kaagad,Tita!" Sagot ng binata.

"Oh siya,dito kana maghapunan at ipagpapa luto kita ng paborito mong halabos na sugpo."

"Yes,Tita!"at lumapit ito sa wine bar na nasa gilid ng living room.

Ayon sa tiyahin nito ay kapareho daw ito ng pinsang si Zach,na mahilig sa mamahaling alak.

Oh kita mo!

Alak pa lang mamumulubi na siya kapag napangasawa niya ito.

Mahilig sa mamahaling alak...

Gayong boy lang naman ito!

Ewan ba niya kung bakit nawawalan siya ng gana dito kapag naaalala niyang boy lamang ito at walang matatag na trabaho.

Nagpaalam siya sa mag-
tiyahing nagku kuwentuhan.

Nagbihis siya ng simpleng maluwang na puting  t-shirt at maong na short-shorts.

Oras na ng hapunan ng bumaba siya.

Hindi na sana niya balak bumaba, kung hindi siya ipinasundo ng matanda sa taas.

Masayang nagku kuwentuhan ang mga ito ng bumaba siya.

Tahimik siyang umupo sa tapat ni Deo na siyang bakante,hindi naman siya puwedeng maupo sa malayo at mukha siyang tanga kung mag isa siya sa dulo ng mesa.

" Ninang,bakit parang wala kang ganang kumain.?Diba't paborito mo itong halabos na sugpo?"Usisa sa kanya ng kanyang inaanak na si Ada.

Kahit kailan ay mahadera talaga itong inaanak niya.Manang mana sa ina!

Binanggit pang paborito rin niya ang halabos na hipon,kagaya ni Deo!

"Wow!,What a coincidence! Soulmate pala talaga tayong dalawa,Hon!" Biglang tudyo sa kanya ng binata.

Nakairap namang ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain niya.

Narinig pa niyang naghagikhikan ang magkapatid.

Kuuuuuu...ito talagang mga anak ni Melanie...malapit na niyang matiris!

Puro harot!

Lalo siyang napasimangot ng  lagyan siya ni Deo ng tinalupan na sugpo sa kanyang pinggan.

Paano,narinig niyang sabay na nag,

ayiiiii....

ang magkapatid.

Napipikong nagpaalam na siya sa mga ito.

At nauna na siyang umakyat sa itaas ng Mansion kung saan naroon ang kwarto niya.

Walkout Queen tuloy ang peg niya.
Asar talo siya sa kakulitan niyong magkapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro