Chapter 8
Vanilla
Imposible! Si Logan ba talaga ang nagtext sa akin non? Gusto niya akong manood ng game nila bukas?
Why did he suddenly want me there? Could it be? Na-fall na ba siya sa charms ko?
"Bee, nakikinig ka ba?"
Napalingon ako sa boses ng aking classmate na nakatayo sa aking harapan. Her eyes were furious as hell. In fact, all eyes on me look icy.
"Ano? Akala ko ba memorized mo na ang lines mo?" Our acting director, Saja questioned me yet again.
I placed a hand on my waist. "I'm listening. Kanina pa kasi tayo nag-re-rehearse. Paulit-ulit nalang sa scene one. Kailan ba magmo-move on?"
"Bee, hindi porke't ikaw ang bida sa play na 'to, pwede ka nang umastang ganyan," sagot ni Saja.
I rolled my eyes, sighing. "Fine. I'm sorry. Pero, pwede ba, ayusin niyo rin ang mga linya niyo? Hindi lang ako ang mapapahiya dito kung hindi magiging maganda ang resulta ng play."
Hindi na ulit sila umimik pa at bumalik na rin kami sa pag-rehearse.
Hindi ko na rin namalayan pa ang oras hanggang sa lumubog na ang araw at kinailangan na rin naming buksan ang spotlight sa loob ng kwarto.
Matapos ang rehearsal, una kong napansin ang ilang text messages na na-receive ko sa aking cellphone. Karamihan nito ay galing kay Jillian.
From Jillian:
Bee, nood ka ng game later?
Hey!
Nasaan ka?
I'm here na sa bleachers.
May game si Logan.
And that was when it hit me. Hindi ako nakanood ng game dahil sa rehearsal namin.
Ang tanga ko! Bakit hindi ko tinignan ang oras?
Agad akong tumakbo palabas ng building namin. Mabuti nalang at medyo malapit lang dito ang baseball field.
Madilim na ang kalangitan. Sigurado akong tapos na ang game. At sigurado akong wala na si Logan doon.
But, I had to try.
Nag-text pa man din siya at inaya pa akong manood ng game nila. But, what did I do? I just blew my chance.
Hingal na hingal ako nang marating ko ang tahimik na baseball field. Bukas pa rin naman ang mga ilaw dito, pero wala nang mga tao.
Kinuha ko ulit ang phone ko at tinawagan si Jillian. Walang sagot. Naisipan kong i-text siya at baka sakaling mabasa niya ito.
"Bee?" Isang boses ang nakapukaw ng aking atensiyon mula sa aking tabi.
When I looked up, nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakatingin sa akin. "Koleen?"
Inayos niya ang salamin sa kanyang mga mata habang papalapit sa akin. "Ano'ng ginagawa mo dito? Nanood ka ba ng game kanina?"
I shook my head. "Hindi ko naabutan 'yong game."
"Ah ganun ba. So, bakit ka nandito ngayon?" Napatingin si Koleen sa kanyang relo. "At sa ganitong oras pa?"
I stifled a soft chuckle. "Wala. Napadaan lang ako. Ikaw? Bakit nandito ka pa? Hinihintay mo yung... boyfriend mo?"
Umiling si Koleen. "May shift siya ngayon. Hinihintay ko lang si Logan. Isasabay niya ako pauwi."
I pressed my lips, nodding slowly. "Ah, you're really close pala talaga kay Logan, 'no?"
Tumango siya. "Since high school pa kami magkakilala."
"I see. Kaya pala..." natahimik ako habang nakatitig sa babaeng kaharap ko.
Koleen Fernandez - med student, matalino, mabait at simple lang ang dating pero maganda. Kung ako rin naman si Logan, magkaka-crush rin ako sa kanya.
"K!"
My jaw tightened, nang marinig ko na ang boses ng lalaking hinahanap ko kanina. Pagtingin ko sa harap, tumatakbo na papalapit sa amin si Logan. Naka-sleeveless tank top lang siya ngayon kaya litaw ang magkabilang biceps niya.
"Uy, Captain! Ang tagal mong maligo ah!" pabiro sagot ni Koleen nang marating kami ng lalaki.
"Siyempre, baka magreklamo ka kung amoy pawis ako sa kotse," natatawang sumbat ni Logan.
Hindi pa rin niya ako tinitignan. Hindi ko alam kung alam ba niyang nandito ako. O sadyang naging invisible ako sa paningin niya ngayong nandito si Koleen.
"Bee, gusto mo bang ihatid ka na namin?" offer ni Koleen sa akin at doon lang napatingin ang lalaki sa aking mata.
Napalunok ako bigla sa titig niya. His face glistened, strands of wet hair covering his forehead and suddenly, all I could smell was his vanilla-scented body wash from where I was standing.
Ballerine, focus. You can't fall for him. He has to fall for you!
"Ano, Logan? Okay lang naman sa'yo, di ba?" Siniko ni Koleen ang lalaki kaya napatango nalang ito.
"Oo naman. Walang problema," tunog sarkastikong saad ni Logan na may pilit na ngiti sa kanyang labi.
Nagkibit-balikat ako. "Thanks. San naka-park ang kotse mo?" tanong ko sa lalaki.
"Hindi man lang nagpakipot," mahinang sumbat ng lalaki na siyang nakapagpataas ng aking kilay.
"What did you just say?" I hissed at him.
"Wala. Saan nga ulit ang bahay niyo?" he asked back.
"Riverstone Heights," sagot ko.
"Ah, dun ka pala nakatira? Malapit lang din 'yun sa penthouse," ani Koleen.
Biglang tumunog ang cellphone mula sa kamay ko kaya napatingin ako dito. Isang text galing kay Jillian ang bumungad sa akin.
From Jillian:
Girl, punta ka dito sa penthouse nila Logan. May afterparty!
Napakurap ako sa nabasa kong text. Afterparty sa penthouse nila? So, bakit nandito pa rin si Logan kung ganun?
"Bee, okay ka lang?" tanong ni Koleen sa akin.
Tumango ako sabay sulyap sa lalaki na busy na sa kanyang cellphone. "May party pala kayo sa penthouse?"
"Ah, sila lang. Wala na akong energy para sa party," sambit ni Koleen sa tabi ko habang naglalakad na kami at sinusundan ang likod ni Logan.
Maybe this was the chance for me. Dapat makapasok ako sa party.
"My friend is there and she's totally wasted. Kailangan ko siyang tulungan," I lied. I had to.
Nakita ko ang pag-angat ng ulo ni Maxwell sabay tingin sa akin. "Sino'ng kaibigan?"
"Si Jillian. You probably know her. Kasama siya sa cheering squad-" Napatigil ako nang magsalita ulit si Logan.
"Kilala ko siya. Kaibigan mo pala 'yon," seryosong sagot ng lalaki sabay pindot sa susi ng kanyang kotse nang makarating kami sa parking lot.
Pumasok na rin kami sa kanyang puting Jeep Wrangler. Umupo si Koleen sa tabi ni Logan sa harap at mukhang ito talaga ang designated seat niya.
I positioned myself at the backseat, trying not to get affected.
Okay lang 'yan, Ballerine. Soon enough, ikaw na rin ang uupo sa tabi ni Logan.
Tahimik lang kami buong biyahe papunta sa penthouse nila. I tried to distract myself with my phone.
From time to time, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa lalaking nagda-drive ng kotse sa harap ko.
The faint scent of vanilla mixed with roasted chestnuts reached my nose again. It's definitely a perfume from Maison Margiela.
Damn it. Hindi ako pwedeng ma-adik sa amoy niya. It's too dangerous.
"May sinasabi ka?" Biglang tanong ni Logan sabay sulyap sa rear-view mirror kaya nagtama ang tingin namin.
"H-Huh?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
Wait, did I just say my thoughts out loud?
"Kailangan mo ba talagang pumunta sa party?" tanong pa ulit ng lalaki sa akin.
"Kailangan ako ni Jillian," sumbat ko.
"Kilala ko si Jillian at ang mga kaibigan niya. Hindi ka niya kailangan doon," diin pa niya.
"Why do you care? Gusto ko ngang pumunta sa party."
"Mmm..." Inunat ni Koleen ang kanyang leeg. Umiidlip pala siya. "Ano'ng meron? Bakit kayo nagtatalo?"
"Sinasabi ko lang sa kanya na huwag nang pumunta sa party," the guy answered.
"Oo nga, Bee. Late na sila matatapos sa party. Tapos may klase pa bukas," Koleen explained.
"Kailangan ko lang talagang tignan kung okay lang si Jillian," pilit ko pa ulit.
"Sige, samahan na kita," offer ni Koleen.
"Okay lang, Koleen. Hindi mo kailangang-" I got cut off when the guy spoke.
"Ako na, K. Alam kong may exam ka pa bukas," biglang sabat ni Logan.
Why, of course.
Napatingin ulit ako kay Logan. Mula sa rearview mirror, kita ko ang pagsulyap ng lalaki kay Koleen na katabi niya.
I suddenly felt a heavy jolt in my chest. Teka, affected ba ako sa closeness nila? No way! Hindi ako pwedeng magselos. Bakit naman ako magseselos?
"Babantayan kita sa party," rinig kong sambit ni Logan habang nakatingin na siya sa akin sa rearview mirror.
"Excuse me? Hindi ko kailangan ng bantay," usal ko.
"Bahala ka na nga," he gave up, speeding the car away.
Several minutes later, nakarating na rin kami sa penthouse nila. Dito rin pala nakatira si Koleen sa iisang building kasama ang mama niya.
"Logan, ikaw na ang bahala kay Bee ha?" paalala pa ni Koleen nang makarating kami sa tapat ng unit nila.
"Hindi nga raw niya kailangan ng bantay," pag-uulit pa ng lalaki sabay irap sa akin.
"Basta, mag-iingat ka sa party," huling sabi ni Koleen bago siya tuluyang pumasok sa kanilang condo.
Nang maiwan na akong mag-isa kasama si Logan sa elevator, tahimik na ulit siya. Nagbukas ang pintuan sa pinakataas na floor ng building - 20th floor.
Bumungad sa amin ang malakas na tunog mula sa speakers pati na rin ang mga silhouette ng mga taong nasa loob ng bahay.
Wait, penthouse niya 'tong buong 20th floor na 'to?
Tatanungin ko pa sana ang lalaki nang bigla nalang siyang naglakad at iniwan akong mag-isa sa loob ng elevator.
What the hell! Hindi man lang ako hinintay.
"Maxwell!" pasigaw kong pagtawag sa lalaki. But, my voice was too thin in this dimly-lit jungle of people.
Sinundan ko ang anino ng lalaki hanggang sa makarating ako sa loob. The whole floor was crowded with couples sticking their tongues in with each other. It was definitely wild!
Hinanap ko ulit si Logan, but this time, he was out of sight. San na siya nagpunta?
"Miss, okay ka lang?"
Biglang may nagsalita mula sa aking likuran kaya napalingon ako. A guy with a snake tattoo sitting across his neck welcomed my sight with a grin on his face. He looked drunk as hell.
"I'm okay, thanks," I simply answered, turning my back.
Just then, naramdaman ko nalang ang kamay niyang biglang pumigil sa akin.
"Teka lang, miss, nakikipag-usap pa ako sa'yo," sabi pa ulit ng lalaki.
"Let me go!" I shoved his hand away, but his grip was too tight on my wrist.
Lumapit ang lalaki sa akin hanggang sa malanghap ko na rin ang hininga niya. Amoy alak! Disgusting!
"Ano ba'ng problema mo, miss? Nakikipagkaibigan lang naman ako," he hushed in my left ear.
This guy reeked alcohol. So gross!
"Let her go, Brad."
Someone suddenly spoke from behind and when I turned around, I saw an unfamiliar guy glaring at the one holding me hostage.
Agad naman akong binitawan ni Brad at umalis na rin ito.
"Are you okay, miss?" the guy asked, his innocent-looking eyes still fixed at mine.
Tumango lang ako habang nakatingin sa itim niyang buhok na naka-style pataas. He was wearing a white long-sleeved dress shirt and black pants. Mukha siyang dadalo sa isang corporate event at hindi sa isang frat party kung nasaan kami ngayon.
"Miss?" His deep voice caught my attention again.
"Ah, yes. Okay lang ako. Thank you, by the way," I answered with a smile.
"May kasama ka ba dito sa party?" he asked again.
"Huh? Uhm..." I paused, looking around. Napatingin ako sa may pool area sa balcony at nakita ko si Logan na nakatayo sa labas.
"Kung wala kang kasama, huwag ka nalang uminom ng alak para makauwi ka nang maayos," he suddenly advised.
Daddy, ikaw ba yan?
"Oh, for Christ sake!" The guy suddenly blurted out, sabay hawak sa kanyang sentido na nakatingin sa may area kung nasaan ang billiards table. May isang lalaking nakatayo doon habang sumasayaw na walang saplot.
"What the-" I immediately looked away bago pa ako makakita ng isang bagay na ayaw kong makita.
Iniwan na rin ako ng lalaki na agad na tumakbo patungo sa billiards table para pababain ang lalaking nakapatong doon.
The way he was acting right now made me think na isa siya sa may-ari ng bahay na ito.
Wait, then that means he's one of Logan's friends. Siya ba si Kell? He definitely looked like a senator's son.
"You want to know the truth, girls? Nag-donate lang naman ang mommy ni Bee ng almost half million pesos sa Theater Society kaya siya ang napiling lead role sa play. And of course, we have no choice but to elect her as the new president soon."
The moment I heard those words, my brain froze.
Did mom really do that?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro