Chapter 4
Nutcracker
"Put all your weight on your tiptoe, Ballerine."
That damn voice was here again.
Ginagawa ko naman ah. Hindi ko na nga maramdaman ang mga daliri sa paa ko. They were numb and bruised. But, I wouldn't stop. I couldn't.
Left leg up and down. Right leg up and down. Then, stretch the legs and arms, bending my back and forming into a curve.
The soft and melodic music played inside the whole room, enchanting and taking me into a different world. Pakiramdam ko ako na talaga si Clara, ang bida sa musical na "The Nutcracker."
I would be Clara. I should be Clara. I am Clara.
"Focus, Ballerine!" The voice scolded me yet again.
I snapped my head at my reflection in the mirror. Nakasuot ako ng white leotard, pink tights at ballet pointe shoes na medyo madumi na rin dahil sa tagal kong paggamit nito.
Nakatayo ako gamit ang aking kaliwang paa habang naka-arch ito. All my weight was being carried by my big toe.
Seeing myself in the mirror with my arms raised, I tried to flash a smile.
Nakangiti naman ako pero bakit hindi ako masaya?
What the hell was I doing wrong?
"Ballerine, your leg is not straight!" I heard the damn voice criticizing me yet again.
Huminga ako nang malalim. She was right. My leg was crooked. My form was bad. And my face was ugly to begin with.
Umiling ako sa aking sarili. There was no one else in the room. Ako nalang ang natira sa mga kasama ko kanina dito sa ballet class. They all left.
Ring. Ring. Ring.
I tried to ignore my phone, but it kept on ringing. Sino naman ang tatawag sa akin sa oras na ito?
Binaba ko ang aking kamay at paa at nagtungo sa gilid kung nasaan ang duffle bag ko. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang missed call galing kay Manong Eli. Nasa baba na raw siya at sinusundo ako.
What did I expect? Even my mom wasn't looking for me kahit na mag-a-alas diyes na ng gabi.
Kinuha ko ang aking face towel at pinunasan ang pawis mula sa aking mukha. Sinuot ko rin ang kulay apricot na cardigan na dala ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Halos isang oras ang inabot ng biyahe namin pauwi sa bahay. Malapit lang naman ang ballet studio mula sa amin dahil pag-aari ito ng aming pamilya. Si mommy ang owner ng "Sugarplum Studio," isang ballet at dance studio, bilang isa siyang ex-Prima Ballerina. Siya ang dahilan kung bakit ako nahumaling sa ballet... parehas kami ni Ate Bri.
The only difference was my older sister was better than me.
Nang makarating ako sa bahay, tahimik na ang buong paligid. Nakabukas pa rin naman ang mga ilaw sa living room kaya nagtungo na rin ako sa kusina.
"Bal, nandito ka na pala," bati sa akin ni Yaya Nelly na nagliligpit sa kusina. "Kumain ka na muna."
Ngumiti ako sa kanya at nagtungo sa ref para kumuha ng gatas. "Hindi na, ya. Matutulog na ako."
"Pero hindi ka pa kumakain ng hapunan. Ano ba'ng gusto mo? Ipaghahanda kita," pilit pa ni yaya.
Uminom ako ng gatas at nakita ang isang can ng Pringle's sa gilid ng counter. Napalunok ako habang papalapit dito.
Alam kong hindi ko dapat kainin ito, but I couldn't resist it. Mukhang malapit na naman ang period ko dahil sa cravings na 'to. Kumuha ako ng isang piraso mula sa can. Salty but good.
"Ballerine!" A voice echoed inside the kitchen.
Natapik ko ang can ng Pringle's at nagkalat ito sa sahig. Hindi ko na nagawang pulutin ito nang makita ko si mommy na nakatingin sa akin. Her eyes were fiery, almost wanting to eat me alive.
"M-Mom?" I stammered, looking away.
"Did you just eat that junk?" She questioned me as if I committed the biggest crime in the world.
Napalunok ako habang umiiling. "N-No, mom. I was just... drinking my milk."
Tumaas ang kilay ni mommy habang papalapit sa akin. Nakasuot pa rin siya ng corporate dress na lagi niyang suot kahit na hindi naman siya lumalabas ng bahay, despite being the CEO and owner of a ballet academy.
Inayos ko ang aking tayo nang marating niya ako.
"Did you stay late in the studio again?" Mommy asked.
Hindi ako nakasagot. I couldn't lie to her.
"How many times do I have to tell you that no matter how long you train, you have to follow your schedule? Sa tingin mo ba gagaling ka dahil nag-train ka buong gabi? No! That's just expending more energy without gaining any result," she lectured me for the nth time.
Narinig ko na ang lahat ng ito noon. But, I kept on disobeying her.
In my perspective, the more I train, the more I will get better. And the more she would be proud of me once I became the person she wanted me to be.
Bakit hindi niya makita ang lahat ng ito?
"I'm sorry, mom," nakayukong tugon ko.
"Now go inside your room and reflect on your actions tonight. I don't want this to happen again. And throw that piece of junk away, Nelly. I don't want to see any of that around here," she finished and left.
Pagkarating ko sa kwarto, tanging boses lang ni mommy ang naririnig ko nang paulit-ulit. I hope I can sleep tonight.
#
"Ballerine Maeze Castillo, you are the female lead of our musical this year. Congratulations!"
Ilang araw akong nag-train para sa audition ko sa musical play. At sa wakas, nagbunga na rin ang mga ito. Ngayong araw in-announce ng Musical Director na ako ang napili nilang lead star sa musical.
I did my best during the audition. No one came close to me. That role was easily meant for me.
"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na sure spot na ang lead role sa'yo, Bee," Jillian reminded me that same day.
Akala ko genuine ang pag-congratulate niya sa akin pero hindi pala. Pinaalala pa niya na kaya ko lang daw nakuha ang role dahil sa deal namin.
"So, now that you got what you wanted, paano naman 'yong gusto ko?" Jillian arched a brow at me as I craned my neck up to face her.
"You will get what you want, Jillian. But, don't discredit my effort. Pinaghirapan ko ang audition ko," I muttered.
Jillian flashed me a smile, forced and insincere. "Girl, I know that. That's why nandito nga ako para i-support ka, di ba? I'm just saying na I need updates regarding our project with you-know-who."
I nodded at her. "Don't worry. Pagkatapos nito, hindi ko titigilan si Logan, not until he falls for me."
Jillian tapped my shoulder. "Good girl. Bilisan mo nang kumilos dahil nandiyan na siya." Ngumuso ito sa akin habang nakatingin sa may gilid.
Napatingin ako sa gilid ng auditorium. May ilang students na naiwan pa dito kasama namin. But, what I didn't expect to see was that tanned guy standing tall in the corner with his arms crossed over his chest.
"Ano'ng ginagawa ni Logan Maxwell dito?" Napatanong ako sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa lalaki.
"Dunno. Why don't you ask him yourself?" Hinila ni Jillian ang aking kamay kaya napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. "This is your chance, Bee. Don't fail me."
I took a deep breath as I fixed the hair falling on the side of my face and the bottom of my ruffled dress. Confused pa rin ako kung bakit nandito ang lalaking ito. But, I had to start moving for the project.
Habang papalapit ako, napansin ko ang pagtama ng tingin niya sa akin.
Did he just notice me? Oh damn. Bakit bigla akong kinabahan? Hindi dapat ako kabahan. Masisira ang diskarte ko.
I cleared my throat, gaining back my confidence and will to face the guy. Nang marating ko siya, bigla siyang nakipag-usap sa mga kasama niya na parang wala ako sa harap niya.
"Logan Maxwell, na-miss mo ba ako agad kaya binibisita mo ako dito sa teatro?"
I mentally shook my head. Hindi gumagana sa lalaking ito ang ganyang style. I already got humiliated by him before.
"Logan Maxwell, what pleasure to see you here," I settled for this.
Tumingin na rin siya sa aking direksiyon habang nakaismid. "Hindi ikaw ang pinunta ko dito."
I inhaled, holding my anger in. "Bakit defensive ka? May sinabi ba ako?"
"Ah, wala ba? Parang narinig ko kasi 'yang laman ng isip at puso mo," the guy countered, stifling a chuckle.
"Logan, Bee, magkakilala na pala kayo?" Biglang sumingit ang boses ng musical director namin na si Mrs. Dela Fuerte. Lumapit siya sa amin at binigyan kami ng ngiti.
"Hindi po kami close," sagot ko.
"Hindi ko siya kilala," sagot naman ni Logan.
Agad ko siyang pinasadahan ng tingin habang nakakunot ang aking noo. Talagang dineny niyang kilala niya ako?
Napatawa naman si Mrs. Dela Fuerte. "Anyway, it's good that you're both here now para masimulan niyo na ring i-practice ang chemistry ng mga characters niyo."
"Chemistry?" I blurted out. "Anong ibig niyong sabihin, miss?"
"Well, you're playing Clara and Logan here will be playing Captain Philip Hoffman aka The Nutcracker," pag-explain pa nito.
Ilang segundo kong sinubukang iproseso ang mga narinig ko. Seryoso ba siya? Itong lalaking ito ang makakasama ko sa play?
"But, why? How? He's not even a Theater student," I protested, glancing at the guy.
Nakangiti lang si Logan na parang tuwang-tuwa sa reaction ko. Masaya ba siya dahil ngayon mapagtri-tripan niya na ako araw-araw? Pati ba naman dito sa sagradong teatro?
"Bee, nag-audition si Logan sa role na ito and he was the perfect fit. Kahit na hindi siya theater student, we give chances to everyone who wants to be a part of the theater," Mrs. Dela Fuerte explained.
Hindi na ako nakipag-argue pa at umalis na rin ang musical director namin nang tawagin siya ng kasama niya. Nakatayo lang ako doon kaharap ng lalaking nakangiti sa akin na parang nanalo sa lotto.
"Bakit? May problema ba?" The guy took a step closer to me, until his lips touched my ear. "Hindi ba ito ang gusto mo? Ang mapalapit sa akin?"
Out of instinct, siniko ko ang tagiliran niya at mukhang napalakas ito dahil narinig ko ang pagmura ng lalaki.
"Putang-" He immediately stopped himself from cursing out loud seeing the other people in the hall looking at him.
"Warning lang, pag sinaktan mo ako, alam mong lalaban ako, Maxwell," I countered.
The guy's lips curved up into a smirk. "Huwag kang mag-alala dahil wala akong balak na saktan ka."
Suddenly, my heart was thumping in all directions as if trying to get out of my chest.
Damn it. What are you doing to me, Logan Maxwell?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro