Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Deal

"Bro, gusto mo ba ng elixir?" tinapik ni André ang aking balikat sabay sandal ng kanyang ulo sa pader.

"Elixir?" nalilitong tanong ni Koleen na nakaupo sa harap namin.

"It's currently a non FDA-approved drug, an amphetamine-like stimulant used to decrease excessive sleepiness for patients with sleep disorders," pag-explain ni Jale na katabi ni Koleen. Naka-scrub suit pa silang dalawa dahil galing sa duty.

"Gago, idadamay mo pa ako sa kalokohan mo, Dré," asik ko sa katabi ko na tumatawa na ngayon.

"Baka lang naman makatulong sa'yo. You've been here since last night, dude," sabi pa ni André.

Nandito kami sa lobby ng ospital kung saan nila dinala si Ballerine. Ilang oras na rin ang lumipas simula noong nakita namin siyang walang malay sa loob ng kanyang kwarto.

Hindi naman ako makatulog dahil sa kakaisip kung okay lang siya. Tapos hindi pa ako pinayagang pumasok sa loob ng kwarto niya. Si Tita Beatrice lang ngayon ang kasama ni Ballerine at hindi ko pa alam kung gising na ba siya.

"Dati na ba siyang may suicidal tendencies?" tanong ni Koleen sa akin.

I shrugged my shoulders, exhaling a huge breath. "Hindi ko alam."

And it was true. Alam kong may pinagdadaanan siya, but not once did she mention this to me. Ayaw ko rin siyang pilitin kung ayaw niyang sabihin. I wanted to respect her decision dahil naniniwala akong sasabihin rin niya ito sa akin.

But, I didn't think we would end up here in a hospital.

"Have you ever noticed some symptoms of eating disorder from her?" Jale asked.

Bumalik sa isip ko ang lahat ng mga pagkakataong sumusuka siya sa tuwing napaparami ang kinakain niya. Pero kapag tinatanong ko naman kung may problema siya, lagi niyang sinasabi na okay lang siya.

"She needs help, bro," sabat pa ni André.

I sighed. "Alam ko, pero ayaw ko naman siyang pilitin."

"Ngayong alam na natin ang condition niya, we have to do something," saad ni Koleen.

Napahawak ako sa aking sentido. "Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin. Ayaw nga nila akong palapitin sa kanya."

"Ano ba ang nangyari? Di ba legally step-brother ka na niya? So, kasama ka dapat sa visitor's list," ani Koleen.

"Nalaman ng mommy niya ang tungkol sa relasyon namin kaya ngayon pinaghihiwalay kami," sagot ko.

"Bro, RIP to you," panunukso pa ni André kaya binatukan ko siya at natanggal ang suot niyang snapback sa ulo.

"Hindi ka nakakatulong, gago. Umalis ka na nga," sumbat ko kay André.

Tinaas naman niya ang kanyang mga kamay. "Sorry, sorry. Y'all so serious."

"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano'ng gagawin mo?" tanong ko sa katabi kong inaayos ang kanyang buhok.

"Simple. I'll run away with her," confident na sagot ng gago.

"Wow, ayos. Sige, itatakbo ko siya tapos ipapakulong naman ako ng tatay ko," sarkastikong sagot ko.

André nodded. "At least pinaglaban ko. If I were in your shoes, I would've stopped the wedding right there and then. No dramas."

"Madaling sabihin, mahirap gawin," isang boses ang biglang sumabat at nakita ko si Kell na paparating na rin kasama si Fina.

"Sorry, na-late kami," sabi pa ng babaeng kasama niya na nakasuot pa ng white collared shirt at navy blue skirt ng mga Architecture students sa FU.

"How's Ballerine?" tanong ni Kell sa akin sabay ayos ng salamin sa kanyang mga mata.

Umiling ako. "Hindi ko alam. Hindi ko pa siya nakikita."

"Jale, can't you do something about it? Wala ka bang kilala dito sa ospital?" Kell asked his older brother, almost infuriated.

Tumayo si Jale sa kinauupuan. "This is not about connections, Ellis. Logan is not allowed to visit Ballerine in her room."

Kell snapped his head at me. "What? Why?"

"Pinagbawalan ako ng mommy niya dahil sa relasyon namin," mahinang sagot ko.

"Is there a restraining order?" tanong pa ulit ni Kell.

Napakunot ako ng noo. "Wala. Hindi ko alam. Bakit?"

"Then, just go. You're legally a family member now, Logan," advise pa ni Kell sa akin.

"That's what I'm saying," bulalas pa ni André habang tinatapik ang balikat ko.

Tumayo si Koleen sa kinauupuan at lumapit sa akin. "Gusto mo bang mauna akong pumunta sa kwarto para kausapin si tita?"

Tumayo na rin ako at hinarap silang lahat. "Hindi na, K. Pupuntahan ko na siya."

Koleen nodded, and everyone cheered for me as I marched my way towards Ballerine's room.

Nakarating ako sa third floor kung nasaan ang kwarto ni Ballerine. Room 307.

Dumaan pa ako sa nurse's station para kumpirmahin kung nasaan ito. Tinuro naman nila ang daan sa akin kaya nagtungo ako sa direksiyon ng kwarto.

Agad kong nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa labas ng kwarto. Naka-uniform pa si dad habang may binabasa sa kanyang cellphone.

I inhaled a breath, walking closer towards him. "Dad?"

Inangat niya ang kanyang tingin at mukhang nagulat na nandoon ako sa harap niya. "Lorenzo, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Kumusta po si Ballerine?" I asked.

"She's okay, pero natutulog lang siya sa ngayon."

Tumango ako sabay upo sa tabi niya. "Mabuti naman po."

"Lorenzo, alam na namin ng mommy ni Bal ang tungkol sa inyo. Kailan pa?"

"Bakit dad? Kung sinabi ko ba, hindi niyo tinuloy ang kasal?"

Dad let out a sigh. "Alam mo, mahal ko ang mommy ni Bal. Pero, mahal rin kita, anak."

Napatigil ako sa sinabi ni dad. I didn't expect to hear something like that from him. Ngayon lang naman kami nagka-usap nang ganito.

Close naman kami ni dad. But, ever since nawala si Kuya Lyle, he started acting like I was a ghost. Parang namatay na rin ako sa paningin niya.

Alam ko naman na may kasalanan rin ako kung bakit nawala si kuya. Nag-away pa kami noong araw ng aksidente niya dahil galit na galit ako sa kanya sa nalaman kong relasyon nila ng unang girlfriend ko na si Crisha.

Yeah, my brother and I fought because of a girl.

Hindi ko naman inasahan na yon na rin pala ang huling araw na makikita ko si kuya.

"Lorenzo, tapos na ang kasal. Nandito na tayo. At ngayon ay magkapatid na kayo ni Ballerine. Kaya sana ay umasta kayo bilang magkapatid para na rin sa ikabubuti ng lahat."

Umiling ako sabay tayo mula sa aking kinauupuan. Akala ko pa naman ay matutulungan ako ni dad. Ano pa nga ba ang inasahan ko?

"Titignan mo ba si Ballerine?" tanong pa ni dad kaya napatigil ako sa paglakad.

"Pagbabawalan niyo ba ako?"

"Tignan mo na siya saglit habang wala pa si Beatrice," sabi ni dad.

Tumikhim ako sabay tango sa kanya.

Agad akong nagtungo sa kwarto ni Ballerine. Natutulog nga siya habang may oxygen mask sa ibabaw ng kanyang ilong .

Slowly, I made my way towards the side of her bed. Hinawakan ko ang kamay niya at napansin agad ang lamig na bumabalot sa kanya.

Caressing her hand, I spoke, "Love, nandito na ako. Please be okay."

Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok habang tinitignan lang siyang natutulog.

There was nothing else in this world that I wanted right now than for her to be safe.

"Mmm..." she suddenly mumbled, her eyes fluttering open.

"Love," mahinang tugon ko.

I saw how her eyes squint a bit as she stared back at me. "Logan?"

"Magpagaling ka na. Nandito lang ako," sabi ko habang hinihimas ang kanyang kamay.

"Did you see it?" she suddenly questioned me in a quiet tone.

Kumunot ang noo ko. "Ang alin?"

Umiwas siya ng tingin. "The post... about me..."

And that was when I realized she was talking about the post circulating online about her plastic surgery.

Yumuko ako at binigyan siya ng halik sa pisngi. "Wala akong pakialam sa post na yon," i reassured her.

Binalik niya ang kanyang tingin sa akin. Her hazel eyes glistened as she stared at me. I could see pain and sadness that I knew I could never erase. But, I was willing to try to replace them with security, love and happiness.

"Would you have loved me... kahit na pangit at mataba ako?" she asked again, her voice cracking the silence in the room.

Taking her hand, I positioned it over my eyes, completely shutting my vision. Wala na akong makita ngayon kung hindi pitch black.

Ni-imagine ko ang mukha ng babaeng kaharap ko.

Nag-flashback sa aking isipan ang mga panahong nasa playground kami habang tinutukso ko ang batang babae at tinatawag pang "balyena."

These were the memories I wished I could erase in her mind.

I knew I was one of those people who made her lose her confidence in herself as a person.

At pinagsisisihan kong binully ko siya noon.

Hindi ko na mababago ang mga naidulot kong sakit sa kanya, but now, I can change that.

I promised to myself I will only bring her positivity.

I will not be a reason for her sadness anymore. I will just be her sunshine.

"I love you now... then... and forever... Ballerine," I mumbled with a smile on my face.

#

Ilang araw ang lumipas at nasa ospital pa rin si Ballerine. Sabi ni dad ay stable naman na siya. Gusto lang nilang ma-diagnose ng mabuti ang condition niya para mabigyan siya ng treatment plan.

Tinuon ko nalang ang aking atensiyon sa pagpa-practice para sa championship game namin. Binalewala ko na rin ang sakit na nararamdaman ko sa aking kanang balikat.

Sa ngayon, wala akong ibang maisip kung hindi si Ballerine.

87...88...89...90...91...92...

Patuloy lang ako sa pag-swing ng baseball bat kahit na hindi ko na maramdaman ang mga braso ko.

Ako nalang mag-isa ang naiwan dito sa field. Alas-otso na ng gabi at kanina pa tapos ang practice namin. Wala rin naman akong gagawin pag-uwi kaya dito nalang ako.

98...99...100...101...102...

"Logan Maxwell!"

Napatigil ako sa pag-swing nang marinig ko ang boses na tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ang isang grupo ng kalalakihan na papalapit sa akin.

"Captain, kumusta?" tanong ng isang pamilyar na lalaki na nakasuot ng gold na varsity jacket at may official na logo ng Princedale University, ang rival school namin.

"Paano ka nakapasok dito? Hindi ba matagal ka nang na-kick-out dito sa FU?" asik ko sabay higpit ng paghawak sa baseball bat sa aking kamay.

Humalakhak si Tyler. "Logan, brother, hindi mo pa rin ba naiintindihan? Mas malakas ang connections ko kaysa sa'yo. My dad is the Vice President of this country."

I gritted my teeth in wrath. Bigla kong naalala ang ginawa niya noon kay Brianna. Kahit pa may mga witness sa panggagahasa niya sa aming kaibigan, hindi pa rin naipakulong ang gagong ito dahil sa kanyang tatay.

Lumapit sa akin si Tyler sabay tapik ng aking kanang balikat. Napangiwi ako kaunti sa sakit at nang mas diniinan pa niya ang paghawak sa akin, napasigaw ako.

"Putangina!" I winced in pain.

Tumawa ulit si Tyler. "Oh, sorry, bro. Masakit ba?"

"Umalis na kayo," mariing sabi ko habang nakahanda na ang baseball bat sa kamay ko.

"Or what? May gagawin ka? Kaya mo ba kami?" Nakaismid na sumbat ni Tyler sabay senyas sa mga kasama niyang lalaki.

"Ano ba ang gusto niyo?" pasigaw kong tanong.

Tinaas ni Tyler ang kanyang kamay kaya tumigil ang mga kasama niya sa paglapit sa akin. "Ipatalo mo ang game bukas."

Bumuga ako ng hangin. "Bakit ko naman gagawin yon?"

"Logan, alam kong alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Alam ko ring nasa ospital ngayon ang kapatid ni Bri. Kumusta na pala siya?"

I felt my blood boiling inside me upon hearing him. "Huwag niyong gagalawin si Ballerine."

"Hey, don't worry, mabilis naman akong kausap. Just do what I say and everything will be fine."

With clenched fists, I uttered, "Sige. Deal."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro