Chapter 18
Scarlet
Hindi na naman ako nakatulog kagabi.
At hindi ito dahil kay Ballerine.
Sobrang sakit ng kanang balikat ko. Ayaw ko namang magpa-ospital dahil mas lalo lang ma-i-stress ang mga taong nasa paligid ko - si mommy, mga kaibigan ko, teammates, coach.
Si dad lang naman ang walang pakialam sa akin. Lalo na ngayon na busy na sila sa preparation para sa wedding. Target nila ay within two to three months daw.
Hindi ko alam kung makakaya ko bang tumira kami sa iisang bubong ng Ballerine na 'yon.
Iniisip ko pa lang sumasakit na ulo ko.
Bakit ba napasok na naman sa isipan ko ang babaeng 'yon?
Tumayo ako sa kama para magtungo sa kusina. Baka sakaling mawala ang sakit ng balikat at ulo ko kapag kumain ako.
Habang naglalakad sa hallway, may napansin akong maliit na keychain na nakahiga sa sahig.
Picking it up, I immediately noticed that it was a pink ballerina keychain. Parehas ito sa binigay ni Ballerine kay Princess noon.
"Sa kanya ba 'to?"
Paano ko ngayon ibabalik 'to? Eh hindi nga niya ako kinakausap.
Bakit nga ba niya ako iniiwasan? Dahil sinabi ko sa kanyang hindi ko siya gusto?
Tama lang naman na umiwas siya at umiwas na rin ako.
It was better this way. Itapon ko nalang kaya itong keychain na 'to?
Pero, alam kong importante sa kanya ito.
Teka, ano bang pakialam ko kung importante ito sa kanya?
Gusto ko na ba siya? Mahal ko na ba?
Tangina. Di ko na alam gagawin ko.
Nilagay ko nalang ang keychain sa loob ng duffle bag ko. Kung hanapin niya ito, ibibigay ko. Kung hindi naman, itatapon ko nalang talaga.
Lumabas ako ng penthouse para mag-jogging sana sa compound nang makatanggap ako ng text galing kay Brianna.
From Bri:
Come here at our house
Family lunch before my flight
To Bri:
ok
Nakarating ako sa bahay ng mga Castillo at na-realize na wala pala si Ballerine.
"She went out early for a group project," her mom explained as we sat in the dining area.
Bumuga ako ng hangin. Mabuti nalang at wala siya.
"But, she said she will send me off later for my flight," Brianna added.
Tahimik nalang akong kumain habang pinag-uusapan na nila ang tentative date ng wedding. Tuloy na tuloy na talaga at wala nang makakapigil sa kanila.
Just then, a phone rang from someone's pocket. I instinctively checked mine, pero hindi galing sa akin.
"Mam Beatrice, may tawag po galing sa propesor ni Bal," alalang sambit ng kasambahay nila habang inaabot ang cellphone kay Mrs. Castillo.
"Yes, hello, this is her mom," pagsagot ng mommy nila sa phone.
I don't know why, but I felt a pang of worry in my gut. Nakatingin lang ako kay Mrs. Castillo habang pinapakinggan ang pakikipag-usap niya sa telepono.
"Okay, we'll be there right away," walang ekspresyong sagot ni Mrs. Castillo bago niya binaba ang tawag.
"Hon, is everything okay?" tanong ni dad kay Mrs. Castillo.
"Ballerine is in the hospital," seryosong sagot nito sabay tayo sa kinauupuan niya.
Agad na ring akong sumunod habang papalabas na kaming lahat sa kanilang bahay.
"Saan raw pong ospital?" Hindi ko napigilang mapatanong.
"In your university," simpleng sagot naman ng mommy nila.
Nagtungo na ulit ako papasok sa aking kotse. Sa pagmamadali ko, nabitawan ko pa ang susi ng kotse habang ini-start ko ito.
"Puta-"
Kinalma ko ang aking sarili bago sinimulan ang pag-drive ng kotse.
Nauna akong nakarating sa ospital bago sila kaya nagtungo agad ako sa nurse's station.
"Nurse, saan dito ang room ni Ballerine Castillo?"
"Kaano-ano niya po kayo, sir?" tanong pa ng nurse sa akin habang nagta-type sa computer.
Napatigil ako. "Kapatid. Kapatid ko siya."
Tinignan ulit ako ng nurse. "Hindi ba kayo si Logan Maxwell? Paano niyo naging kapatid ang pasyente?"
Napahawak ako sa aking sentido dahil sa inis at muntik pa ulit akong magmura. "Step-sister ko siya. Ano? Okay na ba?"
"Ah, sige po. Nasa Room 201 po siya."
Agad akong nagtungo sa kwarto at bago ako kumatok ay huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Knock. Knock.
Walang sagot.
Knock. Knock.
Wala pa ring sagot.
Hindi na ako nakapaghintay pa kaya unti-unti kong binuksan ang pintuan.
Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok ay narinig ko na ang kanyang matinis na boses.
"Thank you so much, Rance."
Rance? Ano'ng ginagawa niya dito?
Napatigil ako sa paanan ng pintuan at nakiramdam muna.
"No problem. Ang mahalaga ay okay ka na," sagot naman ni Rance.
"But, don't tell anyone about my bare face, okay?"
Rance chuckled. "Bakit ba conscious na conscious ka sa mukha mo? Maganda ka, Ballerine."
Tumango ako sa aking kinatatayuan. At least, she's okay... with him.
Slowly, I took a few steps backward. Mukhang hindi naman na ako kailangan dito.
Just then, her voice echoed in my ears. "Who's that?"
I stopped on my tracks, contemplating whether or not I should reveal myself.
Bago pa ako makapagdesisyon, biglang lumitaw si Rance sa harap ko.
"Logan?"
"Rance," pagbati ko sa kanya.
"Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka pumasok?"
Unti-unti akong naglakad papasok sa kwarto hanggang sa makita ko ang nakahigang babae.
"What are you doing here?" mahinang sambit ni Ballerine sa akin.
Lumapit ako sa kanyang kama para mas makita ang kanyang mukha.
Her eyes were dead, cheeks untainted and her usual scarlet lips dried up.
But, she still looked exactly the way I wanted her to be. Beautiful.
"I said what are you-"
I raised my hand, letting it rest on top of her head. "Mabuti naman at okay ka lang."
She held my gaze, staring straight into my soul. Nakaawang ang kanyang labi, pero walang lumabas sa bibig niya.
I gave her a small smile, still caressing her hair. "Magpahinga ka na. Darating na rin ang mommy mo at si Bri maya-maya."
"Ah, may pupuntahan pa pala ako. Maiwan ko na kayo. Cap, Ballerine, una na ako," paalam ni Rance sa amin.
Nang makalabas si Rance sa kwarto, binitawan ko na rin ang hawak ko kay Ballerine. "Aalis na rin ako."
"Wait." Napatigil ako nang hawakan niya ang baba ng tshirt ko. "Can you stay... until mom and Ate Bri are here?"
"May practice pa kami," saad ko para lang makawala sa presensiya niya.
Hindi ko ata kakayaning maiwan na kaming dalawa lang dito. Baka kung ano pa ang maisip at magawa ko.
"Please, Maxwell?"
Paano ba naman ako makakatanggi?
"Sige na. Malapit na rin naman siguro sila."
Umupo ako sa single sofa na malapit sa kama niya.
Tahimik lang rin siya. Hindi ko alam kung may gusto ba siyang sabihin dahil kanina pa siya nakatingin.
"Matulog ka na muna habang hinihintay sila," sabi ko.
"Aren't you going to ask me what happened?" she asked.
"Wala akong pakialam kung ano ang nangyari. Basta okay ka, okay na rin ako."
"Why are you always cold and indifferent towards me?" Bigla niyang sagot. "Can't you just at least pretend to care?"
Sadly, I do. I care so much about you.
"Pinuntahan nga kita dito oh, kahit na may practice pa mamaya. Hindi pa ba care 'to?" sagot ko naman.
"Really? Hindi ba dahil sinabihan ka ni mom na puntahan ako dito?"
"Mukha ba akong puppet na sunud-sunuran sa kahit na sino? Hindi ako inutusan ng mommy mo, okay?" I stated.
"Fine. Well, at least, Rance genuinely cares about me," she pouted.
"Kayo na ba?" I asked directly.
She snapped at me. "Ah, now you suddenly care?"
"Mabait si Rance. Bagay kayo," I commented 'cause it was true.
She grunted, pulling the blanket close to her face. "Whatever."
Ilang minuto pa ang nakalipas at wala pa rin ang mommy at kapatid ni Ballerine. Nasaan na ba sila?
Nilabas ko ang aking cellphone at doon ko nakita ang text ni Bri.
From Bri:
We're here at the airport now
Flight's in an hour
Mom is coming there in a bit
Also look after Bal for me
My jaw fell on the floor. Hindi ako makapaniwalang inuna pa talaga nila ang paghatid kay Brianna sa airport.
Alam ko namang importante ang flight niya, pero mayaman naman sila at barya lang ang pagpapa-rebook ng flight.
Napatingin ako kay Ballerine na mahimbing na ang tulog. Halos isang oras na rin akong nagbabantay dito. Mabuti nalang at mamaya pa ang practice namin. At kahit pa may practice kami, hindi ko iiwang mag-isa si Bal dito.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ulit sa kama.
Her snores were soft and cute. Napatawa ako. Ganito pala siya matulog.
I noticed a few strands of hair covering the side of her face, kaya hinawi ko ito at baka mamaya ay masinghot pa niya ang buhok niya.
Bending down to get closer to her face, I couldn't help but feel strange things in my gut.
Malakas ang self-control ko. Pero, sa pagkakataong ito, parang mas malakas ang hatak niya sa akin.
Slowly, I leaned closer to her, inhaling her scent. She really smelled like peony.
Or maybe it was just me.
Maybe it was just a good reminder from her.
"What is happening here?"
It was Ballerine's mom, who just came in.
And there I was, about to be held captive from committing the most heinous crime in history...
I was about to kiss my step-sister.
A/N: Huli ka ngayon 🫣
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro