Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Jalousie

Tanginang peony 'yan. Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kay Ballerine.

Gising na kaya siya? Puntahan ko ba siya sa condo ni K? Teka, bakit ko naman siya pupuntahan?

Leche. Makaligo na nga.

"Logan, son, may practice ba kayo ngayon? You're up early," bati sa akin ni mommy nang makarating ako sa kusina.

Sabado ngayon at may practice nga kami. Pero mamayang hapon pa.

"Ah, yes mom. Mamayang hapon," sagot ko sabay kuha ng tinapay mula sa counter.

"Late ka na ring nakauwi kagabi?"

Sinubo ko muna ang tinapay bago sumagot. "Hindi naman po ako uminom kasi may practice ngayon."

"That's good. At kahit na wala kayong practice, alam mong hindi maganda ang alcohol sa katawan," paalala ulit ni mommy.

"Yes po, dok," pabiro kong sagot.

"Kumusta na pala si Ballerine?"

Napatigil ako sa pagnguya. "Po?"

Inabot sa akin ni mommy ang isang tasa ng kape kaya kinuha ko ito. "Nag-aalala ako sa batang iyon. I just hope she's been eating properly."

"Uh... alis na ko, mom. Punta lang ako sa penthouse," paalam ko sabay lapit kay mommy para bigyan siya ng halik sa pisngi.

Hindi naman na dapat ako pupunta ng penthouse ngayon. Usually, nagwa-warm-up na ako para sa practice mamaya.

Ang normal exercise routine ko everyday ay 25 sit-ups, 10 push-ups, 10 v-ups, 30 jumping jacks, 30 high knees, 20 lunges, 10 sumo squats. Repeat 2-3 times.

Mas matindi pa kapag nasa practice field na kami at tuwing may games. Sa isang araw, hindi bababa sa 100 times ang workout ko.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit nananatili akong MVP at number one hitter sa university baseball league.

At wala akong balak na ipamigay ang titulong ito sa iba.

Half an hour later, nakarating ako sa penthouse. Hindi ko pa nagagawa ang exercise routine ko. Pero nagtungo agad ako sa condo unit ni K.

Naabutan ko si Jale na nagluluto ng breakfast sa kusina na siyang routine na rin nila. Si Jale ang taga-luto at si K ang taga-kain.

"Hey, how long have you been sitting there?" gulat na tanong ni Jale nang mapansin niya akong nakaupo na sa counter.

"Kakapasok ko lang ah," ani ko.

Umiling si Jale. "This is why I've been telling Konstant to change her keycode. Everyone just comes barging in."

"Bro, ako lang 'to. Gusto mo alis nalang ako? Walang problema."

Jale shook his head. "It's not that. I'm just saying-"

"Captain L!" Bati ni K sa akin nang makita niya ako sa kusina sabay upo sa tabi ko.

"LQ kayo?" pabulong na tanong ko kay K.

She sighed beside me. "It's one of those bad days... alam mo na..."

Tumikhim ako nang ma-realize ko ang sinasabi niya. "Ah, kaya pala."

"Are you front-stabbing me now?" Biglang sabat ni Jale sabay lapit kay K.

Umiling naman kaming dalawa ni K. "Hindi ah."

"Good, 'cause I hate it when people talk shit about me," Jale finished.

Agad namang tumayo si K sa kinauupuan niya at sinuyo si Jale ng isang yakap. "Dok, sorry na."

Pinabayaan ko nalang sila at kinuha ang aking cellphone para hindi awkward.

"What are you doing here?" Kilala ko na agad kung kaninong boses ang dumating.

"Sinusundo kayo ni Bri," simpleng sagot ko sabay angat ng aking tingin para tignan ang babae.

Nakasuot si Ballerine ng isang blue na pajama set na mukhang pinahiram ni K sa kanya. Nakataas rin ang kanyang dark blonde na buhok kaya kita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Cute pa rin talaga siya na parang walang nagbago sa itsura niya simula pagkabata.

"We can call Manong Eli to pick us up. We don't need you," sagot ulit niya.

Hindi na talaga aamo ang babaeng ito sa akin.

I inhaled a breath, nodding at her. "Okay, fine. Pero sa susunod na magpapakalasing ka, siguraduhin mong kaya mong buhatin ang sarili mo."

"Sungit," narinig kong sambit niya.

"Ikaw ang sungit," sagot ko naman.

Nanatili ang mga mata niya sa akin. I did the same. Gusto kong ma-realize niyang hindi pa siya nagpapasalamat sa pagtulong ko sa kanya kagabi at kung wala ako, baka kung saan na siya pulutin.

"Guys, what's with the bad vibes here?" Dumating na rin si Brianna at tinapik ang kanyang kapatid kaya nabuwag ang tingin namin sa isa't-isa.

"Oo nga, ang aga-aga. Kumain na nga tayo," pag-aya ni K sa amin.

"I'm not eating, thank you," Ballerine declined again.

"Bal, come on, just eat a bit," alalang sambit ni Brianna sa kapatid.

"Here... you can drink this to give you energy, at least," Jale butted in, sabay abot ng isang baso ng kulay green na smoothie kay Ballerine.

Kinuha naman niya ito at umupo na rin sa tabi ni Brianna. "Thanks."

"Kelan ka pala babalik sa New York, Bri?" K asked.

"This Saturday."

Ballerine snapped at her sister. "Already?"

Tumango naman si Brianna. "Come visit me there, sometime."

"I miss dad," Ballerine confessed. "Does he know about the wedding?"

Tahimik lang si Brianna.

Napatingin ako sa magkapatid na parang silang dalawa lang ang nasa kwarto ngayon. Nakalimutan ata nilang walang ibang nakakaalam nito.

"Wedding? Sino ang ikakasal?" tanong ni K.

"Oh, yeah, we haven't told anyone yet. But our mom and Logan's dad are engaged and getting married soon," sagot ni Brianna.

Napaubo si K sabay tingin sa akin. "Seryoso ba?"

Tumango ako.

"Congratulations," komento pa ni Jale sabay inom sa kanyang tasa habang nakangisi sa akin.

#

To Bri:

may game kami mamaya 6pm

nood kayo

From Bri:

Sure

Goodluck cap

Binalik ko ang aking cellphone sa loob ng duffle bag at pinagpatuloy ang drills namin sa field.

Isang game nalang at pasok na kami sa finals. We had to exert triple our effort for this game.

Alam kong hindi lang ako ang pressured, pati na rin ang mga teammates ko ngayon. Injured pa naman ang main pitcher namin.

"Logan, kumusta 'yang balikat mo?" tanong ng Head Coach namin nang makita niya akong nag-i-stretch sa gilid ng field.

Rotating my right shoulder, I still felt the stiffness I felt since the last game. Nangyari ito noong nag-home run ako at natamaan ng catcher ang balikat ko.

"Okay lang, coach," I lied. It felt excruciating, na parang may nakabarang kutsilyo sa aking balikat na ayaw matanggal.

Tumango lang si coach at iniwan na rin akong mag-isa.

"Okay lang? Sigurado ka?" tanong ng catcher naming si Dave sabay hawak sa balikat kong alam niyang masakit.

"Aray! Gago ka, Dave!" Agad ko siyang tinulak palayo at minasahe ang balikat kong pinisil niya.

"Logan, alam kong gusto mong maglaro sa game ngayon para makapasok tayo sa finals. Pero hindi rin masama ang iwan kami sa ere para sa kapakanan mo."

Napatigil ako sa sinabi niya. Teammate ko si Dave simula noong nagsimula ako dito sa liga. Parehas kaming hindi pasok sa first string noong first year, pero pinaghirapan namin ang posisyon namin ngayon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inunat ang aking leeg. "Dave, kung mamamatay man ako ngayon at nanalo tayo sa game, at least alam kong kasama ako sa pumuntos. Hindi ba mas maangas 'yon?"

Umiling naman siya. "Inuna mo pa talaga 'yang kayabangan mo. Bahala ka na nga."

Natapos nga ang game namin na kasama kami sa finals. Hindi man ako namatay kanina, ramdam ko naman ang papalapit na pag-agnas ng buto sa balikat ko.

Aray. Putcha. Mamamatay na nga ata ako.

Nakahawak ako sa balikat kong may ice pack sling habang naglalakad papunta sa shower room.

"Logan!"

Napatigil ako nang makita kong paparating sina Brianna at Ballerine sa aking direksiyon. Hindi ko man lang sila napansin kanina sa game.

"Nanood pala kayo?" tanong ko sa kanila sabay sulyap kay Ballerine na hindi nakatingin sa akin.

"Congrats sa win!" bati ni Brianna.

"Salamat," ani ko habang nakatingin pa rin kay Ballerine. "May hinahanap ka ata?"

"Rance!" Tumakbo palayo si Ballerine para sundan ang teammate kong naglalakad rin sa field.

Hindi man lang ako pinansin ng babaeng 'yon. Ano ba ako dito? Statue?

"Logan, do you like my sister?" Brianna suddenly asked, snapping my attention back at her.

"Ha? Ako? Hindi ah. Bakit ko naman magugustuhan 'yang immature at malditang kapatid mo? Tsaka isa pa, magiging kapatid ko na rin siya."

Tumango si Brianna. "Okay, just confirming... because you don't want to create a mess with our parents and all."

"Alam ko," sambit ko sa kanya.

Alam na alam ko...

A/N: Talaga ba Logan? 👀

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro