Chapter 16
Wasted
72 hours earlier...
"Lorenzo, anak, hindi na kami magkaka-ayos ng dad mo," mahinang sambit ni mom habang umiinom sa kanyang wine glass at nakaupo sa kanyang swivel chair.
Nandito ako ngayon sa loob ng kanyang consultation room sa Psych Centre. Tapos na ang shift ko at may practice pa dapat ako mamaya sa field. Pero nang mabasa ko ang text ni dad na gusto niyang makipagkita sa isang restaurant, naramdaman kong may paparating na bagyo na kailangan kong layuan.
"Mom, alam kong mahal mo pa si dad," I stated, arms crossed over my chest and back leaning against the wall.
I heard mom's soft chuckle, sabay baba ng wine glass na hawak niya sa table. "Anak, minsan kahit mahal mo ang isang tao, kailangan mo silang pakawalan para sa ikabubuti ng lahat."
Shaking my head, I spoke again. "Kaya pumapayag ka na magpakasal ulit si dad sa iba?"
"If that's what he wants and will make him happy going forward, why not?" she uttered, matter-of-factly.
"But, mom..." Napatigil ako para pigilan ang aking sarili na huwag sumigaw sa harap niya. "You deserve to be happy as well."
Tumayo si mom mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. She held my arms, caressing me. "Anak, I'm already happy having you and Princess around, and I spent my years in happiness when your Kuya Lyle was still alive. That's what matters to me. Kaya hayaan mo na ang dad mo..."
I pressed my lips tight, sealing the fume of anger about to explode inside me.
"Or is this because of that girl?" mom suddenly questioned me. "Dahil ayaw mong maging magkapatid kayo?"
Napatigil ako sa tanong ni mom. Hindi ko rin alam ang sagot.
"Because if that's the case, then, that will be a different story. And only you can do something about it, son," huling sabi ni mom.
#
PRESENT TIME: 10:17 pm
"Why are you doing this, Maxwell?" Ballerine whispered to me, habang nakahawak pa rin ako sa kanyang maliit na mukha.
Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang kasama si Rance na sumasayaw sa gitna ng kwarto na parang walang pakialam sa mundo. Kulang nalang ay ibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking kanina lang niya nakilala.
Matagal ko nang kilala si Ballerine Maeze Castillo. Paano ko ba makakalimutan ang cute at chubby na babaeng laging nakatambay sa playground tuwing matatapos ang klase?
Kahit na ilang taon na ang nakalipas, I knew she was the same girl I used to tease.
Napatingin ulit ako sa kanyang mukha at doon ko napansin ang itim na tintang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.
Nakatago man ang totoo niyang mukha sa likod ng kanyang make-up, siya pa rin ang babaeng tinatawag ko noong "balyena."
"Dahil ayaw kong magkasala," ito ang lumabas sa bibig ko.
She chuckled. "Really now? Bakit? Ano ba ang gagawin mo?" Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya naputulan ako ng hininga.
She smirked. "Hahalikan mo ba ako or what?"
Dumaan ang mga mata ko sa kanyang pulang labi at wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang angkinin ito.
Sa sobrang bilis ng pagtakbo ng pulso ko, parang nawawalan na ako ng katinuan.
Punyemas. Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito.
"Ano, Maxwell? Gagawin mo ba o hindi?" paghamon pa ulit sa akin ng babae habang nakataas ang isang gilid ng kanyang labi sa akin.
Kung hindi lang talaga siya nakainom ngayon, sasakupin ko agad ang buong pagkatao niya.
"Ihahatid na kita sa bahay niyo," mahinahon kong sagot habang nilalayo ang aking mukha sa kanya.
Napatawa ulit si Ballerine habang nilalagay ko ang aking kamay sa kanyang tagiliran para tulungan siyang tumayo.
"You know what, you're so weak, Maxwell," saad pa niya.
Umiling lang ako. "Sino ang weak sa atin ngayon? Alam mo na ngang mahina ang sikmura mo, iinom ka pa ng alak. Tapos gagawin mo ako ngayong alalay."
She continued to laugh as we headed towards the front door. "Did I ask you to be my servant? Ikaw kaya itong lumapit sa akin. I was having a good time with Rance."
Bumuga ako ng hangin. "Kung hindi lang talaga kita-"
"What? What did you just say?"
"Wala."
Habang papalapit na kami sa main door, muntik pa siyang matumba kaya binuhat ko nalang ang buong katawan niya para hindi na siya mahirapan pa.
Mabuti nalang at medyo magaan lang siya kaya hindi ako nahirapang buhatin siya.
"Logan!" I stopped when I heard someone calling my name.
Paglingon ko ay nakita ko agad si Brianna na mukhang nakainom rin.
"Where are you going?" tanong ni Brianna sabay tingin kay Ballerine na buhat ko.
"Ihahatid ko na siya sa bahay niyo," simpleng sagot ko.
"No, you can't take her home. Magagalit si mom kapag nakita niyang ganyan ang itsura ni Bal," sabi ni Brianna.
"I don't want to go home," pa-baby-talk namang sagot ng babaeng kandong ko.
"Anong gusto mong gawin ko?" I asked her older sister.
"I have an idea," sabi ni Brianna.
Ilang palapag pababa ng elevator ang inabot namin bago kami nakarating sa condo unit ni Koleen.
At dahil parehas pa rin ang keycode nito na 0117 na birthday ni Koleen, agad kaming nakapasok sa loob.
We were greeted by pitch black darkness when we walked in. Binuksan ni Brianna ang ilaw at binaba ko na rin si Ballerine.
"Why are we here?" umaalingawngaw na tanong ni Ballerine.
Agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang aking kamay. "Huwag kang maingay. Baka tulog na si K."
Ballerine chuckled. "Of course."
Sumenyas naman si Brianna mula sa kusina kaya sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa hallway.
"Dito nalang kayo sa sala," suggestion ko.
"What? No way," protesta ni Ballerine.
"Sinabing huwag kang maingay-"
"Ahhh! Jalen!"
Napatigil kami sa narinig naming boses mula sa isang kwarto.
"Mukhang nagpa-party pa naman sina K at Jale," Brianna teased, sabay katok sa pintuan ng kwarto ni Koleen.
Ilang minuto ang lumipas at lumabas na rin si Koleen mula sa kwarto na kasama si Jale na nakasuot lang ng boxers.
"Naistorbo ba namin ang session niyo?" panimula kong bati sa dalawa.
"Sira! May pinapaayos ako dito tapos nahulugan niya yung paa ko kaya napasigaw ako," depensa ni Koleen.
"Yeah, I was just-" sasagot sana si Jale nang suntukin ni Koleen ang braso nito.
"Ano? Ituloy mo," paghamon ni Koleen sa lalaki.
Napakamot nalang si Jale habang nakangisi. "I was going to say I was fixing your printer."
I chuckled. "Okay. Sabi niyo eh."
"What brings you all here, anyway? Hindi ba may party sa taas?" Jale asked.
Blurgh. Blurgh.
Napatingin ako agad sa katabi kong babae na sumusuka na sa carpeted floor.
"Oh my God! Bal, are you okay?" Lumapit si Brianna sa kanyang kapatid sabay haplos sa likod nito.
Nakaluhod na ngayon si Ballerine habang nakayuko kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
Gusto kong makita ang kanyang mukha. Gusto ko lang masigurado na okay siya bago ako umalis.
"Logan, catch!" Paglingon ko sa likod ay nakita ko ang puting tuwalyang papalapit sa aking direksiyon.
Saktong tumama ang tuwalya sa aking dibdib kaya inabot ko ito kay Brianna na siyang umaalalay kay Ballerine.
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ko sa babaeng nakaluhod pa rin sa sahig.
"Kaya ko!" pasigaw na sagot ni Ballerine habang pinipilit ang kanyang sariling tumayo.
I stood beside her, arms extended behind her, para kung sakaling matumba siya ay masalo ko siya agad.
And I was right. Hindi pa nga siya nakakatayo nang maayos ay napahiga na agad siya sa aking katawan.
"Bal, be careful," nag-aalalang sambit ni Brianna sa gilid ko.
Without any hesitation, binuhat ko na ulit si Ballerine bridal-style kahit na amoy suka siya.
"Logan, dalhin mo na siya sa kabilang kwarto," utos ni Koleen sa akin.
Tumango naman ako at nagtungo sa kwartong itinuro ni Koleen. Binaba ko si Ballerine sa kama saka inunat ang aking leeg.
"Umikot ka," biglang sabi ni Ballerine habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"Ano?" litong tanong ko.
"Pervert," pag-akusa pa niya sa akin sabay bato ng isang unan sa aking mukha. "I said turn around!"
Ngumuso ako sa sinabi niya. "Thank you ah. Aalis na 'ko, kamahalan." Aalis na apat ako nang bigla siyang nagsalita ulit.
"Wait!"
Kumunot ang noo ko. "Ano na naman?"
"Come here," she ordered me.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit?"
"Just..." Tinaas niya ang kanyang mga kamay sa ere. "I want to hug you."
Ilang segundong bumara ang lalamunan ko dahil hindi ako nakaimik at sinunod ang sinabi ng babae sa akin.
Unti-unti akong yumuko habang nakatitig sa maamo niyang mukha.
Her eyes were already swollen, but I couldn't look away.
Damn her olive green eyes... Kakulay nito ang mga dahon sa gubat na pilit akong nilalamon nang buhay.
They were deadly, shooting me straight to the heart.
Nang maramdaman ko na ang kanyang yakap, binaon ko ang aking mukha sa kanyang buhok na amoy peony.
I knew the smell of peony like the back of my hand dahil ito ang paboritong bulaklak ni...
"Thank you, my love," Ballerine whispered in my ear.
And in that split second, I suddenly forgot her name.
A/N: Hello and welcome sa POV ni Logan! Hope you liked it 🤭
Vote and comment please 🥹
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro