Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Liar

I woke up with a smile on my face the next day. Excited akong pumunta sa kitchen dahil for the first time, magpapaturo ako kung paano magluto ng isang disenteng pagkain.

Matapos kong gawin ang aking usual morning yoga and meditation, bumaba na ako at nagtungo sa kusina.

I made sure na mauna akong gumising kaysa kay mommy. It was only four in the morning. Usually, five am siya nagigising.

"Good morning, ya," bati ko kay Yaya Nelly na naghahanda na sa kusina.

"Good morning. Handa ka na bang magluto?" tanong ni yaya sa akin sabay abot ng isang apron na katulad ng suot niya.

Tumango ako sa kanya habang inaayos ang apron sa aking beywang.

"Ano ba ang nakain mo at naisipan mong magluto ngayon?" usisa ni yaya sa akin.

"May pagbibigyan lang po ako," I answered with a smile.

Ngumiti naman si yaya sa akin. "Oh siya, kung sino man 'yang pagbibigyan mo, aba'y maswerte siya at siya ang unang makakatikim ng lulutuin mo."

Napatawa ako habang iniisip na si Logan ang unang pagbibigyan ko nito. "Maswerte talaga siya, ya."

Sinimulan na namin ang paghahanda ng ingredients para sa creamy garlic shrimp dahil mukhang ito ang favorite ni Logan kahit na hindi ko pa naman talaga siya tinatanong tungkol dito.

"Una, kailangan lang nating lagyan ng asin at paminta itong mga hipon saka natin iprito ng ilang minuto," panimulang sabi ni yaya habang sinusunod ko ang mga sinasabi niya.

"Aahh," napatalon ako sa sakit nang tumalsik ang mantika sa mukha ko habang nilalagay ko ang mga hipon sa frying pan.

"Okay ka lang, anak?" tanong ni yaya sa akin at tumango naman ako.

Talsik lang ito ng mantika. You can handle this, Ballerine.

"Ayan pagkatapos nating iprito ang mga hipon. Sisimulan na natin ang cream sauce. Lagyan mo lang ng butter yang fry pan tapos gisahin mo yang bawang ng ilang segundo."

Sinunod ko ulit ang instructions ni yaya. Pinagpapawisan na ako kahit na malamig naman dito sa kusina.

"Pwede mo nang lagyan ng puting suka," dagdag pa ni yaya habang inaabot sa akin ang bote ng suka.

"Ilagay mo na rin yang all-purpose cream tapos hintayin nalang nating kumulo."

Tumango lang ulit ako kay yaya habang pinapanood na kumulo ang cream sa frying pan.

Matapos ang ilang minuto, naaamoy ko na ang aroma ng cream sauce. Sana lang ay magustuhan ito ni Logan.

"Ya, pwede ba nating lagyan ng cheese? Nakita ko kasi sa internet pwedeng lagyan ng cheese," I suggested.

Tinikman ni Yaya Nelly ang cream bago siya sumagot sa akin. "Pwede naman. Parang kulang kasi ang lasa niya."

Agad kong kinuha ang parmesan cheese mula sa refrigerator at naglagay ako ng kaunti sa frying pan.

"What is happening here?"

I froze at the recognition of mom's voice. Hindi ko pa naibabalik ang cheese na hawak ko nang marinig ko si yaya na magsalita.

"Ah, ma'am... nagluluto lang po ako ng hapunan natin at gusto lang makita ni Bal kung paano ito lutuin," saad ni Yaya Nelly.

Lumapit si mommy sa amin habang nakatingin sa pan. "Since when did I ever ask for shrimp?"

"Mom, gusto ko lang i-try-"

"Ito ba ang pinakain nila sa'yo sa bahay ng mga Maxwell?" Mom asked as if that was a bad thing.

Hindi ako nakasagot. I wanted to defend myself, but I couldn't. Why do I even have to explain myself for learning how to cook a dish?

"Nelly, I don't want that for dinner. Throw that away," utos ni mommy bago siya umalis at umakyat pabalik sa kanyang kwarto.

"Bal, okay ka lang, anak?" Mahinang tanong ni yaya sa akin.

I nodded, swallowing an invisible pill stuck on my throat. I should be used to this by now.

But, no. Sa tuwing papagalitan ako ni mommy, I couldn't help but think that maybe I'm really not her real daughter.

Ever since, alam ko namang hindi ako ang favorite ni mommy.

Kahit na ano'ng gawin ko, hindi niya ako mamahalin na katulad kay Ate Brianna.

I plastered a fake smile on my face, turning to Yaya Nelly. "Okay lang ako, ya."

Tinapik ni yaya ang aking likuran at mas lalo ko pang naramdaman ang mainit na luha na gustong makawala sa aking mga mata.

"Hayaan mo, sigurado akong matutuwa naman ang pagbibigyan mo ng hipon na ito," sabi pa ni yaya.

Nginitian ko lang siya at tinapos ko rin ang pagluluto.

After composing myself under the cold shower, I fixed my face in front of the mirror. Khaki coat over a black cami top at same khaki-colored pants ang suot ko ngayon. I had to put on my favorite outfit today. Para kahit dito man lang ay sumaya ako.

Wala kaming first period ngayon kaya nagtungo ako sa Psych Center para hanapin si Logan.

It turned out na wala rin siya ngayon dito. May baseball practice pala siya dahil malapit na ang championship game.

"Ballerine?"

I turned to the owner of the voice. A woman wearing a white lab coat approached me with a smile on her face. It was none other than Logan's mom.

"Hello, Dr. Maxwell," bati ko sa kanya.

She smiled. "Hija, just call me tita. Anyway, nandito ka ba ngayon para mag-volunteer?"

"Uh, no po. May ibibigay lang sana akong lunch para kay Logan. Creamy garlic shrimp. I noticed po kasi last night na ito lang ang kinakain niya."

Napatawa naman siya. "Favorite nga ito ni Lorenzo. Pero may practice siya ngayon sa field."

I pouted. "That's what the receptionist told me nga po."

"Anyway, do you have few minutes to spare?"

I suddenly got anxious. "Bakit po?"

"I just want to get to know you better. You know, as a volunteer here and as a friend of my son."

"S-Sure po."

I rarely ever get tensed around someone. Kay mommy lang talaga ako sobrang nakakaramdam ng takot.

But, for some reason, sitting in front of Logan's mom right now in this tiny consultation room, I felt needles pricking my skin.

"Ballerine, I saw what happened last night with the way you handled food. You know, I hate diagnosing people especially kapag kakakilala ko palang. But, I couldn't help but notice few symptoms from you. Are you perhaps aware of these symptoms?"

Kumurap ang aking mga mata. I wanted to say something, but nothing came out of my mouth.

"I'm sorry. I know it's a bit of a sensitive topic. But, as a doctor, I wanted to make sure that you're safe and if you're not aware of the things happening with you, then it's my job to make you understand and help you."

Of course, I'd been feeling some weird things and I knew there was something wrong with me.

No one ever asked me about it. No one actually dared to care.

But, I wouldn't say them out loud. I wouldn't expose the demons haunting me. I couldn't.

I stretched my lips as wide as I could. "Thank you for the concern po. But, I'm okay. And if you're worried if I'm suicidal or having thoughts of it, I don't have any of that sort."

Dr. Maxwell nodded, looking at me with a straight face. "I'm glad to know that."

"I'll go ahead po." Tumayo ako sa kinauupuan ko bago pa ako tuluyang ma-trap sa kwartong ito.

"Okay. But, if you ever need someone to talk to, I'm here. Take care of yourself, hija."

Hindi na ako babalik sa Psych Center na ito.

#

Natapos ang huling klase ko sa araw na ito nang hindi ko pa naibibigay ang pagkain kay Logan.

To Maxwell:

Are you at the field pa rin ba?

Naglunch ka na?

I want to give you something

Wala pa rin siyang reply sa messages ko simula kanina. May rehearsals pa ulit kami para sa play. Baka napanis na itong niluto ko. Ilang oras na itong nasa bag ko at kanina pa nangangamoy.

Habang nasa break kami ng rehearsals, nagtungo ako sa field.

True enough, nakita ko ang ilang players sa field. Mukhang nasa break rin sila dahil hindi ko makita ang anino ni Logan.

"Miss, hinahanap mo ba si captain?"

Napatingin ako sa boses ng isang player na nagtanong sa akin. Nakaupo siya sa lupa habang naka-stretch ang mga paa nito.

"Yeah. Do you know where he is?"

"Nasa loob ng locker room."

"Okay, thanks."

After that, nagtungo ako sa locker room na malapit sa field. I suddenly remembered Logan telling me before na bawal ang girls dito.

Wala namang tao sa reception area nila kaya nagdiretso ako sa loob.

I passed by their gym and the shower room. Pinagtitinginan na rin ako ng ilang players sa loob pero hindi ko na sila pinansin.

Just then, I heard some voices inside a room. I was going to walk past, when suddenly, I heard my name.

"Ballerina?"

Umikot ako at nakita si Logan na nakasuot ng kanyang training jersey katulad ng binigay niya sa akin noon.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Mas lumapit pa siya sa akin sabay kuha ng aking kamay para hilain ako patungo sa sulok ng hallway.

"I'm here because you're not answering my messages and calls," sumbat ko.

"Busy ako," simpleng sagot ng lalaki.

I creased my brows at his answer. "That's it? Busy ka? So, what? Busy rin naman ako. Can't you at least reply back just once and tell me that? Kailangan ko pa talagang pumunta dito para hanapin ka?"

Napatigil si Logan habang nakatingin sa akin. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "Girlfriend ba kita kaya kailangan kong i-update ang bawat kilos ko sa'yo? Hindi naman, di ba?"

Blood suddenly rose from my system. Is he serious right now?

"Manhid ka ba? I'm trying my best here, tapos ikaw ano? Kailangan ko pa bang i-announce ang feelings ko sa'yo? Isn't it enough that I'm breaking rules for my mom para lang makita ka?"

Tahimik lang si Logan habang kumukulo na ang dugo sa loob ko. I can't believe I'm doing this right now.

"I'm willing to be Princess's mom, kahit na wala naman akong alam sa pagiging mommy. I'm learning how to cook for you. Nandito ako ngayon para kausapin ka kahit na may rehearsals pa ako," I blurted out, trying to control my emotions.

"Hindi ko hiniling na gawin mo ang mga yan," Logan muttered.

Umiling-iling ako habang nakatingin sa lupa. "You're such an asshole. Kaya pala wala kang girlfriend dahil lahat ng tao tinutulak mo palayo."

"Tapos ka na ba? May practice pa kami," he suddenly told me.

Inangat ko ang aking tingin para tignan siya. He was seriously going to leave me here, kahit na alam niyang nag-be-breakdown na ako.

"Fuck this. I can't believe I've fallen for someone like you. And for some reason, I thought you felt the same way too," I admitted, tears already running down my cheeks.

Logan kept a straight face, looking at me. "Nagpapanggap lang tayo, Ballerina. Huwag mong masyadong seryosohin."

"Fuck you, Maxwell," I shouted at his face, throwing the container I was holding, which was filled with creamy garlic shrimp that I cooked for the first time in my life.

I'm never going to cook again.

A/N: Bat naman ganyan Logan? 🤧😭🥺

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro