Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (2)

EPILOGUE (2)


LEAVERENCE



Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Bigla lamang ako naalimpungatan nang malanghap ko ang amoy ng kandila.

"Gising na, Mahal."

Mabilis na inimulat ko ang aking mga mata nang marinig ang boses na iyon. Do'n ko lang napagtanto kung bakit nasa ganito akong sitwasyon at kanina lamang ay nawalan ako ng malay.

Nahugot ko ang aking hininga nang makita ang kakaibang ngisi sa labi ni Kristine. Para 'bang desidido na s'yang bawiin ang buhay ko.

Akmang aalis ako sa aking kinahihigaan, ngunit gano'n na lang ang aking pagkataranta nang maramdaman ang hapdi na nagmumula sa aking binti at kamay.

Napadako ang tingin ko sa namumula kong kamay sa magkabilang gilid ko. Kahit anong gawin kong paghugot ng kamay ko ay hindi ko kaya. Makapal na bakal ang nagsisilbing tali sa aking bawat kamay at binti.

"Aalis ka? 'Di ba nangako ka na dito ka lang sa aking tabi?" Hindi nawala sa kan'yang labi ang ngiti. "Sayang naman kung aalis ka, Rence. Sayang 'yong pagod ko kaya makisama ka naman."

Wala na 'yong mapagmahal n'yang mga mata na palagi kong nakikita sa tuwing bago kami matulog. Ang bilis naman n'yang makalimot na asawa n'ya ako dahil sa mahal n'ya ako.


Hindi ako iyaking tao pero dahil kay Kristine, natuto akong umiyak. Pinaramdam n'ya sa akin kung paano madurog at hayaang humapdi ang dibdib ko.

Ganito pala ang nagagawa ng pagmamahal. Kahit may mali na s'ya, kahit ikasisira mo pa ay kaya mong tanggapin kahit nagiging tanga ka na sa paningin nila.

Hindi na ako nanlaban pa at maluha-luhang tinignan lamang ang kan'yang maamong mukha na 'di ko akalain na magagawa n'ya ito sa akin.

"T-Totoo 'bang minahal mo ako, Kristine?" nabasag ang boses ko nang tanungin ko iyon sa kan'ya.

Nakatitig lamang s'ya sa akin, tila hinihintay kung ano pa ang sasabihin ko.

"D-Dahil kung tatanungin mo ako, hindi kailanman naging p-peke ang ipinakita ko sa 'yong intensiyon."

"Pareho-pareho lang kayo,"sabat n'ya na mas lalong ikinaluha ko. "Hindi n'yo kayang mahalin ang isang katulad ko, Rence. Bukod kay Reziel, kaya mo rin bang mahalin ang isang kagaya ko habang buhay? Hindi."

Umiling ako ng ilang ulit. "Wala akong pakialam kung may mali sa 'yo, Kristine! 'D-Di ba sinabi kong tatanggapin kita kahit ano ka pa man? Pleas—"

Hindi ko na nagawang makapagsalita pa dahil kaagad n'yang nilagyan ng tela ang aking bibig na ikinabalikwas ko. Marami akong gustong itanong at sabihin sa kan'ya na maaaring makapagbabago ng kan'yang gagawin sa akin— sa amin.

"Si Reziel lang ang lalaking tumanggap sa akin, wala nang iba pa,"mala-yelong giit n'ya na ikinareklamo ko lamang sa isipan ko.

Gusto kong isigaw ang hinanaing ko ngunit paano ko magagawa iyon kung hindi n'ya ako hinayaan na makapagsalita? Sarado ang kan'yang isipan.

Tinaas n'ya ang isang baso na sa tingin ko'y naglalaman ng dugo. Naging mapait ang panglasa ko habang nakatingin sa hawak n'ya.

Nilagay n'ya iyon sa aking uluhan. Bigla akong nataranta nang bigla n'yang binuklat ang aking palad na pilit kong pinapasara.

Napahiyaw ako sa sakit nang hampasin n'ya iyon ng kutsilyo banda sa hawakan. Unti-unting binuklat ko na lamang ang aking kamao at hinayaan s'ya.

"Caerulei caeli ad nigrum, unum tempus.
Exsurgat corpus viri ut evigilet. Luctum, i, face, from day in day. Solet hic vigilare, donec 10. viri perfecti fuerint.
Rituale hoc fiat felix. Offero tibi animam meam et corpus viri mei noni."

(

The blue skies turn to black, one more time.
Let my husband's body to awake. The struggle i face, from day to day. This wont fade awake until the 10th husbands has been complete.
Let this ritual to be successful.
I offer to you my 9th husband's soul and body.)

Hindi ko maintindihan ang kan'yang sinasabi ngunit batid kong parte ito sa kan'yang pag-alay ng katawan ko sa sinasabi n'yang kadiliman.

Medyo guminhawa ang pakiramdam ko dahil hindi naman totoo ang kan'yang ginagawa at tanging parte lang ito sa kabaliwan n'ya. Naaawa na ako sa kalagayan n'ya. Nilalamon s'ya ng kasamaan at nagiging malala na rin ang kalagayan n'ya.

Ilang minuto ang ginugol n'ya sa pagpaligo ng tubig sa akin. Hindi ko magawang tumawa dahil buhay ang nakasalalay sa akin. Hindi nga totoo ang kan'yang ritual pero papatayin naman n'ya ako kapag hindi ko s'ya napigilan.

Inalis n'ya ang telang nakabusal sa aking bibig, napaubo ako. "K-Kristine..."Namumungay ang mga mata kong pinagmamasdan ang kan'yang galaw.

"Any last words?" tanong n'ya sa akin, hindi ko man lang mabakas sa kan'yang boses ang pagsisi o sadyang wala lang talaga si Kristine na nakilala ko sa kan'yang katawan.


Nanigas ang ngipin ko at kinagat ang labi pagkatapos. "I-Ikakasaya mo ba kapag namatay ako?" tanong ko na ikinatingin n'ya sa akin.

"Oo," agad n'yang sagot na ikinahikbi ko. "Ano pa gusto mong tanungin?"

Napasinghap ako. "P-P'wede mo bang sabihin sa akin na mahal mo ako?" pakiusap ko sa kan'ya.

Sandali pa s'yang natigilan ngunit kaagad ding sinunod ako. "I love you."

Napangiti ako kahit nasa alanganin akong sitwasyon. Iyon lang naman ang gusto kong marinig bago n'ya ako kunin. Pero gano'n lamang ang ikinaguho ng mundo ko nang dinagdagan pa n'ya ang kan'yang kataga.

"I love you, that's why I want to kill you already. I'm sorry," sabi n'ya, ngumiti pa ito. "Alam mo ba kung bakit ikaw ang pang-siyam kong asawa? Dahil nagsisimula sa letrang 'L' ang iyong pangalan."

Sa una hindi ko pa maintindihan kung ano ang pinupunto n'ya, ngunit sumagi paisa-isa sa akin ang mga naging asawa n'ya.

Reziel, Ennalion, Zack, Ian, Eltor, Larck, Tristan, Ybarro at pang huli ako, Leaverence.

Initial lahat ng mga pangalan namin. Binase n'ya sa pangalan ng kan'yang unang asawa. Reziel Tylo ang totoong pangalan ng kan'yang asawa. Sino ang pang sampo? Sino ang lalaking nagsisimula sa letrang 'O' ang pangalan?

Binibigyan akong kalituhan ni Kristine. Imbes na makapag-isip kung paano ako makaalis sa pagkakadena, iniisip ko pa kung sino ang huling bibiktimahin ni Kristine.

"Sino ang pang-sampo?" Mukhang nabasa n'ya ang iniisip ko. "Ollon ang kan'yang pangalan. Kilala mo s'ya kaya sigurado akong magkakasundo kayo."

Nahugot ko ang aking hininga at napasinghap din kalaunan. Hindi... Sana hindi ang kaibigan na nasa isip ko ngayon.

Tumawa s'ya na mas lalong nagbigay kilabot sa buong silid namin. "Si Ollon Paulino," aniya.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinihingal na nakahiga sa kabaong kinalalagyan ko. Bukod sa nawawalan ako ng hininga dahil sa hinarang n'yang salamin sa aking harapan, kinuha n'ya ng walang kahirap-hirap ang hininga ko dahil s'ya ang naging buhay ko.

Ngayon na nalinawan na ako, hindi ko na s'ya tatanungin pa. Nand'yan lang sa tabi si Render kaya alam kong hindi n'ya hahayaan na may mangyari kay Paulino. H'wag naman ang kaibigan ko.

Kahit naman magmakaawa ako, hindi n'ya pa rin ako pakikinggan kaya mas mabuting tumahimik na lang ako lalo pa't hinahabol ko ang aking hininga.

Pumupungay na ang mga mata ko at unti-unting nawawalan ng hininga. Subalit biglang nagkaroon ako ng hininga nang biglang may kumuha ng salamin na nakaharang sa akin.

"Please, ingatan n'yo na h'wag saktan si Kristine," malakas na pakiusap ni Render habang tinutulungan ako makaalis mula sa pagkakatali.

Hindi pa ako tuluyang nakaalis dahil sa pinoproseso ko ang sunod-sunod na nangyayari. Napabalikwas lamang ako sa aking kinahihigaan nang marinig ang sigaw ni Kristine.


"Bitawan n'yo ako! Ano ba!" Marahas s'yang pumipiglas sa pagkakahawak ng tatlong lalaki na sa tingin ko'y nurse ng mental hospital basi sa damit nila.

"Ayos ka lang? Buti nakaabot ako. Nagpatawag pa ako ng nurse para sunduin dito si Kristine," ani Render matapos n'yang akong alalayan.

Tulalang nakatingin ako sa papalayong bulto ni Kristine. Bigla s'yang napatingin sa akin at sa sandaling iyon, s'ya na si Kristine na minahal ko.

"R-Rence? Anong ibig sabihin nito?" Nagpupumiglas s'ya, tila gusto n'yang lumapit sa akin ngunit hindi n'ya magawa. "H-H'wag mo namang gawin sa akin 'to, Rence!"

"Mahal kita, Kristine, " tanging sambit ko sa kan'ya at hinayaan na sumigaw-sigaw hanggang sa makalayo s'ya sa silid.

Gustuhin ko man na makasama si Kristine at kalimutan ang lahat, alam kong kinakailangan n'yang pagalingin ang kan'yang sarili. Hindi magiging maganda ang buhay naming dalawa kapag lumala pa ang kalagayan n'ya.

"Magiging maayos ang lahat." Tinapik-tapik ako ni Render sa balikat. "Salamat at tinulungan ako ng mga kaibigan mo. Nasa labas sila."

Napatingin ako bigla sa kan'ya matapos kong kumawala sa malalim na pag-iisip. Hinila n'ya ako papaalis sa kwartong kinalalagyan namin.

May ilang pulisya ang pumasok sa bahay. Hindi na ako magtataka dahil alam kong liligpitin nila ang gusot na ginawa ni Kristine. At saka magiging malaya ma rin ang mga naging asawa n'ya.

"Akala ko hindi ka na namin maaabutan, buti na lang mabilis kaming nakarating dito," alalang sambit ni Nerio nang salubungin nila ako sa sala ng bahay.

Bago sa akin ang lahat. Maingay ang paligid dahil sa sunod-sunod na imbestigador at police ang pumasok sa bahay.

"Sinabi ko na sa 'yong kakaiba ang asawa mo, eh." Nangilabot si Paulino nang sabihin iyon.

Hinampas s'ya ni Nerio. "H'wag mo namang ganyanin si Rence. Nasasaktan 'yong tao, pre, ah!" saway pa nito.

Kinamusta rin ako ni Nanay at Tatay nang makarating sa bahay namin ni Kristine. Hindi ko man lang narinig mula sa kanila na nagsisi sila na pinangasawa ko si Kristine dahil katulad ko, naiintindihan nila ang kalagayan n'ya.

Hindi madaling matulog sa gabj gayong nasa mental hospital ngayon natutulog si Kristine. Ang hirap matulog na hindi ko s'ya yakap, wala nang susuklay sa aking buhok habang kakantahan ako.

Mahirap din na magising sa umaga. Wala s'ya sa tabi ko, walang asawa na ipagluluto ako ng pagkain. Hindi ko na maririnig ang pagbati n'ya sa tuwing gigising ako ng umaga.

Kailangan kong masanay dahil hindi sa lahat ng pagkakataon makasasama mo ang taong mahal mo. Kailangan din minsan na may pagitan at pahingahin ang damdamin para kung sakali na maging ginhawa ang lahat, kaya mo nang harapin ang lahat.

Naibalik at nailibing na ang mga naging asawa ni Kristine. Magaan sa pakiramdam pero kahit gano'n kulang pa rin ang araw ko na wala s'ya sa aking tabi.

Mas gumuho pa ang mundo ko nang pagkalipas ng isang buwan, pinatay mismo ni Kristine ang kan'yang sarili. Galit ako. Bakit n'ya pinutol ang buhay gayong may natitira pa s'yang asawa na naghihintay sa kan'ya sa bahay?

Nakakabakla man tignan, ilang araw na akong di makatulog at tanging iyak lamang ang umaalingawngaw sa bahay na tinitirhan namin. Mas lalo lamang nawalan ng buhay ang bahay at gano'n din ang damdamin ko.

Pakiramdam ko ako lamang ang mag-isa. Pero hindi ko dapat nilulunod ang aking sarili sa pagdadalamhati. May mga taong nag-alala sa akin at alam kong gano'n din si Kristine kung nabubuhay lang s'ya ngayon.

Kahit hindi maganda sa pang-amoy ang katawan ni Kristine, tinanggal ko ang salamin na humaharang sa kan'yang kinahihigaan na kabaong. Mabilis ko s'yang niyakap nang akmang hihilahin ako ni Render na nasa tabi ko.

"M-Mahal ko," garalgal kong tawag habang hinahaplos ang kan'yang buhok. "Miss na kita. Bakit kasi ngayon ka pa umiwi sa bahay natin? Hinintay kita, eh."

"Rence," alangang tawag sa akin ni Render, parang nabasag pa ang kan'yang boses pero hindi ko iyon pinansin.

Hinaplos-haplos ko ang mukha ni Kristine. Hindi pa rin kumukupas ang kan'yang kagandahan. Talaga namang kakaiba s'ya sa lahat.

"M-Matulog ka muna. Aayusin ko muna ang mga bisita."

Nilunok ko ang sariling laway ko nang bumara ito sa aking lalamunan, unti-unti kong sinara ang salamin na nagsisilbing harang sa pagitan naming dalawa.

Umatras ako ng dalawang hakbang at kaagad akong inalalayan ni Nerio nang makitang nanghihina ako. Hindi matunog ang aking hikbi subalit bakas sa sandamakmak kong luha kung gaano ako kasabik at nasaktan habang pinagmamasdan si Kristine.

Nasa tabi ko lang s'ya, nasa harapan pa nga pero bakit pakiramdam ko sobrang layo n'ya? Ayaw ko ang pakiramdam ng ganito.

Kahit anong gawin ko kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang ang buhay ni Kristine. Ma hanggang dito lang 'yong misyon n'ya sa mundo at ang araw na makasama ako.

Napangiti ako nang mapait. Kahit papaano naging masaya naman ako kasama s'ya. Kahit minsan pinaramdam n'ya na wala lang ako sa kan'ya, batid kong may puwang ako sa puso n'ya no'ng huling nagtagpo ang aming mga mata.

Hindi man ako ang una n'yang naging asawa, masaya ako na naging parte ako ng buhay n'ya at nakilala ang isang kagaya n'ya. Pang-siyam n'ya akong asawa at ako ang magiging huli n'yang kapiling sa sandaling ito.



END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro