Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29


KRISTINE


“Pakiusap, Kristine tama na ang kahibangan na 'to,” mariin ang bawat salita ni Render nang sabihin iyon sa akin, nagmamakaawa.

Umiling ako at saka s'ya ngitian. “Kulang pa 'to sa pinaggagawa sa akin ng nakaaraan kong karelasyon. Paulit-ulit ka, Render. Para naman ito sa kapatid mo.”

Napailing s'ya matapos marinig iyon sa akin. Nanliliksik ang kan'yang mga mata. Ginagawa n'ya ang lahat na makakaya na hindi ako sigawan sa lahat ng kasalanan kong ginawa.

Anong magagawa ko? Tutunganga lang ba ako habang buhay? Kahit naman maghanap ako ng lalaking makakapagbago sa aking pananaw, nauuwi lang akong kawawa. Halos silang lahat niloloko na ako.

“Paulit-ulit ka rin, Kristine! ” malakas n'yang anas. “Pagsisihan mo ito kapag pinagpatuloy mo pa ito. Nasa tamang pag-iisip ka naman ngayon kaya bakit hindi mo labanan? Sarili mo ang kalaban mo, Kristine.”

“Kakampi ko s'ya,” pagtanggol ko pa, mahigpit kong niyakap ang aking katawan. “Dahil sa kan'ya nabuhayan ang loob kong maibalik pa ang kapatid mo. Dapat nga magpasalamat ka.”

Naalala ko na naman ang asawa ko. Wala s'yang kalaban-laban. Kasalanan ko ang lahat na ito. Kung sana nakinig ako sa kan'ya.

Marahas na ginulo n'ya ang kan'yang buhok at napasandig sa sandalan ng sofa na kinauupuan n'ya. Binitawan din kaagad ang buhok na hawak n'ya.

“Hindi na maibabalik pa ang asawa mo, Kristine.” Pilit n'yang pinapahinahon ang boses. “Patay na s'ya. Wala na s'ya at hindi na s'ya mabubuhay pa.”

Nagngitngit ang ngipin ko dahil sa kan'yang sinabi. Wala s'yang pakialam sa kan'yang kapatid tapos nagkaganito s'ya? Dapat nga magpasalamat s'ya sa akin dahil gumagawa ako ng paraan para maayos ang lahat.

Umalis kaagad s'ya matapos n'ya akong pangaralan. Sa tuwing mag-isa ako sa bahay na 'to, bigla s'yang sumusulpot. Alam n'ya ang lahat ng pinaggagawa ko. Wala akong takas sa investigator na kagaya n'ya.

Hindi n'ya magawang ipahuli ako dahil nangako nga raw s'ya sa kan'yang kapatid na aalagaan ako kahit papaano. Kahit nabubuhay pa ang kan'yang kapatid, nagawa nakiusap pa rin s'ya kay Render na sulyapan ako.

Abala ako sa pagpalit ng panibagong square glass. Medyo malaki ang space ng room dahil bukod sa marami ang gamit ko rito, malapad ang kabaong at square glass dito.

Ennalion was my second husband. Kasunod n'ya si Zack, Ian at sa 'pang limang asawa, si Eltor.

Nanginginig ang kamay ko. Hindi ko na rin makontrol ang aking sarili. Determinado talaga na gusto kong matapos na ito at sa gano'n, makasama ko na ang asawa ko.

Lima ulit na lalaki na paiibigin ko. Limang lalaki ulit ang papakasalan ko sa harapan ng kadiliman. Konting tiis na lang at makakaharap ko na si Larck.

Matapos kong asikasuhin ang lahat ng mga marriage contracts mula sa nakaraan kong asawa, niligpit ko rin ang lahat ng gusot bago sumabak sa panibagong misyon.

Nakaabang na kaagad ako sa labas ng eskwelahan ni Larck. Tinignan ko ang orasan sa aking cellphone at nakitang oras na ng uwian nila.

Larck, Larck, Larck. Ilang taon lang naman ang tanda ko sa kan'ya kaya ayos lang naman. He's 21 years old kaya hindi ako child abuse kung titignan ng tao sa katayuan ko ngayon.

S'ya 'yong nakatadhana na maging asawa ko ulit. Iyon ang sinabi nila sa akin. Binigyan pa ako ng larawan at impormasyon para handa ako sa dapat kong gagawin.

Architecture ang kinuhang kurso ni Larck. First year college na s'ya ngayon, hindi pa lagpas limang buwan bago s'ya tumuntong ng college.

Hindi s'ya madaling kausap. Palaging malayo ang loob sa mga tao pero mabait naman s'ya kapag nilapitan mo. Masyado lang sigurong natakot na baka kutyain lang ng ilang lalaki dahil sa naging issue ng kan'yang magulang.

Wala akong pakialam kong tinititignan na ako ng mga estudyante dahil sa suot ko. Naka tidy dress na kulay itim ako dahil kagagaling ko lang sa meeting. Naging agaw pansin tuloy ako, dagdag pa ang banquet of flowers na hawak ko.

Napatayo ako ng matuwid at mahigpit na hinawakan ang bulaklak na hawak ko. Kita kong lumabas ng gate si Larck, mag-isa lang s'ya.

May dala-dala s'yang libro sa kamay. Wala s'yang pakialam sa paligid at diretso lamang ang lakad papunta sa parking lot kong nasa'n ako ngayon. Abala s'ya sa pagbabasa sa libro kaya hindi n'ya ako napansin.

Nagsimula na ring magbulungan ang tao nang sinalubong ko si Larck. Muntik pa kaming mabunggo dahil hindi s'ya nakatingin sa daanan.

Kumurap s'ya ng isang beses at yumuko sa aking harapan bilang galang. “Pasensya na po.” Nilampasan n'ya ako.

Mabilis akong pumihit at nakitang papalayo s'ya sa aking gawi. Hindi pa n'ya masyado nakita ang mukha ko, I swear kaya siguro hindi s'ya tumagal sa katitig sa akin.

Hinabol ko s'ya hanggang sa naabutan ko ito. Humarang ako sa kan'yang dinadaanan kaya sa pangalawang pagkakataon napahinto s'ya.

Do'n na s'ya natigilan nang makita nang malapitan ang aking mukha. Umatras ako ng isang hakbang para lumayo ng kunti sa kan'ya. Medyo awkward iyon.

Gusto n'yang magsalita ngunit hindi n'ya magawa dahil titig na titig pa rin s'ya sa akin. Napatawa ako nang mahina.

Binasa ko ang ibabang labi ko bago nilahad sa kan'ya ang bulaklak. “Flowers for the most handsome man I ever seen.”

Napakurap s'ya ng ilang beses, hindi makapaniwala. “A-Ako?” Turo n'ya ang kan'yang sarili, muntik pang mahulog ang librong hawak.

Kagat-labing tumango ako. “Yes, wala ng iba pa. Take my flowers, darling.”

Wala sa sariling sinunod n'ya ang utos ko. Tila ba'y nasa ilalim s'ya ng mahika ko ngayon. Parang ako na ang pinakamagandang babaeng nakita n'ya kung tignan n'ya ako.

“D-Do I know you? Have we meet before?” tanong n'ya sa akin.

Saglit akong napatingin sa mga estudyante na napapatingin sa amin. Batid kong narinig din nila ang usapan namin kaya naman binalalaan ko sila sa pamamagitan ng matalim kong titig. Agad silang umiwas dahil do'n.

“Miss?”

Napatingin ako sa kan'ya. “Hindi mo ako kilala pero kilala kita.”

“Paano?” Bakas ang pagtataka sa kan'yang mukha.

“I like you, Larck,” nagawa kong sambitin ang kan'yang pangalan na ikinatigil n'ya. “Matagal na. Nagbabaka sakali lang ako na baka hayaan mo akong makilala ng lubusan.”

Mukhang hindi pa s'ya makapaniwala sa akin. Para na kasing nanliligaw na ako sa kan'ya.


“A-Are you going to court me?” utal n'yang tanong, hiya na napatingin s'ya sa paligid, wala na rin ang mga estudyante.

“Kung p'wede sana.” Malawak ang ngiti ang ipinakita ko sa kan'ya.

Napasinghap s'ya. “T-The heck, Miss. Hindi mo dapat ginagawa 'yan, the guy should be the one to court you,” taga n'ya, mukhang hindi n'ya gusto ang gusto kong mangyari.

Lumapit ako sa kan'ya na ikinatigil n'ya sa kan'yang kinatatayuan. Naamoy ko ang pinaghalong pawis at perfume n'ya na hindi naman naging masama sa aking ilong.

“Edi ikaw ang manligaw sa akin. Sabi mo hindi dapat ako 'di ba? Eh, ikaw lang naman ang gusto ko.”

Napangisi ako sa mabagal n'yang paglunok. Makinis at maputi ang kan'yang mukha, hindi halatang stress s'ya sa kan'yang school works. Sa una hindi ko nahalata na pagod s'ya pero kung titignan, may mga pawis at malalim na rin ang kan'yang mga mata.

Hindi naging madali ang pakikipagsama ko sa kan'ya. Madalas s'yang tahimik at ako lamang ang gumagawa ng paraan para magkausap kami. Nakakairita man minsan pero kailangan kong tiisin dahil s'ya 'yong pinili na maging ika-anim na lalaki.

Halos ginugugol n'ya ang oras sa pag-aaral. Minsan nga naiisip ko na kung p'wede 'bang mag-back out. Ayaw kong sirain ang kan'yang pangarap.

Madali lamang s'ya nahulog sa aking bitag, bagay na hindi ko inaasahan. Akala ko matatagalan pa ako. S'ya mismo ang nagsabing kami na.

“Pakasalan mo ako, Larck,” ani ko na ikinatigil n'ya.

Tinanong n'ya ako kung binibiro ko lang ba s'ya. Nang makitang seryoso ako ay bigla s'yang naging balisa.

“It was just a plain marriage, Larck. Wala namang mawawala sa 'yo. Ayaw mo no'n? Mapapasayo ako,”mapaglaro kong anas.

Pumayag s'ya sa aking alok. Hindi n'ya alam na totoong kasal ang nangyari sa amin. Wala akong planong sabihin dahil panigurado, maghihisterikal s'ya.

Nanaig ang demonyong nasa loob ko. Sinubukan kong pigilan na saktan si Larck ngunit mas malakas s'ya sa akin.

“K-Kristine, h'wag n-naman ganito, oh,” nagmamakaawang sambit ni Larck.

Nanginginig ang kan'yang katawan habang nakaupo sa sahig. Ilang atras ang ginawa n'ya nang lapitan ko s'ya.

Hindi mawala ang ngisi ko sa labi. Ramdam ko ang malagkit at mala-bakal na lasa na laway sa aking bibig. Nanginginig ang kamay ko na may hawak na kutsilyo habang patuloy na nilalapitan s'ya.

“Mahal mo naman ako 'di ba?” mabagal kong sambit, na para bang hinihili ko s'ya.

Mabilis s'yang tumango na tila nagmamadali. “M-Mahal kita, Kristine. M-Maniwala k—”

Hindi ko kaagad s'ya pinatapos. Hinagis ko ang hawak kong kutsilyo at tumagos sa kan'yang tiyan nito. Napasinghap s'ya at pagkatapos no'n ay ang pagragasa ng dugo sa kan'yang bibig at pagbulwak sa kan'yang tiyan.

Hindi n'ya inalis ang mga mata n'ya sa akin hanggang sa tumigil s'ya sa kan'yang pwesto. Napagtanto ko na tumigil na ang kan'yang puso.

Hindi ko magawang kontrolin ang aking sarili. Gusto kong umiyak pero nanaig ang kasabikan sa aking katawan. Hindi pa ako nakuntento, binutas ko ang kan'yang tiyan hanggang sa nakuntento ako.

Hindi pa umabot ng dalawang linggo ang pakikisama namin ni Larck ngunit ganito na ang inabot n'ya. Tulad ng kagawian, nilunod ko ang sarili sa paghagulgol.

Hanggang sa dumating ang araw na kumakati na ang kamay ko. Na para bang gusto kong may limasin sa marahas na paraan. Nananabik na tumutulo ang laway ko habang pinupukpok ang aso na walang laban na paulit-ulit kong pinapatay.


“Doggie, Doggie. Paliguan na kita, ah? Ang dumi mo na,” mahinahon kong sambit sa aso na hindi na humihinga.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro