Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

(*Flashback)

KRISTINE

“Kristine, gusto kita.” Iyon kaagad ang bungad sa akin ni Ian nang nakapasok sa flower shop ng kaibigan n'ya, dito kasi namin naisipan na mag-meet.

Hindi ko naiwasang matigilan sa kan'yang inamin. Inaasahan ko na ito pero bakit nabigla pa rin ako?

“So?”Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin, maraming may nakatingin sa amin kaya nahihiya rin ako.

Nabigla ako sa sunod n'yang ginawa. Lumuhod s'ya mismo sa aking harapan, napasinghap ang lahat ng taong nasa palagid namin.

Nilabas n'ya ang singsing na nakatago sa maliit na box. Napabuka ang bibig ko sa hindi inaasahang gagawin n'ya ito.

“T-Tumayo ka nga, Ian,” saway ko sa kan'ya, pilit kong pinapatayo s'ya dahil naaagaw na kami ng pansin ng mga tao.

Umiling s'ya at malapad na ngumiti sa akin. “Malalim pa sa gusto ang nararamdaman ko, Kristine. Hindi ko akalain na sa tatlong pagsasama natin, natuluyan na ako. Hindi ko napigilan ang sarili na magkagusto sa 'yo. Ang hirap umiwas lalo pa't matagal na kitang hinahangaan.”

Hindi ako makapagsalita at hinintay ang susunod n'yang sasabihin. Nakatingala s'ya sa akin ngayon at nakakasilaw na ngiti ang binigay n'ya sa akin. Malapad ito ngunit dama naman ang takot na nararamdaman n'ya.

Kinuha n'ya ang singsing sa loob ng box at tinapat sa aking harapan. “Tapos na ang tatlong araw, kaya tinatanggap ko ang alok mo na pakasalan ka kapag nahulog na ako sa 'yo,” madamdaming saad n'ya. “Kaya mo 'bang pakasalan ako kahit walang kasiguraduhan kung magugustuhan mo ako?”

Sandali pa akong nag-isip. Gaya sa plano ko no'ng una, umakto ako na ginusto ko itong nangyayari. Nagdiwang ang loob-loob ko sa matagumpay na namang plano.

“Papakasalan kita, Ian.”

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga taong nasa paligid nang narinig ang aking sagot. Mabilis na tumayo si Ian, hindi s'ya makapaniwala sa nakatingin sa akin.

Sinapo n'ya ang pisngi ko at pinagdikit ang among noo. “W-Walang bawian, ah?” sinisigurado n'yang tanong, nahimigan sa kan'yang boses ang matinding galak sa nangyayari ngayon. “Nakaperma na ako at gano'n ka rin.”

Isa iyon sa naging masayang araw ko. Isinantabi ko muna ang aking binabalak at hinayaan ang sarili na malunod sa kasiyahan. Isang linggo na kaming kasal pero tila kahapon lang nangyari sa sobrang maalaga n'ya.

Naalala ko tuloy sa kan'ya si Ennalion. Napailing lamang ako nang sumagi sa isip ko ang nangyari noong nakaraang gabi matapos binawian ng buhay si Ennalion.


(Flashback)

Nakahiga ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Ennalion. Hindi tumigil ang mga nagbabadyang luha ko habang hawak-hawak ang kan'yang kamay.

Dinala ko ito sa aking labi at masuyong dinampian ng halik. “S-Sorry kung hindi kita hinayaan na magpaliwanag,”garalgal kong ani. “N-Ngayon ko lang nalaman na... Kapatid mo pala si Rose.”

Walang sawa akong umiiyak sa kan'yang harapan. Hindi na maibabalik pa ang kasalanang ginawa ko. Kahit ibalik ko pa ang araw na itama ang lahat, mamamatay pa rin si Ennalion.

Mahal ko s'ya pero kailangan ko s'yang patayin.

•••

“Balik ako sa shop, Kristine.”

Napatingin ako kay Ian. Inayos n'ya ang kan'yang puting polo bago ako tinignan.

“Sige,” tanging naitugon ko lamang.

Naghintay ako sa mahigpit n'yang yakap na palagi n'yang ginagawa sa tuwing aalis s'ya. Ngunit tulad no'ng nakaraang araw, tinalikuran lamang n'ya ako bago iniwang mag-isa rito sa kwarto namin.

Humigpit ang pagkuyom ko sa bedsheet na kinauupuan ko ngayon. Kagabi lang nagsalo kami rito sa kama. Akala ko babalik s'ya sa pagiging maalaga kapag hinayaan kong may mangyari sa amin, pero gano'n pa rin malamig n'yang pakikitungo sa akin.

Napansin ko ang madalas n'yang pag-alis at pag-over time sa bagong business namin. Gusto ko sanang tumulong sa pinaghirapan naming negosyo pero hindi n'ya ako hinayaan.

Sinubukan ko no'ng nakaraang araw na silipin s'ya sa loob ng office n'ya. Akala ko may kinakasama na s'ya ro'n na iba, wala naman pala. Hindi naman siguro n'ya magagawang lokohin ako.

Pero nagkamali ako. Bigla na lamang ako tinawagan ng aking sekretarya na may kausap si Ian palagi sa cellphone at kadalasan pinapabayaan na ang negosyo namin.

“Alam mo ba kung saan s'ya ngayon nagpunta?” tanong ko. Iba ang kutob ko ngayon.

“Sa Fancy Restaurant po, Ma'am. Yo'n ang pagkakarinig ko sa katawagan n'ya. ”

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kaagad na umalis sa bahay at hinanap ang Fancy Restaurant. Maraming branch kasi ito, hindi namin alam ang exact location kaya kailangan ko 'pang suyudin ang buong lugar kung saan may Fancy Restaurant.

Pumarada ako sa harapan ng restaurant na hanggang tatlong talampakan ang taas. Sinalubong ako ng guard nang makalapit ako rito.

“Closed na po kami, Ma'am. ”

Nagdikit ang kilay ko. “Bakit bukas kayo kung closed na pala?” sarkastik kong tanong.

“Pina-reserve po kasi ni Sir Ian itong restaurant, ma'am. Kaya bawal po kayong pumasok,” sagot n'ya.

Nabingi yata ako sa aking narinig. Dahil do'n, walang paalam na pumasok ako sa loob. Tinawag at pinapatigil na ako ng Guard ngunit nagmatigas ako.

Sa huli, pinili na lang n'yang sumunod sa akin. Batid kong kinakabahan na s'ya dahil lagot s'ya kapag kinaladkad n'ya ako sa labas. Ayaw n'yang magkagulo kami kaya pinili n'yang hayaan akong nakapasok dito.

“Ituro mo kung nasa'n s'ya, ” seryoso kong tanong sa guard.

Walang nagawa ito kundi sundin ang inuutos ko. Ginaya n'ya ako sa pasikot-sikot na direksyon hanggang sa napatigil kami sa malaking pinto kung nasa'n nadatnan kong nagkakasiyahan sila Ian at kasa-kasama n'yang babae, dalawa lamang sila rito.

Sandali akong natigilan nang makita ang ngiti ni Ian na minsan rin ipinakita sa akin. Naiyakom ko ang aking kamao sa nadatnan.

Mabilis akong naglakad patungo sa kanila. Hindi nila ako napansin na kanina pa ako nakatingin sa kanila. Pareho silang napaangat ng tingin nang makita ako.

Imbes na nagulat si Ian dahil nandito ako, napatayo at napasinghal silang dalawa nang buhusan ko sila ng isang boteng wine.

“What the hell!” sigaw ng babae, marahas s'yang napatingin sa akin. “What the actua—”

Hindi ko s'ya pinatapos. Malakas na sinampal ko s'ya sa kaliwang pisngi n'ya. Muntik tuloy s'yang napatumba kung 'di lang s'ya inalayan ni Ian.

“K-Kristine,” nanginginig sa takot at inis na tawag sa akin ni Ian.

Sininghakan ko s'ya. “Ito ba?! S'ya ba ang dahilan kung bakit ka nagkagaganito?! Kung bakit madalas lang wala sa tarbaho at bahay?!” sigaw ko sa kan'yang pagmumukha.

Napahilamos s'ya sa pisngi. Hindi n'ya alam kung hahawakan ba ako o 'yong kasama n'ya ang alalayan.

Nanliliksik ang mga matang tinignan ko ang babaeng kasama n'ya. “Magkaano-ano kayo? Kapatid? O Nanay ka n'ya?” sunod-sunod kong tanong.

Pilit kong kinukumbjnsi na wala silang relasyon. Ngunit umusbong ang galit sa loob ko sa kan'yang sinabi.

“Boyfriend ko s'ya at sino ka naman?” Hawak n'ya ang kan'yang pisngi na sinampal ko, masama ang kan'yang tingin sa akin. “Ex? Sorry girl kung masyado kang naghahangad na mahalin ni Ian. Mahal n'ya ako at wala nang iba pa.”

Sa kanila ng panghihina ko, nagawa kong makagawa ng bagay na higit pa sa masamang ginawa ko sa ibang asawa ko.

“Close the this restaurant, ” bakas ang mapanganib sa aking boses nang sabihin ko iyon sa guard.

Hindi ako sinagot ng guard. Napangisi na lang ako nang sinunod n'ya ang utos ko. Paanong 'di s'ya susunod? Kabilang s'ya sa mga tao ko. Kaya kong nagbayad sa isang iglap na krimen.

Kita ko ang pagkatakot at panginginig ng babae samantalang naguguluhan si Ian.

“Umalis ka na, hindi kita mahal,”nagawa pang sabihin iyon ni Ian na para bang baliwala ako sa kan'ya.

Dahil sa demonyong sumanib sa akin, hindi ako nakaramdam ng lungkot bagkos nasasahan ako. Lalo pa kaya sa susunod kong gagawin.

“I love you,” ani ko na ikinatigil n'ya.

Umiling s'ya at lumapit sa kasama n'ya. “Sorry, pero s'ya ang mahal ko. Wala nang tayo at... Matagal ko nang gustong putulin ang relasyon natin.”

Humalakhak ako. “Sorry too, but I want to kill you so bad.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro