CHAPTER 26
KRISTINE
“Ayan kasi. Masyado 'kang halata na may gusto ka kay Joy,” sabi ko Kay Zack na ngayon ay nakahiga sa kama. “Hindi papangit ang mukha mo kung 'di ka lang sumugod. Nakakainis ka talaga.”
Pinagtagpi-tagpi ko ang kan'yang mga daliri at nahiwang balat. May mga butong nabali pa s'ya sa paa at braso na kaagad kong binalik sa dati.
Napatingin ako sa kan'yang mukha. “Gwapo ka pa rin kahit hindi na maintindihan ang mukha mo.” Napangiti ako.
Nang-iitim ang mukha ni Zack. Tatlong araw kong inayos ang wasak n'yang katawan dahil sa tinadtad ko s'ya ng palakol. Kasalanan naman n'ya.
Tulad sa nangyari kay Ennalion, nilagay ko rin si Zack sa tabing square glass. Dalawang asawa ko na tumongin pa sa ibang babae. Hindi makuntento.
Gumawa ako ng ritwal kay Zack. Maraming nakapalibot na kandila na tanging nagsisilbing ilaw sa buong kwarto. Naamoy ko pa ang kaunting baho na nanggagaling sa walang buhay na katawan ng dalawa kong asawa.
“Ian, Ian, Ian.”
Hinaplos ko ang litrato ni Ian na katabing litrato lamang ni Zack. Bukod sa maamo at tila walang kamuwang-muwang n'yang mukha, may angking kagwapuhan din s'yang taglay.
Hawak ko ang litrato ni Ian at tinignan pa ng maigi ang kan'yang mukha. Tipid na nakangiti s'ya sa litrato. Halatang ayaw magpakuha ng picture dahil sa isang mahiyain s'yang lalaki.
“Tigilan mo na ang pinaggagawa mo, Kristine!” sigaw sa akin ni Render, kapatid ng asawa ko.
Sumalubong ang kilay ko nang makitang nasa labas s'ya ng bahay ko. Talagang pinuntahan n'ya ako rito para sabihin lang iyon.
Humakbang ako papalapit sa kan'ya. “Ayaw ko,” matigas kong tugon na ikinasinghal n'ya.
“Sa tingin mo matutuwa ang asawa mo sa mga pinaggagawa mo?! Akala ko ba mahal mo s'ya, huh?!”
“Wala naman kayong pakialam sa kan'ya 'di ba? Hinayaan mo s'yang nagtatarbaho sa tabi-tabi tapos pinalayas n'yo pa s'ya!” sigaw ko sa kan'ya nang tumaas s'ya ng boses sa akin.
Mukhang natauhan s'ya sa kan'yang pinagsasabi. Napangisi ako. Ang lakas ng loob na pumunta rito tapos kung makaasta s'ya, eh parang may pakialam sa kan'yang kapatid.
“Ano natameme ka?” sarkastik kong tanong, nagtagis s'ya ng bagang. “Wala kang pakialam sa anong gagawin ko sa asawa ko. Kapatid lang na nag-abandona sa kan'ya. Ako na asawa n'ya, binigay ko sa kan'yang lahat na gusto.”
Marahas s'yang napasinghal nang nakabawi. “Nandadamay ka ng ibang tao kasi! Wala na s'ya tapos gumagawa ka pa ng bagay na sigurado akong 'di n'ya magugustuhan!”
“Maiintindihan n'ya ako,” depensa ko pa, napatango-tango ako na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. “Magigising s'ya kapag ginawa ko ito. At kapag nangyari iyon—”
“Stop this st*pid thing, Kristine!” Putol n'ya sa sasabihin ko. “Bahala ka na! Basta gagawa pa rin ako ng paraan para matigil ang kahibangan mong iyan!”
Hindi na ako sumagot pa at hinayaan s'yang umalis sa harapan ng bahay namin. Marahas kong sinuklay ang mahaba kong buhok, matatalim ang titig ko sa kawalan.
Sarado ang isip at puso ko ngayon. Hindi nila ako magagawang patigilin. Kung sakali man na hindi ko magawa ito, mas malala pa ang magagawa ko rito.
~•~•~•~
“Hello, Ian,” ngiting bati ko kay Ian nang nakasalubong ko s'ya sa labas ng kan'yang bahay.
Bahagyang napatalon s'ya sa gulat. Napaatras s'ya nang makitang masyadong malapit ang mukha ko sa kan'yang itsura.
“H-Huh?” utal n'yang ani, umatras pa s'ya lalo na tila may nakakahawa akong sakit.
Binaliwala ko iyon. “'Di ba ikaw si Ian?” nakangiting tanong ko, hindi ko alam kung ilang minuto kong pinatiling nakangiti.
Napatango s'ya. Kita ko ang paghagod ng kan'yang mga mata sa aking kabuohan. Hanggang sa napatingin s'ya sa aking mukha.
Mukhang ngayon n'ya lang napansin ang mukha ko. Bahagyang nakanganga pa ang kan'yang bibig. Nagdiriwang naman kaloob-looban ko sa klaseng tingin na pinupukol n'ya.
“K-Kristine, 'di ba?”'di makapaniwalang tanong n'ya.
Tumango ako na ikinalawak ng ngiti n'ya. Hindi ko iyon inaasahan dahil sa pagkakaalam ko, mahirap na harapin s'ya ng ganito. Masyado s'yang umiiwas sa tao lalo na 'yong di n'ya kilala.
“S-Sorry sa inasta ko.” Paulit-ulit s'yang yumuyuko sa aking harapan na ikinatawa ko. “Hindi ko alam na ikaw pala 'yan.”
Pinatigil ko s'ya sa wala sawang pagyuko sa akin. “Okay lang. Saan tayo mag-uusap tungkol sa business partnership natin?”
Inayos n'ya ang kan'yang malaking bag sa likuran n'ya. “Sa bahay na lang,” nahihiya pa n'yang sagot. “T-Tara pasok ka muna.”
Sumunod ako sa kan'ya sa loob ng bahay n'ya. No'ng una hindi pa ako makapaniwala na matagal na pala n'ya ako gustong maging partner sa business na ngayon taon ko pa lang pinaplano.
Tadhana na siguro ang nagdala sa amin sa ganitong sitwasyon. Hindi na ako pinahirapan pa kung papaano ako makakalapit sa kan'ya.
Isang oras kaming nag-usap, hindi man lang namin namalayan ang oras. Masyadong nakatutok ang tingin ko sa kan'ya at s'ya naman ay tudo salita sa aking harapan para kumbinsihin ako na makipag-partnership sa kan'ya.
“So...” Pinagsiklop n'ya ang kan'yang palad at ngitian ako. “Nagustuhan mo ba ang presentation ko?”
Agad akong tumango at ngumiti sa kan'ya, mukhang hindi n'ya inaasahan ang naging sagot ko.
“Pipirmahan ko na ang kontrata nating dalawa,” ani ko.
“T-Totoo?” Mukhang 'di pa s'ya makabawi mula sa pagkakagulat. “I mean, hindi malaki ang kompanya namin kumpara sa 'yo. Usually sa malalaking kompanya ka nakikipag-partnership.”
Natatawang umiling ako sa kan'yang sinabi. “May mga maliliit namang kompanya akong kapartnership sa ibang negosyo. Gusto ko lang makatulong. Nagsimula rin kasi ako sa mababang posisyon kaya dapat tumulong din ako sa nangangailangan.”
“Ang bait mo pala. Kaya siguro swerte ka ngayon sa buhay. Gusto ko rin maging katulad mo
.”Namamanghang pa s'yang nakatingin sa akin.
Pinirmahan ko na nga ang aming kontrata. May binigay ako sa kan'yang papeles at agad n'ya iyon pinirmahan nang sinabi ko sa kan'ya na pirmahan din n'ya iyon dahil lahat ng tulong na binigay ko ay may kapalit.
“Done.” Binigay n'ya sa akin ang papeles na kakatapos pa lang n'ya ng pirma.
Kinuha ko ito. “Binasa mo ba ang nakalagay rito?” ngising tanong ko na ikinatigil n'ya.
Kumunot ang kan'yang noo. “Hindi,” mabagal n'yang sagot. “Related naman siguro sa business 'di ba?”
Tatlong beses akong napailing mas lalong ikinataka n'ya, natuwa ako dahil do'n.
“Three days tayong mag-da-date and then kapag na-fall ka, papakasalan mo ako,” masayang saad ko na ikinanganga n'ya
“A-Ano—”
“Narinig mo ako,” ani ko kaagad. “Hindi naman sigurong masama na mag-date tayo ng tatlong araw 'di ba?”
Hindi s'ya nakasagot sa tanong ko. Humahalakhak na ang isipan ko nang makitang wala s'yang balak na tumutol sa usapan namin. Mukha PA nga'ng gusto n'ya.
Naging magaan ang tatlong araw naming pag-da-date ni Ian. Aaminin kong masaya s'yang kasama, pero wala nang mas sasaya pa kung ang unang asawa ko ang kapiling ko ngayon.
Ilang araw ko nang hindi nabibisita ang mga asawa ko. Kahit gustuhin ko ay hindi muna sa ngayon lalo pa't nakatutok ang atensyon ko kay Ian.
Kadalasan tahimik si Ian, minsan nagkukuwento s'ya tungkol sa kan'yang buhay. Nawala tuloy sa isip ko ang totoo kong sadya kung hindi lang ako nalunod sa umeechong boses na noon pa man ay bumubulong na sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro