CHAPTER 25
KRISTINE
Matapos may nangyari sa kanila, umakto naman sila na parang walang ginawang kababalaghan. Gano'n din naman ang ginawa ko, umakto ako na masayang-masaya ngayon araw.
“Ano nga ang paboritong ulam ni Zack? Nakalimutan ko sa sobrang dami.” Tinukod ko ang aking kamay sa lamesa, hinimas ko ang aking baba na tila nag-iisip.
Hindi s'ya makatingin sa akin. Hindi n'ya magawang sulyapan man lang ako dahil mismo sarili n'ya, alam n'yang may tinatago s'yang bagay sa akin.
Humigpit ang hawak n'ya sa kan'yang bestida. “D-Dinuguan po siguro, Ma'am.”
Napatingin ako sa kan'yang bestida na kulay kayumanggi. Pumait ang panlasa ko nang makitang regalo sa kan'ya ito ni Zack. Akalain mo ba naman, nagawa pa ni Zack na bigyan ng regalo ang pinakamamahal n'yang katulong.
“Ah!”Lumapad ang ngiti ko. “Buti natandaan mo, Joy. Gano'n mo siguro kakilala si Zack, eh.”
Hindi s'ya nakapagsalita at nakayuko pa rin. Matapos kong naghintay sa kan'yang sasabihin ay sinimulan ko nang magluto.
“Saan ka pupunta?” tanong ko nang makitang papaalis s'ya sa kusina.
Bahagyang napatalon s'ya sa kan'yang kinatatayuan, nilingon n'ya ako. “P-Po?”
Nilagay ko ang kanang kamay sa gilid ng beywang ko at tinaasan s'ya ng kilay. “Tulungan mo ako. Alam ko naman kasing mas masarap ang dinuguan mo,” makahulugan kong saad na ikinalunok n'ya.
Kinakabahan na s'ya ngayon sa akin. Alam kong napapansin n'ya ang pagbago ng pakikitungo ko sa kan'ya. Tahimik n'ya akong tinulungan sa niluluto ko.
Pinabayaan ko na s'ya pagkatapos kong tumulong sa paghiwa ng mga sangkap habang s'ya naman ang nakatuka sa pagluluto.
Kabado ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang palakol sa ilalim ng lamesa at mahigpit na hinawakan ito.
“N-Nasa'n po ang karne at dugo, ma'am?”
“Kukuha pa lang ako, Joy,” mabagal kong sambit habang nakatitig ng malalim sa kan'ya.
Ilang saglit lang ay nagtaka s'ya na hindi man lang ako nakagawa ng ingay. Saktong paglingon n'ya sa akin ay ang pagtaga ko sa kan'yang dibdib.
“Ughh!” sigaw at sinundan ng daing. Nanlaki ang kan'yang mga matang bumulagta sa malamig na tiles mismo sa harapan ko.
Bumulwak ang dugo at kitang-kita ko pa ang butong lumabas nang kinuha ko ang palakol sa kan'yang dibdib. Sumuka s'ya ng maraming dugo, nag-aagaw buhay.
Sapo n'ya ang kan'yang dibdib habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Kita ko ang galit sa mga mata n'ya at napalitan din ng awa at sakit.
Walang ekspresyon ko s'yang tinignan. “Pinaaral at pinatira kita sa bahay na 'to pero mismo 'yong simpleng babala ko sa 'yo no'ng una pa lang ay hindi mo na magawa.”
“M-Ma'a—”
Mabilis ang galaw ko, agad kong tinaga ulit ang kan'yang pinaiingatan na naging dahilan ng kasarapan na nararamdaman n'ya sa tuwing nakikipagtalik kay Zack.
Sumigaw s'ya sa sakit at sinabayan na rin ng munting iyak. Hindi n'ya magawang umiyak ng malakas dahil sa grabeng hiwa sa katawan n'ya na tinamo.
Paulit-ulit kong hinampas ang palakol sa kan'yang katawan hanggang sa hindi ko na maintindihan ang mukha n'ya. Nayupi rin ang ilang parte ng kan'yang katawan na tila giniling na baboy.
Hinihingal kong tinigil ang aking ginagawa. Hindi ako pagod, mas gusto ko pa nga'ng palalain ang kan'yang kalagayan ngunit naisip ko na mapapakinabangan ko pa ang kan'yang katawan.
“Sh*t.” Nabitawan ko ang hawak kong palakol.
Napaatras ako ng hakbang habang hindi makapaniwalang nakatingin sa aking ginawa. Hindi ko alam na kaya kong gawin ito. Masyadong brutal ang pagkakagawa ko pero...
Namutawi ang kasiyahan sa aking dibdib sa sunod-sunod kong paghiwa sa kan'yang katawan. Tinapon ang di importante sa basurahanbat mabilis na nilinis ang nakakalat sa sahig.
Mahigit isang oras ang ginugol ko sa aking ginagawa. Manhid ang kamay ko na nilapag ang isang mangkong na dinuguan sa lamesa.
Kukunin ko na sana ang palakol na nasa paahan ko nang biglang sumulpot sa kusina si Zack.
Bumilis ang tibok ng aking puso. Mabilis kong sinipa ng marahan ang palakol sa ilalim ng lamesa at agad na umupo sa aking kinauupuan.
Bahid sa kan'yang mukha na nagmamadali s'ya para makauwi. Napangiti ako nang mapait, hindi na ako ng dahilan n'ya ng pag-uwi at wala na akong paki ro'n.
Inayos n'ya ang kan'yang neck tie bago pabagsak na umupo sa kan'yang kinauupuan. Sumandok s'ya ng kanin.
“Nasa'n ang katulong natin?” tanong n'ya, dinuguan naman ang sunod n'yang sinandok. Hindi ko s'ya sinagot.
Mahigpit kong hinawakan ang kutsara't tinidor ko habang matiim na nakatingin sa bawat galaw n'ya.
Akmang isusubo na n'ya ang dinuguan na nasa kutsara nang napatigil s'ya. Naningkit ang kan'yang mga mata.
“Sino nagluto nito?” tanong n'ya ulit, ngayon napatingin na s'ya sa akin.
“Kaming dalawa ni Joy, ” mahina kong sambit.
Hindi ko sinubo ang kanin at ulam ko. Masarap sa paningin ang ulam at nakakaalimuyak ang amoy ngunit hindi ito kagaya ng karne na nabibili sa palengke.
Napangiti s'ya. “Buti ang natuto ka nang magluto. Palagi lang kasi si Joy.”
Nagngitngit ang ngipin ko. 'Di bali, hindi na makakapagluto si Joy rito.
Nanigas ako sa aking kinauupuan nang makitang sunod-sunod ang kan'yang pagsubo sa dinuguan. Napapatango pa s'ya na tila nagustuhan talaga n'ya ang pagkaluto ko.
Napalitan ang inis ko sa masayang ekspresyon. “Masarap?”tanong ko.
Sumubo pa s'ya ng dalawang beses bago ako sinagot, “Masarap na masarap. Gumagaling na kayo sa pagluluto.” Ngiting-ngiti pa s'ya. “Nasa'n si Joy?”
Ilang saglit akong natigilan bago nakabawi sa malalim na pag-iisip. “Kinain mo na.”
Napatigil s'ya sandali. “Nasa'n ba talaga? Tawagin mo muna s'ya para makasabay s'ya sa atin.” Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko.
Walang imik na kinuha ko ng dahan-dahan ang palakol sa aking paahan at tinulak papunta sa likuran ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis na kinuha ito sa sahig.
Hindi n'ya pa rin ako napansin. Nakatutok ba naman ang atensyon sa dinuguan. Oo nga pala, si Joy kasi iyan kaya gano'n na lang ang atensyon na binibigay n'ya. Kahit lala durog na sa lutong ulam si Joy binibigyan s'ya ng pansin ni Zack.
Nilagay ko palakol sa aking balikat. Mukhang napansin n'yang hindi pa rin ako umaalis sa aking kinatatayuan kaya napaangat ang tingin n'ya. Takang tinignan n'ya ako.
“Anong gagawin mo sa palakol?”Napatayo s'ya sa pagkakaupo nang maubos n'ya ang kan'yang pagkain, balak 'pang umalis nang hindi ko s'ya pinigilan.
“Saan ka na naman pupunta? Palagi mo na lang ako pinababayaan dito sa kusina. ” Dalawang hakbang na lumapit ako sa kan'ya.
Napalingon s'ya sa akin. Gaya sa inaasahan ko, seryosong ekspresyon lamang ang pinukol n'ya sa akin.
“May tatapusin pa ako, Kristine, okay? Alam mong sobrang busy ko ngayon kaya h'wag na tayong magsagutan pa.”
Mariin na nilapat ko ang aking ngipin. Tinapik-tapik ng mga daliri ko ang hawak-hawak kong palakol. Napatingin s'ya sa hinahawakan ko.
Dinilaan ko ang aking ibabang labi. “Anong lasa ng karne?” tanong ko na mas ikinakunot ng noo n'ya.
“Anong klaseng tanong ba 'yan?”anas n'yang tanong.
“Sagutin mo ako.”Lumapit pa ako sa kan'ya na ikinaatras n'ya nang makita ang awra ko. Iyan, dapat kabahan s'ya.
“M-Masarap at malambot,” utal n'yang tanong, naglulumikot na ang kan'yang mga mata.
Napangisi ako. “Talagang masarap at malambot. Natikman mo ba naman at lasap mo pa ang lambot nito.”
Tinaas n'ya ang kan'yang dalawang kamay na tila sumusuko. “Tigilan mo na ako sa pananakot mo sa akin, Kristine. Hindi nakakatuwa.” Umiling s'ya, 'di interesadong tinignan ako. “Aakyat na ako.”
“Ang tawag ko sa ulam ito... Dinuguan ng puno ng saya.” Napangisi ako sa nagtataka n'yang mukha. “Hinahanap mo si Joy kanina pa 'di ba?”
Nahimigan ko sa kan'yang mukha na kinakabahan s'ya. “A-Anong ibig sabihin nito, Kristine?”
Tinulak ko ang mangkok na naglalaman ng dinuguan. “Kainin mo pa. 'Di ba gusto mong kinakain mo si Joy? Ayan, kainin mo s'ya. ”
Nanlaki ng bahagya ang kan'yang mga mata. Nanginginig na umatras ng hakbang. Napatingin s'ya sa dinuguang nasa mangkok.
“W-What th—”Napatingin s'ya sa akin, nanliliksik ngunit bahid pa rin ang takot sa mga mata. “Anong ginawa mo kay Joy, Kristine?!”
Tumawa ako ng napakalakas. Nagbigay kilabot iyon sa buong paligid. Pati nga ako kinikilabutan din ako.
“Anong ginawa ko? Ginawa ko lang naman s'yang ulam mo para matikman mo ulit s'ya. Sayang at hindi mo kasi ako natikman kaya siguro paborito mo s'yang kainin.”
Napailing s'ya. “The f*ck, Kristine!” sigaw n'ya sa akin.
Lumapit s'ya sa akin at hindi pa man n'ya ako nasaktan nang tagain ko ang kan'yang leeg. Napasigaw s'ya sa sakit, para 'bang sinunog s'ya sa tinding sakit na nararamdaman n'ya.
“Ahh!” Bumagsak s'ya sa malamig na tiles. Halos magkalat na ang dugo n'yang umaagos.
Hindi ako nakuntento. Tinaga ko pa s'ya nang paulit-ulit gaya ng ginawa ko kay Joy. Nakakasabik na tignan ang nagmamakaawa n'yang mukha.
Hindi ko na s'ya hinayaan pang magpaliwanag sa pinaggagawa nila ni Joy dahil malinaw pa sa ilaw na ginagamit lamang nila ako at nag-cheat sa akin si Zack.
Akala ko magbabago na ako para sa kan'ya ngunit binigyan n'ya ako ng rason para ipagpatuloy ang naudlot kong plano. Magsama silang lahat sa impyerno. Malas nila kung makasama nila ako pagdating ng panahon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro