Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19


LEAVERENCE


Nanigas ang paa at kamay ko, ayaw gumalaw. Balisang inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng silid, mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Inakala ko pa no'ng una na nadumihan lamang ng pinta ang paligid ngunit bigla kong nasinghot ang masangsang na amoy. Kakaibang amoy iyon, parang nangangamoy patay.

Hindi ako makapag-isip masyado. Hindi ko alam ang uunahin ko sa ngayon. Hanapin ba si Kristine at tanungin kung anong mero'n sa kwartong ito, o manatili rito para malaman ang nasa likod ng masangsang na amoy.

Pinakalma ko ang aking sarili. Sinimulan ko nang ihakbang ang aking mga paa papunta sa kama na nabahiran din ng kulay pulang dumi.

Hinaplos ko ang kama, kaagad ding lumayo rito. Tuyo na ang duming nakadikit sa kutson ng kama. Nanubig ang mga mata ko nang matukoy na nabahiran ng dugo ang buong kwarto.

Dugo ba ito ng hayop? Hindi ko alam, walang nakakaalam. Ako at tanging mga malapit lamang kay Kristine ang pumupunta sa bahay na 'to.

Sigurado akong hindi pa sila nakapasok sa kwartong ito dahil simula nang tumapak ako rito, kabilin-bilinan ni Kristine na walang sinuman ang magtatangkang pumasok sa kan'yang kwarto maliban sa kan'ya.

Hindi na ako makapag-isip masyado. Gulong-gulo ang isipan ko kung ano ang uunahin ko at ano ba talaga ang mero'n dito. Bakit tinatago ni Kristine ang kwartong ito sa akin?

Muntik ako akong mapasigaw nang biglang may lumagabog na bagay sa likuran ko. Wala sa sariling dumapa ako at gumapang para makarating sa ilalim ng kama.

Pasinghal na tinakpan ko ang aking ilong sa sobrang sangsang ng amoy. Hindi ko inabala muna na tignan kung ano ba iyon dahil nakatutok ang aking tingin sa maputing paa na lumalakad papunta sa aking gawi.

Nanlaki ang mga mata ko at mas hinigpitan ang pagtakip sa ilong at bibig ko. Gustong kumawala ang ingay sa aking bibig ngunit hindi ko hinayaan lalo pa't may taong nakatayo sa aking harapan.

Pigil ang hininga kong nakatingin sa paa na nasa harapan ko mismo. Sino ito? Anong ginagawa n'ya sa kwartong ito?

Gusto kong lumabas at hanapin si Kristine dahil nararamdaman kong nasa panganib kami. Baka hindi lang isang tao ang nakapasok dito.

Napabuga ako ng hinga nang tumalikod s'ya. Batid kong isa s'yang babae ngunit hindi ko makita ang kan'yang kabuohan at tanging dalawa n'yang paa lamang.

Naglakad s'ya papunta kung saan s'ya nanggaling kanina bago pa man ako nagtago rito. Sa banyo s'ya galing kanina, siguro ro'n galing ang ingay na narinig ko.

Hindi ko hinayaan na kumurap ang aking mga mata hanggang sa pumasok ulit s'ya ro'n, sinara n'ya ang pinto.

Napabuga ako ng hininga, ro'n ko lang nalaman na kanina ko pa pinipigilan ito. Ngunit napatakip din ulit sa ilong nang mas lalong pumasok ang amoy sa aking ilong. Patay na daga ba ito o ano?

Sinubukan kong umatras sa pagkakadapang pero kaagad ding natigilan. May malambot na bagay akong nabunggo sa aking paa. Lumingon ako rito at sinundot-sundot ang bagay na iyon.

“Argh!” gulat kong bulalas at gumapang paharap. Hindi ko na mabilang ang pagkabog ng dibdib ko nang tuluyan na akong nakalayo sa malambot na bagay na iyon.

Hindi... Hindi iyon bagay o laruan. Malambot ito at dito nanggagaling ang masangsang na amoy na kanina ko pa nalalanghap.

Napatakip ako sa bibig, hindi ko magawang maduwal sa nasaksihan. Tumutulo ang mga luha ko nang makalabas ako sa ilalim ng kama. Napasinghal ako ng hininga at hindi na inalis ang tingin sa pinanggalingan ko kanina.

Gusto kong isipin na isa iyong hayop ngunit nasisigurado ako na isa itong tao! Malaking tao, at sa tingin ko'y isa iyon na lalaki.

Ilang ulit akong napailing. Marahan na sinabunutan ko ang aking buhok. Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo nang may ideyang pumasok sa isipan ko.

Napabaling ang tingin ko sa banyong pinasukan kanina ng babae. Hanggang ngayon hindi pa s'ya lumalabas, bagay na ikinataka at pinangangamba ko.

Anong mero'n sa banyo at kanina pa s'ya ro'n? Si Kristine ba iyon? Hindi...

“T*ngina!”

Napasinghal at napaatras ako nang biglang may humawak sa aking paa. Nanginginig ang katawan kong umatras pa ng ilang hakbang.

Ramdam ko pa rin ang malamig na palad na humawak sa aking paa. Hindi na matukoy kong iiyak ba ako o tatakbo dahil sa takot ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.

“L-Lumabas ka kung sino ka man!” malakas kong sambit, napalinga ako sa paligid at nagbabaka sakaling pinaglalaruan lang ba ako ng masamang nilalang.

Wala akong nakitang ibang tao rito bukod sa babaeng pumasok sa banyo at ang lalaking sumisigaw na ang ssangsang ng amoy.

Ayaw kong mnatuklasan ang mga nilalang na kinatatakutan ng tao. Hindi ako duwag. Panaginip lang ba ito o isang bangungot? Gusto kong magising at kalimutan na lang ang nakita ko.

Ilang minuto ang nagdaan na wala nang nagparamdam sa akin. Mabilis akong pumasok sa banyo, hindi na inabala pa kung tumatae ba ang babae rito o ano.

Ngunit wala akong nadatnang tao. Naisara ko ang pinto at tinignan ang likuran ko, hindi ko s'ya nakita. Pumasok s'ya kanina rito... Ilusyon ko na naman ba iyon?

Unti-unting naniniwala na ako sa multo. Kahit umikot ako rito sa banyo hindi ko s'ya makita. Gusto ko na lang umalis dito pero naisip ko na baka may ibig na ipahiwatig ang nangyayari sa akin ngayon.

Binuksan ko ang panibagong ilaw para makita ng maayos ang buong banyo. May bath tub dito, malinis at hindi tulad sa kamang nadatnan ko sa labas. May shower sa likuran ko na sa tingin ko'y sira na.

Inayos ko ito ngunit gano'n na lang pagtataka ko nang makitang may crack ang pader. Maayos ang pagkaka-crack ng linya. Sinundan ko ang bawat linyang nakakonektado rito.

Napabuka ang bibig ko nang matukoy kong ma-rectangle ang linya. Lumayo ako ng konti. Parang isang secretong pinto ito.

Bahagyang napatalon ako sa aking kinatatayuan. Patay-bukas ang ilaw sa banyong kinalalagyan ko. H'wag muna!

Mabilis kong hinanap ang door knob ng pintong nasa pader na 'to. Ilang saglit lang ay kaagad kong natukoy kung saan ang pambukas ng pinto.

Pinihit ko ang pambukas ng shower. Lumikha ng kaunting ingay mula rito bago ko tuluyang nabuksan ng malapad ang pinto na gawa sa semento.

Tumigil ang pagpatay-bukas ng ilaw. Hindi ko masabi kung sura ang ilaw dito pero malakas ang kutob ko na sinadya ito.

Pumasok ako sa loob ng silid. Madilim at wala man lang ako makita. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay ro'n ko nakitang sunod-sunod ang pagsindi ng lamparang nakahilira sa bawat gilid ko.

Naningkit ang mga mata kong lumakad ng ilang hakbang. May nakahilerang refrigerator sa gilid ko. Ngunit gano'n na lang ang pagkaatras ko nang makitang hindi iyon refrigerator.

Nanigas at hindi ko magawang umalis sa aking kinatatayua. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malaking machine na hindi ko matukoy kung anong klase ito.

Bakit higit lima ang mga lalaki rito na nakakulong sa malaking machine na gawa pa sa glass ang pinto? A-Anong mero'n dito? Bakit halos silang lahat nakasuot ng barong?

Habol ko ang aking hininga habang binibilang kung ilang lalaki ba ang narito. Bakit may mga lalaki rito si Kristine? Alam ba n'ya ito o hindi?

“Five, six, seven, eight...” Bilang ko ngunit napatigil ako nang makitang walang may nakalagay na katawan sa dalawang machine.

Kibahan ako. Buhay pa ba sila? Nasa'n ang dalawang lalaki kung sampo dapat sila? Nakalabas ba?

Inakala ko 'pang malaking refrigerator ang mga nakahilira. Iyon pala ay malaking machine na nagbibigay ng malamig na tempura sa katawan nila.

Malamig na tempura... Naka barong silang lahat. Hindi sila natutulog dahil mga patay na sila!

Napaatras ulit ako at naramdaman kong may nabangga ako. Gulat na pumaharap ako rito. Napabuka ang bibig ko sa 'di inaasahang taong nasa harapan ko ngayon.

“K-Kristine.”

Ngumiti s'ya ng malapad sa akin na nagbigay kilabot sa aking sistema.

“Sabi ko naman sa 'yo na h'wag 'kang pumunta rito, eh,” mahina n'yang sambit pero sapat na para magsitaasan ang balahibo ko. “Ayan tuloy, nakita mo pa ang hindi mo dapat makita.”

Napatigalgal ako. “A-Anong ibig sabihin nito, Tine? Mahal?”

Hindi s'ya nakatingin ngayon sa akin kundi sa lalaking nakatayo sa pinakagitnang parte ng kinalalagyan ng mga nakahilerang lalaki. Napansin kong kakaiba ang desinyo ng kan'yang kinalalagyan.

Natatakot ako sa susunod ko 'pang matutuklasan, lalo pa ngayon na nanginginig na ang katawan ko sa pinagagawa ni Kristine.

Bakit 'di ko naisip na may problema sa utak si Kristine at maaaring s'ya lamang ang makagagawa nito sa bahay na kinalalagyan namin. Hindi naman p'wede si Ate Marian o guard namin dahil umuuwi sila sa tuwing sumasapit ang gabi.

Napakurap ako at kasabay no'n ang pagbagsak ng luha ko.

“Mahal? A-Anong nangyayari sa 'yo, ah?”

Gusto kong intindihin s'ya pero sobra na 'to. Anong ginawa n'ya sa pitong lalaking nandito?

Do'n ko nakuha ang kan'yang atensiyon, ngumiti ulit s'ya na parang walang problema.

“Wala, mahal,” sagot n'ya na ikinailing ko, lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang pisngi kong namamasa na sa kakaluha ko. “I love you.”

Napahikbi ako. “M-Mahal din kita, ayusin natin 'to, oh.” Hihilahin ko na sana s'ya ngunit humigpit ang pagpiga n'ya sa aking pisngi.

Nanlalaki ang kan'yang mga matang nakatingin sa akin ng diretso, malapad ang kan'yang ngiti.

“I love you, that's why I want to kill you.”

Huli na para pakiusapan s'ya nang bigla n'ya akong tinulak sa malamig na higaan. Bumagsak ang ulo ko nang pagkahuga ko, naging dahilan iyon ng pagkawalan ng malay ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro