Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16


LEAVERENCE



Hindi ko nakausap ng maayos si Vionna dahil sa umiiwas ito sa akin. Wala akong ideya kung bakit s'ya naging ganito sa akin, tila may sakit akong nakakahawa na dapat na layuan.

Kung lalapitan ko s'ya, paulit-ulit n'yang sinasabi na layuan ko na ang kan'yang Tita. Tinanong ko s'ya kung bakit n'ya ito sinasabi ngunit umiiwas na kaagad s'ya.

Ilang araw ko nang iniisip kung ano pa ang dahilan n'ya kung bakit ginagawa n'ya ito. Bukod sa may mental illness si Kristine at masyadong naging mabilis ang kasal namin, wala ng iba.

Hindi masyado nakakausap ang mga kaibigan ko, hindi rin ako sumasama kanilang gimikan dahil may asawa na ako. Kaya ko 'pang gumimik sa gabi ngunit mas minabuti ko na ituon lamang ang atensyon sa asawa ko. 'Yon naman dapat 'di ba?

Nasa Videoke bar na sila Paulino, paniguradong nagkakasayahan na sila sa ganitong oras.

Katatapos ko lang na sinara ang pinto ng room ko nang biglang sumulpot si Hannah. Hinarap ko naman s'ya.

"Hindi ka pa umuuwi?" tanong ko, tinignan ko ang buong paligid at nakitang kami na lang ang taong narito. "Nasa Videoke bar na sila, sinabi ko na sa kanilang hindi ako sasama."

Nakatingin s'ya sa akin nang matagal, mukhang wala s'yang enerhiya base sa kan'yang matamlay na mukha.

"Kasal na pala kayo..." mahina ang kan'yang boses. "B-Bakit ang bilis naman, Rence?"

Napakunot ang noo ko sa kan'yang tanong. Palagi ko na lang naririnig ang ganitong tanong mula sa mga kaibigan ko, sinagot ko naman ng maayos pero bakit hindi nila matanggap?

"Mahal ko s'ya at mahal n'ya ako," napasinghal ako sa huli, naiinis ako. "Hindi pa ba iyon sapat? Magpapakasal kami sa ayaw at gusto n'yo. Bakit ba hindi n'yo matanggap?"

Hindi kaagad s'ya nakapagsalita dahil sa tumaas ang tono ko sa kan'ya. Pangalawang beses pa lang itong nangyari, tila hindi n'ya inaakala na kaya kong pagtaasan s'ya ng boses.

Inintindi ko naman kung bakit naging ganito sila sa akin. Kahit naman ako tutol noon sa planong pagpapakasal ni Nerio sa kan'yang nobya. Pero inaamin kong nagkamali ako ro'n.

Mag-iisang buwan na kaming kasal ni Kristine at hanggang ngayon hindi pa rin nila tanggap na ito ang pinili ko. May tarbaho at may edad na rin ako kaya alam kong hindi masama na magkaroon ng asawa sa edad kong ito.

Tinalikuran ko si Hannah at nagsimula nang bumaba ng hagdan. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakababa nang pigilan n'ya ang braso ko.

Iba na ang nakaukit na reaksiyon sa kan'yang mukha. "Hindi mo naintindihan, R-Rence. Delikadong tao ang pinakasalan mo!"

Inis na binaklas ko ang kan'yang kamay sa akin. "Wala akong pakialam!" singhal ko. "Sa tingin mo ba magugustuhan kita kapag hiniwalayan ko si Kristine? S'ya lang, okay? Hindi ikaw at kung sino man ang pakakasalan ko!"

Napasinghap s'ya sa aking sinabi, huli na para pagsisihan ang sinabi ko. Napayukom ang kan'yang kamao at naluluhang napailing sa akin habang umaatras ng hakbang.

"G-Gusto kita, Rence, oo. Pero hindi ibig sabihin no'n na aagawin kita ng gano'n lang," pumiyok ang kan'yang boses. "K-Kaligtasan lang naman ang gusto kong mangyari sa 'yo. Hindi mo nakikita ang mali sa kan'ya dahil pilit 'mong kinukumbinsi sa sarili mo na normal s'ya."

Pagkatapos n'yang sabihin iyon sa akin ay iniwan n'ya akong nanghihina sa hagdanan. Tinawag ko ang kan'yang pangalan ngunit hindi na s'ya lumingon pa. Kasalanan ko ito.

Dapat inintindi ko na lang s'ya at hindi umabot sa punto na kaya kong talikuran ang pagkakaibigan namin dahil lang dito. Ayaw kong mangyari iyon dahil pareho silang mahalaga sa akin. Pero kasi... Kailangan ako ni Kristine sa ngayon.

Imbes na sundan si Hannah, hinayaan ko na lamang s'yang umalis. May araw pa naman na p'wede ko s'yang makausap nang masinsinan.

Lalampasan ko na sana ang guard house nang biglang may humila sa aking likuran. Masyadong mabilis ang pangyayari at namalayan kong nasa likuran kami banda ng guard house.

Madilim dito kaya hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki. Napabuka ang bibig ko at hindi kaagad nakapagsalita.

"Layuan mo si Kristine," malamig n'yang sambit, humigpit ang kapit n'ya sa aking braso na ikinangiwi ko. "Hindi ka n'ya mahal, pinapaikot ka lamang n'ya sa kan'yang kamay."

Mabilis kong binaklas ang kan'yang kamay sa aking braso at tinulak s'ya nang bahagya. Hindi ko pa rin maaninag masyado ang kan'yang mukha.

"Sino ka ba, ah? H'wag mo nga'ng pakialaman ang relasyon namin ni Kristine. " Malakas ang kabog ng dibdib ko, hindi lang dahil sa sinabi n'ya kundi dahil sa ideyang magkakilala na sila moon pa ni Kristine.

"Ako lang naman ang-"

Mabilis akong napalingon sa likuran ko nang magsalita ang guard ng eskwelahan. Takang tinignan n'ya ako habang nakatutok ang flashlight sa aking mukha, naningkit ang mga mata ko dahil do'n.

"Anong ginagawa n'yo rito, Sir? Gabi na po, ah." Mukhang hindi naman n'ya iniisip ma may kakaiba sa akin.

Napabaling ang tingin ko sa harap para sana tignan ang kabuohang mukha ng lalaking kausap ko ngunit napatambol ang dibdib ko nang makitang wala s'ya. Nasa'n na yo'n?

"Sir," tawag sa akin ng guard.


Kahit nataranta man ay nagawa kong umakto ng normal. "Umihi lang ako, Tanong. Nakakahiya at nakita n'yo pa ako rito," palusot ko na kaagad kong pinagsisihan.

Mukhang nahiya naman s'ya, napakamot ito sa batok. "G-Gano'n ba, Sir? Dapat sa CR kayo umihi ay hindi rito."

Maagap na nagdahilan ako, nasabi ko na kaya dapat panindigan ko ang pagpanggap na 'to.

"Ihing-ihi na kasi talaga ako, Naming. Pasensya na." Bahagyang yumukod pa ako rito at umalis sa likuran ng guard house.

Bumalik ulit sa aking isipan ang nangyari kanina. Sino s'ya? Kahit may ideya na ako na may malaking papel s'ya sa buhay ni Kristine ay hindi ko mapigilang itanong ulit sa sarili kung bakit ginaganito n'ya ako.

Hindi ako mahal ni Kristine... Sinungaling s'ya, paniguradong sinisiraan n'ya lang ako kay Kristine. Kung gano'n, anong dahilan n'ya? Wala akong maisip na iba kundi dahil sa may nakaraan silang relasyon.

Nalunod ako sa pag-iisip kung tama ba ang aking hinala hanggang sa nakarating ng bahay. Winaksi ko sa aking isipan ang gumugulo sa akin at pumason na ng bahay. Do'n ko lang naramdaman ang pagod sa mahabang lakaran ko.

"Bitawan mo ako!" rinig kong sigaw ni Kristine.

Napatingin bigla ako sa ikalawang palapag ng bahay kung saan ko narinig ang kan'yang boses. Binitawan ko ang aking bag at hindi na inabala pang intindihin ang nabasag kong laptop.

Kumaripas ako ng takbo paakyat nh hagdan. Tahio ko ang aking dibdib nang makarating ako sa itaas at nakitang hila-hila ng lalaki si Kristine.

Hindi man kaagad nakapagsalita ay agad akong tumungo sa kanila. Kinuha ko ang walis na gawa sa bakal at malakas na inihampas iyon sa batok ng lalaki.

Dahil sa lakas ng pwersa no'n ay kaagad s'yang bumulagta sa sahig. Nabitawan n'ya si Kristine. Umiiyak ng tudo si Kristine habang hinihingi ng tulong sa akin.

Agad ko s'yang inalalayang tumayo at niyakap ng mahigpit. Nakapikit ako ng mariin nang maramdaman ang panginginig ng kan'yang kamay ay katawan. Sobrang natakot talaga s'ya sa nangyari.

"Shh." Inalo ko s'ya at hinalikan nang paulit-ulit ang kan'yang noo. "Nandito na ako, mahal. Pasensya at nahuli ako."

Umiyak lang s'ya ng umiyak habang nakasubsob sa aking dibdib. Binuhat ko na lamang s'ya at agad na pumasok sa kwarto namin. Nilapag ko s'ya sa kama at hinintay na makatulog.

Umalis ako sa pagkakaupo sa gis ng kama matapos s'yang halikan sa noo. Pinuntahan ko ang lalaking wala pa ring malay. Alam kong matatagalan pa bago s'ya magising, kaya panatag ako habang hinihintay ko ang pagtulog ni Kristine.

Lumuhod ako sa harapan n'ya. Nakadapa s'ya sa sahig kaya hindi ko makita ang mukha n'ya. Kinabahan man na baka bigla itong magising at saktan ako, tumayo at lumayo ako ng kaunti.

Mabilis kong tinulak ang kan'yang malaking katawan na kasing laki ko lang rin. Natigilan ako nang makitang s'ya 'yong lalaking nakausap ko sa likuran ng guard house.

Hindi ako maaaring magkamali. Kahit hindi ko nakita masyado ang kan'yang mukha, ito ang damit n'ya kanina no'ng kinausap n'ya ako bago ako iniwan.

Bigla n'yang hinila ng basta-basta si Kristine. Ibig sabihin lang nito ay may masamang balak s'ya sa asawa ko. Sinabi n'ya lang kanina na layuan ko si Kristine dahil sa hindi ako mahal.

Kung gano'n, may relasyon sila ni Kristine noon at ayaw n'yang matali kaming dalawa ni Kristine

Hindi ako kampanti sa aking naisip. Kailangan kong makausao si Kristine tungkol dito. Kita naman kanina na ayaw na n'ya sa lalaki kaya panatag ako na wala na s'yang nararamdaman sa lalaki.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro