Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 04

CHAPTER 04

LEAVERENCE

Dumagandong pa rin ang dibdib ko nang kumapit s'ya sa akin at huminto sa aking harapan. Ngumiti pa s'ya sa akin.

“Nakalimutan kong magpasalamat sa 'yo, Sir na tinulungan mo ang pamangkin ko. Wala ako palagi sa kan'yang tabi at nababahala rin ako na baka maulit ang pambu-bully ng estudyante sa kan'ya,” nag-alala pa n'yang sambit.

Inayos ko ang pagkakasabit ng aking bag sa balikat. “S-So, dati pa s'ya binubully?” tanong ko.

Tumango s'ya at ngitian ako ng tipid. “Pero panatag ako na hindi na mauulit iyon lalo na ikaw ang adviser ng pamangkin ko.”

Nabuhayan ang loob ko, tila naglalaro ang dugo ko sa bawat parte ng aking katawan.

“Hangga't nandito ako sa eskwelahan, walang estudyante na maaapi,” saad ko, sandali akong natigilan nang may natandaan. “A-Ano pala pangalan mo, Miss?”

Bahagyang kumunot ang noo n'ya. “Para saan, Sir?”

Napatawa ako ng mahina at umiwas ng tingin sa malalim n'yang titig sa akin na tila hinahalungkat ang buong pagkatao ko.

“Para alam ko kung anong itatawag sa 'yo.” Ngumiti ako para matabunan ang tunay na dahilan. “At baka kasi ipatawag kita ulit kung may mangyaring masama sa pamangkin mo.”

'Ang totoo, Leaverence? P'wede naman ipasabi sa pamangkin n'ya.' sabi ko sa aking isipan.

Nawala ang pagkakunot ng noo n'ya, guminhawa ang kan'yang ekpresyon. “Ah, akala ko kung ano na.” Mahinhin na tumawa s'ya. “Kristine, sir. Kristine Ibon.”


~•~•~•~

“Bakit bigla 'kang nag-aya na pumunta rito, pre? Heartbroken ka din ba?” nang-aasar na tanong ni Paulino sa akin.

Napailing ako at ngumiti ng malapad na ikinamura n'ya. Agad s'yang binatukan ng kan'yang nobya na nasa gilid lamang n'ya.

“Anong sinabi ko sa 'yo kanina?” Tila pinapatakot ni Daisy ang kaibigan ko.

“Sorry na, love.” Ngusong yumakap si Paulino sa kan'yang nobya, binatukan ulit s'ya ni Daisy at tinulak.

Mukhang nahihiya pa sa pinaggagawa ni Paulino. Napailing ako at agad ding napalingon kay Nerio nang tapikin n'ya ang pisngi ko.

“Huh?” Taka ko s'yang tinignan, nakangisi s'ya habang tinataas-baba ang tingin sa akin.

“Ikaw, ah. Siguro inaya mo kami rito para i-celebrate na hindi ka na virgin.” Siniko-siko pa n'ya ang braso.

Namula ang taenga at leeg ko sa kan'yang sinabi. Tumawa nang malakas si Paulino kaya iniwan na s'ya ng kan'yang nobya at umalis. Natatawa sumunod s'ya kay Daisy at kumaway sa amin. Katulad ni Nerio ay may nanunuya ang kan'yang ekpresyon.

Mahinang hinampas ko si Nerio sa batok na ikinasapok n'ya rito. Natatawa pa s'ya pero natigil din nang batukan s'ya ni Roanna. Mga loko-loko rin kasi, parang hindi teacher tignan, ayan tuloy binatukan ng kanilang nobya.

Si Kristine kaya, babatukan ba n'ya ako kapag inasar ko s'ya? Siguro masaya iyon.

Hindi ko ulit mapigilang mapangiti habang pinaglalaruan ko ang baso ko na may lamang alak. Ini-imagine ko kaagad kung magiging kami. Infatuation pa rin ba ito?

“Katakot ka naman, pre." Biglang bumalik ulit si Paulino, sumunod ang nobya na namumula ang pisngi.

Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Sumandig ako sa malambot na sofang inuupuan ko at ngumiti sa kanila. Nagkatinginan sila pare-pareho na tila may saltik ako sa utak.

“Tandaan n'yo po 'yong babaeng sinasabi ko no'ng nakaraan?” tanong ko.

Napabilog ang bibig ni Nerio at tumango. “Nakita mo s'ya tapos nakipag-one night stand ka?”

Nawala ang ngiti ko at nauwi sa ngiwi. “Umayos ka, Nerio. Masaya ako ngayon kaya h'wag 'mong sirain.”

Tinulak nang mahina ni Paulino ang balikat ni Nerio at umiling dito. “Pagbigyan mo si Rence, pre. Ngayon nga lang 'yan umiibig.”

Napabuga ako ng hininga at kinuwento sa kanila na nakita ko s'ya kanina mismo sa classroom at nalaman ang kan'yang pangalan.

Nakalimutan ko pa nga'ng tanungin ang kan'yang facebook name at number pero kaagad din akong napailing. Masyado akong halata na interesado ako sa kan'ya.

Hindi ko pa alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin ko, basta makita s'ya at makausap na parang kakilala lang ay 'yon ang naging plano ko.

“I'm so proud sa 'yo, pre!” Lasing na inakbayan ako ni Paulino at gano'n 'din si Nerio.

Namumungay ang mga akong ngumiti kahit hindi naman nila nakita. Pareho kaming lasing ngunit nasa tamang pag-iisip pa ako, hindi katulad nilang dalawa na nilunod na ng alak.

“Malapit nang mawala ang virginity ni Rence.” Muntik nang mahawakan ni Paulino ang ibaba ko nang agad akong napatayo at lumipat ng upo sa harapan nila.

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin pero hindi rin tumagal ang ekpresyong iyon. Unti-unting hinihila na ako ng kalasingan at kailangan ko nang umuwi.

Wala sa plano kong maglasing kami ng tudo dahil celebration lamang ang dahilan kung bakit kami nandito. Hindi ko na nga nagawang kumanta sa Videoke kanina dahil sa kakulitan nilang dalawa na kuwentuhan sila tungkol kay Kristine.

“Kayey pa, pre?” paos na tanong ni Nerio, pagewang-gewang kaming naglalakad, papauwi na kami ngayon.

“Kayey pa!” masiglang sagot ni Paulino at tumawa pa kahit wala namang nakakatawa.

“Tumahimik kayong dalawa o matutulog kayo sa presinto,” banta ni Daisy na umalalay kay Paulino.

Napailing si Roanna habang nakaakbay ang malaking braso ni Nerio sa kan'yang balikat. Nakapamulsang naglalakad ako at pinapakiramdaman ang sarili, malapit na akong bumagsak pero kailangan kong makaabot sa bahay.

“Ayos ka lang, Rence?” seryosong tanong ni Daisy, nasa kanto na kami. “Kaya mo ba ang sarili mo?” Pinasadahan pa n'ya ng tingin ang aking mukha.

Nag-okay sign ako sa kamay at tumango. “Ang nobyo mo dapat ang kumustahin mo, wala na sa matinong pag-iisip, oh.”

“Sinong nobyo mo, Daisy my loves?” Namumungay ang mga mata ni Paulino nang inangat n'ya ang tingin at kaagad ding yumuko at napapikit.

“Mauna na kayo.” Tinignan ko silang lahat at maliit na kumaway habang naglalakad ng paatras. “Malapit na bahay ko, ingat kayo.”

Tumalikod na ako sa kanila at hindi na inabala 'pang alamin kung saan sila lulusot gayong may barangay tanod na paikot-ikot sa paligid. Alas-dose na ng gabi at late na akong nakauwi.

Naramdaman ko na ang pamumungay ng mga mata ko hudyat na umeepekto ang alak sa akin. Pikit matang kinapkap ko ang bulsa ko kung saan ko nilagay ang susi ng bahay.

Bahagyang nimulat ko ang mata at tinitigan ang bintana ng bahay. Wala nang ilaw, malamang tulog na sila. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.

“Oh.” Napangiwi ako nang mahulog ang susi sa lupa.

Akmang dadamputin ko ito nang narinig ko bigla ang sigaw na sigurado akong malapit lamang sa bahay namin. Agad akong naging alerto, ngunit unti-unti na akong hinihila ng kalasingan at antok.

Pagewang-gewang akong naglakad sa palapit sa gate. Isasara ko na sana nang makitang nakabukas ito ngunit napahinto ako sa aking kinatatayuan nang makita sa 'di kalayuan ang isang babae.

May kasama itong lalaki, hahayaan ko na sana sila dahil baka nag-aaway magkasintahan sila ngunit gano'n na lang ang pagkalbog ng dibdib ko sa sunod kong nasaksihan.

Kahit madilim sa kanilang parte at tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw, kita ko pa rin sa pigura nila na may hawak na malapad na espada ang babae at saka padausdos na hiniwa n'ya ang bandang leeg ng lalaki.

Napaatras ako at nangatal. Totoo ang nakikita ko ngayon kahit lasing na ako!


Biglang napatingin sa akin ang babae, hindi ko makita ang kan'yang mukha pero batid kong babae s'ya sa hugia ng katawan at mahaba n'yang buhok.

Bago pa man ako makatakas ay hindi inaasahang napatid ako sa malaking batong nakaharang sa likuran ko dahil sa aking pag-atras. Malakas ang impak na napahiga ako sa lupa at tuluyang naging itim ang paningin ko.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro