Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 03


LEAVERENCE



“Anong nangyari sa 'yo, Rence?” takang tanong ni Paulino, napatingin din tuloy si Nerio sa akin.

“Oo nga pala, Rence.” Pumalumbaba si Nerio sa harapan ko habang nandito kami sa aking opisina. “Bakit minsan tulala at ngumingiti ka mag-isa? May saltik ka 'no?”

Napabuga ako ng hininga at tinignan silang dalawa. Ilang araw na akong ganito at maski ako, hindi ko na matukoy kung ano ang tunay kong nararamdaman. Biglaan lang talaga at hindi inaasahan.

Napahawak ako sa aking dibdib na halos tatlong araw nang tumitibok ng mabilis sa tuwing naalala ko ang kan'yang maamong mukha. Normal sa iba kung may makakita sila ng babae, pero para sa akin abnormal na 'to.

Binatukan ni Paulino si Nerio na ikinareklamo nito. “Hindi ko alam kung paanong naging teacher ka.” Napailing-iling oa si Paulino na tila dismiyado, tumingin s'ya sa akin. “ Sabihin mo nga, may babae ka na 'no?”

Pakiramdam ko namula ang buong dibdib at leeg ko kahit simpleng tanong lang iyon. Grabe 'yong impak sa akin kapag ang babae na iyon ang pinag-usapan. Hindi ko pa nasabi sa kanila ito dahil abala rin naman ako sa pagtuturo.

Napakamot ako sa pisngi at wala sa sariling napatango. Nagulat pa ako nang humiyaw silang dalawa sa tuwa. Napatingin tuloy ang ibang mga guro sa amin at napapailing din naman.

Kinuha ko ang plastic bottle sa tabi ko na walang laman at hinampas sa kanilang dalawa. Mahinang nagreklamo sila at napalingon din sa paligid. Ngayon lang nila napansin na may ibang tao sa paligid, walang hiya talaga.

“Totoo, Rence?” Mas nilapit ni Paulino ang kan'yang mukha sa akin at gano'n din si Nerio.

Tumango ako at sinamaan sila ng tingin ngunit ngisi at galak ang nakikita ko sa kanilang mukha. Hindi siguro tama na sinabi ko sa kanila.

“Sino naman ang maswerteng babaeng ito?” ngising tanong ni Nerio. “Sexy ba? Naks, pakilala mo naman sa amin.”

“Paano kayo nagkakilala? Facebook ba? Naku, mahirap 'yan,” problemadong ani Paulino.

Sinamaan ko sila ng tingin at napabuga ulit ng hininga. “Hindi ko pa alam pangalan n'ya at hindi kami magkakilala. Aksidente ko lang s'ya nakita sa labas ng building.”

Hindi makapaniwalang tinignan nila akong dalawa.

“The f, pre,” mabagal na anas ni Paulino. “H'wag mong sabihin tinamaan ka ni Kupido? Love at first sight ba?” tanong pa n'ya.

“Naku, naku!” Problemado si Nerio sa tabi at napapatingala pa sa itaas.

Nagkibat-balikat ako at mas lalong pinamulahan nang marinig ang 'love'. Hindi naman siguro love kaagad ang nararamdaman ko, siguro kuryuso lang.

“Siguro infatuation lang,” sagot ko, dinilaan ko ang 'pang-ibaba kong labi. “Ibang usapan na kung love mga pre. Masyadong mataas 'yan.”

Napatango-tango naman si Paulino. “Tama ka, pre. Nagandahan ka lang siguro 'di ba?”

Natigilan ako sa kan'yang tanong. Hindi iyon basta-basta na lang. Maganda s'ya, oo, pero may something sa kan'ya na nagustuhan ko at hindi ko iyon matukoy.

Frustrated na sinabunutan ko ang aking buhok. “Ewan ko ba kung anong nararamdaman kong ito, hindi ko matukoy. Hindi s'ya maalis sa isipan ko tapos gusto kong malaman ang buo n'yang pagkatao,” mahina kong sambit.

Lumapit sa akin si Nerio. “Gan'yan din ang nararamdaman ko nang makilala ko si Roanna,” nakangiti n'yang sambit. “Palapit na 'yan sa love, pre. Trust me, akala ko nga gusto ko lang si Roanna pero ilang days napagtanto ko na higit pa ro'n. Ang bilis nating mahulog sa babae kaya.”

Sinagot nga si Nerio at Paulino ang mga katanungan ko tungkol sa pagmamahal na iyon. Ang alam ko lang kasi 'yong pagmamahal sa pamilya at kaibigan, pero ibang-iba pala 'yong pagmamahal sa isang babae na gusto 'mong makasama habang buhay.

Sabi nga ni Paulino bago pa n'ya nahanap ang para sa kan'ya na babae, may iba 'pang babae na dumaan sa buhay n'ya. Ngunit iba ro'n hindi n'ya sineryoso, ang ilan nagustuhan n'ya pero hindi umabot sa pagmamahal.

Isa lang kasi ang babaeng mamahalin sa buong buhay namin, natatangi. Kapag naramdaman mo na 'yong pagmamahal sa isang babae, pang-habam-buhay na raw iyon na akin naman pinaniniwalaan.

Medyo nalito pa ako sa kan'yang mga babae, masyadong marami at aaminin kong ayaw ko ng gano'n. Gusto ko kung sino ang magiging first girlfriend ko, s'ya ang magiging last wife ko balang araw. Ayaw kong magkaroon ng ex.

Siguro dahil gusto kong ipagmalaki sa future girlfriend o wife ko na kaisa-isang babae s'ya na minahal ko. Ang sarap no'n sa pakiramdam.  Biglang pumasok sa isipan ko ang maamong mukha ng babaeng iyon.

Napailing ako sa sarili. Nakita ko lang s'ya at hindi pa nakilala pero bakit ganito na ang epekto n'ya sa akin? Kakaiba pala ang kung magkagusto ka sa isang babae. Nakaka-frustrate pero magaan sa pakiramdam.


~•~•~

Wala kami masyadong gawain ngayon kaya hinayaan ko muna ang mga estudyante ko sa classroom.

Nagpa-print ako sa faculty at napagpasyahan din namang bumalik sa classroom dahil naiwan ko ang aking gamit do'n. Maya-maya uwian na at gusto kong makauwi ng maaga.

Napakunot ang noo ko nang marinig ang hiyawan at pagsigaw sa loob ng classroom ko. Agad akong nakaramdam ng kakaiba at mabilis na pumasok dito.

Napaawang ang labi ko. “What the?!” 'di makapaniwalang bulalas ko. “Tama na 'yan!” sigaw ko pa.

Paunti-unti na tumahimik mga estudyante, may ibang section pa ang nakapasok dito. Agad kong dinaluhan si Vionna, ang transferee kong estudyante, pinatayo ko s'ya mula sa pagkakaupo sa sahig.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko nang makitang marami s'yang scratches sa pisngi at braso. Napapikit ako ng mata at agad ding napamulat. Natahimik silang lahat.

“Stop, right there, HUMMS students,” mariin kong sambit sapat na upang marinig nila ako.

“Sir, sila ang nanguna. Inawat namin sila pero kinalmot-kalmot nila si Vionna na tahimik lamang sa tabi,” sumbong ng isa sa estudyante ko.

Sumang-ayon naman ang iba, tahimik at mukhang takot na ngayon ang tatlong babaeng sumugod kay Vionna.

Wala akong alam kung ano ang puno't dulo pero malalaman ko rin mamaya. Galit ako pero kailangan kong magtimpi, hindi maganda sa akin kung galit ang pangungunahan ko.

Binalingan ko si Vionna na hawak-hawak ko ngayon. Nakayuko s'ya at halatang kagagaling sa iyak.

Pinaharap ko s'ya sa akin. “Tatawagin ko ang parents mo, anak,” malumanay kong sambit.

Napaangat ang tingin n'ya sa akin. Sandali akong napatitig sa kan'ya, kamukha n'ya ang babaeng sumundo sa kan'ya kahapon.

Natigilan ako. Hindi kaya... Anak n'ya 'to? Bakit parang kinurot ang dibdib ko? Bakit nadismayado ako?

Tumango s'ya at ngitian ako ng tipid. “M-Maraming salamat, Sir.”

Napailing ako sa isip at sinuklian s'ya ng ngiti. Bakit sa Ina pa n'ya ako nagkagusto?


~•~•~~•

Nandito kami sa loob ng classroom ko habang hinihintay ang parents ni Vionna. Medyo kinabahan ako dahil possible na makikita ko s'ya mamaya.

Hindi mapakali ang tatlong estudyante habang kasama nila ang kani-kanilang magulang. Mukhang hindi naman kinukunsinte ang kanilang mga anak, akala ko ipagtatanggol pa nila ito gayong alam nila na mismo ang kanilang anak ang may kasalanan.

Nasa sariling upuan ako nakaupo habang sila'y nasa harapan ko. Malapad ang classroom ko kaya nagkasya ang dalawang malapad na sofa para sa bisita.


Dapat nga diretso kami sa principal office pero ayaw naman ni Vionna na magkaroon sila ng record sa school at naisip ko rin iyon. Bali sinabihan ko na ang ibang estudyante na sa amin lang ang issue na ito at h'wag nang ipagkalat.

Sumang-ayon naman sila at gano'n din sa kabilang section kasama ang kanilang guro.

Napaupo ako nang tuwid at sandaling napatulala. Biglang pumasok ang babaeng gumugulo pa kanina sa isipan ko.


Unang pumukaw ng aking pansin ay 'yong kan'yang mga mata na kulay light brown at sakto lang ang pagkasingkit sa gilid. 'Yong manipis at mapulang labi n'ya na bumagay sa maamo n'yang mukha.

Dagdagan pa ang kan'yang balat na tila kasing kulay ng cream. Hindi s'ya masyado mataas pero bagay pa rin sa kan'ya ang suot n'yang white dress at hindi katangkaran na heels.

Napayuko ako sandali at napapikit nang mariin. Masyado akong titig na titig sa kan'ya, hindi ko namalayan na nakaupo na s'ya sa tabi ni Vionna. Dagdagan pa na nakatitig din s'ya sa akin... Siguro hinihintay sa sasabihin ko.

Tumikhim ako at pinigilan ang sarili na tumitig nang masyado sa kan'yang mukha at baka iba ang kan'yang isipin. Umakto ako ng normal kahit abnormal na ang tibok ng puso ko.

“G-Good afternoon, anak n'yo po ba si Vionna.” Tinignan ko si Vionna, bahagyang nanlaki ang kan'yang mga mata.

Napabaling ang tingin ko sa katabi ni Vionna nang tumawa ito ng mahina, umagaw iyon ng pansin sa amin. Kita kong natigilan din s'ya sa klaseng tingin ko at napatikhim.

“Hindi po, Sir. Pamangkin ko si Vionna,” ngiting pagtatama n'ya at hinawakan ang balikat ni Vionna.

Tila nawala bigla ang tinik sa aking dibdib at lalamunan nang malaman iyon. Medyo nabigla ako ngunit... Magaan na ang pakiramdam ko sa aking nalaman.

Ngumiti ako sa kan'ya, mukhang hilaw pa nga iyon dahil sa aking pagkahiya.

“Sorry, Miss, uhmm.” Binalingan ko ang tatlong estudyante sa kaliwang bahagi ko. “Pinatawag ko kayo lahat Nanay dahil may ginawang kalokohan ang anak n'yo.”

Kalahating oras ang ginugol ko sa pag-aayos ng kanilang problema. Humingi naman ng tawad ang tatlo kay Vionna na agad namang ikinatango nito.

Humingi rin ng tawad ang mga Nanay sa Tita ni Vionna, tanging pag-iling at ngiti lamang ang sinukli nito. Mabait at maintindihan s'yang tao base sa aking nakikita ngayon.

Napabuga ako ng hininga nang mag-isa na lang akong naglalakad sa labas ng building. Uwian na at ngayon ko lang namalayan. Kakaunti lamang ang nga estudyante rito at ang iba'y papauwi na.

Ngiwing napakamot ako sa pisngi habang naglalakad. Nakalimutan kong hingiin ang pangalan ng Tita ni Vionna kanina dahil na rin sa na-distract ako sa kan'yang mukha. Tila anghel s'ya na bumaba sa langit para sunduin ako. Hayst, kung ano-ano na ang sinasabi ko.

“Sir Gomez.”

Kusang tumigil ang mga paa ko at agad na paangat ng tingin nang marinig ang malamyos na boses na iyon. Dumako ang mga mata ko sa nakangiti n'yang labi habang papalapit sa akin.

Tila nabingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso. Hindi naging malinaw sa aking paningin ang paligid bukod lamang sa kan'ya.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro