Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

- (TNTW) - Chapter 1 : The Orphan's Prayer I

- (TNTW) - Chapter 1 : The Orphan's Prayer I

------------- The Orphan's POV ---------------o

"Pagnamiss mo kami ng mommy mo, Buksan mo lang etong diary at magsulat ka ng mga kwento kung ano-ano ang nangyayari sayo. Nandyan narin ang mga luma kong sinulat sa diary. Kaya palagi kang magsulat araw-araw ha?" Pumapatak na ang mga luha ni daddy...


Nagising nalang ako. Tumayo ako sa kama at binuksan ang drawer ko. Kinuha ko ang diary na binigay saakin ni Daddy... "Miss ko na kayo... Mama...Papa..." Pumapatak na ang luha ko at hinigpitan ko ang pagka-yakap ko sa teddybear na binigay saakin ni Mama at ang diary na binigay saakin ni Papa...


------------- Era Platium's POV ---------------o

Umupo ako malapit sa puno at binuksan ko ang notebook ko. Kinuha ko narin ang ballpen ko saka ko sinagutan ang assignment ko sa subject na computer.

Lumakas ang hangin at nagsilaglagan ang mga dahon galing sa puno at may lumapit saaking lalaki na may suot na black-leather-jacket. Nakatingin siya saakin at napansin ko rin na may pakpak siya sa kanyang likuran.


Hindi ako nagulat at naisip kong namamalik-mata ako kay tumingin ulit ako sa notebook ko at pinagpatuloy ang pag-sulat. Tumingin ulit ako kung saan nakatayo ang lalaki.


Wala akong nakitang lalaki. Ang nakita ko lang ay isang diary na kulay pula. Kaya lumapit ako sa diary at kinuha ko eto. Bumalik ako sa pwesto kung saan ako kanina nakaupo at pinagpatuloy nalang ang pag-sulat at pag-gawa ng assignment.


------------- The Orphan's POV ---------------o

Nawawala... nawawala ang diary ni Papa... hindi ko mahanap... binuksan ko na ang drawer at bukas-sara ko eto ng bukas-sara at paulitulit na hinahanap sa drawer...

Pumapatak na ang luha ko at mas-lalo kong niyakap ang teddybear ko... "Wala na teddy... wala na ang diary na binigay ni papa..." Napa-upo ako sa sahig saka ako lumuha ng lumuha habang yakap-yakap ang teddybear na binigay saakin ni Mama...


------------- Archon's POV ---------------o


"Sigurado ka ba sa ginawa mo Marcus? mas-lalong naging malungkot ang bata..." Sabi ko kay Marcus. Dahil naawa na talaga ako sa bata. Namimiss na nga niya ang kanyang mga magulang tapos kinuha pa ni Marcus ang diary at binigay sa next-in-line na si Era Platium.

"Sigurado ako. Trust me." Sagot nalang ni Marcus, Habang pinapanood namin at binabantayan si Era Platium.


"Marcus, Pumunta ka sa lupa at doon mo bantayan si Era Platium at hindi ka dito na naka-luhod at binabantayan siya sa pag-panood sa tubig dito sa langit." Pag-utos ko sakanya.


"At ako ang magbabantay sa bata." Pagpatuloy ko. Tumayo siya at nilabas ang kanyang pakpak. "Sige na nga!" Sagot niya at siya'y pumunta sa lupa upang bantayan si Era Platium.


Habang ako dito, Pinapanood ko at binabantayan ko ang bata na nagdudusa at malungkot. "Nakakaawa na talaga..." Bulong ko nalang sa sarili habang naririnig ko ang iyak ng bata.


------------- Marcus' POV ---------------o

Tahimik akong pumasok sa kwarto niya at binantayan siya. Hindi niya ako nakikita hanggang malagyan ko siya ng poussière para makita niya ako.


Nakita ko siya, nakatitig sa diary at iniisip kung bubuksan pa ba niya eto at babasahin o hindi na bubuksan at hindi narin babasahin at itatabi nalang malapit sakanyang tabi at babalik sa may-ari kung may naghahanap neto.


Sa huli, bubuksan na niya sana ang diary niya ng bigla nalang siyang napa-hawak sakanyang ulo. Ani mong sumasakit ang kanyang ulo at naguguluhan sa kanyang gagawin.


Pinilit niyang lumapit sa Diary at mahawakan eto pero hindi niyo eto magawa na para bang may tumitigil sakanya para mahawakan ang diary.


Niliwanan ko ng mabuti ang mga mata ko kung meron akong makikitang pumipigil kay Era Platium para buksan ang Diary.


At nakita ko nga. Ang anak ng kaaway naming demonyo. Si Maltron , Ang anak ng demonyo na gustong magka-gulo ang mundo ng tao at hayop at bumuo ng kasamaan sa lupa.


Nakita ko si Maltron na hinahawakan ang kamay ni Era Platium at pinipigilan etong hawakan ang Diary na para bang may sikretong nakatago dito. Nakita ko rin siyang binubulungan niya si Era Platium at narinig ko rin na sinabi niyang wag hawakan ang Diary.

Agad ko namang sinugod si Maltron pero bigla bigla nalang siyang nawala ng alikabok at nahawakan ni Era Platium ang Diary at mag-isa etong nagbukas.

Lumutang ang Diary at humangin ang mga pahina ng Diary at huminto eto sa isang pahina. Ang huling pahina na sinulatan ng bata.

"Gusto ko lang sanang mabuhay ulit si Mama at Papa at matapos ko ang pangakong sinabi nila saakin na... na... wag ako sumuko at wag rin subukang tapusin ang buhay ko... Miss ko na kayo... Mama at Papa..."

------------- Archon's POV ---------------o

Nakita ko nalang ang bata, nakaluhod sa higaan niya at magkadikit ang dalawa niyang kamay saka siya nagdasal ng mahinahon habang lumuluha siya.

Hindi ko marinig ang kanyang dasal dahil sa sobrang hina ng kanyang boses at dahil hindi rin naman kami ang diyos para makarinig kami ng dasal kahit sobrang tahimik.

Kaya, pinanood ko lang ang bata na nagdasal at humiga na sa kama niya. Lumuluha parin ang bata hanggang nakatulog siya sa kanyang higaan.

o ------------- FIN I --------------- o


Extra: Ang mundo ay ginawa ng diyos at kilangan natin to alagain. At minsan may fantasy rin ang mundo natin kaya marami tayong nalalaman katulad ng mga dragon,aswang,fairy, at iba pa. Minsan, lahat ng mga dasal natin ay nasusulat sa isang libro o isang nota at nanatili doon. Dahil ang dasal na iyon ay nagpapatunay na mahalaga ang dasal at pinapahalagaan mo ang dasal na iyon at parang na rin na gusto mong magkatotoo ang dasal na dinasal mo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: