Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

X: A NEW CHAPTER

THE NAMELESS
••X: A NEW CHAPTER••

❌❌❌

KIRA'S POV

April 23, 2017

Kakauwi lang namin ni Mama at Papa galing airport dahil hinatid namin si Kuya. Si Kuya Kyro lang ang mag-isang bumalik sa States . I have decided to stay here for some reasons. Ang alam ni Kuya, nagpa-iwan ako dahil gusto kong makipagbonding muna kila Mama at Papa gayundin sa mga kaibigan ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na rason ko. Dahil kung malaman niya, alam kong siya ang unang tututol sa mga plano ko.

I have many reasons kung bakit ako nagpaiwan. Isa na dun ay ang masinsinan at harapharapang humingi ng tawad sa mga magulang ng mga kaibigan ko. Oo ngat nakita ko na ulit ang mga pamilya nila pero hindi ko nagawang makipag-usap sa kanila. Hanggang tingin at yuko lang ang nagawa ko nung sa mesa last two days. Gustuhin ko mang lapitan sila, pero hindi ko magawa. Halata kasi sa mga mata nila na ako parin ang sinisisi nila. At dapat ko ng wakasan ang pagkaduwag ko. Dapat ko na silang harapin.

"Are you really sure about this, Kira?" paniniguradong tanong ni Joven sa akin.

Nasa loob kami ng kotse niya ngayon habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada. Patungo kami sa bahay ng isa kong namayapang kaibigan para makipag-usap sa pamilya niya. Matagal ko nang gustong gawin itong plano ko at nakapag-desisyon na talaga ako. Haharapin ko na sila. Oo, haharapin ko na ang mga magulang ng mga kaibigan ko.

"Yes, Joven. I have already decided this after the mass two days ago. Masyado na akong naduwag para takbuhan ang mga kasalanan ko. Dapat ay matagal ko na itong ginawa." mahabang paliwanag ko sa kanya habang diretsong nakatanaw sa daan.

"Una sa lahat, hindi mo naman kasalanan ang mga nangyari 3 years ago. At hindi mo rin kasalanan kung naduwag ka. Lahat naman ng tao naduduwag..." aniya habang seryosong minamaneho ang kotse niya.

"I know. It's just that...binabagabag parin ako ng konsensya ko sa mga nangyari. At hindi ako mapapakali kung hindi ko makuha ang kapatawaran nila. And this is the right time para harapin sila." tugon ko sa kanya.

"Naiintindihan kita. Let's just hope for the good outcome of this." he answered in a monotone voice.

After hearing those words, parang may kung anong naramdaman ako. Bakit pakiramdam ko hindi maganda ang kakalabasin nito? Or sadyang masyadong negatibo lang akong mag-isip. Sana nga...sana maganda ang kalabasan nito.

Matapos ang isang oras na pag-byahe namin ni Joven ay narating na namin ang bahay nila Bjay. Agad na ipinark ni Joven ang sasakyan sa may gilid ng bahay. Nauna siyang lumabas habang ako ay nagdadalawang-isip pa.

Ano naman bang problema sa'kin? Akala ko ba handa na ako? What's wrong with me?

"Let's go?" napukaw ni Joven ang atensyon ko. I didn't noticed I was dumbfounded at this moment.

"Yeah. Let's go." mahina kong tugon sa kanya at lumabas na ako ng tuluyan sa kotse.

Agad na nag-doorbell si Joven. Just seconds passed, may nagbukas ng gate at iniluwa nito ang isang matandang babae na sa tingin ko nasa mga 60's na.

"Sino po sila?" malumanay na tanong ng matanda sa amin.

"Good afternoon po. Ako po si Joven at ito po si Kira, mga kaibigan po kami dati ni Bjay." diretsong sagot ni Joven sa matanda.

"Kayo ba iyong sinasabing nabuhay sa mga kaibigan ni Sir Bjay?" tanong ng matanda at halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Opo. Gusto po sana naming makausap ang pamilya ni Bjay, kung pwede po sana?" dagdag ko habang nakatitig sa matanda.

"Pasok muna kayo iho't iha." aniya at agad niya kamng pinapasok sa loob.

Sumunod lang kami sa matanda at inihatid niya kami sa sala ng bahay nila Bjay. Inikot ko ang mga mata ko sa buong sala ni Bjay at nakita ang kagandahan nito. Mahilig pala sila sa mga paintings at halatang mamahalin ito.

Iniwan kami nung matanda at tahimik lang kami ni Joven na naghihintay dito sa kung sino man ang haharap sa amin. Mga ilang minuto rin ang hinintay namin bago lumapit sa amin ang mama ni Bjay. Papalapit palang siya ay tumayo na kami ni Joven.

"Good afternoon po." agad na bati ni Joven sa mama ni Bjay nang makalapit ito sa amin.

"Good afternoon po." segunda ko naman.

"Good afternoon, too. Please sit down." mahinang ani mama ni Bjay.

Tumango naman kami ni Joven at agad na umupo ulit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula. Pero bago pa ako makapagsalita ay nauna na ang mama ni Bjay.

"Ano'ng sadya niyo?" aniya. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o hindi. Pero wala naman akong nakikitang bakas ng galit sa mukha niya.

"Tita, I know this is too late...but I want to say sorry. Tita, I'm so sorry for what happened with us --- with your son. Alam ko pong wala akong karapatang humingi ng tawad sa inyo dahil sa nangyari sa anak niyo. Pero kahit po hindi ko makuha ang kapatawaran niyo, hihingi parin ako ng tawad." lakas loob kong sagot sa mama ni Bjay.

Ilang segundo na ang nakakalipas pero wala paring sagot ang mama ni Bjay. Mali ba ang paraan nang paghingi ko ng tawad? O mali ba ang mga salitang binitawan ko?

"Nangyari na ang nangyari. Pero iha, matagal na kitang pinatawad. Hindi mo kasalanan na nawala ang anak ko. Natanggap ko na ang lahat at napatawad na kita." malumanay na saad ng mama ni Bjay.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Hearing those words, para si Bjay mismo ang nagpatawad sa akin. Para ko naring nakuha ang kapatawaran mula sa kaibigan ko.

"Tita, I'm so sorry. And...labis po akong nagpapasalamat dahil pinatawad niyo po ako." hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tuluyan na akong napaluha.

Agad naman tumayo ang mama ni Bjay at lumapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko at pinatayo ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang may tipid na ngiti sa kanyang labi.

"I know this is what Bjay wants to happened. Alam kong napatawad kana ng anak ko." dahil sa mga sinabi niya ay agad akong napayakap kay Tita.

"Thank you..." mahina kong saad habang lumuluha at yakap-yakap ang mga mama ng kaibigan ko.

"Thank you, Bjay." dagdag ko.

Matapos kaming magkapatawarn ng mama ni Bjay ay agad na kaming umalis ni Joven.

Mahaba-haba pa ang araw at madami pa akong haharaping mga tao. Naging matiwasay ang unang pagharap ko. At sana...ganun din sa mga susunod pa.

•••••••••
Author's Note:
HEEEEEEEELLLLLOOOOOOO!
Sa tinagal-tagal ng araw, sa wakas nakapag-update narin ako. WOooo! It's been what? 2 months, I think. Grabe! Sana tuloy-tuloy na itong paggana ng utak ko para mapadalas ang update ko dito at sa mga ibang stories ko.

Kapit lang! Katulad nang pagkapit ni Kira sa pag-asang mapapatawad siya. Chos.

Basta, yun na yun. See you on the next update guys!

Nagmamahal,
ATENG ZK

P.S. Para sa'yo Sis SsejnelReyb ang chapter na ito. Salamat sa pag-aabang sa kakahantungan nila Kira at Joven. Mabubuhay pa kaha sila? 😉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro