Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VIII: LOVE BY BLOOD

THE NAMELESS
••Chapter 8: Love By Blood••

❌❌❌

KYRO'S POV

It's been 30 minutes na ang nakakalipas matapos tumawag ang kapatid ko na papunta na daw siya dito sa bar na kinaroroonan ko. Pero ni wala pa akong isang text na natatanggap ulit mula sa kanya. Where the hell is she? Shit. I really hate waiting. Yes, I have this tendency to get pissed easily pag pinaghihintay ako ng matagal. Pero this time, iba ang kinaiinis ko. I hate waiting for my sister knowing she's out there alone. Ayaw kong umaalis siyang mag-isa. She's too fragile being alone. Damnit. Asan na ba siya?

Tinignan ko ulit ang phone ko nagbabasakaling may text mula sa kapatid ko. Pero ikinadismaya ko ng makitang walang text mula sa kanya. Kaya't marahas akong tumayo sa kinauupoan ko para lumabas ng bar.

"Oh Kyro, where are you going?" tanong ng barkada ko.

"Susunduin si Kira. I'll be back." sagot ko.

Mabilis kong tinahak ang entrance ng bar at nagdiridiretso sa kalye. Bumungad sa akin ang mga iilang taong napapadaan. Agad kong inilinga-linga ang ulo ko sa paligid para tignan kung andito na siya. Pero wala ni anino ng kapatid ko ang naaninag ko.

Agad akong napaisip kung saan siya pwedeng makita, their spot area. Malapit lang yun dito at baka andoon pa siya. Maybe, I should pick her there already. Baka nalasing na siya at tuluyang hindi na nakapunta dito.

Kinuha ko sa bulsa ko ang susi ng motorsiklo ko at agad binuhay ang makina nito. Pinahuhurot ko ito kaagad, not minding the disturbing sound of my big bike makes. The hell, I care. All I care for now is to find my sister. Safe and sound..

Tinahak ko na kaagad ang daan papunta sa spot area na tinatambayan ng kapatid ko. Dahil malapit lang ito ay mahigit 5 minutes lang ay narating ko na agad ito. I immediately went to the side of the convenient store hoping to find my sister's presence. But to my dismay, I couldn't find her. I cuss nonstop.

"Fuck" malutong kong mura habang pabalik sa motorsiklo ko.

Where the hell is my sister?

❌❌❌

Third Person's POV

Naiwang nakapako si Kira sa kinatatayuan niya matapos ang nangyari kanina. Kahit kinakabahan man ay hindi parin siya lumayo at pilit hinahanap ang taong nagdulot sa kanya ng takot sa buo niyang katawan. Pero bigo siya dahil wala paring ibang taong nakikita niya.

Biglang nabalik sa reyalidad si Kira ng makarinig siya ng tunog ng motorsiklong paparating. Bahagya pa siyang napapikit dahil sa liwanang na dulot ng head light nito. Napaatras pa si Kira ng mapagtanto na diretso sa kinatatayuan niya papunta ang motorsiklo. Tila naestatwa si Kira ng makitang mabilis ang pagharurot ng motorsiklo sa kinatatayuan niya. Otomatikong iniharang ni Kira ang dalawang kamay sa mukha niya nag-aakalang mabubundol siya.

Ilang minuto ding naestatwa si Kira pero taliwas sa inaasahang mangyari ay hindi siya nabundol ng motorsiklo. Akma na sanang imumulat ni Kira ang mga mata niya ng mapagtantong hindi na umaandar ang motorsiklo. Pero bago paman niya magawang imulat ang mga mata niya ay biglang naramdaman ng dalaga ang isang mahigpit na yakap na tila kinukulong siya sa bisig ng taong yumayakap sa kanya.

"Damnit. Where the hell did you go?" bulalas ni Kyro habang yakap yakap ang kapatid.

"Kuya?" kunot noong napatingala si Kira sa mukha ng lalaking nakayakap sa kanya, ang kanyang kapatid.

Marahang kumalas si Kyro sa pagkakayakap sa kanyang kapatid at napalitan ang kaninang mukhag nag-alala ng maasim na mukha. Matalim ang mga titig ni Kyro na tila nangungusap at naghihintay ng eksplenasyon sa kapatid.

"I said, where the hell did you go? Sabi mo papunta ka na. Fuck Kira, mag-iisang oras na." galit na galit na bulalas ni Kyro.

"I'm sorry Kuya.." mahinang sambit ng dalaga.

"Tss.." Kyro hissed.

"Let's go." saad ni Kyro at hinila na ang kapatid patungo sa motorsiklo nito.

❌❌❌

KIRA'S POV

I'm not drunk, but I feel cloudnine. Lutang na lutang ang pakiramdam ko habang tinitignan ang mga neon lights na nasa paligid ng loob ng bar. Matapos ang mahabang rant ni Kuya kanina at paliwanagan sa nangyari ay napagdesisyunan namin na bumalik parin sa bar.

Hindi na ako pinayagan ni Kuya na uminom pa dahil baka mawala na ako sa sarili ko. The heck, his treating me like a kid again. Pero buti nalang talaga napaniwala ko si Kuya sa kasinungalingan kong pinagsasabi kanina. I didn't told him the truth. At wala akong planong sabihin sa kanya ang totoong nangyari. I just said na kaya ako natagalan dahil I coincidentally saw my old friend and have a chitchat. Buti nalang bumenta ito kay Kuya.

Busy si Kuya ngayon sa pakikipag-inuman sa mga barkada niya, while me slowly drinking a glass of lemonade. Di parin mawala sa utak ko ang nangyari kanina. Who is that guy? Why he wants my life? Akala ko ba tapos na ako sa ganitong mga tagpo. May ibang tao pa bang may lihim na galit sa akin? Damn! Ayaw ko ng madamay pa si Kuya dito at maging ang mga magulang ko. Kaya mas mabuti pa sigurong isarili ko nalang ang lahat. At isa pa, hindi ito ang panahon para pagtuonan ko ito ng pansin. I still have more important thing to do than to worry about my life. Hindi ko nga alam kung baka joke lang ito. Ano na ba itong mga iniisip ko? Para na akong tanga dito habang pinaglalaruan ang baso ng lemonade at pinapaikot ang ice nito.

"Are you okay?" biglang tanong ni Kuya habang naka arko ang isa niyang kilay.

"Yeah." tipid kong sagot at bahagyang nginitian siya.

But truth is, I don't even know if I'm really okay. Winakli ko nalang muna ang mga bumabagabag sa akin at nilunod ang sarili ko sa ingay ng music ng bar.

❌❌❌

Author's Note:
Zup readers! Pasensya sa lame update. Waley eh. Lutang din ang utak ko. Haha. Sorry also if this chapter have too many shifts of POVS. Hihi.

I'll try to make the next updates longer. Sana gumana na ang utak ko. Haha. Osya, dito nalang. Ciao!

Pumapatay,
ATENG ZK

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro