Prologue
THE NAMELESS
••Prologue••
❌❌❌
Hi @myjeilapad SALAMAT sa pagtyaga po sa mga stories ko. :D
❌❌❌
KIRA'S POV
April 21, 2015
One year ago, I had experienced the most tragic moment in my life. Akala ko noon ay bangungot lang yun lahat at kapag gumising ako ay maibabalik ko ang mga buhay na nawala. Hindi parin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng yun. And, I was the one to put in blame. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang mga kaibigan ko at ako ang dahilan kung bakit nilamon ng kasamaan ang kapatid ko. Sana kung saan man sila ngayon, I can still have their forgiveness.
Exactly one year ago, many lives had lost. This is the first death anniversary of my friends and including my dear brother. Andito ako ngayon sa sementeryo habang pinagmamasdan ang puntod ng kapatid ko.
"I'm sorry, Jp." mahina kong bulong habang hinahawakan ang puntod niya.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at kusa na itong dahan dahang pumatak. Wala akong ibang magawa kundi umiyak at humingi ng tawad.
"Sana napatawad mo na ako. I love you brother." dagdag kong sambit sa gitna ng mga luha ko.
Napatigil ako sa pagsasalita ng may isang kamay na humawak sa balikat ko. Agad namang umupo sa tabi ko ang taong ito.
"Alam kong napatawad ka na ng kapatid mo. Sana patawarin mo na din ang sarili mo." sensirong suhestyon ng kasama ko.
Agad kong inihilig ang mukha ko sa kinauupuan ng kasama ko at nakita ang bahagya niyang pagngiti. Sa kabila ng nangyari ay masaya ako dahil kahit papaano ay may naiwan pa din sa akin. Nagpapasalamat ako na maliban sakin ay nakaligtas din ang isa ko pang kaibigan, si Joven. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at kay Jegs. Kung hindi dahil sa kanilang dalawa ay maaaring isang malamig na bangkay na din ako.
"Sana.." mahina kong tugon ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at iniangat ang ulo niya para pagmasdan ang langit. Alam kong labis din siyang nasaktan sa pagkawala ng mga kaibigan namin.
"Kaylangan na nating umalis. Dumidilim na." aniya.
"Okay." tipid kong sagot.
Agad kaming tumayo at pinagpagan ang mga sarili namin. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ulit ang puntod ng kapatid ko bahagyang ngumiti. Tuluyan na kaming umalis ni Joven sa sementeryo.
❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
"Maghihiganti ako.." mahinang bulong ng isang taong nakatitig sa direksyon nila Joven at Kira.
Sa kabila ng bulong niya ay bakas sa kanyang mukha ang labis na galit at poot. Marahas ang pagkakuyom niya ng kanyang kamao at hindi niya alintana ang sakit ng pagbakas ng kanyang mga kuko sa kanyang palad.
Nakasentro lamang ang kanyang atensyon sa dalawang magkakaibigan. Hindi na niya nagawang ikubli ang kanyang luha na kusang tumakas sa mata niya. At marahas niya itong pinunasan gamit ang kamaong nakakuyom pa din.
Tuluyan ng umalis sila Joven at Kira pero napako parin sa kinatatayuan ang taong nakamasid sa kanila. Parang ano mang oras ay handang sumugod sa kanila. Pero mas pinili niyang walang gawin kundi pagmasdan ang unti unting pag alis ng dalawa. At naiwan siyang mag isa nalang sa sementeryo.
"Hindi pa tapos ang lahat. And this time, I'll make sure you'll gonna taste what real hell is." saad niya. Sa bawat pagbigkas niya ng kanyang mga salita ay bakas ang labis na galit. Sa pag alis niya ay siyang paglamon ng kadiliman sa buong sementeryo.
❌❌❌
Author's Note:
Zup readers! Is the prologue familiar? Yes! The prologue is exactly the same with the epilogue of the Book I. So, the real story will begin on chapter I. Which is the present time na. Hihi.
Again, uulitin ko na this story is super lame. If you're looking for a perfect masterpiece, this story is not for you. This is just an amateur story with lot of typo errors, grammatical errors and etc.
Sa lahat ng mag cocontinue sa next chaps, THANK YOU ahead already! Please vote and comment. Thanks and ciao! 😁
Pumapatay,
❌ATENG ZK❌
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro