THE NAMELESS
••Chapter 9: Death Anniversary••
❌❌❌
KIRA'S POV
April 21, 2017
They say, you only live once. But the truth is, it's the other way around. You only die once. Bakit andaming taong nakakulong sa maling konsepto ng buhay na sinasabing nabubuhay lang ang tao ng isang beses.
When we take the literal meaning of it, nabubuhay tayo ng maraming beses. The great evidence that can prove that we live not just once but many times, is simply by waking up everyday and still breathing. Paano mo masasabing isang beses ka lang mabubuhay kung araw araw kang humihinga at patuloy na nabubuhay?
Kung sasabihin nating isang beses lang tayo pwedeng mabuhay, dapat hindi na tayo matutulog pa dahil walang kasiguraduhang magigising pa tayo ulit. But the mere fact that we continue to do the act of sleeping and believe that we can still wake up by tomorrow, is a living proof that we can live many times.
So, cut the crap! Hindi lang tayo isang beses mabubuhay. Dahil ang totoo, isang beses lang tayo pwedeng mamatay.
Kamatayan. Death. Isang salita pero malaking epekto ang naidudulot sa isang tao. Isang salita lamang pero kinatatakutan ng lahat. Isang salita lamang pero kayang kunin ang lahat sayo, maging ang buhay mo. Ang isang tao, isang beses lang pwedeng mamatay. Kaya kung oras mo na, ay oras mo na talaga. Hindi mo na matatakasan ang nakatakdang kamatayan mo. Kaya kung may plano ka man unahan ang itinakdang pagkamatay mo at gawin ang isang suicide, mag-isip ka muna ng isang daang beses. Dahil sa oras na wakasan mo ang sarili mong buhay ay wala ka ng magagawa para maibalik pa ang lahat.
Kaya nga tayo patuloy na nabubuhay para iwasan ang isang kamatayan na siyang magwawala sayo sa mundong ibabaw. Hindi tayo parehas kaswerte katulad ng mga pusa na may siyam na buhay. At lalong hindi ka ganun kaswerte na marereincarnate ka as is. Pero sa lagay kong ngayon, maswerte parin ako dahil buhay pa ako hanggang ngayon. Yun nga lang, kapalit nito ang buhay ng mga kaibigan ko.
"Anak, ready ka na ba? Aalis na tayo." nabalik ako sa reyalidad sa biglaang pagtawag ng mama ko sa akin.
"Sandali lang po, Ma." tugon ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ng mukha ko sa salamin.
I sighed when I realized how I look like, a total mess. Kahit anong ayos ko sa itsura ko ay sumasabay pa din ito sa pag-alala sa kung anong nangyari noon sa araw na ito. April 21, 2014. 3 years ago. Masalimoot. Magulo. Malungkot. Masakit. Today reminds me the death of my friends and brother. Hindi ko na siguro maitatago pa na kahit anong patawad ko sa sarili ko ay kasalanan at kasalanan ko parin kung bakit sila namatay. At ngayon, babalikan ko na naman ang trahedyang pilit binubura ng utak ko.
"I'm so sorry guys." nagpakawala ako ng mumunting luha ng damputin ko ang picture frame na nasa study table ko. The last picture with my complete friends bago paman mangyari ang lahat.
I hugged the picture frame. At sa pagyakap ko nito ay sumabay ang tuluyang pagragasa ng mga luha ko. Ang sakit pa din, sobra. Nilunod ko ang sarili ko sa mga luha ko at mahinang hikbi.
"Kira.." someone's voice caught my attention and I glance on the side where the voice came from.
"Kuya.." I softly uttered in between my sobs.
At kusa ng humakbang ang mga paa ko patungo sa pintuan kung asan nakatayo ang Kuya Kyro ko na sobrang puno ng pag-aalala ang mukha. Huminto ako sa mismong harapan niya habang yakap yakap pa din ang picture frame.
"It still hurts, kuya.." saad ko at pinikit ko na ang mga mata ko.
Kinabig ako ni Kuya papalapit sa kanya at kinulong sa mahigpit niyang yakap. Marahan niyang hinagod ang likod ko.
"It's alright.." aniya habang hagod hagod ang likod ko.
Nang maramdaman ni Kuya na humina na ang hikbi ko ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinanguan ako.
"Naghihintay na ang mga kaibigan mo, tara na?" saad ni Kuya.
How I wish na ang mga kaibigan na tinutukoy ni Kuya ay buhay pa. Pero ang totoo isa na lamang silang alaala na gugunitain namin ngayong araw. I sighed and nodded. At bumaba na kami ni Kuya.
❌❌❌
I let out a deep sigh as I see the open door of the chapel where the mass for my friends will be held. Na sa labas palang ako ng simbahan pero nanlalambot na ako. As much as I want to enter the chapel, pero nananaig parin ang takot sa sarili ko. Takot na makita ang mga pamilya ng mga kaibigan ko. Kahit hindi ko pa nakikita ang mga mukha o anino nila, alam na alam at ramdam kong hindi ko pa nakukuha ang kapatawaran nila. And I think I'll forever have this guilt inside me.
"Come on, malapit na magsimula ang mass." napukaw ni Kuya Kyro ang diwa ko.
"Okay." sagot ko na lamang at pinilit ko nalang tatagan ang sarili ko at humakbang na papasok ng chapel.
Pagkapasok namin ng chapel ay agad na lumapit sa amin si Joven. Itinuon ko nalang ang pansin ko muna sa papalapit na kaibigan ko.
"Good morning po Tita, Tito." agad na bati ni Joven sa mga magulang ko.
"Good morning din Hijo." tugon ni mama kay Joven.
"Hi guys." binati din kami ni Joven at tinanguan namin siya ni Kuya.
"Let's go, the mass will start any minute from now." Joven said and then he lead us to where we will sit.
Sa unting paghakbang ko papunta sa may unahan ng simbahan ay natatanaw ko na ang mga larawan ng mga kaibigan ko na nakalagay sa isang mesa sa harapan ng altar. It feels strange seeing their smiling faces on each picture frame. It feels like they are all alive. Pero kahit anong isip ko ng magaganda at positibong bagay ay namamayani parin ang pighati sa puso ko. Dahil tanging sa larawan ko nalang makikita ang mga ngiti nila. A sad truth that forever I will endure.
Wala na akong nagawa kundi ipikit na muna ang mga mata ko ng ilang segundo. Baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman ko. As I open my eyes again, the mass then started.
Tahimik lang ang buong simbahan ng magsimula ang mesa. Ni kahit isang hikbi ay wala akong naririnig. I guess, the family of my friends wants to have this mass to be peaceful and solemn. Tanging boses lang ni Father ang namayani sa buong simbahan.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mesa. Pero nung dumating na si Father sa homily ay tila unti unting kinukurot na naman ang puso ko.
"What is life? Ang buhay ay isang bagay na pinahiram sa atin ng Panginoong maykapal para ating masaksihan at maranasan ang mundong ginawa niya para sa atin. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay para ma-enjoy kung gaano kaganda ang mundong ginagalawan natin. Pero kaakibat nito, ibinigay din sa atin ng Diyos ang ating buhay para maramdaman natin kung paano masaktan. Dahil hindi mo lubusang ma-eenjoy ang iyong buhay kung walang sakit na iyong mararanasan. And that's life, a balance of happiness and sorrow. My dear brothers and sisters, andito tayo ngayon para gunitain at alalahanin ang mga namayapa nating mahal sa buhay. Andito tayo ngayon hindi para alalahanin ang kanilang kamatayan pero para alalahanin ang mga saya na naidulot at naibigay nila sa atin nung silay nabubuhay pa. Mga kapatid, hindi ibig sabihin na namatay na sila ay nawala na sila ng tuluyan. Dahil habang buhay silang mabubuhay dito, dito sa ating puso. They are not be here physically anymore but forever we will remember them and forever will live in our heart. Kinuha man sa kanila ng maaga ang buhay na pinahiram sa kanila pero hindi ibig sabihin na hindi na sila mabubuhay pa dito sa mundong ibabaw. Dahil sa katunayan ay malaya na silang nabubuhay sa puso niyo at binabantayan kayo palagi. Mga mahal kong kapatid, kahit gaano man tayo nasaktan ay dapat nating buhayin ang mga alaala nila. Dahil ang alaala nila ang tanging bagay na magpapaalala sa inyo na sa isang punto ng inyong buhay nagkaroon kayo ng isang magandang pangyayari, at yung ay ang nakasama ninyo sila. Kaya naway gawin nating dahilan ang alaala nila para ipagpatuloy ang magandang buhay na iniwan nila na kayo ang magpapatuloy. May God bless us all."
❌❌❌
Author's Note:
Una sa lahat, SALAMAT NG MARAMI at umabot ka/kayo sa chapter na ito. :)
Secondly, Please bare with me your patience to understand the preach part. Hindi ko kasi alam kung paano o sa anong paraan ko isusulat yung preach. I don't want to put any words that can ruin the holy sacrament or the essence of preaching. Sadyang, yun lang ang nakayanan ko.
At panghuli, sana bigyan niyo parin ng chance ang storya ko at patuloy niyo paring pagtyagaan.
Manunulat,
❌ATENG ZK❌
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro