III: GOODIE OLD FRIEND
THE NAMELESS
••Chapter 3: Goodie Old Friend••
❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Nagpresenta si Whinzy at Martin na sila nalang ang bibili ng pagkain habang hinihintay dumating ang isa pang kaibigan. Bago paman itulak ni Martin ang pinto ng convenient store ay sinulyapan niya ang magkapatid sa table nila at kumawala ng isang buntong hininga.
Agad namang namili ng junk foods at drinks ang dalawa. Habang abala si Martin sa pamimili ng pagkain ay biglang nagsalita si Whinzy.
"It's your time to shine dude." mahinang bulong ni Whinzy kay Martin.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" deretsang tugon ni Martin na abala pa din sa pagtitig sa mga junkfoods na nakahilera sa tapat niya.
"Sus! You know what I mean, Martin." makahulugang sagot ni Whinzy at biglang sumandal sa estante ng mga junkfoods habang nakakibit-balikat. Agad namang nakuha ni Whinzy ang atensyon ni Martin at humarap ito sa kanya.
"Shut up with your goddamn mouth!" kunot noong tugon ni Martin sa kaibigan at pinanlisikan pa ito.
"Don't play dumb here, dude. I know you still have feelings for her. It's been what? 3 fucking years na ang nakakalipas na single na siya. It's not that wala akong respeto kay Cyrie, kahit papaano kaibigan natin siya. Pero alam nating dalawa na nauna ka. And why the hell did you broke up anyway?" seryosong saad ni Whinzy kay Martin. Bakas sa mukha ni Whinzy na totoo ang mga sinasabi niya, malayo sa loko lokong ugali nito.
"Past is past." tipid na sagot ni Martin sa kaibigan at agad bumalik sa pagkuha ng mga pagkain.
Matapos ang seryosong usapan ng dalawa ay agad na silang pumanhik sa counter para bayaran ang mga pinamili. Saktong paglabas nila ng convenient store ay nakasalubong nila ang paparating na kaibigan na hinihintay.
"Kaya naman pala nahuli, may chikababe na dala." nakakalokong pasaring ni Whinzy sa kakarating lang na si Joven at sa babaeng kasama nito. Agad nalang pinanlisikin ni Joven si Whinzy.
"I've killed three people. Gusto mong sumunod?" malamig na saad ni Joven habang nakatitig deretso kay Whinzy.
"Joke! Ito naman, di na mabiro. Tara na, the two K's are waiting." agad na sambit ni Whinzy at nauna ng humakbang pabalik sa table nila.
Agad kumunot ang noo ni Joven sa sinabing two K's ni Whinzy.
"Dude!" tipid na bati ni Martin kay Joven at nakipag high five sa kaibigan. Binigyan niya lang ng tango ang kasamang babae ng kanyang kaibigan bilang pagbati at tumango naman pabalik ang babae.
"Kyro is here also." dagdag na saad ni Martin at tuluyan ng sumunod kay Whinzy.
"Let's go." mahinang sambit ni Joven sa kasama niyang babae at hinatak na ito papunta sa iba pang kasama.
Nadatnan nila ang magkapatid na Kira at Kyro na tahimik lang sa table habang hinihintay sila. Agad namang napansin ni Kira ang mga paparating na kasama at kumawala ng isang ngiti.
"Atlast, you're here already. And is that her?" agad na bungad ni Kira kay Joven. Agad tumango si Joven sa kaibigan bilang pagsang-ayon sa ibig sabihin ng dalaga.
Tuluyan na silang umupo lahat at linatag na ni Martin ang mga pinamiling pagkain. Walang dalawang segundo pa, ay mabilis na hinablot ni Whinzy ang isang chichirya at binuksan ito kaagad.
"Guys, this is Janine my girlfriend. Babe, siya si Martin, si Kira at ang kuya niyang si Kyro at si Whinzy. Wag kang didikit masyado diyan kay Whinzy, virus yan." pagpapakilala ni Joven sa kanyang girlfriend.
"Hi Babe, I'm Virus and your my antidote. Please save my dying heart." nakakalokong pagpakilala ni Whinzy sa girlfriend ni Joven habang nakalahad ang kamay nito na tila hinihintay makipagshake hands ang dalaga.
"Hi Afro man, I'm Knife Man. I stabbed people to death, specially those who betray me." malamig na tugon ni Joven at mabilis na kinuha ang kamay ni Whinzy at hinawakan ng mahigpit.
"Aray! Mama Kira oh! Si Joven mapanakit. Hu hu hu hu." kunwaring nasasaktan na sagot ni Whinzy habang hinihimas ang kamay.
"Pacensya ka na Janine. Takas sa mental 'tong si Whinzy eh. Hehe." agad namang humingi si Kira ng paumanhin sa inasal ng kaibigan sa dalaga.
"No, it's okay." malambing na tugon ni Janine at bahagyang ngumiti.
Naging masaya ang pagkikita muli ng magkakaibigan sa kabila ng pagkawala ng iba pang mga kasama. Kahit masaklap man ang kinahinatnan ng ibang kaibigan ay pilit nilang pinapakita na masaya pa din sila. Halos isang oras na silang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Makikita sa kanila ang mga halakhak katulad ng dati. Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasayahan ay biglang binasag ni Kira ang mga tawa nila.
"Guys, what's your plan?" seryosong tanong ni Kira.
Alam na ng mga kaibigan niya ang ibig sabihin ng dalaga. Agad namang napalitan ng seryosong mukha ang mga magkakaibigan.
"Pareho ng dati, magpapamisa tayo kasama ang mga pamilya nila." agad na suhestyon ni Joven.
"The same on the 1st death anniv nila? Was the second year the same on the first? I'm sorry guys kung wala ako last year." mahinang sagot ni Kira.
"Okay lang Kira, naiiintindihan ka namin." agad na tugon ni Martin sa dalaga.
"Oo Kira, naiintindian ka ni MAR-TIN. Este namin pala." saad ni Whinzy.
Agad nginisihan ni Whinzy si Martin ng nakakaloloko tila may pinapahiwatig ito sa kaibigan. Alam ni Martin ang ibig sabihin ni Whinzy at siniko ito bigla.
"What's wrong?" naguguluhang tanong ni Kira kay Whinzy.
"Nothing. Hehe." ngising sagot ni Whinzy.
"Pareho lang naman yung 2nd death anniv nila Kira. Yun nga lang may ibang pamilya na mas pinili nilang maging private ang pag-alala ng pagkamatay ng anak nila." singit na paliwanag ni Joven sa dalaga.
"Okay. I hope, napatawad na ako ng mga parents nila. Nung unang taon kasi, I could still see hatred on their faces. Alam kong akong sinisisi nilang lahat." malamig na tugon ni Kira.
Agad namang hinawakan ni Kyro ang kamay ng kapatid na kanina pa nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga kaibigan niya. Maging si Janine ay tahimik ding nakikinig na tila may alam na kung anong pinag-uusapan ng mga taong kasama niya.
"Guys, I still have one question on my mind?" seryosong tanong ni Whinzy at inilapit pa talaga niya ang mukha niya sa gitna ng table.
"What is it?" kunot noong tanong ni Kira.
"How was it being on a mystery-thriller-vengeance-family-affair-killing thing?" halos pabulong na tanong ni Whinzy habang nakalagay ang isang kamay sa gilid ng bibig para hindi marinig ng ibang tao ang sinasabi niya.
Namayani sandali ang katahimikan. Tila hindi makasagot sila Kira at Joven. Naaalala palang ng dalawa ang sinapit nila at ng iba pa nilang kaibigan, ay takot ang bumabalot sa kanila.
"No exact word can describe what we had experienced." sagot ni Kira. Ilang segundo pa bago nabitawan ng dalaga ang mga salita. Dahil sa lahat ng sangkot sa insidenteng nangyari sa kanila, ay higit na siya ang pinaka-naapektohan.
"Hays. Kung andoon sana ako, nailigtas ko siguro ang iba gamit ang supernatural kong lakas." pakunwaring nanghihinayang na sagot ni Whinzy.
"If you were there, ikaw siguro ang unang pinatay ni Jp dahil sa tabas ng dila mo. Daig mo pa ang babae kung makatalak." suhestyon ni Martin sa kaibigan.
Agad napako si Kira sa akmang pagsubo ng isang pirasong chichirya dahil sa narinig. Sa pagbanggit lang ng pangalan ng kanyang kapatid ay labis na kirot ang idinulot nito sa kanya. Tila may kung anong tumutusok sa dibdib niya na nagpapaalala sa kanyang paghihinagpis na hindi pa tuluyang humuhupa.
"Bulls eye! Wrong move, dude." mapanuksong saad ni Whinzy kay Martin.
"Kira, hindi ko sinasadya. I'm sorry.. Hindi.." agad na nagpaliwanag ang binata sa hindi sinasadyang pagbanggit at deretsang pag-akusa kay Jp.
"Okay lang." tipid na sagot ni Kira.
Nagpatuloy ang magkakaibigan sa pag-uusap sa mga plano nila. Pero dahil sa mga nasimulang pag-ungkat sa mga nangyari ay halata ang namuong tensyon sa kanilang lahat. Tila iwas na ngayon sila Whinzy at Martin na makapagbitaw ng mga salitang magdudulot ng sakit sa ibang kasama lalong lalo na kay Kira.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro