Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II: EMPTY GUN

THE NAMELESS
••Chapter 2: Empty Gun••

❌❌❌

KIRA'S POV

One of the great things I missed here in the Philippines is the long night compare to the states. Mas masarap parin talagang matulog dito sa Pinas. I know it's already morning, pero ayaw ko paring imulat ang mga mata ko. Tinatamad pa ako masyado, dala narin ng jetlag.

Because I'm too lazy to do so, I decided to drown myself in my soft pillow. Pero pag minamalas ka nga naman. Ang aga aga may disturbo. Namayani ang ringtone ng phone ko sa buong kwarto. Sino ba namang asungot ang tatawag ng ganito kaaga. Kahit ayaw ko mang sagutin kung sino ito pero nakakabulabog ang tunog ng ringtone ko. Kaya kinapa ko nalang ang phone kong nasa side table habang pikit matang ginagawa ito.

"He...." mahina kong bulong ng masagot ko ang tawag. Bago ko paman matapos ang salita ko ay agad ng nagwawala ang taong nasa kabilang linya. Takte. Kilala ko 'tong tumatawag, the great Afroman.

"Zup Kirara! What took you so long para sagutin ang tawag ko? Hindi mo ba ako namiss? Hindi mo ba namiss ang kapogian at kamachohan ko ha? Damn. Don't tell me, nakahilata ka parin? Hoy! Ano..." mabilis na talak ni Whinzy sa kabila ng linya. Wala parin siyang pinagbago, talks like a machine gun.

"Curse you dude!" malamig kong sambit matapos niya magsalita. Hindi ko na naintindahan pa yung mga ibang sinabi niya.

"Ano na?" tipid niyang sagot.

"Ha?" kunot noo kong tanong sa kanya pabalik.

"Damn. Hindi ka naman ata nakikinig sa sinabi ko kanina eh. I was asking you if tuloy ba tayo mamaya?" aniya.

Biglang nabalik sa realidad ang utak ko, parang binatukan ako bigla ng mapagtanto ko kung anong ibig niyang sabihin.

"Ah.. Yes! Tuloy tayo mamaya, I already texted Joven and Martin. Same time, same spot." tugon ko sa kanya.

"Copy. Bye Kirara!" mabilis niyang sagot at agad akong binabaan.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa pagtawag niya sakin ng kung ano ano. He's that type of dude. He calls us whatever shitty names he want. Pero sa kabila ng pagiging gago niya, masaya pa din ako because I still have a friend like him. Hindi ko alam kung sineswerte ba siya o anak siya ni kamatayan at nasabihan siya na wag sumama samin nung outing. He said he was broke that time kaya hindi siya nakasama. Good thing na din siguro dahil dun hindi siya nasali sa trahedyang kinasangkutan namin ni Joven.

Bago ko paman ilapag ang phone ko ay tinignan ko kung anong oras na. Kaya naman pala kung makapambulabog si Whinzy ay past eleven na pala. Napasobra ata ako sa tulog. Agad nalang akong bumangon at tinali nalang ang buhok ko, in a messy bun way. Tamad na tamad man ay bumaba na ako at dumretso sa kusina namin. Saktong nadatnan ko si Kuya na umiinom ng juice.

"Pahingi.." agad kong hinablot ang baso ni Kuya at mabilis na nilagok ang juice.

"You get your own juice, payatot." saway ni Kuya sakin.

"Hehe." nginisian ko nalang si Kuya matapos kong ilapag ang baso ng juice at umupo ako sa tabi niya.

"May gagawin ka ba mamaya, Kuya?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Bakit?" diretso niyang sagot habang ngumunguya ng sandwich.

"Paabot ng sandwich, please." malambing kong saad habang nakapahalumbaba sa mesa.

"Wala kabang kamay? And get your face out of the table, you dumbass." pinanlisikan ako ni Kuya habang inaabot sakin ang isang piraso ng sandwich. Ayaw na ayaw kasi ni Kuya na magpahalumbaba ako sa mesa, kawalan ng respeto daw kasi sa pagkain.

Agad ko namang inalis ang mukha ko sa mes at umayos ng upo. Sinubo ko ang sandwich at inabutan naman ako kaagad ni Kuya ng juice. Despite sa lahat ng nangyari, I'm still blessed. Napapalibutan kasi ako ng mga taong alam kong mahal ako. Kahit ganito kami mag-usap ni Kuya Kyro, alam kong mahal niya ako. He may be the rudest Kuya, but he is the most caring anyway. Sayang lang, tatlo sana kami kung di lang dahil sa pagiging makasarili ko.

"Kuya, samahan mo ako mamaya. I'll meet my friends, same spot." saad ko.

"Okay." matipid na tugon ni Kuya.

Hindi narin naman iba si Kuya sa mga kaibigan ko. He used to be one of us bago paman siya nag trabaho abroad. He even closed to Jegs, kaya nanghinayang din siya sa pagkawala nito.

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

ff.. 5pm

Dumating ang magkapatid na Kira at Kyro sa isang convenient store malapit sa isang gas station sa syudad. Unang dumating ang dalawa kaysa sa mga kaibigan nila.

"I knew it. Ako lang talaga ang on time pag ganito, walang pinagbago. Tsh." pagyayamot na sabi ni Kira ng marating nila ang gilid ng convenient store.

The convenient store is not that big, sakto lang. Sa gilid nito ay may mga nakahilerang mga mesa't upuan para sa mga customer na gustong tumambay. Agad na umupo sila Kira at Kyro sa duluhan.

"You okay?" tanong ni Kyro ng makitang biglang sumimangot ang kapatid.

"I'm okay Kuya. It's just that, pagkadating na pagkadating ko dito noon ay nagpapareserve agad ako ng tatlong table para samin lahat. You know how many we are. It feels oddly awkward na isang table nalang ang magagamit namin ngayon." malamig na tugon ng dalaga.

Agad na tinapik ni Kyro at kapatid sa balikat para ipanatag ang loob nito. Alam ng binata na hindi naging madali sa kapatid niya ang tanggapin na sa isang iglap mawawala ang mga kaibigan nito.

"Natext mo na ba sila?" pag iiba ng usapan ni Kyro.

"No need, their here." agad na sagot ng dalaga habang nakatingin sa labas ng convenient store.

Dumating na din ang iba pang kaibigan ni Kira, sila Whinzy at Martin. Si Joven nalang ang wala pa.

"Yoh Shakira!" agad na bungad ni Whinzy ng tuluyang marating ang table nila Kira.

"Hi Kira, hi Kyro." bati ng Martin sa magkapatid.

"Hi." tipid na sagot ng dalaga at tumango lamang si Kyro bilang tugon.

"Asan na ba yung Jovenita na 'yon?" agad na pasaring ni Whinzy.

Dahil hinihintay pa nila si Joven na dumating, napagpasyahan muna nila na bumili ng pagkain.

❌❌❌

Author's Note:

How was it so far? Super lame diba? Haha. New characters added po, sila Whinzy at Martin. And same sa first book, they exist in the real world. Mga friends ko pa din sila. Wala sila sa first book kasi tunay na hindi sila sumama samin nung outing namin, which is my basis sa characters ko sa first book. While Kyro on the other side is just fictional. Wala naman kasi akong kuya, and wala akong maisip na name which is way similar to mine. The convenient store near a gasoline station is exactly the same sa spot area namin ng mga friends ko dati. And yeah, it's true na halos maukupa namin ang isang hilera ng table para magkasya kami lahat. Yun lang ang true to life event dito, the rest are pawang kathang isip lamang.

Suggestions or sino gusto mapasali sa characters? Just comment your name and I'll put you in the dedication corner. Sana bumuto din kayo. Thanks and ciao! 😁

Pumapatay,
ATENG ZK

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro