Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Ring of The Red Girl

Mula sa malayo, kariktan niya pa rin ang nasisilayan. Ang mahaba niyang buhok na taglay ang malatsokolate na kulay. Ang labi niya na malamansanas ang lasa at taglay din nito ang kapulahan at higit sa lahat ang maamo niyang mukha.

"Paalam na mahal kong, Selena Ventry Buena." Huling katagang nasabi ko kasabay ng paghulog ko ng tatlong rosas sa kanyang himlayan.

"Mahal na mahal kita. Salamat, mahal," dagdag kong sabi kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

Makalipas ng halos dalawang taon, hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Selena. Hindi ko inaasahan na maaksidente siya. Nakakainis, dahil yung oras na 'yon wala ako at abala ako sa trabaho. Halos maluha na naman ako ng makita ko ang larawan niya. At kasabay ng singsing na sana ay ibibigay ko para sa kasal namin na gaganapin sana ngayong taon.

Kinuha ko sa lamesa ang maliit na kahon na kulay pula at naroon ang singsing na ibibigay ko sana para sa mahal ko. Kaso wala na siya, wala na ang mahal ko kasabay nang aking pagpikit ang siyang paglamig sa aking kwarto. Napayakap pa ako sa aking sarili dahil sa kakaibang lamig. Ngunit imbes na manigas ako rito tumayo ako at tiningnan ang temperature ng aircon ko.

"Shit! Tumaas naman pala. Hays! Akala ko naman kung ano na," saad ko sa'king sarili. Bagamat ramdam ang pagkabalisa. Hinayaan ko na lang baka sadyang nagkusang tumaas.

Pinatay ko na lang ang aircon at binalik ko sa lamesa ang pulang kahon.

Sa pagdaan ng araw, binabad ko ang sarili ko sa trabaho.

"Oh anak, nandiyan ka na pala! Kumain ka na at mamaya may bisita tayo," saad ni mama na kahit kakarating ko lang galing trabaho ay ganoon pa ang ibubungad sa akin.

Madalas niya kasi akong ipakilala sa kung kani-kanino. Aaminin ko magaganda't talagang may pinag-aralan naman pero, hindi pa rin ako nakakamove on sa pagkawala ng fiance ko.

"Ma, tapos na po ako. Pwede po ba? Huwag ninyo na ako ipilit sa kung kanino pa man 'yan. Ayoko muna nga!" sigaw ko rito at akmang aakyat na sana sa'king kwarto ngunit bigla itong nagsalita.

"Oh, Vincent naman! Halos 2 taon nang wala ang fiance mo. Aksidente ang lahat, sadyang una-unahan lang talaga. Pero sana huwag naman na ganito na hindi ka na makaalis sa nakaraan mo!" inis nitong sabi habang tinuturo pa ako.

"Ma, alam ko naman po. Pero give me a lot of time to move on! Masakit pa rin kahit oo aksidente lahat dahil sa letseng kumag na bumangga sa kanya. Let me forget it first, kailangan ko munang maghilom bago ako magmahal ulit," seryosong pagpapaliwanag ko.

At dumiretso na nga lang ako sa'king kwarto. Ibinagsak ko sa malambot kong kama ang katawan ko at doon bumuhos na naman ang mga luha ko. "Nasaan ka na ba kasi Selena? Bakit naman kasi ang aga mo akong iwan?" sunod-sunod kong sabi. Kasabay ng malamig na presensiya ang bumalot sa akin at ang tinig na tila'y humihikbi. Kasabay ng pagsigaw ni mama mula sa ibaba.

"A-anakkkkkkkkk!" malakas nitong sigaw kaya't nagmadali akong bumangon at binaliwala ang presensiya na nagpapataas ng aking balahibo. At sa aking pagbaba nasilayan ko ang mga patak na dugo sa sahig. Nagmadali akong tumungo sa kusina at nasilayan ko si mama roon nakaupo't hawak ang kamay niya.

"M-maaaa! A-anong nangyari? takang tanong ko at inalalayan siya dahil nagkalat ang mga pinggan na basag na ngayon.

"H-hindi ko alam nak. Nagsihulog kasi ang mga ito. May daga yata na malaki ang dumaan. Tapos yung paghawak ko naman para damputin sana ang mga plato na iyan, eto nasugatan ako," pagpapaliwanag nito.

"Eh bakit po may patak na dugo po roon sa sahig natin?" mapag-alala kong sabi.

"Iyon ba? Dugo niya yata 'yon! Yung dagang dumaan. Hayaan mo linisin ko muna. Nasagutan din yata iyon," saad ni mama sabay turo roon sa sahig na may dugo. Inalalayan ko muna si mama at ako na ang nagpresenta na maglinis dito dahil baka masugatan pa siya.

Nakakapagtaka naman pero hinayaan ko na lang dahil minsan talagang may mga malaking daga rito sa bahay dahil naamoy nila ang masarap na luto ni mama. Pagkatapos kong maglinis ay bumalik na ako sa kwarto pero naligo muna ako bago mahiga muli.

Habang napapasarap ang pagligo ko, nakarinig ako ng tatlong beses na kaluskos.

Hinayaan ko muna iyon dahil baka may kung ano lang sa paligid. Ngunit habang nagshashampoo ako biglang bumuhos ang shower.

"Fuck!" sigaw ko dahil sa pagkabigla. Subalit matapang ako at imbes na matakot o ano hinayaan ko ulit.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa may parang yumakap sa akin, yakap na para bang kakaiba. Kaya't kinalibutan na ako kaya't binilisan ko na ang pagligo ko. Wala pa sa unang minuto ay natapos na rin ako.

Lumabas na agad ako ng CR. Kasabay naman 'nun may papel na tansya ko ay isang bondpaper. Alam ko kasi ang kabuuan ng size at awra 'non.

Kinuha ko iyon at habang nagpupunas ng ulo, nagulat ako sa nakadrawing. Bilog iyon sa gitna na para bang gumamit ng krayola bilang panulat.

Natawa tuloy ako nang bahagya na kanina lang ay kabang-kaba ngayon parang nababaliw na.

"A-ano naman 'to?" sambit ko sa hangin at napataas pa ng kilay.

Hindi ko na lamang pinansin at tinabi na lamang ang papel na iyon. Nagbihis na lamang ako dahil dinalaw na rin ako ng antok.

Habang nagbibihis ako ay parang may kung ano ang kumikiliti sa akin. Hanggang sa tuluyan na nga akong napahiga at para bang biglang may mabigat na pumatong sa akin. Napapikit ako at tila may kung ano na dumampi sa labi ko.

At sa pagdilat ko nawala naman na, ngunit isa lang ang naalala ko si Selena-ang babaeng mahal ko nang sobra.

Sa pagdaan pa nang araw, nasasanay na lamang ako sa paulit-ulit kong routine hanggang sa may makilala akong babae. Ang haba rin ng buhok niya at ang amo rin ng mukha nito. Naalala ko tuloy ang fiance kong si Selena.

"Hi Vincent, kumain ka na? Gusto mo sabay na tayo maglunch?" pagyayaya nito habang nakangiti.

"Ah eh, ano kasi 'wa-" putol kong sabi dahil bigla niya na lang talagang pinatigil ang pagsasalita ko gamit ang hintuturo niya.

"Oh hep! Tara na treat ko!" masaya niyang sagot at hinila na lamang ang kamay ko. Wala akong nagawa para makakalas kaya't nagpatangay na lamang ako sa kanya.

Napadalas na rin ang pagkalabas namin ni Lyzza, ang babaeng ka-workmate ko na ubod din ang kulit. Pero lagi niyang nakukuwento na para bang may sumusunod sa kanya lagi after namin magkasama. Lagi ko tuloy siyang hinahatid sa kanila dahil baka mapapano siya hindi ko naman yata kakayanin iyon.

"Sige na mag-ingat ka, Lyzza." Pagpapaalam ko rito.

"Salamat din Vincent," mapang-akit niyang sagot at
akma sana siyang hahalik sa akin ngunit para bang may sarili isip ang aking katawan at naiwas ako agad.

"S-sorry Vincent," mahiya nitong sabi at tumalikod na at pumasok sa kanila.

Naiwan tuloy akong mag-isa. Hinayaan ko na lang kasabay naman ng pagtalikod para sana sumakay na sa kotse ko ngunit may napansin akong babaeng kahawig ni Selena ang dumaan. Suot nito ang mahabang damit na kulay pula. Subalit imbes na mag-isip tungkol doon minabuti ko na lang ang umuwi.

Nakauwi na nga ako at napaupo ako sa kama ko at napaisip. Halos 2 taon at 6 na buwan na rin ang nakakalipas pero nanatili pa rin ako sa nakaraan, tila hindi rin ako makaalis dahil sa iniisip ko na baka bumalik siya o ano. Kaya't inisip ko na bakit hindi ko
muling buksan ang puso't isip ko? Magmahal akong muli at para tuluyan na akong makaalis sa nakaraan.

Kaya't sa mga nagdaan pang mga araw nagpasya na ako at niligawan ko na nga si Lyzza. Hindi naman ako nahirapan dahil makalipas ang 2 buwan din ay sinagot niya ako.

At kasalukuyan siyang narito sa bahay, inaasikaso niya ako. "Babe, ipagluluto muna kita ha? Magbihis ka muna riyan," sambit nito at tinungo na ang kusina.

"Sige babe. Umakyat ka na lang pagkatapos!" sigaw ko rito at nagbihis na nga.

Habang nagbibihis ako tila nakaramdam ako ng mga kamay na tila yumayakap sa akin. Hinayaan ko iyon baka si Lyzza lang. Ngunit nakakapagtaka dahil bakit nang tingnan ko ay kakaiba na. Ang kamay na nasa tiyan ko ay puro dugo at may bahid pa na sugat pa habang ito ay dumadaing.

Pilit kong hinawakan upang tuluyan na rin alisin. At nang tingnan ko kung sino ay isang babaeng mahaba ang buhok nakamaskara ito at biglang sabing "Awuhuuuu." Ako ang papatay sayo. Awuhuuu! pananakot nito.

Napaupo ako sa pagkabigla, "Happy halloween babe!" malakas nitong sabi sabay halakhak.

HAHAHAHAA! "Ang priceless ng reactions mo, babe kaloka! Sorry na advance lang ako manakot! " malakas nitong sabi habang nakahawak pa sa tiyan dahil tumatawa pa rin.

Napawow na lang talaga ako sa kalokohan ni Lyzza. Mahilig talaga siya sa kalokohan. "Babe talaga! October 30 pa lang eh masyado ka talagang advance," sambit ko rito at niyakap na lang siya nang mahigpit.

Habang nakayakap ako, nakita ko ang pulang box. Nakaisip tuloy ako na surpresahin siya. 'Selena ko, sorry ha? Pero sana huwag kang magalit kong ibigay ko na sa kanya iyang singsing mo.' saad ko sa hangin tila ba nagpapaalam ako dahil baka siya ay magalit. Sapagkat kahit na wala na siya yung respeto at pagmamahal ko ay nanatili pa rin.

Kinabukasan, naisipan kong magdate kami sa labas ni Lyzza dahil 6th monthsary naman na namin. Dinala ko siya sa isang restaurant. Pagmamay-ari iyon ng kaibigan kong si Jayson kaya't nakausap ko siya na kung pwede ipasara niya muna para sa amin ni Lyzza. Pumayag naman ito basta't maging isa rin akong partnership sa company nila.

Sumang-ayon na lang din ako dahil kaibigan ko naman siya at mas okay naman 'yon para makapundar din ng pera kung sakali.

Ilang sandali pa ay dinala ko na nga si Lyzza sa Jay's restuarant. Piniringan ko muna ito tsaka inalalayan.

"Babe? T-teka saan mo ba ako dadalhin? takang sabi nito habang nakahawak sa kanang kamay ko.

"Chill ka lang babe, okay? Ako na ang bahala basta kumapit ka lang. Makikita mo rin mamaya," masaya kong sabi at tsaka pumasok na kami sa loob.

Nakapasok na nga kami sa loob, taglay doon ang malamisteryosong tema ngunit romantiko kaya't kakaibang date talaga ang maibibigay ko kay Lyzza.

Pinaupo ko muna ito at tsaka ko sinabi na "Babe, handa ka na ba?"
Masaya itong sumagot ng "Oo naman babe!"

Kaya't dahan-dahan kong tinanggal ang panyo sa mga mata niya. Kasabay ng pagtanggal ko ay tumugtog ang isang musika na nagbigay himig sa aming gabi.

"Happy monthsary babe. Sana magustuhan mo yung 'tong date natin!" Masaya kong sabi habang nakahawak sa kamay niya.

Namula ang magkabilaang pisngi nito kaya't napangiti ako. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkatuwa at kilig inihanda ko na rin sa kabilang kamay ko ang singsing.

Subalit nagbago ang tugtog na para bang nasa haunted house kami. Namatay ang ilaw at napabitaw sa kamay ko, ang kamay ni Lyzza.

🎶 Twinkle, twinkle, all the night
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are 🎶

Biglang tumugtog ang kantang Twinkle Star, mabagal ngunit ang tono'y nakakakilabot. Kumislap-kislap pa ang ilaw sa gitna at kaharap ko ngayon ay ang babaeng nakapula na hood. Duguan ang mukha nito at dumadaing.

Unang pagbuhay ng ilaw ay ang tinig ni Lyzza ang narinig ko "B-babe t-tulonggggg!" daing nito.

"B-babe? Nasaan ka?" takang sabi ko ngunit namatay muli ang ilaw.

"Hindi ako papayag, Vincent na ibigay mo 'yang singsing sa kanya. Hindi! Akin lang ang singsing na 'to!" Matinis na boses ang narinig ko, isang tinig na mula sa ex-fiance kong si Selena. Galit ang awra nito at puno ng mga dugo ang mga kabuuan.

Lumakas ang ihip ng hangin at nag-ingay ang mga kubyertos at ang ibang gamit dito sa Restaurant. Lumitaw pa ito sa itaas habang humahalaklak.
At ang mga iilang waiters at cashier na kasama namin ay nawalan ng mga malay.

"Tama na, Selena! Itigil mo na 'to! Patawarin mo'ko. Kung 'yan ang nais mo hindi ko na ibibigay. Patawad." Pagmamakaawa ko.

Kasabay 'nun nawala ang itim na usok at ang anyo nito.
Bumukas ang mga ilaw at si Selena ay nawala na nga samantala si Lyzza ay walang malay kaya't dali-dali ko itong ginising. Tiningnan ko na ang kabuuan ngunit maayos naman. Para bang walang nangyari.

"B-babe gising!" saad ko habang tinatapik ang braso nito para magising.

Unti-unti 'tong bumangon ngunit nakaupo pa rin naman. "A-anong nangyari babe? Sorry nakatulog ako. Hindi ko namalayan," sambit nito na para bang walang alam sa nga naganap. Sa labis na pagtataka ko kinapa ko sa bulsa ang pulang box ng singsing ngunit ng kunin ko, box na lamang ang natira.

"Anong nangyari?" tanong ko sa'king sarili.

Ngunit imbes na mag-isip hinayaan ko muna at inasikaso si Lyzza. "A-ahh wala babe! Okay ka lang ba?" takang kong sabi.

"Oo babe. Nakatulog lang ako sorry, nakakahiya naman date natin sabay bigla akong nakatulog. Ang naalala ko kasi 'yong nagcr ka pagkatapos daw ay nakaidlip ako kaagad. Sa pagod yata iyon," pagpapaliwanag nito.

Hindi ako makareact kaagad dahil kakaiba pala ang nasa isip niya at ang alam niyang nangyari. Nakakapagtaka at para talagang walang naganap.

Kaya't minabuti ko na lamang umuwi kami ni Lyzza sa bahay at para makapagpahinga na rin siya.

At naalala ko bigla na kaarawan niya pala ang November 01. Kaya pala siya nagparamdam dahil kinabukasan na rin iyon. Kaya't naisip ko na dalawin siya sa puntod niya at isama si Lyzza. Alam naman ni Lyzza ang past ko.

NOBYEMBRE 01, 2020.

"Babe samahan mo ako ha?" Sambit ko kay Lyzza habang nag-aayos at hawak na ang bulaklak, kandila at yung box na pula. Alam kong wala na itong laman pero ilalagay ko na lamang din.

"Sure babe para makausap ko rin siya kahit nasa puntod na siya." Ngiti nitong sabi kaya't makalipas lang din ng ilang oras at pumunta na nga kami.

Kasalukuyan na kaming nasa puntod ni Selena. Halos 3 taon na pala ang nagdaan.

Kaya't nilagay ko na ang mga bulaklak sa ibabaw nito at nagsindi. Nilagay ko na rin ang pulang box.

Subalit kinuha ni Lyzza at binuksan ito. "Ahhhh! So sweet talaga ng babe ko, don't worry hindi ako nagseselos ha? Tama lang 'to para wala siyang tampo sayo." Masaya't seryoso nitong paglalahad.

Nung una hindi ko naunawaan kaagad at nagulat na lamang ako sa sumunod na nangyari.

Nagkaroon ng laman ang pulang box- naroon ang singsing. Tumaas ang balahibo ko pero nanatili akong tahimik at kalmado.

"Hi Selena, I'm Lyzza girlfriend ni Vincent. Happy birthday pala. Nakakasad naman pero don't worry ako na bahala sa ex mo. Mamahalin ko siya, Ingat ka riyan. Sana rin samahan mo kami," sambit nito.

Napangiti na lang ako at nagwika, "Sana love nandito ka pa. Happy birthday. I miss you. Sorry sa lahat." Bulong ko sa hangin at nanalangin muna kami ni Lyzza bago tuluyang umalis.

At sumakay na kami sa kotse ngunit nakita ko ang isang babae nakatayo roon, kumakaway ito at nakangiti. Imbes na matakot napangiti na lang ako at pinaandar ang kotse.

WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro